Chapter 2
Gulong dito, gulong doon. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay panay ang pag-iisip ko sa sinabi kanina ng babaeng 'yon. Wala na halos akong naintindihan sa lessons namin dahil sa mga pag-ulit-ulit ng mga sinabi niya sa akin kanina. Gustuhin ko mang palisin iyon sa isip ko. Nag-wiwindang naman ang utak at puso kong huwag.
Frustrate na bumangon ako at tumayo. Deretsong tumungo ako sa may Banyo para mag-shower. Kahit nga roon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga narinig kanina.
"Akala ko ba ay si Faye ang gagawa niyon?"
Isa pa 'yong kaibigan ko na 'yon. Simula noong iwan ako ng umaga, hindi na nagpakita pa sa akin. Maski nga umatend sa mga sumunod naming subject ay wala rin siya. Nawiwili na ata sa MDH.
Hanggang sa matapos ako at magsuot ng pajama at puting sando. Noon pa lang ako nakaramdam ng gutom. Nag-suklay muna ako ng buhok bago nagpasiya na bumaba.
Alas diyes na ng gabi. Tiyak kong tulog na halos ang mga kasama ko dito sa bahay. Maski si Kuya ay ganoon rin. Masiyado kasing nakakapagod ang magiging trabaho namin. Wala na halos pahinga.
Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang refrigerator. Agad na napayakap ako sa aking katawan dahil sa lamig.
"Kung bakit ba naman kasi bababa ka ng ganiyan ang suot mo?"
Napakagat labi akong kumuha ng tubig at isinara itong muli. Bumuntong hininga ang kapatid ko at napapailing na naupo sa may hapag. Dala niya ang laptop at ilang mga paperworks niya ata. Nang makakuha na ako ng baso ay naupo ako sa may harapan niyang silya. Nagsalin at uminom ng tubig.
Pinapanood ko lang ang kapatid kong gawin ang mga importanteng gawain niya. Na alam ko namang may kinalaman ang pagdodoctor nira roon.
Nanatili akong nakatingin sa kaniya, hanggang sa tuluyan ko na ngang maagaw ang atensiyon niya. Kumunot ang noo nitong isinara ang laptop at bumaling sa akin.
"Are you going to spill it on me...or not?" Aniya nang muli akong uminom ng tubig.
Inalukan ko ito, ngunit agad din naman niyang tinanggihan. "Spill what?" Nagkunwaring inosente na tanong ko.
Sumama ang mukha niya at inilingan ako. "Bakit hindi mo nagawa ng maayos ang projects sa MDH?" Tila nagalit na talaga siya.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at ngumuso. Isa pa iyong proyektong ibinigay sa akin ng MDH head doctors. Wala na nga ako sa huwisyo para mag-aral buong araw, dadagdag pa ang ibinigay nilang research sa akin. Pang-nternational iyon. Samantalang simpleng pagdodoctor lang naman ang pangarap ko.
Gayunpaman ay ikinuwento ko ang dahilan sa aking kapatid. Nahihiya pa nga akong sabihin, na mismo ang kapatid nito ang lumapit sa akin para sabihin iyon. Ngunit importante ang malaman ng aking kapatid ang tungkol dito.
Nakataas ang kilay at mag-krus ang mga brasong nakasandal ito sa silyang inuupuan niya. Talagang nakikinig sa aking mga kinukwento sa kaniya. Bigla at parang nahiya ako. Gusto ko nalang tuloy na tumayo at bumalik sa aking kwarto. Kasi naman 'di ba? Sinong mag-aakalang sa loob ng ilang taon ko sa PUP..ngayon pa mismo na gagraduate na ako naisipan nilang lapitan ako para turuan ang bubwit na 'yon?
"Then?" Iyon lang ang sinabi ng aking kapatid matapos kong maikwento sa kaniya ang halos lahat ng napag-usapan namin kanina noong Akhiyo. "Tinanggap mo?" Taas ang kilay niyang tanong.
