"Isn't it beautiful?" panunuya nito sa kaniya. Ngumiti siya dito. "Maganda. Bagay sa'yo. Congrats nga pala sa engagement. Sana maging masaya kayong dalawa." may pait niyang pagbati. Tinaasan lang siya nito ng kilay bago namaywang. "What? Did you finally realize na masiyadong mataas ang pinapangarap mo?" "May gagawin pa ho ako kaya mawalang galang na." hindi na niya ito hinintay pang sumagot at agad na dinaanan ito. Pakiramdam ni Maxine ay napakahaba ng shift niya ng araw ba iyon kaya naman nang matapos ito ay labis-labis ang pasasalamat niya sa panginoon. Pagkalabas ng Hotel ay tumambad sa kaniyang paningin ang isang apa ng ice cream. Nang tignan niya ang may hawak nito ay napangiti siya. "Drew." kilalang-kilala talaga siya ng kababata. Malungkot itong ngumiti sa kaniya at iniabot a

