CHAPTER 7
May pumasok kaagad na ideya sa aking isip. Ngumisi ako bago kinuha ang pabango ko sa aking maliit na sling bag at inispray iyon sa aking katawan. Halos ubusin ko na nga ang iyon.
“Tangina mo, Gianna! May balak ka bang ubusin 'yang pabango mo sa isang lagayan lang? Ang sakit sa ilong talaga!” hindi makapaniwalang sabi ni Kaylee sa akin. Bumalot ang amoy ng aking perfume sa loob ng sasakyan niya. Napatakip si Kaylee sa kanyang ilong. Ang bango- bango kaya nito! Paniguradong maaakit nito si Sir Vincent.
"May balak ka yatang i suffocate ako dito, eh. Ang sakit sa ilong, Gianna! Tangina ka talaga!" nilabas ko ang aking liptint at dinagdagan ang nasa mga labi ko. Parang kulang ang pula nun. Dapat sobrang mapula talaga para maakit siyang halikan ako.
"Kaya naman pala halos ubusin mo na 'yong pabango mo, nasa labas naman pala si sir, lagyan mo pa ng kaunting blush ang pisngi mo, girl. Kulang pa sa pula 'yan," kumindat ako sa kanya bago naunang lumabas. Hindi pa ako nito napansin nung una dahil sa daan lang ito nakatingin. Madilim na rin kasi sa parting ito kaya hindi masyadong kita ang mga tao. Mas binilisan ko pa ang aking paglalakad para magkasalubong kaming dalawa. Malaki naman na si Kaylee, alam na niya kung ano ang kailangan niyang gawin sa mga ganitong sitwasyon ng buhay ko. Kailangan kong unahin ang pagpapapansin sa crush ko.
"Good evening, sir." salubong ko sa kanya. Nanlalaki ang kanyang mga mata at mukhang gulat na gulat sa biglaang pagsulpot ko. Hinawa ko ang aing buhok at nilagay ito sa gilid ng aking tainga. Malandi akong ngumiti sa kanya. Kitang- kita ng mga mata ko ang kanyang pagbaba ng tingin sa aking dibdib, bakit ba kasi nag double lining ako na damit ngayon. Sana pala 'yong sinuot ko ay 'yong kita ang boobs ko. Para naman medyo maakit ko siya. Akala ko kasi bukas pa kami magkikita nito. Parang nakatadhana na yata kami nito.
"May klase po pala kayo ng ganitong oras, sir?'' napalunok ito bago sumagot sa akin. Lihim akong ngumiti doon. Mukhang naaakit na ang isang 'to sa akin. Mas lalo akong na motivate na ipagpatuloy ang aking ginagawa sa kanya.
"Yes, from section B,'' himala at sumagot na ito sa akin.
"Uuwi na kayo, sir?" sunod na tanong ko sa kanya.
"Yes," s**t! Ang hirap naman nitong kausapin! Ang ikli ng mga sagot, hindi mo madudugtungan! Wala na tuloy akong ibang masabi sa kanya. Tanungin ko kaya ang pangalan niya? Hindi ko pa rin ito ala hanggang ngayon. Tama! 'Yon na lang ang gagawin ko!
"Ano po pala ang pangalan n'yo, sir? Hindi ko kasi ito narinig nung pumasok ako,"
"Because you are late. I am—” hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin nang may babeng biglang sumigaw.
“Vincent!” sabay kaming napalingon nang may tumawag sa kanya. Teacher din yata ito dito dahil nakasuot ng uniform na pang teacher. Bakit itong professor namin sa accounting ay hindi nagsusuot ng uniform niya?
“Good evening po, ma'am.” ngumiti ito at tumango sa akin. Ang ganda niya! Ang bata niyang tingnan, parang magkaedad lang silang dalawa. Ang iski masyadong ng suot niyang palda, ha? Tsaka pwede ba 'yang halos lumawa na 'yong dibdib niya? Wala sa sarili akong napatingin sa aking dibdib. Malaki naman 'yong akin, pero mas malaki talaga ang kanya!
“Good evening, dear. Student mo, Vincent?” tumabi ito ng tayo kay sir. So, Vincent pala ang pangalan niya? But I want his full name! Hindi ako kuntento sa ganyan!
At mukhang mauunahan pa ako ng teacher na 'to, ah? Mukhang ito ang magiging kaagaw ko kay Sir Vincent.
Papayag ba ako? Syempre hindi ako papayag, 'no! Kahit teacher pa siya ay hindi ako magpapatalo sa kanya kay Sir Vincent.
"Yeah, student ko from section E," naging section ako kasi late na kaming tatlo naka pag- enroll.
"Let's go na, Vncent?" tumingin sa akin si Sir Vincent. Tiningnan ko siya ng masama, pero nang lumingon sa akin ang babaeng guro ay ngumiti ako ng matamis.
