Chapter 1
Maaga akong gumising para sa huling semester ko bilang college student at council president. Ginawa ko muna ang limang minutong routine ko bago tumungo sa banyo upang maligo. Halos tumagal ng mahigit trenta minutos din ang pagbababad ko sa tubig? Tinapis ko ang puting tuwalya sa aking katawan at sa aking buhok.
Kumuha ako ng aking susuotin. Long white sleeve blouse, mini black skirt, and high white socks. Mayroon rin akong coat na sinusuot, dahilan para mas makilala ako ng ilan bilang isang presidente ng school namin.
Medicine ang kursong kinuha ko. Ewan ko ba, masiyadong malapit ang puso ko sa pagtulong sa kapwa. Hindi naman kami mayaman, tanging si Kuya at ang tiyahin ko lang ang timutulong sa pag-tustos ng pang-aral ko. Kaya nga pinag-iigi ko ang makapagtapos. Mahalaga ang bawat Segundo para sa akin. Na kapag may nakaligtaan lang ako maski saglit ay para na akong ewan na dadamdamin iyon. Ganoon kahalaga ang oras sa akin.
Saglit na tinignan ko ang aking sarili sa salamin sa aking kwarto. Hindi ito kalakihan na katulad ng sa iba, ngunit literal na kayamanan ko ito. Matapos ay kinuha ko na ang mga gamit ko at bumaba na.
Doon ay naabutan ko ang tiyahin, kapatid, at pinsan kong nag-aalmusal na. Inilapag ko muna sa may sala ang mga gamit bago ako tumungo sa lugar nila. Bumati pa muna ako kay tiya bago naupo.
"Nakakagalak na magtatapos ka na, hija.." Nakangiti ng pinagsasandukan ako nito ng kanin. Maski nga inumin ay siya ang naghanda para sa amin. Ganoon siya kabuting kapamilya. "Tiyak akong matutuwa ang magulang niyo kapag nakita nilang nakapag-tapos na kayong magkapatid." Matapos ay naupo na ito at nag-sandok din ng sa kaniya.
Napangiwi ako at pilit na nginitian si Tiya. "Hindi na nila makikita pa 'yon, tiya," tila may kung anong lungkot na naman ang bumabagabag sa akin.
Agad at iwinaksi ko iyon at nagsimula ng kumain. Sa aming mag-anak, kapag nasa hapag kainan, hindi talaga kami nag-uusap sa mga bagay na hindi related sa kung anong nangyari sa buong araw namin. Like, dapat walang negative thoughts. Ayaw kasi ni tiya na maging malungkot ang bahay at kaming lahat.
Kasama ko ang kapatid at pinsan ko nang pumasok kami sa School. Minsan pa nga ay may kumakaway sa gawi naming babae. Tiyak kong si kuya ang kinakawayan nila. No wonder, may itsura nga naman.
Agad na nakasalubong ko ang kaibigan kong si Faye, na halata na ang pagkainis sa kaniyang mukha. Hindi ko naman akalaing malelate pala ako sa usapan namin, 'di ba?
"Talagang magdodoctor ka niyan?" Bagkrus ang mga brasong pumipilantik pa ang mga paa, nang sarkrastiko niya akong tanungin.
Nginitian ko ito at ipinasok sa magkabilang bulsa ng coat ang aking kamay. "Ano na namang kinalaman ng pagdodoctor ko sa pagiging late ko?" Naguguluhan, hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya.
Ngumiwi ito at inirapan ako, "Ay, 'teh? Papunta ka pa lang--patay na ang pasiyente sa'yo!"
"Oh? Anong connect nu'n?"
Siya lang halos ang kaibigan ko dito sa PUP Bataan. Ewan ko ba, sinasabi kasi nilang mukha raw akong masungit. Kahit ang totoo naman ay hindi. Kumbaga para lang din akong maharot kapag kaibigan ang kasama.
Gayunpaman, may limitasiyon ang pagiging maharot ko. Minsan kapag seryoso ang topic sa lesson o sa Hospital, wala akong time para sa mga kalokohan. Minsan naman kapag bihira lang ang pagtungo namin sa MDH ay gumagala kaming dalawa. Ganoon ang buhay ko.
Dumiretso kaming dalawa sa may girls locker at kinuha ang librong iniwan ko noong Semestral break. Dumungaw ang kaibigan ko sa aking locker.
"Mabuti at hindi inamag 'yan?" Ayon na naman ang walang kwenta niyang tanong.
