Chapter 1

2065 Words
My heart was beating so fast, as in sopas. Pinipigilan ko ang sarili kung humiyaw o mahimatay, pero parang gusto ko ng tumakbo papasok sa bahay bata ni Mom, sa sobrang hiya. Lalo na nang magawi ang tingin samin ng magulang nya at ng magulang ko. Liban kay Kuya na parang sumama ang itsura ng makitang hawak kamay kaming pumasok ni Duce. Sino ba namang 'di magugulat samantalang pinatawag lang naman sakin hindi sinabing landiin. "Let her go." Walang emosyong utos ni Kuya habang tuloy lang sa paghiwa ng steak nya. Ako na ang agad na bumitiw para hindi na lumaki ang tension. "Protective Kuya kasi I'm sorry." Agad na depensa ni Mommy. "I have a gun here iho," dagdag na biro pa ni Daddy. Kumibot ang sentido ko kasi pakiramdam ko napipikon na si Duce ayaw lang nya maging bastos. Hindi naman nya sinasadyang hawakan kamay ko eh. Hindi nga ba? "Ayos lang dahil talaga naman kasing napakaganda ng anak ninyong si Arian, marahil ay na bighani ang anak ko." Sabat ng papa ni Duce. Naupo na ako katabi ni Kuya. Gusto ko sana sa tabi ni Duce pero ayaw ko na magalit na naman ang KJ kung Kuya. Nasa tamang edad naman ako at sabi nya okay lang yon pero bakit ngayon ang sungit nya? Ayaw ba nya kay Duce? Kilala naman na nila ang family ni Duce kaya siguro nama'y walang magiging problema. Ang problema ko lang naman ay kung liligawan ba ako at gugustohin rin nya. Mukhang malabo dahil may girlfriend na yata sya. Usap-usapan sa school na sila na daw ni Joyce Montemayor. Sino bang hindi magkakagusto sakanya? Ang ganda na tapos magaling pa maglaro ng volleyball, samantalang ako. Tambay lang maghapon sa library at puro pag-aaral lang ang inaatupag. Boring akong kasama para sa mga lalaki. Hindi ako mahilig sa sosyalan, party at sports. Snake and ladder nga lang talo na ako volleyball pa kaya? "So," napatingin ako kay Daddy. "Ayos na ba yung naging usapan natin?" Sumeryoso silang lahat sa tanong ni Dad liban samin ni Ate Luna na wala man lang kaalam-alam sa pinag-usapan nila. "I'm sorry pero hindi pa namin nasasabi sakanya." Ang mama ni Duce na si Tita Sunny ang sumagot. "Dad," saway ni Kuya bago tumitig sakin. "What? Anong masama sa tanong ko? Malalaman rin naman nila kaya bakit pa natin itata--" Pabagsak na linapag ni Mommy ang hawak nyang tinidor. "Shut up," madiing wika nito. "Ayaw kung magdusa ang anak ko sa lalaking hindi naman nya gusto." Naiinis na sabi ni Mom kaya mas naguluhan ako. Magdusa sa lalaking hindi gusto? "Ano po bang problema?" Takang tanong ko bago sila tinignan isa-isa. "Napagkasunduan namin nila Mr. And Mrs. Marques na ipakasal kayo ni Duce after nyo sa college, para makasigurado kami pareho sa matibay na samahan ng kompanya namin." Paliwanag ni Dad. Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala na totoo ang lahat ng sinabi nya. Ikakasal ako kay Duce? Sobrang saya ko pero hindi ko ito pinahalata. "A-ayos lang n-naman po sakin," mahinahong sagot ko. Nagkangitian ang Mom and Dad ni Duce at ganun din ang sakin. "Hindi kita gusto," deretsong sabi ni Duce bago ito tumayo sa pagkakaupo nya. "Alam mong may girlfriend na ako at mahal ko sya." Pagdidiin pa nya sa harap ko kaya napayuko na lamang ako. "Siraulo kaba? Wala kang karapatang ganyanin sa harapan namin ang kapatid ko! Anong gusto mo malugi kompanya nyo hanggang sa pati kayo manghirap? Kaya naming gawin yon kaya pag-iisipan mo sasabihin mo sa kapatid ko." Pagbabanta ni Kuya. Kita ko ang takot sa mukha ng magulang ni Duce. "Maupo ka at humingi ka ng tawad," utos ng ama nito. "Pasensya na po sa nasabi ko," bawi ni Duce bago mapait na ngumiti sakin. Ilang sandali nalang ay mapapatak na ang luha ko kaya naman nagpaalam ako na magbabanyo. Masaya ako, pero malungkot rin. Hindi nya ako gusto. Okay lang ba? Okay lang ba na kahit ngayon lang maging makasarili ako? Ilang minuto rin ako sa cr bago lumabas. Nadatnan ko ang mga