Nagkibit balikat ako at pumalumbaba sa may lamesa. "Ayokong tanggapin ang trabahong gano'n, kuya." Ngumuso ako at panay ang tingin sa kung saan. "Pero...baka si Dean na ang makiusap sa akin, hindi na ako makatanggi." Kung iisipin pa lang na si Dean nga ang makikiusap sa akin, nakakahiya na 'yon.
Nagkibit balikat si kuya, hindi nawala ang postura niya kanina. "Tatanggapin mo?" Matalim ang mga tinginan niya akong tinanong.
Muling napakibit ako ng aking balikat. "Wala akong magagawa kundi ang tanggapin, kuya."
Ngumiwi ito at umayos ng upo. "Maraming paraan para tanggihan ang ganoong klaseng alok, Hershey." Aniya na para bang may nalalaman pang maraming lusot.
Pinanood kong bumalik sa kaniyang ginagawa si Kuya. Doon ay napaisip ako kung dapat ngang tanggihan ko o hindi. Tama nga naman si Kuya. Maraming paraan para tanggihan ang alok na iyon ng babaeng Akhiyo. Pero hindi ko alam kung paano. Scholar Student lang ako sa PUP..tanging ang mga naitutulong lang sa akin ng pamilya Akhiyo ang siyang nagagamit ko para makapag-aral. Kaya ano ang mga paraan para tanggihan sila? Bukod sa pwedeng maialis ang pagiging scholar ko--hindi pa ako makakagraduate ngayong taon.
"Hindi ko sinabing tanggihan mo sila--ang sa akin lang ay iniisip ko ang kalusugan mo." Maya-maya ay nagsalitang muli ang akingkapatid.
Nag-baba ako ng tingin dito at napabuntong hininga. "Pero...Paano ko nga sila tatanggihan, kuya? Baka idamay ni Dean ang scholarship ko kapag tumanggi ako." Patuloy sa pagpoprotestang saad ko sa kaniya.
"Kausapin mo iyong si Faye." Hindi niya ako nilingon. Nakafocus siya sa kaniyang ginagawa si laptop niya. Pero mapapansin ang seryoso siya sa kaniyang sinabi.
"Paano?" Kuryosong tanong ko.
"Sabihin mong siya ang gumawa ng trabahong iyon. Simple as you do."
"Paano kapag hindi rin siya pumayag?
"Itanong mo muna, huwag kang puro negative."
"Eh? Kilala mo naman iyong si Faye, kuya. Hindi siya papayag na trabahuhin ang ganoong klase ng trabaho--iwas iyon sa pamilya Akhiyo."
"Then, ikaw ang gumawa." Matapos niyon ay kinuha nito ang mga gamit, tumayo at tinalikuran ako. "I'll guide you..don't worry." Matapos niyon ay narinig ko nalang ang mga yabag niya paakyat sa may hagdan pataas.
"I'll guide your ass, kuya!" Padabog akong tumayo at iniligpit na rin ang basing ginamit ko, bago napagpasiyahang bumalik sa aking silid upang magpahinga na.
KINABUKASAN ay maaga na naman akong nagising. Katulad ng nakasanayan, ginawa ko muna ang ilang morning routine at gawain ko bago dumiretso sa banyo at maligo. Deretsong MDH ako ngayon. Doon ay may seminar kami sa ilang mga nalalapit na bumagsak ngayong semester. Kaya ay hindi ako makakasabay sa kay Faye, kuya, at pinsan ko. Sila kasi ang naatasan na i-guide ang mga transferring ngayon.
Isinuot ko ang uniporme ko, ngunit nanatiling nakalagay lang sa aking braso ang coat. Maiinitan ako kapag isinuot ko na iyon kaagad. Mabuti pa ang sa Hospital ko nalang isuot. Pero iba na pala ang susuotin ko mamaya. So, display na lang siya.