Hindi ko nga alam kung bakit ito ang naging kaibigan ko. Sa dinami-dami naman ng pwedeng maging kaibigan na sobrang mabuti ang impluwensiya, siya pa ang napili ko. Hm? Kung sa bagay. Aanhin ko pa ang mabuting impluwensiya na kaibigan, kung saan likod-likod naman ay sinisiraan ako? Mabuti na nga at nahanap ko ang bruhang 'to. Este siya pala ang nakahanap sa akin.
Nagkibit balikat ako at isinara ang locker matapos makuha ang libro. Mag-iikot kasi ako ngayong araw bawat room. Alam ko rin naman na wala kaming duty sa MDH dahil unang klase namin ngayon. At medyo nawala rin ang ilan sa mga inaral namin ang nasa utak ko.
"Dadaan pa pala ako kay Dean. May inuutos kasi siya sa akin." Maya-maya ay nagsalita na naman ang kaibigan ko, habang naglalakad kami sa hallway.
Huminto ako sa paglalakad, dahilan para huminto rin siya. Nagtatakang binalingan ako ng tingin.
"Ed..hindi mo ako masasamahang mag-ikot?"may kung anong lungkot ang dumagundong sa aking sarili.
Hindi kasi ako sanay ng mag-isa lang habang nag-iikot sa kabuoan ng school, para siguraduhing sumusunod nga ang lahat sa regulations namin. Nakadepende na rin kasi ako sa lokang kaibigan ko. Halos kada araw na mag-lilibot kami ay bumibingwit siya ng lalaki.
Umawang ang labi nito na tila hindi makapaniwala sa aking sinabi. Ngumuso ako at nagpapacute sa kaniya.
"Ay, 'teh? Anino mo ba ako?" Masungit niyang tanong.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Umiling ako at napairap na lang. " Sige, huwag na." Pilit ang ngiting ibinigay ko sa kaniya bago siya talikuran at naglakad palayo.
Bahala siyang sumuyo mamayang uwian. Sana pumalpak siya sa magiging topic namin mamaya.
Nagsimula akong dumaan sa SSG council office para tignan kung naroon na nga ba ang kapatid at pinsan ko. Tama nga! Doon ay nadatnan ko ang dalawa na busy sa kani-kanilang silya. Binuksan ko ng tuluyan ang pinto at pumasok sa loob.
Pinanlakihan ako ni Kuya ng mata. Inginuso niya ang likuran ko. "Isara mo 'yung pinto. Lalabas ang aircon!" Aniya,
Laglag ang balikat na tinanguan ko ito at sinunod ang iniiutos niya. Muli along tumalikod para isara ang pinto. Saka dumiretso sa aking silya pagkatapos. Pabagsak akong naupo sa may swiveling chair at inilapag sa may lamesa ang mga dala ko kanina.
Hindi pa man tuluyang nakakapagpahinga, napakunot na ang noo ko sa inilapag na folder ng pinsan ko. Nagkibit balikat ito at naupo sa may silya sa aking harap.
"What was that for?" Pinakisuyuan ko itong abutin ang folder na ibinigay niya. Sumama ang mukhang kinuha niya iyon ay inabot sa akin. "May lumabag ba?" Pagtutukoy ko sa regulations namin dito.
Bumuntong hininga muna ito bago tumango. Tila hindi na bago ang paglabag na 'yon. Hindi ko na hinintay pang sabihin niya kung sino ang hangal na lumabas sa regulations namin. Hindi na rin ako nagdalawang isip pa na buksan ang folder na hawak ko.
"Gagraduate na lang atang mayabang ang taong 'yan!" May diing aniya.
Ganoon na lang ang pagkalaglag ng panga at balikat kong binasa ang nilalaman niyon.
"Taylor Shaun Akhiyo?" Pagbabasa ko sa pangalan niya.
"Walang pinagbago, pinsan." Ngiwi ng pinsan ko at tumayo na para bumalik sa pwesto niya.
Sapu-sapo ko ang noong binasa ang mga nakasulat doon. Halos walang pinagkaiba sa mga datihang inasal niya. Literal na mayabang.
Nang magsawa na akong basahin iyon, napagpasiyahan kong isara na ang folder at ilagapag sa lamesa. Isinandal ko ang sarili sa may headboard ng inuupuan. Iniisip kung paano mapapaamo ang isang 'yon.
