Tulala ako habang nakaupo sa may couch sa hospital room ng pinsan ko. Hilot-hilot ko ang aking sentido. Na panay ang pag-kagat labi. Baka nga ay mapansin ko nalang dumudugo na pala ang ibabang labi ko dahil sa pagkakakagat ko rito. Napailing ako bago tamad na isinadal sa may headboard ng sofa ang aking likuran.
Paanong naging kapatid niya ang bubwit na 'yon? Okay na nga sana eh. Magkakaroon na ako ng crush, for how many years that I am so broken hearted. Magiging inspired na ako lalo ngayon. Ngunit bakit kasi nangyari pa na siya ang bunsong kapatid? Damn! I'm out.
"Wah!" Mahinang napasigaw ako sa sobrang kahihiyan. "Why is this so madamot para maging in-love naman ako?" Tinatamad na nakatingin lang ako sa aking sapatos habang hindi alam kung ano ang gagawin.
Kanina after kong malaman that he was the youngest among Lorde and their sister, I felt so awful. Dahil sobrang buti sa akin ni Lorde. Even his sister noong unang beses na magkausap kami nito sa Cafeteria. Hindi ko lubos na maiisip na ang lintik na bubwit na iyon ay kapatid pala bg dalawang angel.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Of course! I'm so shocked. Sino ba naman ang hindi magugulat. Na 'yong taong hindi mo nakita the whole morning ay magpapakita lang sa'yo. At may dala pa palang pasabog sa buhay niya. At ito naman si Lorde ay hindi sinabi kaagad ang pangalan ng kapatid niya. Edi sana ay naging handa naman ako.
Ewan ko ba! Kaya pala sobrang kaba ko kanina. Bukod sa nahuhulog na ako kay Lorde..nakakaramdam naman ako ng mas matinding kaba sa tuwing mararamdaman ko ang presensya ni Tayshaun. Para kasi siyang bomba na bigla-bigla nalang sumasabog kapag nagkakasalubong ang landas naming dalawa.
"Uy? Wala ka ba talagang balak i-kwento 'yang minumukmok mo riyan?" Nag-aalalang tanong ng pinsan ko habang kumakain sa pinabili niya kanina sa aking lunch.
Tinignan ko lamang ito ng walang ka-reaksiyon. "Wala."
"Eh? Bakit nandito ka pa? Nakakainis ka, ah?!"
Bumuntong hininga ako sa mariin na napapikit. "I was so stress for today, pinsan. I want to heal my mind for just a minute, please?" Namumungay ang matang dumilat ako at kaagad na ibinaling iyon sa kaniya.
Ngumiwi naman ito. "Mas stress pa ang kapatid mo kaysa sa'yo. So stop being so masungit today. Dahil hindi 'yan uubra sa akin, 'shi."
"Talaga?"
Tumango ito, "Yep! Bukod dahil sa tumawag ako kay Faye, para kumustahin ka, nalaman ko rin na hinahanapan ka nito ng makakapartner mo sa Prom. Totoo ba?"
"It was her who said that, labas ako riyan. Busy ako sa mga pasiyente ko. Hindi ako aatend."
"Why not?"
"Dahil sayang oras, Sammantha." Napabuntong hiningang pinatunog ko ang daliri sa aking kamay. Habang patuloy pa rin sa pag-buntong hininga. "Mas mainam sa akin ang ipahinga ang buong araw na kasiyahan ng lahat. Kaysa naman mamatay ako kinabukasan dahil sa sobrang pagpupuyat ko."
"But ito na ang huling prom natin. Naroon naman kami ni Yaki. We can look for you kahit may mga ginagawa kami."
Umiling ako. "I am already an adult, Sammantha. I could look for my own needs. Huwag mo akong alalahanin. Mags-stay lang ako sa bahay bukas." Buo na ang pasiyang sambit ko.
Ngumuso ang pinsan ko. "Sobrang kj mo talaga!" Pagmamaktol niya.
