SAMANTHA POV.
"Siraulo ka talaga Ana!" Singhal ko. Akala ko pa naman kung ano ang pinagtatawanan niya. "Sinong tanga naman ang magpapabuntis kung wala nga kong jowa."
"Sira! Siyempre nga diba. Kaya nga magpapabuntis ka at kahit sinong lalaki na diyan," turan nito.
"AYOKONG MAGPABUNTIS Ana!" Naiinis na sabi ko rito at inis na tinapunan siya ng tingin.
"Aba! Joke lang naman iyon. Suhestiyon ko lang naman iyon baka sakaling gusto mong gawin."
"Umalis ka na muna rito at matutulog ako," pagtataboy ko sa kan'ya.
Nahiga akong muli sa kama upang ituloy ang naudlot na tulog ko kanina ngunit bigla akong binato ni Ana ng unan.
"Ano ba?!" Sabay bangon ko. Ngumuso siya at napatingin ako sa bandang pinto. Naroon na si kuya Ethan at nakatayo sa may pinto habang nakasandig ang likod nito doon. Natulala na lang ako rito dahil nagtataka ako kung paano siya nakapasok rito sa loob ng silid. Eh ang pagkakaalam ko kanin ay nakalock iyon.
Nang maalala ko na lang na aalis na pala kami ngayon. Hindi ko tuloy naisipan agad na ngayon na pala kami aalis.
Inirapan ko si kuya Ethan sabay baba ko ng kama. "Pwede ba kuya, doon mo na lang kami hintayin ni Ana sa labas," naiinis kong sabi sa kan'ya.
"Okay, nasaan na ang mga gamit niyo at ako na ang magdadala sa sasakyan," sabi nito.
"Naroon kuya, nakasilid na." Turo ko sa may tabi ng cabinet na agad naman niyang nakita. Kinuha niya ito at binitbit.
"Sumunod na kayo Ana at huwag kayong magpapatagal rito. Bibilangan ko kayong dalawa kung hindi pa kayo sumunod."
"Ano?!" Sigaw ni Ana.
"Why? Is there something wrong?" Tanong ni kuya kay Ana.
"Meron, hindi pa kasi kami tapos ni Samantha na magpopo eh. Ang sakit ng aming tiyan," reklamo ni Ana.
"Is that true Samantha?" Tanong ni kuya sa akin. Hindi naman kasi masakit ang tiyan ko eh. Pahamak talaga 'tong Ana na 'to. Napatingin ako kay Ana dahil ayaw pa talaga naming umuweng dalawa.
"Oo kuya, masakit ang aming tiyan kaya dito na muna kami," pagsisinungaling ko.
"Okay, take your time. I hope na nagsasabi kayo ng totoo. Karma is real," sabi bi kuya at laglag ang aming panga ni Ana.
Umalis din si kuya Ethan nang masabi niya iyon kaya naman sinabunutan ko si Ana sa kan'yang buhok ngunit gumanti din siya kaya naman ang ending ay gulo-ulo ang aming mga buhok.
"Bwesit ka talaga Ana. Ayaw kong makarma eh."
"Sorry na Samantha. Ang akala ko ay hindi maiisip ni kuya Ethan iyon eh. Grabe siya, hindi siya madaling lokohin kaya kawawa ka talaga Samantha kay kuya Ethan," sabi ni Ana at tila ngayon ko lang naramdaman na may concern sa akin si Ana.
"Tara na nga, baka magkatotoo pa ang sinabi ni kuya Ethan," pag-aya ko kay Ana.
"Sige, ang hirap pa kayang magpopo dahil ang sakit at mahapdi sa tumbong," nakangusong sabi ni Ana.
"Napakahilig mo kasi sa sili kaya gan'yan. Tara na nga, ayaw kong maranasan yang nararanasan mo ngayon. Kainis na talaga si kuya," gigil na sabi ko.
Palabas na kami ni Ana ng villa dahil napagdesisyonan naming dalawa na sumunod na lang kay kuya Ethan dahil ang totoo ay ayaw kong makarma. Totoo pa naman iyon at 100% na totoo ang karma.
**********
Lumipas ang mga araw ay natapos din ang pagbabakasyon namin sa resort. Nakatanggap din kami ng messages mula kay Haden dahil siya ang magrerekomenda sa amin sa papasukan naming trabaho. May sariling hospital sila na malayo mula sa tinitirahan namin at sa Baguio kami mag-uumpisang magtatrabaho ni Ana.
"Mukhang masaya ka yata Samantha," puna ni mommy nang mapatingin ako sa kan'ya. Kasalukuyang tinatahak namin ang lugar patungo sa aming bahay. Narito pa lang kami sa highway at may kalahating oras pa bago marating ang aming bahay.
"Yes tita, dahil may trabaho na kami agad," natutuwang sambit nito. Inirapan ko si Ana. Imbes na sikreto lang ito pero dahil sa kadaldalan ni Ana ay baka ayaw akong payagan nila mommy at daddy na magtrabaho. Doon ako mas nag-aalala dahil si Haden ang magpapasok ng trabaho sa aming dalawa ni Ana. Baka hindi matuloy ang aming binabalak.
"Ana," mahinang sambit ko rito dahil kami lang ang narito saka ko siya pinandilatan ng mga mata ko. Narito kami ni Ana sa backseat at si mom ay nasa gawing harapan na katabi niya si dad ang nagdadrive.
"Okay lang 'yan. Ako ang bahala," mahinang sabi niya.
Napasinghap na lang ako rito sa kinauupuan ko. Hinahayaan ko na lang si Ana dahil siya talaga minsan ang nagpapatakbo ng natutulog kong utak. Ang galing magpalusot. Hindi ko ba alam sa babaeng ito ngunit napakahina naman pagdating kay Josh.
