Hindi na niya napigilan pang umiyak at nagulat man ay agad siyang niyakap nito at inalo. "Hey, hey, ano ka ba? Hindi ko naman sinabing ngayon na agad-agad. Ssh, baby, don't cry." alo nito sa kaniya kasabay ng marahang paghaplos sa likuran niya. "Baka isipin nila na ayaw mo ang party mo sige ka." dagdag na pagbibiro nito. Sa narinig na sinabi nito ay lumakas na ang loob niya. Humiwalay siya sa yakapan nila at mabilis ang t***k ng pusong kinuha ang isang kamay nito. Nakikita niya ang pagtataka sa mukha ng nobyo pero nang ilagay na niya ang kamay nito sa impis pa niyang tiyan ay unti-unting napalitan ng gulat ang mukha nito. "Y-You're pregnant?!" malakas na sigaw nito at nakuha ang atensyon ng lahat na ngayon ay nanunuod sa kanila. Tumango siya at masaya siya nitong niyakap at inikot-ikot.