Umirap ako at hindi na ito pinansin pa. Mamayang gabi pa uuwi si Tiya Nilda para ayusin ang mga kailangan ni Sammantha rito sa hospital bago ma-discharged. At hapon pa lamang ngayon. It means, mayroon akong ilang oras para makapagpahinga at tapusin ag shift ko sa MDH.
Bukas na ang JS prom. Gusto ko naman talagang sumama. Ngunit dahil sa nalaman ko kanina, parang ayoko na. For sure naroon ang magkapatid at mga kaibigan nila. Ayokong magkaroon ng gulo sa pagdiriwang iyon. Kaya mananatili nalang ako sa bahay the whole day. Tatapusin ang mga pwedeng tapusin doon. Kung pwede nga ay linisin ko nalang ang buong bahay. Huwag lang akong sunduin ng kaibigan ko para sumama.
"Mag-iingat ka pauwi, 'shi. Madilim na sa daan. Mabuti pa ay tawagan mo ang kuya mo para masundo ka ngayon. Dahil baka dalawang oras pa bago matapos ang sa pinsan mo." Pagpa-aalala sa akin ng Tiyahin ko. Kinagabihan nang makarating na Ito sa silid n pinsan ko. "Nag-handa na ako ng pagkain niyo, dapat maubos niyo iyon, ha? Lalong-lalo ka na. Naku! Mahina pa naman ang t***k niyang puso mo!"
Nakamot ko ang aking batok at pilit na nginitian nalang ito bago bumaling sa pinsan kong natutulog. Pinaningkitan ko ito ng tingin saka ako muling tumingin sa tiyahin ko.
"Don't worry, Tiya. Uubusin ko po ang niluto niyo."magiliw kong sabi kasabay ay kinindatan ko siya.
Napailing ang Tiya Nilda, bago ako tinanguan at nginitian. Inayos ko muna ang aking suot na blazzer coat bago ako lumabas ng room number ng pinsan ko. Nakapamulsa ako at nakangusong naglalakad patungo sa may elevator patungong ground floor.
Binilinan ako ni Tiya na tawagan ang kapatid ko para masundo ako, ngunit hindi ko naman sinunod. Bagkus nang makalabas ako ng tuluyan sa MDH ay tumawid ako ng kalsada para mag-abang ng masasakyan. May dumaraan pa man kahit gabi na. Madalas kasi ay kailangang pumunta pa sa FAB para makasakay ng trycicle. Ayoko naman doon dahil medyo malayo, at madilim na ang daan.
"Sigurado akong pagod na ang kapatid ko, kaya magc-comute nalang talaga ako."
Nagpalinga-linga pa ako sa paligid upang mag-tingin kung may papalapit ng sasakyan. Ngunit tanging madilim na parte lang ag daan ang nakikita ko. Napanguso ako at mahinang kumanta nalang upang mawala kahit papaano ang takot ko. Hindi naman ako natatakot sa dilim. Takot ako Kasi baka may biglang huminto sa harap ko, tapos magulat nalang ako nakaalis na pala ako sa aking katawan. 'yon pala patay na ako.
"Hays! Anong oras ba darating ang sasakyan?" Reklamo ko nang lumipas na ang ilang minuto ay wala a rin.
Kung tinawagan ko si Kuya Yaki, kanina pa ay nasundo na ako. Kaso lang iniisip ko talaga ang kalusugan nito. Sobrang pinapagod kasi ang sarili. Kaya maghihintay nalang ako rito hanggang sa may dumating na sasakyan.
Nang makalipas pa ang ilang minuto ay saka pa lamang ako nakakita ng isang trycicle na patungo sa aking gawi. Malawak ang ngiti na kumaway ako upang mapansin ako ng driver nito. Ngunit gano'n nalang ka natigilan ako nang makalapit ito, at matanawan ko ang mga sakay niyon.
Patay!