Kinuha ko muna ang mga dadalhin kong gamit bago napagpasiyahang bumama. Doon ay nadatnan ko si Tiya na nanonood ng palabas. Sa sobrang tutok ay hindi na ata napansin ang presensiya ko. Pero lumapit ako dito upang bumati.
"Mauna na po ako, tiya." Nag-mano pa muna ako bago nginitian siya nang mag-tama ang aming paningin.
Tinanguan ako nito at ibinigay ang susi ng sasakyan. Nanlaki ang mga matang tinanggihan ko ito. "Mahihirapan ka kapag nag-comute ka--take this." Muli niyang inabot ang susi. "Nasa tamang edad ka na rin naman, kaya kuhain mo na ito."
"Huwag na, tiya. May masasakyan naman akong tricycle diyan sa waiting shed..makakatipid pa tayo sa pang gas."
"You sure?"
"Mm..Baka kailanganin din po kasi ni Sam. Sa kaniya niyo nalang po ipahiram ang kotse niyo." Nakangiting humalik ako sa pisngi nito bago tuluyang lumabas ng bahay.
Isinara ko muna ang gate at doon ay naglakad na ako patungo sa kanto. May mga dumadaang tricycle rin naman dito sa may tapat namin, ngunit napakabarat ng mga iyon. May minsan pa ngang manyak ang driver. Kaya hindi talaga kami hinahayaang mag-comute ni Tiya. Buti nga ay napilit ko siya ngayon. Baka kasi makabangga pa ako ng wala sa oras kapag ginamit ko ang kotse niya. Nakakahiya. Wala akong maipambabayad.
Katulad nang sinabi ko kanina, nagtungo nga ako sa may waiting shed. Doon ako naghintay na may dumaang tricycle. May mga ilang estudyante rin akong kasama na nag-aabang ng masasakyan. At ang ilan pa nga ay elementarya. Yakap ko sa aking dibdib ang mga dala kong envelope. Ipapasa ko pa rin kasi ngayon ang resume ko bago nag-lecture sa mga hindi sure na gagraduate. Nakatayo sa may harapan ng mga bata, at naghihintay ng masasakyan.
Nang biglang bumaling sa akin ang isang batang babae. Sa itsura nito, batid kong nasa sampo o labing isang taon gulang pa lamang. Hindi dahil sa maliit siya, ngunit nahahalata ko kasi sa kaniya. Maski nga ang disenyo ng bag ay Dora. Ganoon ako noong kabataan. Katulad nang katulad no'ng bata.
Nag-baba ako ng tingin at nginitian ito. Gumanti rin naman siya ng ngiti pabalik.
"Ate, ilang taon na po kayo?" Inosenteng pinasadahan ako nito ng tingin. "You're beautiful po, ate." Kapagkuwa'y lumapit ito at dumikit sa aking tabi.
Bumaling muna ako sa may mga kasama kong nag-aabang. Matapos niyon ay bumaba ako uoang magpantay kami ng tangkad noong bata. Nginitian ko ito at inayos ang ilang hibla ng kaniyang buhok na nagtatakip sa kaniyang mukha.
Bigla at nakaramdam ako ng lungkot sa aking sarili. Hindi dahil nakikita ko ang sarili sa kaniya, kundi ang napapansin kong mag-isa lamang siyang nandito. Ganoon kasi ako no'ng kabataan ko. Pumapasok akong mag-isa. Hindi hinahatid ng magulang, dahil kailanman ay hindi ko nakilala ang magulang ko. Mabuti pa nga si Kuya eh. Nakasama niya ang magulang namin. Nakakainggit.
Agad na napaiwas ako ng tingin. Pinunasan ko rin ang luha na dumaloy sa aking pisngi. Nginitian ko ang bata nang lingunin ko itong muli. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Tila ba ay may inaalam na kung anong bagay.
"'Yung tanong mo kanina kung ilan taon na ako? I'm 24 years old." Nakangiting pinagmasdan ko ang napakaayos na mukha nito. May itsura. "At iyong maganda?" Ngumiwi ako. "Natural na sa akin iyon, bata " proud akong nag-flip ng aking buhok.
