Chapter 6
"That's all, you all may go back to your room."
Napahilot ako sa aking sentido habang hinintay na mag-si-alisan sa loob ng meeting room ang mga Officers. Umattend halos ang lahat. Maliban lang sa kaibigan kong on-duty sa MDH.
Pinag-usapan at planuhan namin ang tungkol sa gaganapin na JS prom this coming week. Karamihan sa suhestiyon nila ay humiling kami ng mga alcoholic drinks sa Dean. Dahil huling semester na naman namin. Ang iba naman ay gustong ganapin ang JS sa Beach. Iyon kasi ang pinakamagandang pangyayari sa sabado ng gabi namin.
Dito kasi sa lugar na Bataan ay halos namuto dalampasigan. Kung tutuusin ay hindi ko na nga gugustuhin ang mag-tungo pa sa ibang lugar. Para lang makalanghap ng panibagong simoy ng hangin. Dahil dito lang sa Bataan at kuntento na ako.
Napabuga ako ng hininga nang tuluyan ay sumara na ang pinto. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon araw. Sinubukan ko namang mag-focus sa meetings namin. Pero iba ang takbo ng isip ko. Ewan ko ba! Naguguluhan ako na Ewan. Siguro ay dahil sa nangyari kanina?
Sa loob kasi ng ilang oras na pagtitipon namin dito sa meeting room, nagliliwaliw sa kung saan ang isip ko. Sobrang gulo ay parang gugustuhin ko nalang ang tumayo at maglakad palabas. Mabuti nalang at nakakaya kong kontrolin.
Lintik kasi na Bubwit 'yon! Kasalanan niya kung bakit nagkakaganito ako ngayon!
Totoo 'yon. Siya ang dahilan ng pagiging tulala ko. Dahil simula noong umalis ako sa kanilang harapan kanina. Hindi na nawala pa sa isip ko kung paano niyang niyaya ang babaeng iyon sa dinner date nila ng pamilya niya.
Pinagkalat niyang girlfriend niya ako, tapos ibang babae ang yayayain niya? Hibang na talaga siya!
Muli akong napabuntong hininga saka ay tumayo mula sa kinauupuan Kong swiveling chair. Sinimulan ko nang ligpitin ang mga papers na kaninaay ginamit namin sa mga suggestions ng mga officers. Nang matapos ay saka ko kinuha ang bag ko. At naglakad palabas.
"Good afternoon, President." Pagbati sa akin ng lalaking hindi ko nakita noong nakaraan.
Huminto ako sa nag-lalakad at sinalubong ang nakangiti niyang tinginan sa akin. Gumanti naman ako ng ngiti pabalik.
"How are you?" Sinabayan ako nitong maglakad patungo sa aking locker.
"Maraming pinagawa sa MDH. Medyo naging busy din lately dahil sa Family issue." Halata ang pagod at lungkot sa boses niya.
"Mm.." Napatango ako. "Naroon din ako sa MDH nu'ng mga nakaraang araw e. Nasaang Spot ka nakap'westo?"
"E. R. Madalas kasama ko roon ang pinsan mo."
"Oh?" Talagang nagulat ako.
Tumango ito at ngumiti. "She trained Freshmens students well. I am sure that someday she'll gonna be the one of the best Doctor in MDH." Pamumuri niya sa Pinsan ko.
Naglakad kami pababa sa hagdan habang patuloy pa rin sa pag-k-kwentuhan ng kung anong bagay ang nangyari sa mga nakaraang araw namin. Hindi na rin naman bago sa akin ang presensiya niya. Sa katunayan pa nga ay parang nasasanay na akong nakikita at nakakausap siya. Hindi naman kasi siya katulad noong ibang lalaki na estudyante rito sa PUP. Kumbaga ay madaling maging close ang isang 'to.
"Lorde is your estate name?" I asked, curiously.