Napalunok ako nang huminto na Ito s aking harapan. Nagsisimulang mangatnog ang aking binti, at anumang oras ay matutumba ako. Lumabas ang isang lalaki na nakaupo sa loob ng sasakyan. Sa hugis at itsura pa lang nito at mapaghihinalaan na talagang manyak.
"Hatid ka na namin, Miss." Pag-anyaya nito sa akin. "Gabi na. Mukhang wala ka nang masasakyan pa. Mabuti kung kami na ang maghatid sa'yo."
"A-ah..h-hindi na h-ho.."nangingig ang boses na napaatras ako nang magsimula itong lumakad palapit sa akin.
"Hindi ka naman namin sisingilin sa pamasahe, Miss. Baka pwede rin naman na.." nagkatinginan sila kasama no'ng mga nasa trycicle, at mala-dimonyong nagsitawa.
Bastos!
Umiling ako at pilit na ngumiti. "H-Hindi po talaga, Manong. Pasensiya na p--'
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang makakuha ako ng bwelo upang matadyakan Ito sa sensitibong parte ng katawan niya. At saka ay tumakbo na ako palayo sa lugar.
"Tangina! Habulin niyo!" Sigaw noong batid kong napuruhan ko.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko para lang makalayo sa lugar na iyon. Ngunit sa kasagsagan ng Gabi. Walang anumang sasakyang bukod sa trycicle na iyon ang dumaan sa kalsada. Napakadilim din. Ngunit hindi ako pwedeng matakot. Dahil baka ay maabutan nila ako.
Lumiko ako sa kabilang daan at muli ay tumakbo. Hindi pa man ako nakakatagal sa kakatakbo, ngunit hinihingal na ako.
"Tatandaan mo ito palagi, ha? Huwag kang maiinggit sa mga bata kung sila pwedeng magtakbuhan at magsipaglaro sa labas. Hayaan mo, at makikipaglaro kami sa'yo ni pinsan. At kami kunwari ang doctor. At hahanap ng heart donor para sa'yo."
Nangilid ang luha sa aking mata nang maalala ko ang sinabing iyon sa akin ng aking kapatid. Gustuhin ko mang huminto sa pagtakbo dahil baka ay malagutan ako ng hininga, maabutan naman nila ako.
Ito na ba ang araw ko?
Natutuyo na ang aking lalamunan, at batid kong namumutla na rin ang aking bibig. Nakakaramdam na ako nang kinakapos sa pag-hinga. Ngunit natatakot akong tumigil sa pagtakbo.
"Tulong!" Pinagsumikapan kong makasigaw kahit unti-unti nag bumibigay ang aking katawan. "Tulungan niyo ako!"malakas na sigaw ko.
Papikit-pikit na ang aking mata at bumabagal na rin ang aking pagtakbo. Anumang minuto ay maabutan nila ako. Sinubukan kong bilisan. Ngunit parang may mabigat na bagay akong pasan-pasan, para mas lalo akong mahirapan. Bumibigay na ang aking mga tuhod. At ganoon din ang aking katawan.
Unti-unting nararamdaman kong bumabagsak ako sa lupa, habang bumabagal naman ang pagpikit ng aking mga talukap, at pagkakapos ng aking paghinga. Isang maliwanag na ilaw ang siyang malabong natanawan ko pa bago ako tuluyang makita ang dilim.
"Natapos na namin ang operasiyon niya, ngunit kinakailangan ng pasiyente ng mahabang pahinga. Excuse me, Doc. Salvatera."
Dahan-dahan kong iminulat ang aking paningin, ngunit mariin din itong naipikit nang isang nakakasilaw na liwanag ang saktong nakita ko.
"Mama, gising na si Hershey."
Kaagad na dinaluhan ako ng aking pamilya nang mag-mulat akong muli. Lahat sila ay nag-aalalang tinignan ako.
"Pinsan, ano? May masakit pa ba sa'yo? Nahihirapan ka pa bang huminga?"aniya Sammantha.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? Nakakaramdam ka ba ng nahihilo ka pa?" Nag-aalalang tanong ni Kuya, na hinaplos pa ang aking pisngi.