Ilang saglit pa ay may huminto ng jeep sa aming harapan. Magsasalita pa sana ako nang biglang nagpaalam ang bata at doon ay sumakay na. Nagpaalam pa iyon ng dumungaw siya sa may bintana. Kumaway din naman ako pabalik, bago tumayo at pinagpagan ang aking suot.
Hindi rin naman nagtagal ay may huminto ng tricycle sa aking harapan. Si Mang tonio. Bumati ako dito bagi sumakay.
"Sa Mariveles District Hospital po, Mang Tonio." Magalang na dumungaw ako sa kaniya, at inabot any bayad ko.
Tinanggap niya naman agad iyon at inilagay sa may belt bag niyang na sa Tiyan niya. Umayos na ako ng upo at hinintay na paandarin ni Mang Tonio ang sasakyan patungo sa MDH.
Sa sobrang kaburyohan ko sa loob ng tricycle. Kinuha ko ang cellphone sa aking bag at i-n-open iyon. Agad na binuksan ko ang data at nag-i********:. Ito lang ang mayroon ako, bukod sa twitter at w*****d app ko. Hindi man ako nagkaroon ng maraming followers, hindi naman iyon ang basehan ko para hindi magkaroon ng ganito.
Panay lang ang scroll ko habang naghihintay sa update ng paborito kong kpop idol at mga artista nila. Minsan ay nag-rereply naman ako sa mga DM ng kaklase, ngunit talagang hindi iyon ang pakay ko.
Hanggang sa mapansin kong tumigil na ang sinasakyan kong tricycle. I-n-off ko muna ang cellphone ko at bumali pa para makita kung nasaan na nga kami. Ngumiti at inayos ko ang sarili bago bumaba.
"Sa susunod ulit, doc!" Aniya mang Tonio, na pimihit na paalis.
Nakangiti ako habang nag-lalakad sa hallway ng hospital. Nakakataba pala talaga ng puso kapag tinatawag ka sa pinaghihirapan mong pangarap. Parang feeling ko tuloy isa na akong doctor.
Dumiretso muna ako sa may locker para iiwan ang coat ko. Matapos ay nag-suot na ako ng lab gown, at tumungo na sa office ng head. Nang buksan ko ang pinto ay agad na yumuko ako.
"Good morning po," pagbati ko sa kanila.
"Come in and take a seat, Miss Salvatera." Nag-angat ako ng tingin at may paggalang na tumango sa head.
Deretsong umupo ako sa may bakanteng swiveling chair, at inilapag sa may mesa ang mga folder na dala ko.
"As I've said before.. We still need to try our new plan to make sure that the new stockholders will still cooperate with us." Pagsasalita ng head. Nakatayo ito sa may likuran ng silya niya. Naroon siya sa may harap ng malaking screen at panay ang pagsabi ng kung anong bagay. " But we need someone to have flight for the next day same with the med students. " masuyong iginala nito ang paningin sa mga medicine students na narito.
Hawak ko ang ballpen na talagang nag-baba ng tingin. Kilala ko itong si Head. May pagkabaliw rin ito minsan. Kung sino ang mapili niyang estudyante na nakatingin deretso sa mga mata niya, iyon ang nasisiguro kong pipiliin niya.
Kaya hindi ako lilingon sa kaniya hangga't hindi siya nakapili ng aatasan ning estudyante.
Hanggang sa nakapili na nga ito ng mga taong uutusan niya. Kaya ang sobra ang saya ko nang matapos ang meeting na iyon. Nag-uunat-unat pa ako habang hinihintay na makalabas ang mga kaparehas ko med.
Kinuha ko ang folder at inabot ko iyon sa nakaupo na ngayon si Head Director sa kaniyang silya. Todo ang ngiting tinignan ko siya. Walang ka-emo-emosiyon na kinuha niya ang folder at binuksan. Ang isang kamay ay sapu-sapo ang noo habang Panay ang paroo't parito ng inuupuan niyang swiveling chair.
