Isang linggo matapos ang nangyari sa pagitan nila ay hindi maitatatwang may nagbago sa pagitan nila. Mas lalo silang naging malambing sa isa't-isa. Mas lalong baging malapit. Hindi na rin sila halos naghihiwalay pa dahil naging hatid-sundo siya ng binata. Naipakilala na rin niya ito sa kaniyang Ina na masaya para sa kaniya at kita niyang pabor ito kay Jamil para sa kaniya. Naririyan pa rin ang pangamba niya lalo na sa panaginip niya ngunit mas pinipili niyang iwaksi ito sa kaniyang isipan at yakapin ang kasalukuyan. Idagdag pa ang pagiging balisa niya dahil sa pangambang mabuntis siya dahil wala silang ginamit na proteksiyon ni Jamil sa kanilang unang pagniniig. Siya na rin ulit ang nakatoka sa paglilinis ng penthouse at sa tuwina ay kinakalabit siya ni Jamil at sa tuwina naman ay pinag