"Oh God! Thanks for saving my daughter!" Umiiyak na sabi ni Tiya Nilda, saka ako nilapitan at hinaplos sa pisngi. "May masakit pa ba? Nagugutom ka? Gusto mo bang ikuha kita ng makakain? Nahihirapan ka bang huminga? Ano? Please, answer me, anak." Humagulgol ito habang naghihintay pa rin sa aking isasagot.
"An..ak.."nangilid ang luhang nahihirapan kong usal.
Tumingin sa akin si Tiya, at tumango. "Yes, Hershey, anak. Para ko na kayong mga tunay na anak."
Napahikbi ako nang sa kauna-unahang beses ay may nag-tawag sa akin na anak. Hindi ko alam kung bakit. Pero parang feeling ko ay mas masakit pa rin ang pangungulila sa aking puso. Na sana ay narito ang magulang ko para kumustahin ang kalagayan ko. Ngunit kahit mamatay yata ako rito at hindi sila darating.
Hindi ko na naman kasi kailangang ipagpilitan ang sarili ko sa kanila. Basta nalang nila kaming iniwan matapos maipanganak ako. At ibig sabihin lang noon ay hindi nila ako gustong maalagaan.
"I'll get my things, Tita." sabi ni Kuya Yaki. At tanging pagsara nalang ng pinto ang narinig ko.
"Ako rin, Ma." Sumunod ay lumabas din si Sammantha.
Naging matahimik ang kung saan man ako na silid nang makalabas ang dalawa. Nahihirapan man, sinikap ko ang makabangon upang makaupo ako. Inalalayan ako ni Tiya. At inayos ang unan sa aking likuran. Iginala ko ang paningin sa kabuoan ng silid. Parang Pribado. Halatang nahal ang ibinayad dahil sa mas espesyal ang laman sa loob. Nahihiyang bumaling ako kay Tiya.
"Pasensiya na po, Tiya. Hindi po ako sumunod sa sinabi niyo." Naluluhang paumanhin ko. "Sorry po dahil gumastos na naman kayo para pang-hospital ko."
Bumuntong hininga ito at hinawakan ang aking kamay. "Alam mong gagawin ko ang lahat para lang gumaling ka, hindi ba? Kaya huwag kang humingi ng paumanhin kung narito ka sa hospital, at hindi bilang isang Doctor, anak."
"Kung sana lang po nakinig ako sa inyo. Hindi po sana ako pasiyente sa Hospital na 'to."
"Hindi mo kasalanan iyon. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo, dahil nahuli na ang mga lalaking balak kang kidnap-in."
"Po?" Nagulat na nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
Ngumiti siya at tumango. "Oo, anak. At kapag maayos na ang lagay mo pupwede na natin silang puntahan sa presinto upang sampahan ng kaso."
Naitungo kong muli ang aking ulo. Nagsisisi akong hindi tumawag sa aking kapatid. Hindi sana ako narito ngayon. At sana ay walang taong makukulong. Kasalanan ko. Hindi naman siguro sila hihinto, kung walang tao sa pwesto ko. Dahil bukod tanging ako lang naman, at wala ng ibang tao pa roon.
"I know you will get mad to hear this..but I call your Mom about this."
Awtomatiko kong naiangat sa kaniya ang paningin ko. Parang bigla ay may kung anong nararamdaman na naman akong pangungulila sa aking magulang.
"Tiya, alam mo naman na-'
"She needs to know everything, Hershey. Kahit hindi ka niya inalagaan, Nanay mo pa rin siya." Napapabuntong hiningang pigil niya sa aking sasabihin. "Kung ano man ang 'yang galit na nararamdaman mo para sa kaniya, iisang tabi mo muna."
"Hindi po ako nagagalit sa kaniya, Tiya. Ayoko lang po na kaawaan niya ang lagay ko." Tinignan ko ang aking palad, kasabay ng aking pag-buntong hininga. "Makakagulo lang din po ako sa pamilya nila."
