CHAPTER 8
Dahil nga hindi ako sinamahan ng dalawa ay mag- isa lang akong pumunta ng bar. Umuwi na muna ako ng bahay para magbihis. Hindi sumama si Chloe dahil mainit pa ang ulo ng mga magulang niya sa kanya. Si Kaylee naman ay sasama sana kaso birthday pala ng pinsan niya kaya sabi niya kapag maaga silang natapos ay susunod siya sa akin. Sa kanya nalang ako magpapasundo mamaya kapag nalasing na ako.
10 pm na nang makapunta ako sa bar. Bukas ay gabi pa naman ang start ng class ko. Kaya kahit umaga na ako ay pwede lang kasi pwede pa naman akong matulog.
Dahil 10 pm na ako nakarating ay nasa dancefloor na ang halos lahat ng mga tao. Pumunta ako sa counter at nag order ng drinks ko.
“One tequila, please,” umupo ako sa bar stool. Dahil nga backless ang suot kong damit ay mabilis lang akong nilamig. Nakaheels din ako ng mga nasa three inch na heels. Kulay black ang suot kong damit, naglagay din ako ng gold earnings and necklace. Talagang pinaghandaan ko ang gabing ito. Pero kanina pa ako palingon- lingon dito sa loob at hinahanap siya ng mga mata ko ay hindi ko siya makita. Baka mamaya pa? O baka hindi na siya pupunta ngayon? Sayang naman ang effort ko kung hindi siya pupunta ngayon. Nag- ayos pa naman ako ng mabuti tapos hindi lang siya dadating? Aba, hindi yata pwede 'yon.
“Here's your order, ma'am.” ngumiti ako bago tinanggap iyon. Tumalikod na ako at humarap na sa mga taong sumasayaw. I crossed my legs while sipping my drink. Mamaya na ako sasayaw kapag medyo may tama na ako.
Medyo nagkagulo sa loob ng bar at may biglang may nagsabunutan na dalawang mga babae. Hindi ako nagpanic kaagad, kahit ang mga barkada nilang dalawa ay sumali na rin kaya mas nagkagulo pa ang lahat. Ang ibang mga taong sumasayaw sa gitna ng dancefloor kanina ay napunta sa gilid. Narinig ko pa ang iba na nagrereklamo na. Lalaki lang naman pala ang pinag- awayan ng dalawang babae, at mas lumala lang nang sumali ang kanilang mga kaibigan.
Pero hindi ako umalis sa aking pwesto, nanatili pa rin akong nakaupo doon. Sumisipsip lang sa alak na nasa kamay ko. Hindi na ito bago pa sa akin. Sa ibang bar na napupuntahan ko ay mas malala pa nga ang mga nangyayari. May dumating na mga bouncer at inawat na sila. Pinalabas sila ng bar at mabilis na bumalik sa dati. Muli silang nagsayawan na parang walang nangyari. Sa mga taong nasa bar palagi ay sanay na 'to sa mga ganito.
“One more, please.” nilapag ko na ang isang baso na walang laman. Sumandal ako sa bar counter at pinatong ko doon ang aking dalawang siko at nakatingin lang sa mga taong sumasayaw.
Pero ang totoo ay may hinahanap akong tao. Ilang minuto na ako dito pero hindi ko pa rin siya nakikita. Napapatingin na rin ako sa taas. Pero wala naman ng masyadong tao na nandoon.
May lumapit sa aking isang lalaki. Umupo ito sa aking tabi at nag order na rin ng inumin. Hindi ko muna siya nilingon kahit ramdam kong nakatingin na siya sa akin.
“Hi, I am Tobias. What's your name?” Saka ko palang siya nilingon nang magsalita na siya. Oh, gwapo naman ng lalaking ito. Moreno boy, at ang tangos pa ng kanyang ilong! Nilahad nito ang kanyang kamay sa akin. Ang linis ng kanyang kamay.
“I'm Gianna,” tinanggap ko ang kanyang kamay at nakipagshake hands ako sa kanya.
“We are schoolmates, BSBA ka, right?” schoolmates kami? wala pa akong nakikitang gwapo sa school maliban kay Sir. Ilang beses pa lang naman ako nakapasok ng school. Madalas ay gabi pa ang klase ko. Sana nag call center agent nalang ako.
“Yeah, how did you know?” sumimsin ako ng kaunti sa aking baso.
“Some of my friends are your classmates. BSHM ang course ko,” matagal kaming nag- usap. Kung hindi pa siya tinawag ng mga friends niya ay hindi pa siya aalis. Inaya pa nga niya akong sumama nalang sa kanya dahil wala raw akong kasama dito. Pero tumanggi nalang ako sa kanya. Ang sarap niyang kausap, may sense ang lahat ng mga sinasabi niya. Nag- enjoy ako ng sobra sa usapan naming dalawa.