Natatawang napailing ito saka ay bumaling sa may daan. "Lorenzo Death Akhiyo." Natigil ito sa paglalakad. Dahilan para ay mapatigil din ako.
Kaagad na natigilan ako nang marinig mismo sa kaniya ang pangalang iyon. Parang bigla ay muli na naman nag-sink in sa utak ko ang lalaking sobrang landi. Napalunok ako at napatingin sa kaniya.
Hindi naman porket Akhiyo rin siya ay may posibiladad na magkapamilya sila, hindi ba? Pwedeng mag-ka-apelyido lang or what?
"Hershey." Inabot ko sa kaniya ang aking kamay. Na kaagad niya namang tinugunan.
"You're name sounds delicious, huh?" Napangiwing tanong niya nang magsimula na muli kaming maglakad.
Ako naman tuloy ngayon ang natawa dahil sa sinabi niya. "It came from a chocolate name." Pagkwento ko. "Ang sabi ay pinaglihi raw kasi ako ng magulang ko sa milk-chocolate."
"Oh? Bakit hindi ka naman maitim? I mean is karamihan kasi sa pinaglilihi sa mga prutas o ano pa ay nagiging katulad niyon--'
"Hindi ko rin alam. Baby lang ako no'ng nilabas ako sa sinapupunan niya." Pigil ko sa sasabihin niya.
Lumiko kami sa may kaliwa at saka ay dumiretso na patungo sa girl's locker. Nakasunod pa rin ito sa akin. Ngunit hindi na naman na ako tumanggi pa. Mabuti na rin at kahit papaano ay may makakausap at kasama ako ngayong araw. Si Kuya kasi ay basta nalang akong iniwan matapos ng meeting kanina. May aasikasuhin pa raw siya sa MDH. Samantalang ang magaling kong pinsan ay umuwi sa bahay. Nilalagnat. Kaya ngayon ay sobrang thankful kong nagpakita ang lalaking 'to. May makakachismisan ako bago umuwi sa bahay mamayang hapon.
I-nun-padlock ko ang locker ko bago ito binuksan. Doon ay inilagay ko ang libro, at ang ilan sa mga dala ko kanina. Saka ay muling isinara. Ipinasok ko sa magkabilang bulsa ng coat ang aking kamay. Bago ay bumaling ako sa kay Lorde. Nakasandal ito sa may katabing locker ko. Nakatingin sa akin. Nginitian ko siya at tinaasan ng kilay.
"Saan na ang punta mo ngayon?" Nakangiti, nagagalak kong tanong. Na bahagya pa siyang tinapik sa balikat.
Umalis siya mula sa pagkakasandal, at nag-angat ng tingin sa may itaas. Na animo ay nag-iisip. Ngumiwi ako. Kaagad din itong nag-baba ng tingin. Saka ay nakangiting bumaling sa akin.
"Ikaw?"
Laglag ang balikat na nginiwian ko siya. Akala ko kasi kung ano na ang sasabihin niya. 'Yun pala ay tatanungin lang din ako. Gayunpaman bagkibit-balikat ako. Hindi ko naman kasi talaga alam kung saan ako pwedeng tumambay o pumunta ngayon. Alangan naman kasing umuwi ako sa may bahay kaagad-agad. Kailangan ko pa ng pahinga. Ilang oras na pahinga. Bago ako tuluyang umuwi, at harapin ang mga paperworks ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang maalalang umuwi nga pala ang pinsan ko kanina dahil may lagnat. Kaagad ma nagliwanag ang aking mata. Na nakatingin sa Kay Lorde. Umawang ang labi nitong tinignan ako.
"May lagnat ang pinsan ko. Doon nalang muna ako. Wala kasing magbabantay sa kaniya." Totoo iyon. Ang Mama niya kasi ay isang sekretarya sa opisina ng Mayor Akhiyo. Kaya tuwing gabi lang ito nauwi.