I don't know if my mother have now a family, but I don't want myself to start a fight with them. Kaya hindi ko na hihilingin pa na makasama ang magulang ko. Dahil kung talagang concern sila sa nararamdaman namin ni Kuya Yaki, they will come back. Pero wala. Mas pinili nilang lumayo, at iwan kami.
"Hello po, Ma'am, good morning." Aniya ng inosenteng pamilyar na tinig.
Nag-liwanag ang aking mata, at kasabay niyon ang biglang pag-bilis ng t***k ng dibdib ko. Narito siya. Palihim kong inaangat ang kaliwang kamay ko upang ipangharang sa tapat ng bibig ko. At palihim na bumuga ng hininga. Iw! Napapikit ako ng mariin at napanguso.
"Pasok ka, iho." Batid kong nakangiting pag-anyaya ng tiyahin ko kay Lorde.
Nakangat ko pang-ibabang labi ko nang tuluyan nga itong pumasok at lumapit sa akin. Nakangiti siya habang ipinakita pa sa akin ang dala niyang prutas, at kung anong pagkain. Hindi ako umimik. Bagkus ay itinakip ko pa sa aking bibig ang pares na kamay. At saka ay tinanguan lang siya.
"Lalabas na muna ako para naman makapag-usap kayong dalawa ng maayos." Nakangiting sabi ni tiya bago ito tumayo at haplusin ang aking buhok. "Saka na kita pipiliting mag-kwento sa akin tungkol sa nobyo mo. Ngayon ay mag-usap muna kayo."
Nanlaki ang mga mata kong tinignan ito. Ngunit gano'n nalang ang pagkadismaya ko nang pasimple niyang nginuso ang lalaking nasa may gilid ng kama ko. Tumango ito bago kami tuluyang iniwan sa aking silid.
Nang tuluyang magsara ang pinto a saka pa lamang ako natauhan na narito nga pala siya sa loob ng kwarto ko. Napigil ko saglit ang paghinga, bago mag-decide na lingunin ito.
Hindi ko alam, pero biglang nakaramdam ng pagka-touch ang puso ko nang makita ko itong nakangiti habang inaayos ang mga dala niya.
Kung bakit ba naman kasi ang arte-arte ko noon? Palagi niya akong nilalapitan, minsan may padala pa ng mga regalo, foods, bulaklak, at tinutulungan akong dalhin ang mga school works ko. Kung tutuusin nga ay na sa kaniya na ang lahat ng katangian, gwapo, matangkad, medyo maputi, mayaman, ideal type of some girls, magaling mag-bake. Masarap talaga 'yong cupcakes niya. At higit sa lahat..crush ako.
Hays! Kung bakit ba naman kasi hindi ko siya pinapansin noon? Ano naman Ang pumasok sa isip ko para maging maarte, at huwag siyang pagbigyan sa hiling na ligawan ako noon? Edi sana ilang taon na rin kami?
"Kumusta na pala ang puso mo?" nakangiti, munit nag-aalala ang boses niyang pinagmasdan ako. "Hindi makakapunta ang kapatid ko..busy siya ngayon..kaya nagpatulong siyang ipabigay sa'yo ang mga ito."
Natigilan ako at napadako ang paningin doon sa mga pagkain nakahain sa side table. Bigla ay nawalan ako excite para kainin ang mga iyon.
Ano ba 'yan! Akala ko ba naman nag-gagawa siya ng moves para makuha ako sa kapatid niyang nagfe-felling na girlfriend ako. 'yun pala ay hindi. Kainis ka talaga, bubwit!
Napabuntong hininga ako at pinagkrus ang mga brasong isinadal ko ang sarili sa aking patong-patong na unan. "Salamat." Tamad kong sabi.
Mahinang natawa ito bago naupo sa may gilid ng aking kama. Tinignan ko lang siyang pagmasdan ang aking silid, habang siya ay manghang-mangha, ako naman ay nanghihinayang.