katulong na nagliligpit na, si Ate Luna naman ay hinihimas sa likod si Kuya. Marahil ay galit parin ito sa naging desisyon ko. "Kuya," tawag ko rito pero hindi nya ako liningon. "Mahal ko sya." Naluluhang sabi ko bago yumakap sakanya. Naramdaman ko ang paghagod ni Kuya sa likod ko. "Sige, hindi na ako hahadlang pa. Mahal mo sya, sapat ng dahilan yon pero oras na saktan ka nya. Wala akong pake kung mahal mo sya o hindi dahil sisirain ko ang buhay nya naiintindihan mo?" Napatango na lamang ako rito. "Ayos lang kaya sya?" "Ganyan naman lagi yan. Umiiyak kahit tulog, baka may napapaginipan lang na masama." "Bakit hindi mo pa gisingin?!" Agad akong bumalik sa sarili ng makarinig ng malakas na sigaw galing kay Martin. Nasa office ako kaya sobra akong nahiya ng madatnan nila akong natutulog sa oras ng trabaho. "Ayos kalang?" Nag-aalalang tanong ni Raquel bago ako inabutan ng isang basong tubig. "Parang stress na stress kana yata? Masyado kabang pinapahirapan ng team mo?" Tanong ni Martin na mabilis ko namang kinailing. Boss ko si Martin sa trabaho, pero oras na wala na kami sa office ay kaybigan na namin sya ni Raquel. Sabi nya okay lang na tropa parin kahit nasa work kami, pero para sakin pagtrabaho-trabaho. "Pasensya na po Mr. Villiegas." Agad na hingi ko ng paumanhin bago inayos ang sambulat na paper works sa mesa ko at isinakbit sa balikat ko ang bag ko. "Magpapa alam na sana ako kasi may mga aasikasuhin pa ako sa hospital." Walang emosyong saad ko. "Are you sure ayos kalang? Hatid na kita." Alok pa ni Martin. "Hindi na. Sabay nalang kayo ni Raquel na umuwi at magdinner, next time nalang ako ha. Sorry talaga babawi ako." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila dahil mabilis na akong lumakad palabas ng company. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung paano sasabihin kila Kuya na si Duce ay nasa poder ko ngayon. Paano ko ipapaliwanag na may Amnesia ang lalaking nag abandona sakin noon? Haysst, paniguradong sasabog sa galit si kuya at Papa nito kapag nalaman nila. Simula kasi ng iwan ako ni Duce ay nawala narin ang magandang samahan ng pamilya namin sa pamilya nila. Pinutol na 'to nila Papa at Kuya. Kaya nga medyo naguilty ako na nalulugi na sila Duce dahil lang sa personal na naging problema namin. "Wala kabang gamit?" Tanong ko ng mapansing suot parin nya ang damit na binili ko kahapon para pagbihisan nya. "Paano ko maalala e, may mild amnesia nga ako diba?" Mataray na balik tanong nya. "Pasensya naman tao lang 'di uso magkamali? Perpekto ka?" Napairap lang 'to sa hangin bago pa mas naunang lumabas sakin. Ang kapal talaga ng mukha! Ang sarap balian ng buto! Gigil ako! Wala akong kibo habang nagmamaneho. Wala rin naman akong ganang kausapin ang mayabang at bwiset na ex-husband ko. Oo, ex ko nalang sya. Matagal na kaming tapos. "Babaero kasi," bulong ko. Tatampalin ko sana bibig ko pero mas mahahalata ako. Bakit ko ba kasi nabanggit pa eh? "Sino?" "Ahhh, wala. Babaero yung lamok hahahahahahaha. Paano ba naman kanina pa ako kinakagat sa leeg tapos lilipat sa ibang leeg para mangagat ulit." Palusot ko. "Paano mo nalamang lalaki sya? Sinilip mo ba kung may itlog o ari?" Walang emosyong tanong nito na ikinamula ng mukha ko sa kahihiyan. Bakit ba kasi kaylangang itanong lahat?! "Kamukha mo kasi ang sarap tirisin at tapak-tapakan." Inis na sagot ko. "Judgemental ka pala Ami? Bakit ba kasi ikaw pa ang na alala ko?" Sinamaan ko sya ng tingin sabay tapak sa preno kaya nautog sya sa harapan. "Bakit ba kasi ikaw ang nakilala ko?!" Galit na tanong ko. Bakit ikaw pa ang minahal ko?! Nawalan sya ng imik at gulat na napatingin sakin. "Bakit parang galit ka? Parang gigil na gigil ka?" Tanong pa nya na mas kinabanas ko. "Bwiset ka kasing tangna ka!" Padabog akong nahiga sa kama at tinakpan ng unan ang mukha ko bago malakas na sumigaw. Bwiset talaga sya! Nakakainis! Kayang-kaya