Napatango ito at ipinasok sa magkabilang bulsa ng pants ang kaniyang kamay. Nang nag-angat siya ng tingin sa akin ay bilang may sumilay na ngiti sa mga labi niya. Napaawang naman ang bibig ko. Dahilan para napairap ako bigla. I didn't mean to rolled my eyes on him. Talagang nasanay na ako noon pa man.
"Can I come with you?" Ganoon nalang ang pagkagulat sa aking mga mata nang mahina ang boses na magtanong ito.
"Huh?" Lutang ang isip kong tanong.
Bahagya itong natawa, "What? Didn't you get what I have asked to you?" Patanong niyang sagot.
Napanguso ako at napatango nalang. "Just don't assume that my house is big, okay?"
He nodded his head, and winked his one eye on me. "I will not. "
Tumango ako sa kaniya at nagsimula nang maglakad. Siya naman ay nakapwesto sa aking tabi. Prente lang ang paglalakad. Na batid ko ay talagang sinasabayan ang mabagal kong mga hakbang.
"Do you have a partner for our upcoming prom this week?" Pagbabasag niya sa katahimikan.
Sandaling binalingan ko ito ng tingin at napakibit sa akin balikat. "Kailangan pa ba no'n?" Pagbibiro ko.
"Para sa sayaw, oo."
"I don't dance. Hindi ako sanay na sumasayaw." Ngiwi ko sa kaniya.
"Impossible?"
"Nothing is impossible, Lorde. I may not know on how to dance, at least I am made to teach everyone a good moral lesson." Sa ikalawang pagkakataon ay binalingan ko na naman siya ng tingin.
Natigilan ito sa akmang sasabihin niya. At pilit akong nginitian. Kinindatan ko siya bago kami lumiko palabas sa gate ng PUP. Natigilan kami sa paglalakad nang magsisulputan papasok ang grupo ng mga kalalakihan. Nagkakasiyahan ang mga ito. Na batid ko ay may pinag-uusapan na kung ano. Kaagad na napaawang ang labi ko nang mahinto sila sa mismong tapat namin.
"What is up, Miss Future Doctor President!" Magiliw na pagbati sa akin noong purong mestizo na lalaking nakaakbay sa katabi ni Tayshaun. "Kumusta naman--Lorde?" Gulat ang namutawi sa kaniyang mga mata nang bumaling sa aking katabi.
"Dude." Simpleng pagbati ni Lorde,
"Where did you wanna go with her, ha? Inaagawan mo na naman ba si Tayshaun, ha?" Lumapit ito sa amin. Saka ay pinawengan ant katabi ko.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at naitungo ng bahagya ang aking ulo. Natatawa ako sa paraan nang pakikipag-usap niya. Kasi kung ang mga kaibigan niya ay mga tahimik ngunit pamatay kung magsikilos. Samantalang siya ay akala mo napakadulas palagi ng bibig.
Ilang sandaling katahimikan sa aking paligid. Na akala mo ay mga nagpapatayan na sa kanilang mga tingin. Ganoon nalang ang pagkakaarko ng isang kilay ko. Nang nag-angat ako ng tingin. At sakto iyong tumama sa lalaking sumira sa araw ko. Masama ang titig na ipinupukol niya sa akin, at sa aking katabi. Na animo ay gusto kaming tirisin ng buhay. Kaagad na napaiwas ako ng tingin. Napabuga ako ng hininga saka pilit na ngumiting humarap sa lalaking nakatitig pa rin kay Lorde.
"Ikaw naman! Nagtataksil ka ba sa kaibigan ko?" Mataray niyang baling sa akin. "Hindi mo na ba kayang tiisin pa ang kabarumbaduhan ng ugali niya?" Kumunot ang noo nito.
Awtomatikong nalaglag ang pangang napako ang paningin ko sa kaniya. Ilang boltahe ng kung anong kuryente ang dumapo sa aking katawan. Ilang beses akong napalunok. Nagbabakasakaling maibsan niyon ang matinding kaba sa aking katawan. Ngunit nabigo ako. Hindi ko mawari kung ano. Pero iba ang epekto ng tanong niyang iyon sa akin. Na para bang ay pagkakamali ko ang sumama sa lalaking uto sa aking tabi.
