CHAPTER 42 ( GIANNA'S POV ) Dahil siguro sa pagod ko ay nakatulog naman ako ng matagal. Pero umaga pa lang ay halos gumaho na ang aking mundo sa balitang narinig ko mula sa aking kapatid. Ginising ako nito, nagtataka pa ako kung bakit malakas ang bawat katok niya sa labas ng aking pintuan. Naiinis akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. Kulang na kulang pa ang tulog ko. Sisirain na naman ng kapatid ko ang araw ko. “Gianna! Gianna! Open the door, Gianna! Gianna!”paulit- ulit na sigaw niya sa akin sa labas. Binuksan ko iyon na medyo pumipikit- pikit pa. Akala ko ay papagalitan niya na naman ako at mag- aaway na naman kaming dalawa. Pero nagulat ako na umiiyak siya. Patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Hawak niya ang kanyang cellphone. “Bakit, ate? Bakit ka umiiyak?