"Ngayon po ang simula kong manalagi sa paggaguide ng mga estudyanteng nagseseryoso na sa pag-aaral." Halos mapunit na ang aking labi sa pag ngiti ko sa kaniya. "Minsan po ay mananalagi ako rito sa MDH kapag maagang natapos ang mga gawain nila." Dagdag ko pa. Na Nag-flip ng aking buhok.
Tumango-tango ang Head director at isinara na ang folder. Pinanood kong bumuntong hininga ito, habang hinilot naman niya ang kaniyang sentido.
"As far as I remember...Ikaw Miss Salvatera ang naatasan na i-guide ang aking apo?" Nag-angat ito ng tingin sa akin, at nginitian ako. "Nakapagdesisyon ka na ba?" Taas ang kilay niyang tanong.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at ngumuso. Iyon na naman at muling bumabalik sa aking isipan ang pagiging tutor ko sa Tayshaun na 'yon. Gusto kong tumanggi. Ngunit alam na rin pala ni Head ang tungkol doon.
Nagbaba ako ng tingin. Napabuga ko ng matunot na buntong hininga bago nag-angat ng tingin sa kay Head, at tumango. Ang kaninang abot langit kong ngiti, napalitan na ng para bang pinagsakluban ng baha.
Head director took a glanced on me. Na para bang sinusukat niya kung bukal ba sa kalooban ko ang tinanggap kong trabaho para sa apo niya.
Akalain mong apo pala siya ng Head director namin, tapos ganoon kayabang ang ugali niya? Nakakahiya!
"Oh, he's here." Nakangiting aniya Head, na itinuro pa ang sliding door na pinasukan namin kanina.
Awtomatikong umarko ang kilay ko at ipinasok sa magkabilang bulsa ng lab gown ang aking mga kamay. Doon ay malaya kong maikukuyom ko ang aking mga palad. Napapasinghap na bumaling ako sa kaniya.
Deretsong nakatayo ito sa may harap ng sliding door. Nakataas ang kilay na nakatingin mismo sa mga mata ko. Nakasuot ito ng pamorma, at nakalagay ang isang kamay niya sa bulsa ng sumisigaw sa mamahaling brand ang pantalon niya. Habang ang isa naman ay hawak-hawak ang gadget niya.
"Good--"
Magsasalita pa sana ako, ngunit agad itong nag-iwas ng tingin at naglakad patungo sa kaniyang lolo. Pabagsak itong naupo sa may harapan ko. Tulalang napatingin ako sa kaniya. Hindi inaasahan na ganoon ang gagawin niya sa akin. Barumbado!
"Tayshaun, meet our future Doctor here in MDH. She's gonna graduate this year, same with you-if you could graduate." Nginisian ni Head ang apong halata ang kawalang pakialam sa sinasabi niya. Umiling-iling ito at bumaling sa akin.
"Are you going to say your name to me...or not? Importante ang oras ko, Miss whoever you are." Pagsusungit niya sa akin.
Pigil ang inis na nilingon ko ito. Na kung pwede lang ay masapok siya at pahirapan sa mga gawain.
Ano raw? Importante ang oras niya? Tanga ba siya? Eh, puro katarantaduhan lang naman ang ginagawa niya sa walang kwenta niyang buhay. Tapos siya pa ang may ganang magsalita ng gano'n sa akin? Eh, kung ingudngod ko kaya sa mumurahin kong sapatos, nang mahimasmasan naman siyang galangin o irespeto manlang ako?
Pero hindi pwedeng ipakita ko sa kaniyang sumusuko na kaagad ako. Bagkus pilit na nginisian ko ito at pinamewangan. Hindi na tuloy pumantay ang kilay niya. Na tiyak kong hindi nagugustuhan ang inasta ko.
