SUCCESSFUL ang naging meeting nila with the Adolfo Industries. Ibinigay ni Bern ang pagpapasya sa ama. Gayunpaman, wala siyang reklamo sa proposal ng bagong investor. 'Di nga lang niya nakita ang mukha ng CEO ay may-ari. Naintriga siya sa picture nito. Ngunit, hindi naman iyon mahalaga dahil maganda ang naging resulta ng pag-uusap nila sa PA ni Mr. Adolfo. "Thanks, hija, for your help. Parang mapapaaga ang pagreretiro ko. Magaling ka na kahit wala ka pang proper training at ilang araw ka palang pumapasok sa RDC," may kakaibang ngiting turan ni Bernard. Nakikita niya ang galing ng anak sa paghawak ng negosyo. At talagang nasa dugo ang pagiging isang magaling negosyante sa pamilya nila. Sobra niyang ipinagmamalaki si Bern. "Grabe naman po ang papuri n'yo, dad. Andoon din naman po kayo. So,

