SAMANTHA POV.
"Ano ito Samantha?" Dinig ko din ang galit na boses ni ate. Kasama din pala siya ni kuya Ethan si ate.
Walang imikan sina Haden at kuya Ethan dahil sa naglalaban ang mga mata nilang dalawa.
Bigla na lang sumugod si kuya Ethan nang pumasok siya rito sa loob. Binigyan niya ng malakas na suntok ni kuya si Haden. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang dahil doon ay pumutok ang labi ni Haden. Dumugo ang labi niya. Nataranta akong bumaba ng kama upang awatin silang dalawa habang hawak ko ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Natulala din si ate sa ginawa ni kuya Ethan. Nag-alala ako at baka kung mapaano ang baby nila kuya Ethan at ni ate. Ako pa ang magsanhi ng dahilan nito kung may mangyari man sa kan'ya. Maselan pa naman magbuntis si ate at hindi dapat siya pwedeng mastress.
"Kuya tama na!" awat ko pagkalapit ko kay Haden dahil susugurin niya na naman ito ng suntok. Tumigil siya nang pumagitna ako. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niya na ganito ang ayos ko. Ang alam nila ay may nangyari sa aming dalawa. Paninindigan ko na ito kung ito lang ang magiging solusyon upang kalimutan niya na ang mga sinabi ko.
Umiling si ate habang umiiyak ito. "Anong ginawa mo Samantha? Jusko naman Samantha. Bakit mo nagawa ito kina mom at dad? Kahit anong gawin sayong pagbabantay ay nagawa mo pa rin ito. May nangyari ba sa inyong dalawa ha? Dapat malaman ito nila mom at dad."
Aalis na sana si ate nang pigilan siya ni Ethan. "Huwag mo munang sabihin kina tito at tita ito Frenzene. Magbihis ka na Samantha. Uuwe na tayo. And you!" Sabi niya kay Haden nang marahas niyang titigan ito. "Don't f*cking go near Samantha ever again!" Madiing sambit nito.
"Ethan, bakit? Wala man lang gagawin si Haden para mapanagutan niya ang ginawa niya kay Samantha?" Sabi ni ate.
Nagkatinginan kami ni Haden. Napahawak ako sa braso niya na kinaigting ng panga ni kuya Ethan.
"Wala kang sasabihin Frenzene. Kausapin muna natin si Samantha kung may nangyari nga sa kanila. At ikaw, umalis ka na kung ayaw mong makalabas pa ng buhay." Pananakot ni kuya.
"Haden, sasama ako sayo." Sabi ko upang makaalis na rin ako rito. Tanging buga lang ang kan'yang tinugon na alam kong hindi papayag si kuya Ethan sa gagawin ko
"Samantha, nahihibang ka na ba ha?" Inis na sabi ni ate.
"Hindi ate. Hindi ako nahihibang. Totoo ang mga sinasabi ko," giit ko sa kanila.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Napahawak ako sa parteng iyon at alam kong namula iyon. Hiyang-hiya ako sa ginawa ni ate sa akin at hindi ko alam kung anong dahilan niya para ako'y saktan niya. Bawal na ba akong magkalovelife kung gayun graduate na ko? Wala na ba akong sariling desisyon para sa sarili ko?
"Ate," mahinang sambit ko. Nag-umpisa nang mangilid ang mga luha sa aking mga mata. Kung alam mo lang ate kung gaano ko kamahal si kuya Ethan, pero ginagawa ko lang ito para lang kalimutan siya. Ano ba ang mali sa ginagawa ko? Gusto ko lang kalimutan si kuya kaya ko ito ginagawa pero mali pa rin itong ginagawa ko.
Napayuko na lang ako ng aking ulo at hindi na inabala pang tignan si kuya. Mas lalong nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko silang dalawa na masaya. Lalo pa't malapit na silang ikasal na dalawa. Halos magpuyos sa galit ang dibdib ko. Napakuyom ako ng aking kamao.
"Mali ba itong ginawa ko? Sabihin mo sa akin kung ano ang mali dito?"
"Samantha, sumasagot ka na sa akin ha," medyo napatigas na ang boses ni ate dahil sa pagrarason ko. Akmang susugod sana si ate nang pigilan siya ni kuya Ethan.
"Enough Frenzene," pagpapatigil ni kuya Ethan kay ate. Halos magalit na si ate kay kuya dahil sa marahas na titig nito. "Ako na ang bahala rito. Makakasama ito sa pinagbubuntis mo. Sa baby natin. Mabuti pa at puntahan mo sina tito at tita. And don't tell them kung ano ang nakita mo rito. Ako na ang bahala rito," saad ni kuya at doon ako nainis sa sinabi niya.
Bago pa umalis si ate ay tinapunan na muna niya ko ng marahas na tingin saka ito tuluyang umalis.
Nang titigan ako ni kuya ay saka ko lang siya inis na tinapunan ng tingin at ibinaling ang paningin kay Haden. Napatingin si Haden sa akin.
"Sasama ako sayo," biglang sabi ko sa kan'ya at ewan ko ba kung totoong drama na itong pinagsasabi ko sa kan'ya.
"Samantha, what are you talking about?" Sabat ni kuya Ethan. "And you, get out of here!" Maawtoridad na utos ni kuya Ethan kay Haden.