"Hershey, Mister Attitude." Nakangising inilahad ko ang kanang kamay ko rito. Bahagya pang yumuko para ako na Ang mag-adjust sa pagiging maatittude niya. "Aren't you gonna accept my hand shake? Walang virus ang kamay ko." Ikaw lang ang Virus sa buhay kong peste ka!
Pero ilang Segundo na ang nakalipas, hindi niya pa rin tinatanggap ang nais kong pakikipagkamay. Kunot noo lang itong nakatitig sa napakagandang kamay na nakapostura ngayon sa harap niya. Ngumiwi siya at agad na hinawi iyon.
Laglag ang mga pangang tinignan ko siya. Masama ang tingin nang tignan din ako nito. Na tila ba ay hindi ako nagugustuhan para maging beautiful lecturer niya. Inismiran ko ito at bumaling sa kay Head director. Na ngayon ay patawa-tawang nagsasalitan ng tingin sa aming dalawa ng apo niya.
Saglit na yumuko ako upang magbigay galang.
"Thankyou for everything, Head director. Malugod ko pong tatanggapin ang inalok na ito sa 'kin--with no regrets."
Matapos niyon ay tumalikod na ako at naglakad palabas. Noon pa lamang ako nakahinga ng naluwag. Sa tinagal-tagal kong naroon kanina sa loob, hindi ko manlang napansin na hindi na nga pala maayos ang pag-hinga ko. May mga minsan na pinipigilan ko ang mahinga. Hindi dahil sa--nevermind. Basta hindi lang ako kampante na naroon ang bubwit na 'yon.
"Yow, doc!" Bati sa akin ng nakasalubong kong medicine student din. "How are you? You looked more beautiful, huh? Ano bang tips para mag-glow up?" Pinasadahan niya ako ng tingin.
Nahihiyang napayuko ako. Napakamot ko pa nga ang aking noo. Sa tuwing tutungo kasi ako rito, palaging doc o doctor ang tawag niya sa 'kin. Isa rin siyang scholar katulad ko. Ngunit bibihirang magtagpo ang aming nga landas. Ngunit heto at narito siya. Bukod doon ay nakakausap ko pa.
Hindi ko naman halos close ang isang 'to. Hindi rin ako literal na mahilig makipag-close sa iba. I mean is pinipili ko kasi ang mga taong pinakikisamahan ko. Like, 'yung alam kong mapapagkatiwalaan ko--katulad ni Faye. Siya lang kasi ang kaibigan ko sa PUP. Wala ng iba pa.
Nginitian ko itong med student, na panay ang pamumuri sa akin. Ngumuso ako at hinawi patungo sa aking tenga any ilang hibla ng buhok kong nakakatakas na sa pwesto.
"Pero seryoso nga, doc?" Muli ay sinuyod na naman niya ang kasuotan ko. "Paano mag-glow up, doc? 'Yong pwede akong lumandi pagkatapos ng klase--'yong may magkakagusto sa akin na katulad ni Tayshau--'
"You don't have to glow up your self, kiddo." Natigilan kami pareho ng may marinig na tinig sa aking likuran."Instead of asking her on how to glow up like what she've did, go to your class and have lectured by your med teacher. "
Pigil ang hiningang napaiwas ako ng tingin. Humigpit ang hawak ko sa aking lab gown. Humihiling na sana ay hindi totoo ang iniisip kong siya nga ang nagsalita. Ngunit ganoon nalang ang pagkakagulat ko, dahil bigla nanlaki ang mga matang naitulak ko ito. Pero dahil malakas siya. Hindi manlang siya natinag, o napagalaw sa kinatatayuan.
"Omg!" Tili nung med student. Hindi makapaniwalang nag-papalit-palit ng tingin sa akin, at sa bubwit na 'to. "Omg!" Muling tumili ito. Ngayon ay natatakpan ng kaniyang kamay ang bunganga niya. Na animo ay kinikilig. "Is this for real?" Nanginginig na itinuro niya ako at ang bubwit na biglang humalik sa pisngi ko.