Halos ang lahat ng nabasa ko ay puro kahihiyan sa kaniya at pamilya niya. Tuwirang apo siya ng may-ari, ngunit iba kung pamunoan ang nasasakupan. Talagang pagtitripan kung hindi matipuhan.
Kaya siguro pinatawag ni Dean ang kaibigan ko, para siya ang maging gabay ng lalaking 'yon kung sakali man na gumawa na naman ng kalokohan dito sa paaralan?
Napatango ako sa aking naisip. Hindi naman impossibleng iyon ang ipagawa sa kaniya kaya siya pinatawag. Dahil kung sa akin iyon ipaguutos ay tatanggihan ko talaga. Ayokong mag-dagdag pa ng problema sa sarili ko. Lalo na kung dahilan lang lalaking 'yon.
"Wala ka bang balak mag-ikot ngayon?" Noon lang ako nabalik sa reyalidad nang mag tanong ang aking kapatid. Umayos ako ng upo at binigyan ito ng nagtatanong na tingin. Nginiwian niya ako. "Malapit na ang lunch break--pupunta na akong MDH." Tamad na tumayo ito at inayos ang mga gamit niya.
Nginitian ko siya kahit hindi niya nakikita. "Tinatamad pa ako,"
"Mamamatay ang pasiyente kung patuloy kang tatamarin, Hershey." Madiin ang wika nito,
Napanguso nalang ako nang maalala ang sinabi ng Kaibigan ko. Walang pinagkaiba halos sa sinabi ng kapatid ko. Palagi nalang mamatay na pasiyente any ipinanlalaban nila sa akin. Na kapag tinamad ako, in the future kawawa ang pasiyente ko.
"Hindi naman pasiyente ang pupuntahan ko ngayon." Nakangusong sabi ko, na pumalumbaba pa sa lamesa habang pinagmamasdan ang dalawa sa ginagawa.
Sandaling liningon ako ng pinsan ko at nginisian."Arte mo! Ayaw mo lang sabihin na nakakatamad maglibot. Paulit-ulit nalang ang ginagawa ko. Gusto kong mag-basa nalang ng mga libro kaysa problemahin ang mga estudyanteng lumalabas sa patakaran. Sus, pinsan! Buking ka na agad." Umiling-iling ito at bumalik din kalaunan sa ginagawa.
"Fine!" Inirapan ko ang dalawa at tumayo. Kinuha ko ang logbook ko at padabog na naglakad palabas.
Eto rin ang mahirapan kapag Council President ka. Halos lahat ng pangkatang gawain sa paaralan, sa'yo iaatas. Though may mga kasama namang tutulong, pero iba pa rin kapag ikaw ang mamumuno. Dapat ay mabilis ka sa mga bagay-bagay. Hindi pwedeng napag-iiwanan ka, lalo na kung may mga events sa school. Tulad ng intramurals. Ako rin ang isa sa mga nag-aayos noon. Iba-iba kasi ang nakakalaban naming School. May publiko at pribado.
At sa taong ito huling magpapasikat ang Akhiyo na 'yon. Siya kasi ang Captain ng PUP basketball team sa paaralan namin. Kaya hindi na nakatataka kung bakit halos karamihan sa mga babae ay nanghuhumaling sa kaniya, at 'di alintana kung ipahiya sila o hindi.
Napailing nalang ako at deretsong tinahak ang hallway. Wala naman halos tambay na estudyante. May mga klase kasi ang ilan. Minsan pa nga ay may maririnig akong tumatawag sa pangalan ko. Batid kong mga loko-lokong estudyante lang ang mga iyon.
"President!"
Tumigil ako sa paglalakad at bumaling sa estudyanteng humahangos na tumatakbo habang nagmamadali. Napabuntong hininga ako at hinitay itong makalapit sa akin. Napahawak siya sa kaniya g magkabilang tuhod, habang habol ang hiningang nakayuko sa aking harapan.
"Spill it now, I don't want to get rid of my time." Nagpapasensiyang yinukuan ko ito.
Nang batid kong ayos na ang paghinga niya, tuluyan na siyang nag-angat ng tingin sa akin. Nawala ang kaninang masungit kong expression nang masilayan na nang tuluyan ang itsura nito. Ang lalaking palagi akong sinusundan.