"Bakit hindi ka makasagot sa tanong ng kaibigan namin, My girlfriend?" Nangangasar ang tinig na sabat nu'ng Bubwit. "Hindi ba at mag-d-date pa nga tayo ngayong gabi? Bakit naman sumama ka kay Lorde? Kung nagseselos ka sa med student na niyaya ko sa dinner date with my family, isasama rin kita." Tumawa ito at nakipag-apir pa sa katabi.
Mataray ko siyang binalingan ng tingin, at inirapan. "Ako ba ang tinatanong mo?" Pagtutukoy ko sa aking sarili.
Napaawang ang labi nito, at napatango rin. "May iba pa bang tinutukoy ako?" Taas ang isang kilay niyang tanong.
"Hindi kita boyfriend. As far as I've known, hindi ako kailanman sumang-ayon sa kagustuhan mo. So stop saying that I was your girlfriend. Because it's not, Tayshaun." Sinamaan ko siya ng tingin. "And you?" Bumaling naman ako sa kaibigan niyang nakatayo sa harap namin ni Lorde. "Stop asking me about such an stupidity questions, okay? Hindi lahat ng katanungan niyong magkakaibigan ay sasagutin ko."
By that, naglakad na ako palabas ng School. Deretso akong naglakad patungo sa may waiting shed. At pumara sa papalapit na tricycle. Napatingin pa muna ako sa kanila bago ako tuluyang sumakay sa tricycle.
"Vista po," mahinang ani ko sa driver.
Napabuntong hininga ako at kinuha ang aking gadget mula sa bulsa ng aking coat. At pati ang earphone na palagi kong ginagamit ay inilabas ko rin. Isinalpak ko ito sa aking cellphone para ay kumonek. At ang magkabilang sound system naman ay inilagay ko sa magkabilang tenga ko. I-n-open ko ang cellphone ko, at tinignan ang mga message ng pinsan ko. Halos karamihan ay galing kay Sam.
"Magkano po?" Tanong ko nang makarating na sa tapat ng gate namin.
"25 pesos, hija." Nakangiting aniya
Kumuha ako ng barya sa aking bulsa, at inabot iyon sa driver. Nagpasalamat pa muna ako bago tumalikod, binuksan ko ang gate saka muli iyong isinara nang makapasok na ako.
Sa aming pamilya kasi na nakatira dito ay may mga duplicate ng susi. Dahil kung sakali man na may maunang umuwi ay hindi na maghihintay pa sa may bakuran. Kumbaga ay mabubuksan niya na ang pinto at makakapagpahinga na.
"Kumusta na ang lagay mo? Kumain ka na ba?" Bungad kong tanong nang magtungo ako sa kaniyang silid.
Nakaupo sa kaniyang table chair, at nagtitipa ng kung ano sa kaniyang laptop. Nagkibit-balikat naman ako at dumiretso patungo sa may kama niya. Pabagsak akong naupo bago pasadahan ng tingin ang kabuoan ng kaniyang silid.
Simula nang maisilang ako ay dito na ako tumira sa bahay ni Tita Nilda. Hindi ito kalakihan noon, dahil imbis na maipagparenovate sa bahay, ipinanggastos pa para sa operasyon ko noon sa ibang bansa. Sa sobrang hirap ng buhay ay hindi ko na nga halos maharap ang tiyahin ko noon dahil sa hiya. Dahil isinilang akong may deperensya sa puso. Pero gayunpaman ay nakaahon din kami kahit papaano.
Simula nang magtrabaho sa pamilya Akhiyo si Tita Nilda, doon ay nakaipon na kami para sa pagpapagawa ng tuluyan sa bahay. Ito rin ang dahilan kung bakit kahit mahirap lang kami, masasabi kong hindi naman mahahalata sa aming tirahan.