Kumusta na kaya ang bubwit na 'yon?
Kahit naman naiinis akong ipagsabi niya sa kapatid niyang girlfriend niya ako, na siyang kinainis ko ng soba. Concern pa rin ako sa mga gagawin niyang kalokohan. Gosh. Masakit kayang tamaan ng balde sa ulo. And worst, hindi manlang daw siya magsosorry. Bukod tanging nilalang na hindi hinabol ng konsensya.
"Ang swerte pala ng kapatid ko, 'no? Akalain mong naunahan niya akong mapasagot ka." Mapait na ngumiti si Lorde. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Masakit kasi ang umasa.
Ngumiti ako rito at tumango. "But does that mean iiwasan mo na ako, ah?" Dahil mas gusto kita kaysa sa bubwit na 'yon.
"Hindi naman ako iiwas."
"Yeah, you not should be." Pagsang-ayon ko bago binalingan ng tingin ang mga pagkaing dala niya. "Himala at concern pala sa health ko ang kapatid mo, 'no? Bakit hindi nalang siya ang nag-dala? Pinapagod ka pa."
"He's busy. Kaya ayos lang sa akin na ako ang mag-dala. At least I could see your beautiful face for the last time?" Nakangiting sinuyod niya ang kabuoan ng aking mukha. "You're beautiful. No doubts that my brother owns you." Napailing ito.
Napakunot ang aking noo. Ngunit kaagad ding nawala at napabuntong hininga. "I don't know what should I say to you. But.. didn't you feel jealous because I'm his girlfriend?"
Natigilan ito. "I felt." He surrowful said.
Did he said he felt jealous?
"I'm not feeling that I am jealous because he taken you away from me first. I was just shocked because it was really true."
Okay.
"I don't love your brother, Lorde. It verry difficult for me to love someone that it was a trash for me." pag-amin ko rito.
Walang emosyon na tumingin siya sa akin. "Pinaglalaruan mo ba ang kapatid ko?" Aniya sa mababang boses.
Umiling ako. "I'm not good at playing someone's heart. If I knew that I am meant for him, then I would never been against from it. Pero hindi siya ang gusto ko."
"Then who?"
Sandaling tumingin ako sa mga mata nito. Ito na ba ang oras para aminin kong gusto ko na rin siya? Nagbabakasakaling makakuha ako ng lakas upang tuluyan nga ay maamin ko ag aking nararamdaman. Ngunit isang malakas na pagsara ng pinto ang siyang nakapagpatigil sa aking ginagawa.
What the damn is that?
Hindi ko na sana papansinin pa. Ngunit nang mabalingan kong muli si Lorde. Ang tila kinakabahan na itsura nito ang nadatnan ko.
"What's wrong?" Nagtatakang tanong ko, habang siya ay parang natigilan. "May multo ka ba na nakita?"
Hinarap ako nito at napalunok. "He was m-mad." Nagsisimulang mautal ang boses niya. "Na..narinig niya ang mga s-sinabi mo."
"Huh? Sino?"
Napapikit ito ng mariin bago tuluyang tumayo at deretsong lumabas ng aking silid.
"Anong nangyari sa kaniya?" Bulong ko sa aking sarili.
Ngunit gano'n nalang ako natigilan ng ilang minuto ay naintindihan ko na ag ibig niyang sabihin. Dali-dali kong tinanggal ang swero at bumaba sa aking kama. Hindi nakasara ang pinto kaya mabilis na nakalabas ako at nagpalinga-linga sa paligid.
Hindi ko alam pero sobrang bilis ng t***k ng puso ko habang patuloy ako sa paghahanap sa kung sino. Mabilis. Napakabilis. Hindi ko alam kung bakit ako nakararamdam ng ganito. Ngunit ang siyang nasisiguro ko lang ay baka tama si Lorde. Narinig niya ang mga sinabi ko. At nasaktan siya.