"Ibibigay ko lang sana ito," hinintay kong ilabas niya mula sa kaniyang bag ang nais niya raw na ibigay. Umawang ang labi ko at napasinghap nang mapagtanto kung ano iyon. "Nakauwi na galing ibang bansa ang parents ko. Pinabili ko talaga ang laman ng paperbag na 'yan." Nakangiti niya iyong inabot sa akin.
Tila walang pakialam na pinagmasdan ko lang siya. Halata ang pag-hihintay niyang kuhain ko ang paper bag na iyon. Ilang sandali pa ay umirap ako at tinanggap iyon.
Halos sa kalahating buhay ko na nag-aaral ako rito ay palagi niya akong binibigyan ng mga regalo o pasalubong. Alam ko namang mayaman siya, halata na sa porma at katayuan niya. Kaya hindi ko noon ineentertain dahil baka matulad ako sa nga napapanood kong palabas. Na binayaran o nilait ng magulang ang naging nobyo o nobya ng anak. Kahit naman hindi man sabihin na nobya niya ako, o nanliligaw siya. Alam kong patungo na rin iyon doon.
Ilan na nga ba ang binusted kong manliligaw dahil sa pagiging tutok nila sa akin? Hm? Hindi na halos mabilang pa.
Wala rin akong balak pumasok kaagad sa isang relasiyon, na alam kong hindi pa ako handa. Bukod sa natatakot akong baka madamay ang pag-aaral at scholarship ko, natatakot akong maiwan ulit. Sapol na sa aking iwan ng magulang namin. Huwag nang dagdagan pa.
"I'll take this just go to your class." Mariin akong pumikit at itinuro ang daan.
Sa aking pag-dilat, ang mala-angel niyang mukha ang nakapagpatigil sa akin. Alam kong nasanay na ako sa palagi niyang ginagawa, ngunit talagang hindi nakakasawang pagmaddan ang maamo niyang mukha.
"Mm..advance gift ko na 'yan sa birthday mo." Nakangiting itinuro niya ang hawak kong ibinigay niya. "Sana katulad ng mga naibigay ko noon, magustuhan mo rin 'yan." Kumaway pa ito sa akin bago nagpaalam na aalis na.
Sandali akong natulala habang pinagmamasdan ang kinatatayuan niya. Hanggang sa hindi ko namalayang tinawag ko na pala siya. Ngunit huli na dahil nakalayo na ito.
"Salamat." Mahinang bigkas ko sa aking sarili at ngumiti.
Bubuksan ko sana ang paperbags na nangangamoy sa mamahaling lalagyan, nang maalala kong hindi pa naman ngayon ang birthday ko. Sa July pa naman ang birthday ko. Napakalayo pa para bigyan niya ako ng regalo.
Pero palaging ganoon ang dahilan niya sa t'wing binigyan ako ng kung ano. Batid kong tipo niya ako. Pero wala talaga akong balak.
Idinaan ko muna sa locker ang paperbags bago dumiretso sa may Cafeteria para mag-lunch. Sa unang pagtapak pa lang ng aking sapatos sa b****a ng pinto papasok, nahalata ko na agad na may riot na namang naganap. Nagtitimping naglakad ako patungo sa food area. Nginitian ako ng estudyanteng nagtitinda, ngunit hindi ko iyon sinuklian. Sa halip ay pinaarko ko ang aking kilay ay nagbaba ng tingin doon sa mga paninda.
"1 piece of bottled water and egg sandwich." Agad na kinuha ako ng trenta pesos sa aking wallet at inilapag iyon sa babasaging lalagyan.
Tumangong sumunod ang tindera, at ibinigay sa akin ang binili ko. Nang akmang tatalikod na ako at tinawag niya ang pangalan ko.
"Nambuyo na naman si Tayshaun ng babaeng may gusto sa kaniya." Malungkot na Aniya.
Nakatakikod na bumuntong hininga ako at tinanguan siya saka tuluyang naglakad patungo sa bakanteng silya na mayroon dito.
Hindi na nakakapagtakang bakit parang ang tahimik sa lugar na ito ngayon. Dumaan pala si kamatayan at bumingwit na naman ng mapapagtripan. Hindi na talaga natuto.
Naupo ako sa may dulong silya, katabi ng sa hindi ko kilalang pangkat. Nginitian ko pa nga ang babaeng pinasadahan ako ng tingin. Tila nanlalait.
Nang makaupo ako at binuksan ko ang bote ng tubig at uminom doon. Uhaw na uhaw ako sa paglalakad kanina. Hindi talaga Ako sanay ng hindi nakakasama ang kaibigan ko sa ganitong trabaho.