Umirap ako at humarap doon sa bubwit. Nakangisi ito habang nakalagay ang ilang daliri sa may baba niya. Na animo ay nag-iisip.
"Bakit mo 'ko hinalikan sa pinsgi?!" Inis kong tanong sa kaniya. Akmang hahampasin ko 'to, ngunit baka ay mapansin kami ng ilang mga narito.
Sa halip na sumagot, tinignan niya lang ako. Tingin na parang inoobserbahan.
Ikinuyom ko ang aking kamao. Handa ng sumabak sa anumang oras. Pero kailangan ko pa rin ang mag timpi.
"Inuulit ko..bakit mo ako hinalikan sa pisngi?!" Mariin, napapikit ako sa sobrang inis.
"May LQ po kayo, doc?"
"Hindi kami!" Halos sabay namin iyong isigaw sa med student na nasa harap namin.
Umirap na naman ako nang makita ang parang kinilig pa siya sa pagsabay namin ng bubwit na 'to.
"S--ige, doc, mauna na po ako." Tumango lang ako sa med student, at sinundan ito ng tingin hanggang sa makalayo na siya.
Nasa ganoon akong posiyon ng bumaling ako kay Tayshaun. Nakangisi pa rin ito habang prenteng nakatayo na ngayon sa aking tabi. Sinamaan ko siya ng tingin. Madiing pinunasan ang labi kong hinalikan niya.
"Bastos!" Sigaw ko bago siya tuluyang talikuran.
Wala tuloy akong ganang mag-entertain ng nga Med student ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit naglalayag sa halik niya ang isip ko kanina pa. Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya ako hinalikan. O kung ano ang dahilan niya para halikan ako. Kapag tinatanong naman, ngisi lang ang isasagot. Anong nakakatuwa sa gano'n? Peste siya!
"Ayus ka lang!"
"Ay, Bastos!"
Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot sa aking harapan iyong si Faye. Bigla at napahawak tuloy ako sa aking puso ng makaramdam ng medyo naninikip iyon. Habol ko ang hiningang tinignan ito. Kunot ang noo habang nakataas ang isang kilay na pinapanood ako.
"Ayos ka nga lang ba? Kanina ka pa kasi tulala, nagsipag-alisan na 'yong mg med students, nandito ka pa rin."tinanggap ko ang inabot niyang tubig, at ininom iyon.
Nag-enhale, exhale pa muna ako Matapos uminom. Talagang paulit-ulit ang bawat mabibigat na paghinga ko.
"Huy? Baka naman inaatake ka na naman niyang hika mo? Ayos ka lang ba?" Inalalayan ako nito paupo sa may benches.
Inihilig ko ang aking ulo at saglit na pumikit. Sa aking pagmulat ay agad nanlaki ang mga mata ko at napatayo.
"Wha--t the hell is you think doing, huh?" Umawang ang labi nito ng magsalita ako.
"Look. I am here not because I would say sorry to you, but to warned you." Bigla ay hindi ako nakapagsalita. "I don't like you to be my lady guard--'
"Never!" Inirapan ko ito at pinag-krus ang mga braso ko.
Peke siyang ngumiti at tumango. "But still. Huwag na huwag na huwag kang lalapit sa akin-'
"At bakit?!" Muli ko na namang pinigil ang pagsasalita niya.
He arched his brows and clenched his jaw. I smirked. I know he's now mad at me. And I liked it...so damn much.
"You don't have the Beauty--'
" Excuse me?" Pag-irap na sabi ko rito. "Kailan pa ginamit ang kagandahan sa pagbibigay leksiyon sa'yo, ha?" Laglag ang pangang iniwas niya ang paningin niya.
Ganiyan nga, bubwit. Mainis ka lang sa akin. Dahil tiyak kong mapapabago ko ang barumbado mong ugali. At ang paghalik mo sa pinsgi ko--nakakakilig--este nakakabwisit!
