bc

MARRY ME

book_age16+
80
FOLLOW
1K
READ
self-improved
Writing Challenge
Fantastic Life Writing Contest
YA Fiction Writing Contest
bully
campus
illness
Writing Academy
Girlpower Revenge Writing Contest
passionate
like
intro-logo
Blurb

Hershey, the girl who wants to be a Doctor someday. She's a dean lister, Council President, and Independent.

Therefore She met Tayshaun, The bully, handsome, and spoiled brat man.

chap-preview
Free preview
Prologue
Read the disclaimer first to avoid issues! -This story is work of fiction--The one and only. All of the Names, characters Attitude, Places, events, are Fictitious. Unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead. Or actual event is purely COINCIDENTAL. This story may contains a mature content, graphic depictions of violence, sexuality, strong languages, and/or other mature themes. Don't expect to much from my stories here at w*****d because, some of them may not be edited--typo, grammatical errors, the english and tagalog words. Don't please me to the chapters you do not like. For more informations about me, you can visit on my SOCIAL MEDIA ACCOUNTS! Facebook: h***:://Facebook.com/haluenajane Facebook page: h***:://Facebookpage.com/haluenaaa Twitter: h***:://Twitter.com/haluenaaa Instagram: h***:://Instagram.com/haluenaaa Youtube: Haluena Jane *** Prologue "Omg! Ang ganda mo talaga, shi!" Hindi ko malaman kung ano ang sasabihin o irereact ko sa sinabi ng aking kaibigan. Tama nga siya. Pinagmasdan ko ang aking itsura sa salamin dito sa silid kung saan nila ako inayusan. Napakahalagang araw ito para sa akin. "Gosh! I can't breath! Mas umayos na ang itsura mo ngayon!" Ako na ang nahihiya sa ginagawa niyang pamumuri sa akin. Hindi lang kami ang tao sa silid na ito. Narito rin ang nag-ayos sa amin ng kapatid ko. Pinasadahan, inikutan, at kung anu-ano pang nakakahiyang bagay ang ginawa niya sa akin. Talagang namamangha sa ayos ko ngayon. Ilang saglit pa ay lumabas na ito kasama ang nag-aayos sa akin. Ngayon at mag-isa na lang ako. Malungkot na pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Nagbago nga ang ilan sa sarili ko, ngunit nanatali pa rin na walang pinagbago ang pagmamahal ko. Isinuot ko ang kwintas na noon at ibinigay niya sa akin. Sa tinagal-tagal ng panahon hindi manlang ito kumupas. Talagang hindi ko hinayaan na mangyari 'yon. Natigilan ako at kinapa ang aking mukha. Nagsisimula na namang kumibot ang aking labi. Na sa kahit makalipas na ang mahabang panahon, nanatili pa rin ang sakit sa aking puso. Tila ba ay hindi na iyon mawawala sa aking nararamdamam? "Hey? Are you okay?" Dali-dali ay napakuha ako ng tissue at ipinamunas iyon sa aking pisngi na dinaanan ng luha. Napabuntong hininga akong tumayo at hinarap ang aking kapatid na lalaki. Nag-aalalang itsura ang sinalubong nito sa akin. Ganu'n pa man at nginitian ko siya. "What are you doing here? Dapat naroon ka na sa loob, ah?" Nag-kibit-balikat itong naupo sa may couch. "Gusto ko makita ang kapatid kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin." Naiiwas ko sa kaniya ang paningin ko. Ramdam ko ang nag-aalala siya sa maaaring mangyari sa akin, kapag tuluyan nang nakita ko sila. "I know you're not--' "I'll be fine, Kuya." Nginitian ko ito at kinuha ang mga gamit ko. "Don't worry about me, I can handle my problems." "You can talked to me if you can't handled it, huh? Always remember that I am here to cheer you up." "Mm..Okay. I have you." Tumayo na ito at nakangiting inalok sa akin ang kamay niya. "May I?" Natatawang napailing ako bago tumango. Maraming tao na ang nasa simbahan nang dumating kami. Halos ang karamihan at puros nga kamag-anak namin. Na masayang hinihintay ang paglapit