CHAPTER 43 ( GIANNA'S POV ) Nagtakbuhan na pababa sina Kaylee at Chloe. Ako naman ay hindi alam ang gagawin. Hindi ko gustong lumabas ng kwarto ko. Gusto kong manatili na lamang dito at 'wag magpakita kay Vincent. Makikita ko si Vincent kapag lumabas. Fresh pa rin sa utak ko lahat, lahat ng mga nakita at nalaman ko tungkol sa kanya. Hindi talaga sana ako bababa, kung hindi lang ako sinundo nung dalawa at pilit akong pinapababa. Alam ko namang gusto lang nilang maging masaya ako. At ganito sila kung itualk sa akin si Vincent dahil wala pa slang alam. Kung alam siguro ng dalawang ito ay baka tatlo na kaming nagtatago ngayon kay Vincent dahil sa takot namin. "Labas ka na kasi, Gianna! Ito naman, oh! Nasa baba na si sir Vincent at naghihintay sa 'yo." sabi ni Kaylee habang hinihila ako.