"Gianna!" sumulpot si Kaylee sa aking tabi. "Good evening po, teachers!" bati niya sa dalawa.
"Good evening," nakangiting sagot ng babaeng guro. Pero si sir Vincent ay tanging tango lamang ang sinagot sa kanya.
"Mauna na po kami sa inyo, may pasok pa po kami! Bye po! Ingat kayo!" kinaladkad ako ni Kaylee kaya halos matumba na ako. Dapat hindi na muna ako doon umalis, eh! Hindi pwedeng basta- basta ko nalang silang iwan doon. Dapat gumawa ako ng isang pasabog na exit para hindi nila makalimutan. Saan kaya sila pupunta? Nung kami ang gustong sumabay sa kanya ayaw niya kasi may gagawin daw siyang mahalaga. Tapos nakita lang pala namin siya sa loob ng bar.
"Mukhang dapat ka ng maghanap ng bagong crush, Gianna." sabi ni Kaylee habang paakyat na ami ng hagdan. Nandoon na sa loob ng classroom si Cloe at hinihintay na kami. Kanina pa yata 'yon nandoon. Siya palang daw mag- isa kanina nung dumating siya. Kawawa at nakahiram lang yata ng phone sa pinsan nyang nasa ibang department.
"Ay, hini pwede! Walang susuko sa pamilyag ito! Hindi pwedeng maghanap ako ng ibang crush!" umiiling na sabi ko. May elevator naman pero bakit gumamit pa kami ng hagdan. Nakakapagd tuloy, ang sakit sa paa, nasa third floor pa naman palagi ang room namin.
Tanging tawa lang ang sinagot ni Kaylee sa akin. Nakahawak ako sa kanyang braso habang paakyat kami.
Marami ng kasama si Chloe nang makapasok kami sa loob ng classroom. Nandoon siya sa second to the last umupo.
"Hi, Chloe!" bati ko sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Sa tabi ng bintana pa rin ako umupo, nasa gitna namin si Chloe.
"Tangina mo!" kunwari ay nakapahawak ako sa king dibdib nang sabihin niya iyon. Ang gandang bungad naman nun!
"'Wag ka ng sumimangot d'yan, Chloe. Ilang oras na lang makauwi na tayo. Ibabalik din sa'yo 'yong cellphone mo. Hindi ka naman matitiis ng mga iyon. Punta nalang ulit tayo mamaya." natatawang sabi ni Kaylee kaya tiningnan niya ito ng masama.
"Punta tayo mamaya? Wala na talaga kong bahay na mauuwian nito."
"Kulang nalang ipasok ako ng mga magulang ko sa simbahann. Inis na inis na sa akin. Pero nakita ko crush mo kanina, may kasamang magandang teacher." sumimangot ako sa kanyang sinabi. Kailangan talaga sabhin na maganda? Kanina pa pala sila magkasama? Tapos magkasama rin silang umuwi kanna? Ang unfair, mukhang nakakalamang ng kaunti sa kin ang teacher na 'yon.
"Nakita namin kanina, sabi ko nga sa kanya sumuk na siya, eh. Mas malaki ang boobs nung teacher kesa sa kanya. Doon pa lang wala na siyang laban." wala sa saili akong napahawak sa aking boobs. Maliit ba talaga 'to? Malaki naman 'to, ah? Kahit maliit 'to mapapaligaya ko dto si Sir Vincent, 'no!
"Hoy, kahit maliit 'to mapapaligaya ko dito si Sir, 'no! Kahit medyo maliit ito ay may ibubuga naman 'to. Tsaka wala sa laki o liit 'yan nasa performance mo 'yan." malakas na tumawa ang dalawa sa aking sinabi. Halos lahat ng mga kaklase namin na nandoon na ay napatingin na sa amin.
"Iba ka talaga, Gianna! Tama 'yan! Asahan mo ang suporta namin sa 'yo ni Kaylee. Wala sa laki o liit 'yan, nasa performance 'yan."
"Tama nga 'yan! 'yan ang gagawin nating motto in life. Wala sa laki o liit 'yan nasa performance 'yan! Ey, slayable!"
"Punta tayo mamaya ng bar!" aya ko sa kanila. Nagpanggang ang mga ito na parang wala silang narinig sa aking sinabi.
"Punta tayo, ha? Doon pa rin!" hindi pa in nila ako pinanasin. Pupunta ako doon dahil mukhang palaging nandoon si Sir Vincent. Gusto ko ng matuloy kaagad ang naulot kagabi. Ang sakit niya sa puson sa totoo lang talaga.
"Punta ako doon mamaya, bahala kayo d'yan." nakangusong sabi ko.
'Di bala ng walang kasama. Ibibigay ko ang bataan! Aakitin ko pa si Sir Vincent! Nakakalamang na sa akin ang guro na iyon. Hindi ako makakapayag!
May the best woman win.