"Hindi ko sinabing ginagamit ang kagandahan sa pagtuturo, I mean is, wala kang kagandahang loob sa mga katulad ko." Natigilang napatitig ako sa kaniya. Pero agad ding nakabawi at ngumisi.
Ano raw?"Ako pa ang walang kagandahang loob?" I pointed my self. "Eh, ikaw nga 'tong naghahalik bigla!"
"I won't."
"Totoo!"
"Kusa kang nagpahalik."
"Asa ka namang, Bubwit ka!"
"Ah-huh? Kaya pala imbes na ibato ang mga hawak mo kanina, paulit-ulit ka lang na nagtanong kung bakit kita hinalikan?" Nginisian ako nito at nakapamulsang naglakad papalapit sa akin.
"Ho--y teka!" Napaatras ako dahil sa palapit siya ng palapit. "Ano bang..hoy, Faye!"
"Naiihi ako, sis, sorry." Nanlalaki ang mga mata ko nang pati ito ay umalis na rin.
Matinding kaba ang bumalot sa aking katawan nang tuluyan na ngang hindi ko natanaw ang kaibigan ko. Bigla ay parang nakaramdam ako ng matinding takot sa kung ano ngang pwedeng gawin sa akin ng lalaking ito sa harap ko, at kinorner ako. Nagbaba ako ng tingin at patuloy na humihinga. Na sa sobrang kaba ay naririnig ko na maski ang t***k ng aking puso.
Napaiktad ako ng bigla ay hawakan nito ang aking baba, at marahan na puno nang pag-iingat niyang ipinaangat para magkatapat kami. Mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang maski hininga niya. Umiwas din ako ng tingin, ngunit palagi niya iyong ibinabalik sa kaniya.
Paulit-ulit akong lumunok hanggang sa may makapa akong salita. Gustong-gusto ko siyang sipain, murahin, o kung ano mang pwedeng gawin at sabihin sa kaniya. Ngunit nananatiling tiklop ang bibig ko.
"Look at me," nakagat ko ang aking labi dahil sa pagtama ng napakainit niyang hininga sa aking balat. Talagang napakabango niyon. Ngunit hindi ako sumunod. "Hindi mo gugustuhing halikan kita ngayon mismo, hindi ba?" Napaiktad ako nang bigla at inilapit niya sa aking tenga ang mukha niya, at doon bumulong. "Isa.."
"L-Lumayo ka sa'kin." Sa wakas ay may naisambit na rin ako.
"Dalawa.."
Hindi pa rin ako sumunod. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Na pilit humihiling na sana ay panaginip lang ang mga ito.
"You wanted me to kiss you, huh?" Muli na naman siyang nagpakawala ng hininga sa aking leeg. Dahilan oara mas lalo akong kabahan.
Nakagat ko ang aking labi at dahan-dahang nagmulat ng aking mga mata. Napasinghap ako at mabagal na lumingon patagilid sa kaniya. Salting nakatingin naman siya sa akin. Sa mismong mga mata ko! Damn!
Mabigat ang bawat hiningang pinapakawalan niya habang matalim ang mag matang nakatitig sa akin. Naiilang man, kailangan ko iyong gawin para hindi niya ako muling mahalikan. Talagang nakikipaglaban ako ng titig sa kaniya.
Biglang sumilay ang ngiti sa labi nito ng hinaplos gamit ang isang daliri ang aking mukha..patungo sa mga mata, pisngi, at nahinto sa aking labi. Panay ang paglunok ko, habang siya ay tila natutuwa sa kinakabahang reaksiyon ko.
"I really like those women who have the passion to fight me back. Really like." Aniya maya-naya nang alisin niya na ang daliri sa aking labi. "Now. Tell me that you want to stay with me no matter what--"
"It's my job, Akhi--yo." Nauutal na muling pinigilan ko siya sa maaari niyang sabihin. "Kahit ayaw mo at ayaw ko..kailangan kong gawin ang bagay na 'to--'
"Be my girlfriend, then." By that he kissed me.