Nang umalis na siya ay umorder ulit ako. Ang order ko ay naging sunod- sunod na. Hanggang sa hindi ko namalayan kung nakailang baso na ako ng alak. Umiikot na ang paningin ko. At hindi na ako makaupo ng maayos.
“Here's your another order, ma'am. Kaya n'yo pa po ba?” namumungay na ang aking mga at tinaas ko ang baso bago siya sinagot.
''Of course, kaya ko!" nilagok ko sa kanyang harapan ang isang basong ng alak. Tuloy- tuloy iyon hanggang maubos ko. Padabog ko iyong nilapag sa counter at mabilis na bumaba ng bar stool. Naglakad na ako papunta sa dancefloor. Giniling ko kaagad ang aking katawan nang nasa gitna na ako. Tinaas ko ang aking isang kamay sa ere habang ang isang kamay ko naman ay nilagay ko sa aking dibdib. Nagsuot ako ng push up bra para mas lalong lumaki pa ang aking dibdib. Pinalandas ko ang aking kamay mula sa aking leeg pababa sa aking dibdib.
"Wooohh! Yes!" may ilang lalaki ng lumapit sa akin. Pero wala akong pakialam doon. I want to dance!
"Hi, Gianna!" bulong sa akin ng isang lalaki. Hindi ko kaaga ito namukhaan dahil sa paiba- iba na kulay ng ilaw. Nakailang segundo pa ang aking pagtitig sa kanyang mukha bago ko siya makilala. Ang lalaking bumulong pala sa akin ay ang lumapit sa akin kanina. Ngumiti ako sa kanya. Gwapo rin ang isang 'to. Mabuti nga at may kakilala na ako. Nasa iisang school lang pala kami. pwede na rin naman siya. Matangkad, gwapo, morena, may kaunting cut ang kanyang kilay, at may hikaw siya sa kanyang isang tainga. Anong course ba nito? Hospitality management yata 'to? 'Yan ba 'yong sinabi niya kanina? Hindi ko na matandaan. Basta schoolmates kaming dalawa.
“Hi, Tobias! Let's dance!” hinawakan ko ang kanyang kamay at tinaas ito sa ere. Dahil mas matangkad siya sa akin ay kailangan niya pang yumuko para makausap ako.
“You are drunk, Gianna.” hindi na ako nagulat nang ilagay nito sa aking bewang ang kanyang isang kamay. May narinig akong naghiyawan, it's probably his friends. Pero hindi ko ito pinansin.
“Let's just dance, Tobias!” sigaw ko sa kanya. Sumabay ako sa beat ng music. Akala ko ay hindi siya marunong sumayaw. But damn, sobrang ganda ng katawan niya. Halos may pitik ang kanyang bawat galaw.
Tumatawa nalang ako dahil kung ano- anong dance move na ang ginagawa naming dalawa. Umiikot na nga ang paningin ko at ilang beses na niya akong sinalo dahil ilang beses na akong muntik matumba.
“Pahinga muna tayo, Gianna.” ilang beses na niya akong inayang umupo na muna kami. Pero kanina pa rin ako tumatanggi. Kaya ngayon ay pinagbigyan ko na siya.
“Okay,” nasa VIP room pala sila ng mga barkada. Pinauna ko na siya sa loob at nagpaalam ako sa kanyang pupunta muna akl ng rest room. Nag offer pa siyang samahan ako pero sabi ko sa kanya ay kaya ko.
Kahit umiikot na ang paningin ko at humahawak na lang ako sa pader habang naglalakad papunta sa rest room ay sa awa ng Diyos ay nakarating naman ako sa loob. Pumasok ako sa isang cubicle at umihi doon. Walang ibang taong nandito kundi ako lang dahil nakabukas ang ibang cubicle. Lumabas na ako para icheck ang sarili ko. Wala nga pala akong dalang bag dito. Iniwan ko pala kanina sa counter. Inayos ko nalang ang aking buhok. Inayos ko rin ang mga make- up na kumalat sa aking mukha dahil sa aking pawis.
Napaigtad ako ng may biglang padabog na nagbukas ng pintuan.
Nakakunot ang aking noo habang nakatingin dito. Nakakagulat naman.
“Bawal ang lalaki dito! Pang babaeng cr 'to!” hindi ko pa makita ang kanyang mukha pero sigurado akong lalaki siya dahil malaki ang kanyang katawan.
Nagulat ako nang pumasok ito sa loob at tuloy- tuloy na naglakad papunta sa akin. Doon ko na nakita kung sino ang lalaking ito.