"Iiwan mo ako?" Walang emosyong tanong nya ng mapansin ang bihis ko. Napabuntong hininga ako bago tumango sakanya.
"Pwede bang dumito ka nalang? Magleave ka muna sa trabaho. Ayos naman na ang braso ko at malakas-lakas na ako pwede na akong bumalik sa dating trabaho ko. Ano nga palang trabaho ko?" Napakamot ako sa ulo sa tanong nya.
Kumibot ang sentido ko. "Doctor ka Duce, at sa kalagayan mo ngayon hindi mo pa kaya."
"Please don't leave me," pakiusap nya.
Ngayon naranasan nyang makiusap. Anong feeling Duce? Ganyan na ganyan rin ako dati.
"Nagstay kaba nung nakiusap ako? Hindi diba?" Inis na tanong ko.
"Ano bang problema mo sakin ha? Sabihin mo kasi para alam ko ang kasalanan ko. Hindi yung puro ka parinig sakin nagmumukha na akong tanga at siraulo rito!"
"Papasok na ako. Sana ako nalang ang nakalimot at hindi ikaw, para wala na 'tong sakit na matagal ng nagpapahiram sakin." Hindi ko na hinintay ang sagot nya.
Wala ako sa mood ng dumating ako sa trabaho. Wala rin akong binati kahit sino dahil sa inis at galit na nararamdaman ko ngayon. Sana magdalawang buwan na para makauwi na ang parents nya, at sana lang talaga makaalala na sya.
"Usap-usapan ka ngayon ah." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Raquel.
"Break na ba tayo? Hindi pa naman ah?" Nagdaramdam na segunda ni Martin.
"May kayo ba? Oh, boy wawa ka naman wag kanang umasa. Bumalik na ang asawa nya hahahahaha." Sinamaan ko ng tingin si Raquel sa biro nya.
"Pwede bang iwan nyo na muna ako para kahit sa trabaho lang makapagfocus ako? Pwede ba? Ha?" Kibit balikat lang ang dalawa bago nagbulungan at umalis.
"Baka nabitin hahahaha." Nagtatawang wika ni Janelle sa kasama nyang si Kakay ng mapadaan sila sa pwesto ko.
"Bakit naman ako mabibitin! Wala namang kami at walang namamagitan samin!" Sigaw ko na ikinagulat ng lahat.
Maging ako ay nagulat sa sarili ko. Ano bang problema ko? Ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon.
"Pasensya sya na ha." Hingi ko ng tawad bago asiwang ngumiti.
"Magtapat ka ngang gaga ka." Singit na naman ni Raquel na mas kinagulo ng isip ko.
Kaylan ba ako matatahimik?!
"I think kaylangan ko muna ng vacation leave." Wala sa sariling sabi ko bago dinampot ang bag at direderetsong umalis palabas ng company ni Martin.
Dumaan muna ako sa mall para mamili ng gamit ni Duce, at para dagdagan narin ang grocery namin. Good for two weeks.
"Ano kayang paborito nya?" Bulong na tanong ko sa sarili bago tumingin sa meat section. Dumampot ako ng Dalawang kilo ng baboy at manok. Hindi ko alam ang paborito nya, tsk. Wala naman akong alam tungkol sakanya. Ang alam ko lang hindi nya ako gusto.
After ko mamili ng lahat ng kaylangan ay umuwi na ako.
"I'm home."
"Thank you!" Masayang wika nito bago ako yinakap ng mahigpit. Nagulat ako at agad syang naitulak. Ano bang ginagawa nya? Bakit may payakap portion pa?
Miss na miss lang ako? Isang oras palang ako nawala.
"Sorry Ami." Wika nito bago sumeryoso ulit. "Magluto kana gutom na ako eh." Sabi pa nito bago bumalik sa pagkakaupo sa sofa at tinuloy ang panunuod.
"Ang weird mong bwiset ka," bulong ko. "Dadalaw nga pala rito sila Martin at Raquel ayos lang naman siguro diba? Bahay ko rin naman 'to." Pasaring ko.
"Ayos lang, pero sino si Martin?" Walang emosyong tanong nya.
Anong sasabihin ko? Sino nga ba?
Parang gusto ko gumanti ah.
"Boyfriend ko." Matapang na sagot ko na ikinasama ng mukha nya.
"Asawa mo ako kaya anong karapatan mong magboyfriend?!" Galit na tanong nya.
Napangisi ako. "Ako nga asawa mo rin pero mas pinili mo kabit mo eh. Patas-patas lang Duce. Hindi palaging sayo ang pabor."
"F*ck! Ami wag naman ganito! Ang sakit ng puso ko! Bakit ganito? Pakiramdam ko ang gago ko? Na wala akong kwentang asawa sayo. Wala nga ba akong kwenta? Ano ba kasi yung nakalimutan ko?!"
"Alalahanin mo nalang Duce. Wala rin akong ganang balikan lahat e, tapos na kasi yon." Sagot ko.