parin nya akong mapikon sa simpleng salita nya. Kalma kalang Arian. Don't mind him, his nothing. Inayos ko lang ang sarili ko at nagshower bago bumaba sa kusina para magluto. Parang nanibago ako sa bahay namin ngayon. Simula kasi ng mawala sya hindi na ako nagsubok na dumalaw pa ulit rito. Nagpapalinis lang ako sa hardenero at sa kasambahay namin nila Mama, pero hindi ako kasama sila lang. Ang dami kasing negative na nangyari sakin dito kasama sya. Haysst, stress na stress ako that time. Kinuha ko sa mesa ang pinamili kung groceries. Hinugasan ko ang manok at hiniwa para pang-adobo. "Gusto ko ng maligo." Hindi ko sya pinansin. "Pwede bang paliguan mo ako?" Tumalsik ang isang hita ng manok na hinuhugasan ko sa naging tanong nya. Sobrang kapal na ba talaga ng mukha nya kaya pati pagligo inasa sakin?! Sakto may kutsilyo akong hawak pwede ko na sya saksakin pag hindi ako nakapagpigil. Alam ko namang hindi nya kayang maligo dahil sa kalagayan nya ngayon. Maybenda pa kasi sya sa kanang kamay tapos medyo mahina pa ang katawan nya. "Magluluto muna ako." Walang emosyong wika ko bago pinagpatuloy ang ginagawa. "Galit kaba Ami? Mag-asawa naman raw tayo kaya ayos lang naman siguro diba?" Tanong pa nito. "Tumahimik kana baka 'di ako makapagtimpi," bulong ko. Minadali ko na ang pagluluto para samahan maligo ang punyetang lalaki na 'to. Kanina pa sya angal ng angal sakin. Gusto ko sana syang itaboy at ibigay sa babae nya para yon ang magpaligo sakanya, pero sakin kasi sya binilin ng parents nya. "Hubad na," utos ko. Napayuko ako dahil sa pamumula ng mukha ko ng itaas nya ang kamay nya. Tinulungan ko syang mag alis ng saplot hanggang sa nakaboxer nalang ang hudas. Malakas akong napahalakhak ng mapansin ang tatak ng boxer nya. Imbis na branded at mamahalin ay Angry birds ang tatak nito. Naalala ko na ako pala namili nyan hahahahahahaha. Nice one! "Anong nakakatawa? Gawa mo 'to diba? Masaya kabang pinapahiya ako?" Galit na tanong nya kaya natigilan ako. "Ikaw, masaya bang saktan ako? Masaya bang gawin akong tanga?" Iiyak na sana ako ng sya na ang maghubad ng boxer nya. "Punyeta naman Duce!" Inis na sigaw ko. Parang wala lang sakanya at binuksan pa ang shower. "Ang laki," bulong ko. Nakita ko ang pag ngisi nya kaya lumikot ang mata ko. "Ang laki mong tao pagligo lang asa ka pa!" Palusot ko. Nakakahiya grabe. First time ko makita ang sakanya, never naman kasi kaming nagsiping ni Duce. Para kasing nandidiri sya sakin eh. Mas masarap yata ang kabit. "Para kang virgin. Nahihiya kapa nakita mo naman na 'to diba? I'm sure enjoy na enjoy ka." Mayabang na sabi pa nya. Isang malakas na sampal ang iginawad ko sakanya. "Ang kapal kapal mo talagang hinayupak ka." Madiing wika ko. Umigting ako panga nya at nanlilisik ang matang tumitig sakin. Pinatay nya ang shower at mabilis akong sinandal sa pader gamit ang kaliwang kamay nya. "Sinusubukan mo ba ako?" Hindi ako agad na nakasagot dahil sa sobrang lapit ng labi nya sa labi ko. "Kaya ko parin gawin ang gusto ko kahit na ganito ako." Dagdag pa nya na mas nakapagpakaba sakin. Kumawala na ang luhang naudlot kanina. Mariin akong napapikit. Ganito naman sya diba? Lahat ng gusto ginagawa. Walang pake sa nararamdam ko. Walang pake kahit nakakasakit na. Wala ka paring pinagbago Duce. Sya parin yung Duce na mapanakit. Naramdaman ko ang malambot nyang labi na dumampi sa labi ko. "Bakit ba nasasaktan ako pagnakikita kang lumuluha Ami? Why?" Paos ang boses nya. "Lumabas ka." Malamig naman ngayon ang boses nya. Agad akong sumunod sa utos nya at dali-daling lumabas. Dinama ng kamay ko ang dibdib ko na sobrang kumakabog. Napailing na lamang ako dahil sa nangyari. Luha ba yung nakita ko na pumatak mula sa mata nya? Hindi ako makapaniwala na ang isang matigas na Duce Marques iiyak? Para saan naman? May na aalala na ba sya? A.D.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD