ARABELLA’S POV
“Puto at tawanan,” sabi ko habang inaabot ang matcha frappe mula sa tray na hawak ni Liam. “Parang high school days lang, no?”
“Exactly. Kulang nalang ay notebook na may sulat mong ‘Mrs. Alexander’ sa likod,” pang-aasar niya.
Napatawa ako, sabay saboy ng tissue sa mukha niya. “Sira ka talaga.”
Tumawa siya nang malakas, at sa sandaling iyon, ang bigat na kanina pa nakapatong sa dibdib ko ay tila nabawasan kahit papaano. Umupo kami sa isang corner booth, medyo tago, medyo tahimik parang luma na naming tambayan pero laging may bagong istorya.
Kinuha niya ang muffin mula sa tray at nilagay ito sa gitna naming dalawa.
“Hati tayo, gaya ng dati,” sabi niya.
Tumango ako. “Kahit ako ang mas may kinain dati, hindi mo ako inaaway.”
“Hindi ko kayang awayin ‘yung babaeng kumakain habang umiiyak sa exam results,” biro niya ulit.
Napailing na lang ako habang tinatanggal ang paper wrapper ng muffin. “You remember too much.”
“I remember everything,” sagot niya. Pero hindi na siya nakatawa. Tahimik. Seryoso.
Napatigil ako. Hindi dahil sa salita niya, kundi dahil sa paraan ng pagkakabigkas nito. Para bang hindi niya sinasadyang sabihing mahalaga lahat ng parte ng pagkatao ko even the messy, painful, and awkward ones.
“Arabella,” mahina niyang tawag.
“Hm?”
“I know you’re confused,” panimula niya. “And I don’t want to make things harder for you. Pero gusto kong sabihin... kahit hindi ako piliin sa dulo, okay lang. Basta lang malaman mong... hindi mo kailangang matakot kapag kasama mo ako.”
Napalunok ako. Mabilis. Kasi ayokong makita niyang parang naiiyak ako.
“Hindi ako sigurado kung ano’ng nararamdaman ko,” amin ko. “Kay Alexander… kay... sa lahat ng ito. Parang ang gulo-gulo.”
“Hindi kita pinipilit. At ayokong ikaw ang ma-pressure. Kaya ako nandito kasi gusto lang kitang samahan. Kahit hindi mo ako piliin bilang lalaki, basta hindi mo makakalimutan na kaibigan mo ako.”
Ngumiti ako.
“Kahit may asawa na ako?” biro ko, kahit ang puso ko ay parang napipi.
“Kahit may anak na kayo ng tatlong Alexander,” sagot niya, sabay irap.
Natawa ako, at sa tawa kong ‘yon, alam kong kahit paano… ligtas ako sa piling ni Liam.
Pero hindi rin ako bulag.
May hinanakit sa mata niya. Ganoon naman yata talaga. Kahit sabihin mong okay ka, kahit sabihin mong kaibigan lang, ‘yung puso minsan ay may sariling panata.
At habang tinititigan ko siya, naisip ko: Gaano karaming beses ko na siyang iniwan sa pangalawang puwesto?
---
LIAM’S POV
Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing kasama ko si Arabella, parang bumabalik lahat ng pagkatao ko. Lahat ng pagpapanggap sa mundo ay nawawala. Isa akong simpleng lalaking may simpleng pangarap ang mahalin siya at masaksihan ang bawat ngiti niya, kahit hindi ako ang dahilan.
Kaya nga ako palaging nandito.
Kahit ang hirap.
Kahit hindi ako ang una.
“Bakit mo ba ako sinusundo kahit hindi naman ako nagpaparamdam?” tanong niya bigla habang ininom ang natitirang matcha frappe.
“Alam ko kasi ‘yung takbo ng isip mo,” sagot ko. “Kapag hindi ka sumasagot, either may pinagdadaanan ka o nagpapaka-busy ka para makalimot.”
Tumahimik siya.
“Hindi ko naman intensyong palitan si Alexander,” dagdag ko. “Pero kung sakaling bumitaw siya… ako ‘yung hindi aalis.”
Ngumiti siya, pero may lungkot.
