Binigyan siya nito ng inosenteng tingin at ngiti. "I wanted to see your room," inilibot nito ang tingin sa kabuuan ng maliit niyang kwarto. "It smells like you." nakangisi nitong sabi at nakuha na niya ang sagot sa tanong kanina. "Manyak." sabi niya dito at kinuha ang bimpo bago ito piniga. "Umupo ka at sumandal." utos niya dito na ginawa naman nito. "Ilan ang nainom mo?" tanong niya dito habang inumpisahang punasan ang katawan nito at tuluyang hinubad ang polo nitong basa na ng pawis. Hindi napigilang maalala ni Maxine ang unang beses na nangyari ito noon sa elevator. Noon, wala siyang karapatang hawakan man lamang ito, ngayon, ni sa hinagap ay hindi niya naisip na malaya niyang mahahawakan ang lalaking noon ay pinapantasya at tinitignan lamang mula sa malayo. Malayang tinitignan at nah