Ilang sandali lang ay narating na namin ang bahay. Narito na din sina ate at kuya Ethan. Pagkababa namin sa sasakyan ay agad na tinawag ako ni mommy.
"Yes mom?" Tanong ko. Parang may isang bagay siyang kinukuha sa may maliit na compartment.
"Pakibigay mo ito sa ate mo. Nalimutan ko tuloy na iabot ito sa kan'ya dahil nagmamadali kasi silang umalis ng kuya Ethan mo."
"Sige mom, ako na ho ang magbibigay nito kay ate," sabi ko.
Pagkaalis ko ay agad na pumasok ako sa loob ng gate upang abutan si Ana ngunit nauna na itong pumasok rito sa loob ng bagay at dumiretso na ito sa aking kuwarto. Si Ana sana ang uutusan ko para siya ang mag-aabot nitong maliit na paper bag kay ate dahil pakiramdam ko ay galit pa din siya sa akin.
Ako na lang ang mag-isang nagtungo sa silid ni ate para ibigay ito sa kan'ya subalit wala yatang tao rito dahil sarado ang pinto ng kuwarto niya. Kapag si ate ang nasa loob ay hindi mahilig magsarado ng pinto. Nakaawang lang ito ng konti pero kapag ganitong nakasarado ay wala siya. Ilalapag ko na lang ang paper bag sa kutson at doon ko na lang iiwan.
Pinihit ko ang saraduhan ng pinto at bahgayang inawang ng konti. Sumilip pa ko sa loob ngunit wala talagang tao.
Bahagyang pumasok ako sa loob at agad na tinungo ang kama. Nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas doon si kuya Ethan na bagong ligo ito. Nagtama ang mga mata namin kasabay nang pagkahulog ko ng paper bag na hawak ko at nagulat na lamang ako na parang may narinig akong tila nabasag. Nataranta ako kaya naman pinulot ko agad ito ngunit huli na dahil basag ang maliit na crystal ball music box ni ate.
"What did you do?" Biglang sabi ni kuya Ethan. Nataranta ako lalo nang makita kong nakatapis lang siya ng tuwalya at bakat pa doon ang pagkala**** niya. Lihim akong napalunok ng laway nang bahagyang lumapit siya rito sa gawi ko.
"Anong nangyayari dito?" Biglang sabi ni ate pagkapasok niya rito sa loob ng kuwarto. Galit ang mga mata ni ate na nakatitig sa akin na kinailing ko. "Walang hiya ka! Anong ginagawa mo rito sa silid namin ng kuya Ethan mo ha? Malandi ka!" Sabay sampal niya sa akin.
"Hey Frenzene stop!" Inawat siya agad ni kuya Ethan habang ako naman ay hindi makapagsalita dahil sa gulat ko kay ate. Sapo ko ang kabilang pisngi ko. Hindi ko inaasahan na aktong mahuhuli niya kaming dalawa ngunit wala naman akong ibang pakay kundi ang iabot sa kan'ya ang nabasag kong gamit na para siguro sa anak nilang dalawa.
"Huwag kang mangialam Ethan. Please," suway ni ate kay kuya.
Nakayulko lamang ang aking ulo habang nag-aargumento naman ang dalawa.
"Ate," singit ko. "Wala akong ibang intensiyon kay kuya Ethan. Inutusan lang ako ni mom na iabot sayo ito." Nag-umpisa nang mangilid ang mga luha ko sa aking mga mata dahil sa sakit na aking nadarama. "I'm sorry ate, nabasag ko yata ang laman niyan," hinging tawad ko.
"Ano? Anong ginawa mo?" Sabay hablot niya sa hawak kong maliit na paper bag. Halos magpuyos siya ng galit nang makita niya ang laman nito.
"Ate, hindi ko sinasadya na mahulog 'yan. Sorry ate," pero galit pa din siya nang makita ko ito kahit humingi ako ng tawad.
"No, hindi ako naniniwala. Nahulog mo ito dahil natataranta ka nang makita mo ang kuya Ethan mo. Huwag ka ng magkaila Samantha dahil hanggang ngayon, mahal mo pa rin si Ethan. Samantha, itigil mo na ito okay. Ikakasal na kaming dalawa ng kuya mo. Kaya huwag mo ng ipagsiksikan pa ang sarili mo sa kan'ya. Mahiya ka naman sa akin. Kapatid mo ko Samantha."
Matapang kong hinarap si ate. at tinitigan siya sa mga mata niya at ganun din si kuya Ethan.
"Hayaan mo ate, hindi ko aagawin sayo si kuya Ethan. Hinding-hindi ako magiging sagabal sa pagsasama ninyo. At ito ang tatandaan mo. Bantayan mong mabuti si kuya Ethan at baka makawala pa siya sayo. And by the way, papalitan ko na lang itong nabasag ko." Pekeng ngumiti ako sa kan'ya. "Huwag mong aasahan na dadalo ako sa kasal niyong dalawa ate, kuya. Sinabi ko na ito kina mom at dad. HAPPY WEDDING sa inyong dalawa. Masaya ako para sa inyo," sabi ko. Bigla akong napatakbo at doon na ko lang naibuhos ang masaganang luha sa mga mata ko.
Yung nagtatapang-tapangan ka habang binibigkas ang mga salitang lumalabas sa aking bibig pero ang hirap din pala magkunwaring okay sa harapan nilang dalawa dahil ang totoo. Sobra akong nasasaktan dahil si kuya talaga ang ini-expect kong makakatuluyan ko pero bakit si ate pa.