“Liam…”
“Huwag ka nang magpaliwanag,” putol ko. “Alam ko naman. At hindi ko ito ginagawa para sukatan ka ng pagmamahal. Ginagawa ko lang ‘to kasi mahalaga ka. Kung makalimutan mo ‘yon, okay lang. Pero kung maalala mo... sana maalala mong may taong hindi ka iniwan kahit minsan.”
Nagkatinginan kami.
Minsan talaga, kahit hindi sinasabi ng mga mata, nauunawaan na ang sakit at pag-ibig.
"Aystt halika na nga umuwi na tayo masyado na tayong nag dradramahan dito HAHAHAHA" malakas na tawa ko kaya napatawa din siya ng malakas.
---
ARABELLA’S POV
Paglabas namin ng café, malamig na ang hangin. Gabi na. Tahimik sa paligid, at tanging mga ilaw sa poste ang nagbibigay liwanag sa madilim na daan.
“Hatid na kita?” tanong ni Liam.
“Sige,” sagot ko.
Tahimik kaming naglakad papunta sa kotse niya. Hindi tulad kanina na puro kwento at tawa. Pero hindi rin ito malamig na katahimikan. Para itong respeto sa isa’t isa na kahit parehong may hindi nasasabi, pinipiling maging mahinahon.
Pagkaupo sa kotse, bigla siyang nagsalita.
“Balik tayo dito bukas?”
Napalingon ako. “Ha?”
“Walang dahilan. Gusto ko lang ulitin ‘to. Yung ganito lang. Kape. Muffin. Tawa. Walang expectations.”
Tumango ako. “Okay.”
Walang halong pangako ang tugon ko. Pero may halong pag-asa.
Pagdating sa bahay, binuksan niya ang pinto ng kotse para sa akin.
“Goodnight, Liam,” sabi ko.
“Goodnight, Ara.”
Ngumiti siya. At tumalikod na ako. Ngunit bago ako makapasok sa gate, narinig ko siyang tawagin ako muli.
“Arabella.”
Lumingon ako.
“Thank you for still letting me be in your life.”
Napangiti ako, hindi ko napigilan.
“Thank you for staying.”
At sa gabing ‘yon, habang nakahiga na ako sa kama, tinititigan ang kisame, muling bumalik ang dalawang pangalan sa isip ko.
Alexander. Liam.
Isa ang nagturo sa’kin kung paano maging matapang. Isa ang nagturo sa’kin kung paano maging totoo.
Pero pareho silang naging dahilan kung bakit ko nais alamin kung sino ba talaga ako sa likod ng lahat ng ito.
At bago ko ipikit ang mga mata ko, sa isip ko lang ay isang tahimik na panalangin:
> Sana, kapag oras na ng pagpili... piliin ko hindi lang kung sino ang tama kundi kung sino ang kasama kong magiging totoo sa sarili ko.
"Ayy nakuu Arabella matulog kana nay lakad pa kayo bukas ni Alexander"
Pumikit naako at hinayaang na lamunin ako ng antok.
---
ALEXANDER’S POV
Kinabukasan, nasa loob na ako ng paborito naming art gallery.
Tahimik. Malamig. Walang ibang naroon kundi ang mga kwadrong nagkukuwento ng emosyon ng mga artist na, gaya ko, hirap ring magsalita minsan.
Dinala ko ang paborito niyang strawberry jam sandwich. Nilagay ko ito sa maliit na table sa loob ng gallery. Wala pa siya.
Pero naroon ako.
Hindi para hintayin lang siya.
Kundi para ipaalala sa sarili ko na minsan, ang pagmamahal ay hindi lang pagsisigaw sa rooftop minsan ito ay pananatili sa mga lugar kung saan mo siya naramdaman kahit wala pa siya.
At kahit hindi siya dumating ngayon…
Nandito pa rin ako.
Kasi hindi na ako lalayo.
Pero minsan naiisip ko rin ang pinag samahan namin ng unang babaeng nagpatibok ng puso ko.
Panu kaya kung hindi kami nag hiwalay? makikilala ko kaya si Arabella?
Naka move on na ba ako sa kaniya? parang Hindi pa nasa punto parin ako na babalik siya sakin babalikan niya ako at magiging okay parin kami.
Pero panu si Ara? masasaktan ko siya?
Yan ang mga katanungan na palaging nasa isip ko.