Napasigaw ako at napatakbo palapit sakanya ng malakas nyang iuntog ang sarili nya sa pader. "No! Duce ano ba! Tama na!"
"Ang gago ko! Bakot ba kasi hindi ko ma-alala?! Bwiset!" Sigaw nya habang inuuntog ang sarili.
Umiiyak ako na yinakap sya. "Tama na please, please naman. Kahit ngayon lang makinig ka kay Ami."
"Ami," basag ang boses nya. "Ami pasensya na. Para kasing mas mapapatawad mo ako kapag pinatay ko nalang ang sarili ko. Pakiramdam ko ako ang nagpaparusa sayo eh." Hindi ako nakakibo sa sinabi nya.
"Kaylangan mo lang muna na makarecover at maka-alala. Ito nalang ang maitutulong ko, bago natin pirmahan ang annulment paper."
Tahimik kaming kumain ng tanghalian. Wala syang kibo at kahit tumingin sakin hindi nya ginagawa.
"Sya ba?" Mataray na tanong ni Joyce habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.
"Kayo pala," mapait akong ngumiti. "Nalinis ko na yung kwarto." Naiiyak na sambit ko habang hindi makatingin sa mata ni Duce.
"Ami," tawag nya sa pangalan ko.
Tawag palang nya sa pangalan ko sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Wag na wag mong sasabihin 'to kila Mom and Dad, at sa parents mo. Naiintindihan mo ba? Iiwan kita tandaan mo yan." Banta pa nya na kinatakot ko.
Natatakot ako na iwan nya. Hindi ko yata kayang mawala si Duce sakin.
"Ohhhhh..."
"Ahhhhhh.."
"Faster baby! Faster! Ahhhhh! F*ck me hard and more, and more please baby."
"I love you Joyce."
Rinig na rinig ko sila. Pati ang pagsasabi nya ng magic words na inaasam-asam kung sambitin nya habang nakatitig sakin at ako ang kasama nya sa kama.
"Ang lalim ng iniisip mo." Bumalik ako sa sarili ng may tumapik sa braso ko. "Aakyat na ako, baka makaistorbo pa ako sainyo." Matamlay na paalam nito bago umakyat sa hagdanan.
Nagawi ang tingin ko kay Martin at Raquel na ngayoy nasa sofa na nagkwekwentohan. Hindi man lang napansing andyan na pala sila.
"Kanina pa kayo?" Tanong ko sakanila ng makalapit ako.
"Oo, at kanina ka parin tulala dyan sa hapag kainan. Nabwiset na yata sya kasi ako raw ang iniisip mo." Biro ni Martin na inirapan ko lang.
"Anong dala nyo?" Tanong ko ulit ng magawi sa dala nila ang mata ko.
"Alak hahahaha. Magsasaya tayo dahil may jowa na 'tong kaybigan mo. At magluluksa at the same time dahil hindi mo ako gusto." Tinitigan ko ng masama si Martin.
"Pwedeng hinaan mo yang bibig mo? Sinabi ko kay Duce na boyfriend kita, pero kunwari lang. Asang-asa ka naman." Natatawang saad ko bago sya inakbayan. "Pagbigyan mo na ako sige na." Sabi ko pa sabay kindat sakanya.
Napailing na lamang si Martin bago nag iwas tingin. "Pasalamat ka malakas ka sakin Araian." Nagdaramdam na sabi pa nito kaya binatukan ko sya.
"Yabang mo parang ikaw hindi ah!" Natatawang wika ko bago tumingin kay Raquel na tumatawa rin.
"Hindi naman talaga. Nasaan ba ako dyan? May lugar ba ako? Para kasing sakanya palang punong-puno na." Dagdag pa nya habang nakaturo sa dibdib ko.
"Bakit ang drama mo? Malapit na ako mapikong punyemas ka." Naiinis na sabi ko.
Bigla namang 'tong tumawa ng malakas. "Ang sarap mo talagang asarin hahahaha."
Masarap naman talaga ako hahaha. Tumawa lang rin ako, at ayon nagtawanan kaming tatlo na parang wala ng bukas pa.
"Iinom ka?" Tanong ni Duce ng masalubong ko sya sa kusina. Kukuha sana ako ng yelo sa ref.
"Bakit hindi ba pwede?" Mataray na tanong ko.
"Wala akong sinabi nag tanong lang ako." Walang emosyong sagot nito.
"Ah, okay."
"Alagaan mo sarili mo wag masyadong maglalasing, bad for your healt." Paalala nito bago ako iniwan at umakyat na naman sya sa hagdanan papuntang kwarto.
Hindi ako kinilig.
Hindi ako kikiligin.
Bakit ako kikiligin may kami ba? Matagal na kaming tapos, as in wala na talaga.
Okay sige, aamin na ako. Kinilig ako pero slight lang. Halos hindi ko nga naramdaman ng matagal eh. Mga seconds lang siguro. Matagal narin kasing wala pag-aalala akong narinig mula sakanya, liban kay Martin na laging nandyan.