Hanggang sa isang araw ay dinala ako sa pamilya Akhiyo para maituruan sa pag-aaral ko. Pangalawang beses ay inatake na naman ako ng sakit ko sa puso. Kaya sa pagkakataon iyon ay halos pamilya Akhiyo ang umasikaso sa lahat ng medical needs ko. Ayaw man namin na tumanggap ng tulong sa mga katulad nilang may marangyang pamilya. Ngunit buhay kasi ang naksalalay. Kaya ay malaki ang pasasalamat ko sa kanilang pamilya.
"Uminom na ako ng paunang lunas kanina. Medyo mabuti na rin naman." Aniya nito na humarap pa sa akin.
Sa halip na sagutin ko ito ay napako ang paningin ko sa may gilid ng table niya. Napalunok ako ng makita doon ang litrato naming tatlo. Kinuhaan pa iyon noong nakahiga ako sa may hospital bed habang natutulog.
"Mabuti naman kung ganoon," pag-iwas ko ng tingin sa lamesa niya. "Kailan ka babalik sa MDH?"
"After nalang muna siguro ng JS prom? Ewan ko. Hindi naman kasi ako makakapag-concentrate kapag paunti-unti ay bumabalik ang sakit ng nararamdaman ko." Napabuntong hininga niyang sabi,
"Edi isang linggo ka rito sa bahay lang?" Gulat kong tanong sa kaniya.
Lumabi ito saka ay tumango,"Napapadalas kasi na nakakaramdam ako ng kakaiba sa sentido ko. Madalas sumasakit."
"Alam ba ni Tita?"
"Masiyadong busy si Mama, ayoko namang madagdagan pa ang panggastos sa susunod mong medications."
Hindi ako kaagad nakasagot nang marinig iyon sa kaniya. Pakiramdam ko ay muli na naman nabuhay ang hiya sa aking katawan. She's right. Imbis na para sa lahat ay napupunta lang sa buwanan kong medications sa Laguna. Para sa susunod kong operasiyon ay kina-kailangan naming mag-ipon ng mahigit kumulang milyon pa.
"Pero stop thinking na nagagalit o naiinis ako sa'yo dahil palagi nalang ikaw ang inaasikaso, ha?" Kaagad na napatango ako, "Hindi lang kasi talaga importante ang nararamdaman ko, kumpara sa sakit mo. Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo sa baka sakaling mangyari. Magpagaling ka. Iyon lang."
Ilang beses ko na nga bang iniisip kong gaano ako sobrang nagpapasalamat na sila ang naging pamilya ko. Hindi dahil sa mahirap ang buhay na dinadama ko ngayon. Kung hindi ay mas inuuna pa nila ang nararamdaman ko kaysa sa pansariling karamdaman nilang tatlo. Hindi ko na nga mawari kung isang araw ay isa mismo sa kanila ang mag-donate ng puso sa kung sakali mang wala talaga kaming mahanapan e. Pero gayunpaman ay hindi ko tatanggapin iyon.
"Mag-o-overtime pala si Mama mamaya. Tumawag siya kanina." Aniya. Nang mag-tungo kami sa kusina para mag-luto ng hapunan.
Tinanguan ko ito at saka ako dumiretso sa may refrigerator, at buksan iyon. "Pwede ba tayong pumunta roon? Dalhan lang natin si Tita ng pagkain?" Nakangiting suhesityon ko,
Napangiwi ito at nag-kibit-balikat, "I don't think so? Pero try nating kausapin si 'yung med friend ko? Para makapasok kaagad tayo sa Village nila?" Patanong niyang pinasadahan ako ng tingin. Tila ay may napapansin na kakaiba.
Nangunot ang noo ko, bago kuhain ang mineral water sa may ref. "May access ka pala sa Village nila, ah? Palagi ka roon 'no?" Isinara ko ang refrigerator, at tumungo sa gawi niya.
"Hindi gaano, but he was nice?" Aniya,
Ngumisi ako at nagsalin sa baso ng tubig. Kaagad ko rin iyong ininom. "He, huh?" Ngiwi ko sa kaniya.
"Tsk. Huwag mo akong maganiyan-ganiyan Hershey, hindi ko tipo ang lalaking 'yon."
"Bakit? I'm just asking, okay? Napaghahalataan ka kapag mabilis kang dumipensa, Sam."
"Hindi mabilis ang tawag do'n!" Depensa niya,
Nagkibit-balikat ako, "Malay natin? Pero, ano?"
Inirapan niya ako, "Magtigil ka nga!" Suway niya sa akin.
"Ugh! Come on, Sam!" Napahalakhak ako dahil halata na napipikon ito. "We're just talking, so don't get mad at me. Okay? Baka ay hindi pa ako makakain kapag nagalit ka."
Totoo 'yon. Ang Pinsan ko kasing ito ang nagsisilbing kusinera namin kapag minsan ay hindi nauwi ang Tiya Nilda. Sila halos ni Kuya ang naghahanda ng pagkain namin. Pero madalas ay siya. Ewan ko nga kung bakit pag-d-doctor ang kinuha niyang Kurso. Kung pwede naman ay nag-aral nalang siya bilang isang Chef. Baka ay makilala pa siya sa ibang bansa. Bilang isang mahusay na tagaluto.
"Whatever!"
Nagsimula na ang Pinsan ko sa pagluluto ng hapunan namin. Ako naman ay nakaupo lang sa may Inilagay kong silya malapit sa may lababo. Habang pinanonood ito sa pag-hiwa ng batid ko ay sibuyas. Hindi ko kasi gamay ang kung anong recipe sa mga putahe. Maski nga mga pangalan ng mga iyon ay limot ko na. Umaasa ang ako sa kakaunting laman ng aking memorya sa nakaraan.
"Adobo o sinigang?" Nakangiting tanong niya,
Kaagad na nagliwanag ang aking mata at napalabi ako. "Adobo, please?" Pagpapa-cute ko sa kaniya.
"Alright!" Tinanguan niya ako saka ibinalik sa paghihiwa ang ginagawa.
Tutok ang aking paningin sa kung paano magluto ang pinsan ko. Mabilis akong makaintindi sa isang bagay. Baka nga isang araw ay magulat nalang sila, ako na ang naghahanda ng pagkain namin. Pero siyempre! May tagaluto.
"Pakikuha naman ng mga egg yolks para mas masarap ang luto ko. Naroon sa may refrigerator, Ishi." Focus sa ginagawa ang paningin na utos nito.
Dahil sa wala naman akong ibang magawa, bukod sa panoorin siya sa ginagawa. Sinunod ko ang iniutos niya. Simple lang naman iyon. Dahil kapag tayo ko ay ilang metro lang ang lalakarin para marating ko ang hindi naman kamahalan naming refrigerator.
"Salamat,"
Tumungo ako sa aking kwarto nang makuha at maibigay ko na sa kaniya ang ipinag-utos niya. Dumiretso ako sa aking study table. At kinuha ang mini speaker ko, saka ay muli akong lumabas. Habang nag-lalakad ay ikinokonek ko na ang Bluetooth niyon sa cellphone ko. Bumalik ako sa pwesto ko kanina, at inilapag sa may tiles na mesa ang speaker. Hindi naman magagalit ang Pinsan ko kapag nagpatugtog ako. Nakakagana rin kasi.
"Ang sabi, may concert daw 'yang si Jason Derulo sa New York, ah?" Maya-maya ay nagsalita ang pinsan ko.
Kaagad na dumaloy ang lungkot sa aking mata, nang muli ko na naman iyong maalala. Noong nakaraan kasi habang on duty ako sa MDH. Nakatanggap ako ng message sa aking sss. Ticket fees para sa darating ngang concert ng iniidolo ko. Eh, sa mahal niyon ay hindi ko na muling sinubok na maalala pa. Ngunit itong pinsan ko ay muli na namang pinaalala.
"This October ata? Sinabi kasi sa akin nu'ng Med friend ko." Pagkomento niya,
Kaagad na napangiwi ako, "Kahit hindi mo aminin pinsan, halata ka na." Umiling-iling ako sa kaniya.
"What?" Kunot ang noo niyang tanong.
Hindi kaagad ako sumagot. Pinanliitan ko siya ng mata. Sinusuri ko kung talaga bang wala o meron. Pero sa mga mata niya ay halata kong meron. Kumikinang ito. Kahit sabihin ko pa na may sakit siya, ibang-iba naman ngayon. Parang always siyang blooming na ewan? Basta kahit hindi niya sabihin, alam kong in-love siya. Bahala siya.
"Whatever!" Panggagaya ko sa sinabi niya kanina.
Ilang minuto bago matapos ang pinsan ko sa niluluto niya. Ako naman ay nagsimula nang kumuha ng mga plato, at mga kagamitan namin sa pagkain. Iniayos ko iyong lahat sa may lamesa. Sumunod naman ay kumuha ako ng malamig na tubig, at nagtimpla ng juice.
"Mag-shower ka muna. Parating na rin siguro si Yaki. Hintayin nalang natin siya."
Tumango ako ng matapos nang maihain ang pagkain. Kaagad na tumungo ako sa aking kwarto, saka ay mabilis ang mga hakbang na nagtungo sa banyo. Mabilis lang akong nag-shower, at kaagad na namili ng pantulog na damit. Black silk velvet na terno na pantulog ang napili ko. Nag-suklay muna ako sa aking buhok, saka ay naglagay ng moisturizer sa aking mukha. Matapos niyon ay kinuha ko ang Cellphone ko, at nagpasya ng bumaba.
Doon ay nadatnan ko ang kadarating lang na si Kuya Yaki. Halata ang pagod at puyat sa mukha niya, nang magtama ang aming paningin. Matamis ang ngiting ibinungad ko sa kaniya, at nilapitan ito upang yakapin.
"You look so pale, brother. Nagpapahinga ka pa ba?" Nag-aalala ang tinig kong humiwalay sa kaniya ng yakap.
Sinuyod nito ang sarili ko, bago ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Sumilay ang ngiti sa labi niya, at mabilis ang kamay na dumapo ito sa aking buhok, saka niya ginulo.
"Mabuti naman at nagiging maayos na ang lagay mo ngayon? Halata eh." Aniya nang maglakad kami patungong kusina.
Tumawa ako ng bahagya, "Siyempre naman Kuya!" Kumindat pa ako sa kaniya.
Sumama ang mukha nito nang balingan ako ng tingin. "Dapat lang." Aniya
"Huh?" I asked,
"Dahil kung hindi bumalik sa dati ang lagay mo, I swear! Matanggalan man ako ng scholarship. Alisin man ako bilang bise presidente ng PUP. Hindi man ako makagraduate bilang isang ganap na doktor ngayon taon. Ay malugod kong tatanggapin. Magantihan ko lang ang kumag na iyon sa pag-hampas sa'yo ng balde sa ulo." Mahimigan ang seryos sa tono ng pananalita niya.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at hindi na nakasagot pa sa kaniya. All I can say is I have a supporting and carrying family ever in my life. Bonus na ang kasama namin sina Tita Nilda at Samantha. Dahil Simula noon ay talagang pinupunan na ni Kuya Yaki, ang pangungulila ko sa magulang namin. Kumbaga ay ayaw niyang maramdaman ko ang lungkot, dahil sa pangungulila. Dahil siya na mismo, kasama ang dalawang kamag-anak namin, ginagawa ang lahat para hindi na ako mag-hangad pa ng ibang buhay.
:)