CHAPTER 43 ( GIANNA'S POV ) Everything happened so fast. "Nandito lang kami para sa 'yo, girl." naiiyak na sambit ni Kaylee. Hindi na rin sila pumasok nang abalitaan nila kung ano ang nangyari sa akin. Pumunta kaagad silang dalawa ni Chloe dito sa bahay upang kamustahin ako. Hindi ko pa sinabi sa kanila ang nangyari doon sa condo ni Vincent. Parang naging sunod- sunod na ang problema ko at hindi ko alam kung paano ako makakabangon dito. Ang traumang naranasan ko doon sa condo ni Vincent. Hindi pa nag- iisang araw iyon at nasundan na naman ng panibago. Hindi kami nagkikiuan ng kapatid ko, umalis siya kanina. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Kailangan pa naming ayusin ang mga papelis para maiuwi namin dito sa Pilipinas nag bangkay ng mga magulang namin. Hindi ko alam kung saan