"Ako unang tatagay ha." Napatingin sila sakin bago inabot ni Raquel ang tagay ko.
Hindi pa ako nakontento dahil dinamihan ko pa ito.
"Ano bang nagawa ko sayo bakit ganito mo ako itrato?" Umiiyak na tanong ko habang nakaluhod sa harapan nya at nakayakap sa tuhod nya.
"Ilang beses mo bang kaylangang marinig na hindi kita mahal. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo Arian. Wag kang magmamakaawa sa pag-ibig na kaylan man hindi ko kayang ibigay sayo." Walang emosyong sabi nya habang nakaiwas ang tingin sakin.
Bakit hindi nya ako matignan sa mata? Sabihin nya sakin ng nakatitig sa mata ko ng matagal.
"Tama na yan para ka namang uhaw sa alak nyan Sis." Saway ni Raquel kaya bumalik ako sa sarili ko mula sa malalim na pag-iisip habang lumalagok ng alak.
Alak na kaya sigurong makapag bigay ng kalimot kahit ngayon lang.
Gusto ko malimot lahat-lahat pati ang sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon. Sakit na nagdudulot ng pagkawala ng kulay sa buhay ko. Nakalimutan ko na nga yata yung ngumiti sa tuwing maaalala ko sya.
Nakalimutan ko ng sumaya kapag naiisip ko ang ginawa nya. Parang ayaw ko ng magpatuloy mabuhay ng iwan nya ako. Ilang beses na nga ba akong nagtangkang wakasan ang buhay ko dahil lang sakanya?
"Isang lingon mo lang parang awa mo na, magpapatuloy akong magpakatanga hanggang sa mahalin mo rin ako." Umiiyak na bulong ko habang pinagmamasdan syang naglalakad palabas ng bahay.
Pero alam ko na wala ng pag-asa kaya hindi ko na pinagpatuloy pa ang paghihintay. Patakbo akong umakyat sa hagdanan at magtungo sa kwarto para mag impake.
"Dapat nagsasaya tayo rito para ka namang tanga nyan." Si Raquel na pinagmamasdan lang ako.
"Sinong namatay at iyak ka ng iyak dyan?" Natatawang tanong ni Martin sabay agaw ng basong lamang alak sakin.
"Akin yan!" Maktol ko bago tumayo at aagawin sakanya ito ng matumbal ako at bumagsak sakanya.
"Lasing kana." Seryosong sabi nito.
"Oo nga, medyo lang." Iniling ko ang ulo ko at inayos ang sarili. Namumula na nga yata ako dahil sa pagkalasing. Umiikot narin ang paligid.
"Ang daya naman oh! Hindi pa nga ako tinatamaan eh." Angal naman ni Raquel habang inaalalayan ako paakyat sa kwarto.
Ihiniga nya ako sa kama at kinumutan. "Uuwi na kami ha. Hindi porket lasing ka may permission ka nang gumawa ng wild na bagay ha." Bilin pa nito na hindi ko nalang pinansin.
Nakaramdam ako na nasusuka ako kaya bigla akong bumangon at tumakbo sa banyo kahit na pagewang-gewang ang lakad ko.
"Alak pa."
"Ano bang pake mo? Sino kaba?" Naiinis na tanong ko ng makayaring sumuka.
Para akong lantang gulay kaya halos hindi na ako makatayo. "Pwedeng patulong?"
Walang kibo syang inalalayan ako papuntang kama. Akala ko ihihiga na nya ako dahil hilong-hilo na talaga ako, pero inilapit nya ang katawan ko sa katawan nya pati narin ang labi nya sa labi ko.
Nakapikit man ako ay ramdam ko ang pagtitig nya sakin. "Ano bang nagawa ko sayo? Bakit nawala ang pagmamahal mo sakin?" Tanong pa nya na ikinangisi ko.
"Ang totoo nyan ay ikaw naman talaga ang walang pagmamahal sakin," bulong ko.
Naramdaman ko ang malambot nyang labi sa leeg ko. "Anong ginagawa mo Duce?" Pinilit ko syang ilayo sakin at pahintuin sa ginagawa nya pero sobrang hinang-hina ako.
"Let me do this please? I want to make love." Anas nya kaya napamulat ang mata ko.
Make love? Tama ba ang rinig ko?
"Make love raw hahahaha. Patawa ka rin ay noh? Gusto mo lang ng parausan Duce, wala pa kasi yung totoong may-ari ng madamot mong puso." Sinuntok ko sya sa dibdib.
"Ohhhhh!" Ungol ko ng buhatin nya ako paharap sakanya at magsimulang lantakan ang leeg ko at sipsipin.
Gusto mang lumaban ng katawan ko, pero ang puso ko na ang nagpasya na huwag na at magpasakop nalang kahit na alam kung bukas ay pagsisihan ko ang lahat ng mangyayari.
Hahayaan ko ang sarili ko na makatikim ng pansamantalang ligaya. Kahit ngayong gabi lang, sa piling nya.
A.D.