"Good morning at welcome po sa The Lola's Kitchen! Ano po ang order nila?" magiliw niyang tanong sa dalawang nakatatandang mag-asawa. Nakikita ni Maxine ang pagmamahal sa dalawa kahit na maputi na ang mga buhok ng mga ito at kulubot na ang balat. Parang sa kanta lang. Tunay ngang may tinatawag na 'forever', ngunit pili lamang ito at talaga namang kapag nakita mo na ang 'The one' mo, ika nga. "Sandali lang, Ine. Bakit naman kasi ganire itong menu ninyo at ang liit ng mga letra." sabi ni Lolo na hinampas naman ni Lola sa braso at hindi niya napigilang mapangiti. "Malalaki na nga iyan, damuho ka. Naku, akin na nga iyan at ako na lang ang o-order." Naiiling na wika ni Lola at kinuha nito ang menu sa asawa at inilapit sa mukha. Hindi mapigilang mapangiti ni Maxine sa nasasaksihan. Hindi ri

