Alexander’s POV
Minsan may mga umagang ang hirap bumangon hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa bigat ng mga tanong na wala pa ring sagot.
Pero ngayon, habang nakatitig ako sa bubong ng kwarto ko, may kakaibang katahimikan. Hindi ito tulad ng dati na punô ng pangamba. Ito 'yung klase ng katahimikan na may kasama nang pag-asa, kahit gaano kaunti.
Arabella.
Ang daming beses kong nasabi sa sarili kong hindi ako sapat para sa kanya. Hindi dahil sa kulang siya, kundi dahil ako mismo ang hindi marunong magbigay ng tamang halaga.
Iyon ang kasalanan ko.
Iyon ang araw-araw kong binibitbit.
Kahapon, nung hinayaan niya akong pumasok sa bahay nila kahit sa oras ng gabi, kahit sa gitna ng emosyon niyang hindi pa sigurado ramdam kong may parte sa kanya na hindi pa rin tuluyang lumalayo.
At para sa akin, sapat na muna 'yon.
Hindi ko siya pipilitin. Pero ipapakita ko araw-araw na kaya kong maging lalaki hindi lang para sa kagustuhan ng mga magulang namin kundi dahil ako mismo ang pipili sa kanya.
Sa unang pagkakataon, hindi dahil sa obligasyon, kundi dahil sa pagmamahal.
---
Magsasampung ng umaga, nag-aayos ako para sa isang supplier meeting sa opisina. Pero bago pa man ako makalabas ng unit, tumigil ako sa harap ng salamin.
Walang necktie.
Simple lang ang suot ko white polo, blue jeans, loafers. Walang corporate façade. Walang pader. Gusto ko kung sakaling magkita kami ulit ni Arabella ngayon, makita niyang hindi ako yung Alexander na palaging nakatago sa likod ng "professionalism" o "composure."
Gusto kong makita niya ako—buo, totoo, kahit magulo.
Tumunog ang phone ko.
> Secretary: Sir, Miss Arabella just arrived at the conference room. Early as usual po.
Nagulat ako. Hindi ko alam na dadalo siya ngayon. Hindi sinabi ng mga magulang namin. Wala rin siyang binanggit. Pero sa balitang iyon, may bahagyang sayang lumitaw sa dibdib ko.
Bumuntong-hininga ako. Pinatay ang screen. At saka ako tuluyang lumabas ng unit.
---
Pagpasok ko sa conference room, nakita ko agad siya.
Nakatalikod, may hawak na folder. Nakaupo sa gilid ng mahabang mesa habang kinakausap ang isa sa mga design team staff. Pink ang blouse niya, may simpleng earrings, at nakapusod ang buhok. Mukha siyang pagod… pero maganda. Lagi siyang maganda, kahit kailan.
“Good morning,” bati ko.
Napalingon siya.
“Morning,” sagot niya, tipid pero magaan.
Tumabi ako sa upuang katapat niya. Hinayaan ko munang magpatuloy ang usapan nila ng team habang ako ay tahimik lang na nakikinig.
Pero habang tumatagal, hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya. Kung gaano siya kaayos. Kung paanong kahit ang simpleng pagpapakita niya rito ay parang pagtanggap sa presensya ko. At higit pa roon, pakikiisa sa bagay na dati naming ginagawa na para bang walang saysay ang pagsuporta sa mga proyektong pinilit lang sa amin.
Ngayon, hindi ko na siya pinipilit. Pero narito pa rin siya.
Pagkatapos ng meeting, tumayo siya, tinupi ang mga dokumento, at nilapitan ako.
“May time ka?” tanong niya.
Tumango ako. “Para sa’yo, meron palagi.”
Ngumiti siya, bahagya lang. Pero sapat na para makabuo ng t***k na kay tagal nang hindi ko naramdaman.
Lumakad kami palabas ng opisina, diretso sa rooftop garden ng building. Tahimik, malamig, at may presensya ng luntiang halaman sa paligid para bang inilaan ang espasyong ito sa mga salitang hindi masabi sa loob ng apat na sulok ng conference room.
Tumigil siya sa gitna. Tumabi ako.
“Ano’ng balita sa inyo ni Liam?” tanong ko, diretso.