"Kuya! Pwede bang huwag kang mangialam!" Madiing bigkas ko.
"Samantha, aalis na muna ako. Kailangan niyo munang mag-usap ng masinsinan. Ikaw na ang gumawa ng paraan para ipaliwanag ito," sabi ni Haden. Tuluyan na nga siyang umalis at naiwan kaming dalawa ni kuya Ethan dito.
"Magbihis ka na," utos niya sa akin.
"Paano ako magbibihis kung narito ka sa loob. Pwede ba kuya, lumabas ka na muna." Sabay hawak ko sa pinto. Nasa may bungad lang ng pinto si kuya Ethan ngunit wala ata siyang balak na umalis rito dahil ang tagal niyang hindi kumikilos.
"Kuya, ano pang hinihintay mo? Valentines? Matagal pa 'yon." Pagbibiro ko ngunit sa loob loob ko ay naiinis talaga ako sa kan'ya. Yung gusto ko siyang iwasan ngunit heto siya't dikit ng dikit pa rin sa akin.
"Okay, hihintayin kita." Sabi niya. Lumipas pa ang ilang mga minuto bago pa siya nakapagdesisyon. Lumabas din siya ng aking silid at sa wakas ay makakabalik na rin ako sa kama upang ituloy ang naudlot kong pagtulog.
Nilock kong mabuti ang pinto upang makasigurong hindi makakapasok si kuya Ethan.
"Awtss... Ang sakit ng tiyan ko Samantha," mangiyak ngiyak na sabi ni Ana habang namimilipit siya ng sakit sa tiyan. Kalalabas lang niya ng banyo at halata pa ang namumuong mga pawis sa kan'yang noo.
Napanguso na lang ako rito habang nagbibihis ng aking damit na susuotin. Si Ana naman ay baluktot na humiga sa kama.
"Ano ba ang nangyari at biglang sumakit yung tiyan mo? Katakawan mo kasi sa alak eh. Saan ka ba natulog kagabi at ngayong umaga ka lang dumating?"
Tinabihan ko siya rito sa kama. Nakita kong namimilipit sa sakit si Ana.
"Asan na ba si Haden ha Samantha?" Tanong nito sa akin.
"Umalis na..." Naiinis kong sagot. "Kung alam mo lang kung ano ang nangyari kanina naku, yung Haden mo nasuntok ni kuya Ethan," sabi ko at bigla siyang napabangon agad sa kama na parang hindi na masakit ang tiyan nito.
"Anong nangyari kay Haden? Ano? Sabihin mo Samantha." Parang tumaas pa ang boses ni Ana na hindi ko alam kung bakit. Nairita agad ako sa sinabi niya
"Teka nga Ana, ano ba ang nangyayari sayo ha at nagkakagan'yan ka?" Kuryos kong tanong sa kan'ya.
Sumimangot siya. "Si Haden lang ang paraan ko para mapansin ako ni Josh eh," sabay nguso nito na halos umawang ng konti ang aking ibabang labi. Gusto kong matawa sa sinabi niya. Pero gaya niya ay nalulungkot din ako dahil sa nangyayari sa amin. Yung lalaking natitipuhan namin ni Ana ay may iba ng pinagkakaabalahan. Hindi ko alam na magkakagusto din pala si Ana kay Josh.
"Ana, huwag na natin ipilit ang mga sarili natin sa mga taong ayaw sa atin. Kaya heto lang ang maipapayo ko sayo. Magmove on na lang tayong dalawa. Kung ayaw sa atin, huwag na natin pilitin ang sarili natin sa kanila okay. Hayaan na natin sila saka ang sarap kaya maging single. Magagawa pa natin ang nais nating gawin. Walang makakapigil sa ating dalawa. Magiging malaya tayo sa mundo ng pag-ibig," sabi ko.
"Shunga ka! Hindi papayag si kuya Ethan sa gagawin mo. Isa siyang malaking balakid sa buhay mo. Kung tutuusin nga, yang ginagawa niya sayo, wala ka bang napapansin o nahahalata man lang. Nagiging possessive na siya sayo. Tapos sasabihin niyang isang kapatid lang turing niya sayo. Naku! Kung ako sayo, iwasan mo na yan bago pa malaman ng ate mo yang lihim na ginagawa sayo ni kuya Ethan. Kung ayaw mong magkagulo ang pamilya mo. Much better na iwasan mo na siya or gawin mong bf si Haden para layuan ka ni kuya Ethan," suhestiyon ni Ana.
"Ginawa ko na yan kanina Ana," sabay simangot ko. "Kahit anong palusot ko. Nariyan si kuya Ethan na siyang humaharang sa akin. Sinabi ko na ngang may nangyari sa amin ni Haden."
"Ano?!" Halos manlaki ang mga mata ni Ana. "May nangyari ba rito kanina habang nasa loob ako ng banyo?" Halos hindi makapaniwala si Ana sa sinabi ko.
"Oo naman, aktong nahuli nila kaming dalawa rito. At ang alam nila, may nangyari sa aming dalawa," paliwanag ko at biglang natawa si Ana na kinataka ko. Kumunot ang noo ko.
"Sakto, bakit hindi ka na lang magpabuntis," suhestiyon niya na kinaawang ng aking ibabang labi dahil sa gulat ko.