Nang mailapag ko na ang inumin ko, bubuksan ko na sana ang balat ng sandwich, ngunit natigilan ako nang tumayo ang babaeng nakatingin sa akin kanina, at naglakad patungo sa gawi ko. Basta nalang siyang naupo sa may harap ko, dahilan para maagaw namin ang halos lahat ng atensiyon ng mga narito.
"Hi? Sabrina Faith Akhiyo." Nakangiti ng inilahad nito ang kamay sa akin.
Nahihiyang ngumiti ako at bahagyang yumuko. Alinlangan ko pa ngang tanggapin ang inialok nito.
"Hershey Dianne Tolentino," Nakangiting pagpapakilala ko.
Tumango ito at umayo ng upo, "Yeah, I know you na naman. Ikaw ang president ng school, right?" Nakangiting tinanguan ko ito at inalukan ng pagkain ko. Ngumiwi siyang umiling. "Nah. I'm already full."
Wala na sana akong balak kumain dahil nakakahiya sa kaniya. Na pinapanood ako. Ngunit talagang mahirap labanan ang gutom. Nagpasiya akong huwag nang mahiya at kumain na lang.
Hanggang sa matapos ako at Hindi umalis ang babaeng 'to sa aking harap. Na para bang may gustong itanong o sabihin, kaya nananatiling narito sa aking tabi.
"You looked so good, huh? Simple yet attractive." May patangu-tango pa siya na akala mo ay namamangha sa mga sinasabi.
Hindi ko alam ang sasabihin ko, kaya ngumiti nalang ako.
"And I think.. You're taking medicine too? "
"I am an graduating student..scholar." Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil sa kahihiyan.
Kahit alam ko naman na hindi dapat ikahiya ang pagiging scholar ko. Bagkus maatas na karangalan ito para sa akin na tiyahin lang ang sumosupporta. Pero halata kasi sa aking kausap na mayaman ito, at baka ay gawing katatawanan ang pagiging scholar ko. Idagdag pa iyong Akhiyo siya.
Ngunit parang iba ang nakikita ko sa mga mata nito. Doon ay nasilayan ko ang pagkagulat ngunit namamanghang tingin niya sa akin. Mas lalo tuloy akong nailang na iniwas ang aking paningin.
"Are you sure?" Tila hindi makaniwalang tanong niya.
Tumango ako at pilit na ginantihan ang ngiti niya. "Since first year of college."
Magiliw na ibinahagi ko sa kaniya ang mga pangyayari sa akin mula noong unang beses kong pumasok dito bilang scholar. Doon ay natutunan kong sumali sa nomination para sa president, at sa hindi inaasahang ako pala ang mananalo. Maski iyong pagiging dean lister ko ay masayang ibinahagi ko rin. Halata naman na talagang namangha siya. At ayos lang iyon sa akin.
"Great! I am here rin kasi para humingi ng favor sa'yo." Bigla at napalitan ng ngiwi ang masayang awra ko kanina. Ngunit hindi ko iyon pinahalata.
"Para saan ba?" Sana ay hindo mahirap ang ihiling ng babaeng 'to. Delikado ako kapag nagkataon.
Sandali siyang natahimik at lumingon sa paligid. Nagtatakang sinundan ko ng tingin ang mga tinignan niya. Hanggang sa muling magtama ang mga tingin namin. Abot langit ang ngiti nitong inginuso ang gawi ng tatlong lalaking estudyante na nagtatawanan sa may kabilang banda lang malapit sa amin.
Nanlaki ang mga matang napako ang paningin ko sa kanila. Agad na iniwas ko ang paningin at kinagat ang pang-ibabang labi.
Don't tell me?
"I want you to help my younger brother to be better at focusing on his studies." Tuluyan na ngang nagbago ang awra ko. "He's my brother. Tayshaun Akhiyo."
Ang matagal na panahong pag-iwas ko sa lalaking kinasusuklaman ko ay wala na. Mismong tadhan na ang lumalapit para hindi ako makapag-tapos ng hindi nakakabuno ang isang tulad niya. Tulad niyang walang pakialam sa nararamdaman ng iba, dahil mas may pake siya sa nararamdaman niya. Na kahit mag-lumpasay pang umiyak at lumuhod sa harap niya ay wala siyang pake.
Ang isang Tayshaun Akhiyo na iniiwasan ko ay ngayong tuturuan ko para makapag-tapos katulad ko.