naming magkapatid. "I'm sure they're happy to see you." Nakangiting tinanguan ko si kuya. Bagamat may lungkot na bumabagabag sa aking sarili, kinakailangan kong maging masaya sa araw na ito. Hanggang sa makalapit kami ng tuluyan sa kanila. Kani-kaniyang batian, yakapan, at kumustahan. Ito ang hindi mawawala sa aming angkan. Ngunit nagsimula nang dumagundong ang kaba sa aking katawan nang tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na. Isa-isang nagsipasukan sa loob ng simbahan ang mga taong buong pusong sinosupportahan ang pagmamahalan namin. Nanginig ang aking kamay na ikinawit ito sa braso ng aking kapatid. Nang lingunin ko ito ay agad na nagsipagbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Naalarma halos ang ilan sa mga kasama namin sa labas. Agad at dumalo sa akin ang kaibigan. Na siya pa mismo ang nagpasiya na punasan ang ilang kumalat na make-ups sa akin. "Hindi ko kaya," umiiling akong magmamakaawa sa kanila. Gano'n nalang ang pagkahagulgol kong pinapanood ang kamag-anak kong may mga bakas na ng lungkot sa mga mukha. "A-Ayokong...Ayokong palayain s-siya--" "Hershey, listen." Pinaharap ako ni kuya sa kaniya at pinunasan ang ilang luhang nagsilandasan sa aking pinsgi. "It is the time to let someone in your heart go." Nagpaulit-ulit ang pag-iling ko. Sinubukan kong intindihin sila. Alam ko naman na para sa kabutihan ko ang ginagawa nila. Ngunit hindi kaya ng puso ko. Paulit-ulit akong humihiling na palayain na siya. Ngunit paulit-ulit lang akong nabibigo. Hanggang sa magsimula ng tumugtog ang paborito naming awitin. Doon ay pinatatag ko na ang aking sarili na maihakbang ang mga paa papasok. Naroon pa rin sa aking likod ang ilan, inaalalayan ang sakaling pag-ka-bagsak ko. Sa bawat hakbang, muling bumabalik sa aking isipan ang mga ala-ala naming dalawa. Simula noong panahon na halos isumpa ko siya sa kayabangan at katamaran niya. "Pwede bang matuto kang gumalang sa katulad ko?!" "Oh? Bakit ko gagalangin ang tulad mong halos sambahin na ng lahat dahil sa kabaitan?" Napangiting binalikan ko pa ang mga araw na halos magmakaawa akong maging mature ang ugali niya. "Hindi kita magulang para pagsabihan ako sa mga bagay na ayaw ko!" Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit nahulog ako sa kaniya no'ng araw na 'yon. Kahit alam ko naman na sobrang labo na mapansin niya ako. "Bakit ako papayag na makasama niya ang lokong 'yon..kung pwede namang ako na lang?" Bigla ay parang boses niya na ang naririnig ko. Gusto kong ibalik ang mga panahon na magkasama pa kami. 'Yong panahon na hindi ako pumapasok sa paaralan nang Hindi siya sinusuway sa mga laro niyang nakakainis. Ang bawat pambubuyo niya sa akin. Kung paano siya maging protective. At kung paano niya ako pinangakuan ng kasal. Ngunit hindi lahat ng pangako ay maaring matupad. Ang bawat pangako ay may katumbas na hamon para sa mga tao. Hamon na susubukan silang maging matatag para sa susunod pa. Hamon na magtuturong lumaban sa lahat ng pagkakataon. Hamon na magtatakda sa lahat ng taong sinubok nito. At ang lahat ng iyon ay hindi namin napagtagumpayan. Sinubukan naming maging matatag ngunit araw na lang ang bibilangin para sa kaniya. Lumaban din kami hanggang sa tuluyang naubos na ang liwanag para sa amin. At ang araw na ito ay nakatakda na sa aming dalawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
293.8K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.5K
bc

Taming The Naughty Billionaire (Filipino)

read
544.5K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

A night with Mr. CEO

read
177.8K
bc

THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR

read
751.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook