GABI NG SABADO at naiwan siyang nag-iisa sa bahay nila. Umalis kasi ang Mama niya kasama ang mga kapatid para bisitahin ang Tita niyang na-ospital. Nakadaan na kasi siya rito kahapon pagkagaling sa trabaho kaya naman nagpaiwan na lamang siya para magbantay ng bahay. Sinulyapan niya ang cell phone na muling umilaw at ang pangalan ni Jamil ang rumehistro roon. Muli ay hindi niya pinansin ang tawag nito. Sa mga nagdaang mga araw matapos ang insidenteng iyon sa harap ng Hotel nito ay ilang beses na ba niya itong iniwasan sa tuwing lalapitan siya nito sa trabaho o kaya naman ay tawagan siya? Kumpara noong hindi nito pagsipot sa kaniya sa date nila ay mas malalim at mas mabigat ang nagawa nito. Hindi siya nito pinaniwalaan, sinigawan at labis siyang nasaktan at hindi niya ito mapapatawad sa si