Hindi dahil gusto kong saktan ang sarili ko kundi dahil gusto kong malaman kung ano na ang lugar ko.
Tumingin siya sa akin. Walang gulat sa mukha niya. Parang inaasahan niyang itatanong ko 'yon.
“Kaibigan siya,” sagot niya.
“Kaibigan na gusto ka,” tugon ko.
Tahimik siya. Hindi na ako nagdagdag pa.
“Hindi ko pa alam yan tapos ikaw alam mo,” sabi niya. “Pero kung ganun man ay ayoko nalang makipag relasyon ng kahit sino man sa inyong dalawa dahil takot akong may masaktan sa inyo”
Tumango ako. “Hindi kita pipilitin. Pero gusto kong malaman mo, na hindi ako lalayo. Hindi na.”
Tumingin siya sa akin. Diretso.
At sa pagitan ng katahimikan namin, ramdam ko kahit hindi pa niya ako pinipili, may puwang pa rin akong pinaghihintay.
---
Arabella’s POV
Pagkatapos ng pag-uusap namin sa rooftop, umuwi ako na parang may bago akong dalang tanong. Hindi tungkol sa kung sino ang pipiliin ko pero hindi pa naman sure na may gusto sakin si Liam.
Pero kung sakali man yun ang totoo may mga katanungan na nasa isip ko na nabubuo na ngayon.
Ito 'yung tanong na: Sino ako kapag kasama ko siya? At sino ang gusto kong maging?
Kasi kay Alexander, nararamdaman kong kaya kong maging matatag. Kaya kong sumabay sa mundo niya. Pero may takot rin akong baka hindi niya kayanin ang kabuuan ko ang gulo, ang tanong, ang damdaming hindi palaging malinaw.
Kay Liam… naroon ang comfort. Yung tahimik na alalay. Yung hindi kailangang humingi para maramdaman ang presensya. Pero hindi ko rin alam kung kaya ko siyang mahalin nang buo, kung dala ko pa rin sa puso ko ang tanong na "paano kung?" para kay Alexander.
Pagbalik ko sa kwarto, binuksan ko ang notebook ko. Isang pahinang walang laman.
At sa gitna ng pahinang iyon, nagsulat ako ng isang linya:
> “Hindi ko kailangan ng lalaki na kukumpleto sa’kin. Kailangan ko lang ng isang taong hindi natatakot sa kabuuan ko buo man o basag.”
Napangiti ako.
Kasi sa gitna ng lahat ng ito, sa gitna nina Liam at Alexander, sa gitna ng kasal na pinlano para sa amin, sa gitna ng mga tanong at pagsubok…
Ako pa rin ang kailangang piliin ko muna.
Ang sarili ko.
---
Bandang alas-siete ng gabi, may dumating na mensahe. Galing kay Liam.
> Liam: Nasa coffee shop ako malapit sa inyo. Kung gusto mong lumabas, libre kita ng choco chip muffin.
Napangiti ako.
Ilang segundo lang, may kasunod na text mula kay Alexander.
> Alexander: I’ll be at the gallery tomorrow. If you want to talk or not talk. Basta I’ll be there.
Tumitig ako sa dalawang message.
Hindi ako nag-reply sa alinman.
Tumayo ako, nagsuot ng hoodie, at lumabas ng bahay. Hindi para makipagkita kahit kanino.
Kundi para maglakad.
Maglakad nang mag-isa, kasama ang mga tanong at mga sagot na unti-unting bumubuo ng Arabella na hindi lamang napipili, kundi natututo ring pumili para sa sarili.
At sa gabing iyon, sapat na muna 'yon.
Pero sa di inaasahan ay nakita ko ang sasakyan ni Liam sa di kalayuan papalapit ito sa direksyon ko. Ng makalapit na ito ay bumaba ito sa sasakyan ng may ngiti sa labi.
"Sabi ko na nga ba baka naglalakad lakad ka ngayo di ka kasi nag reply sa text ko"
"Ahh oo hehe sorry nakalimutan kong mag reply" palusot ko.
"So panu tara sa Cafe tayo"
"Ahh Sige"
Sumakay nalang ako ng sasakyan ni Liam habang nasa sasakyan kami ay walang ingay o pag uusap tanging hangin na mula sa labas ang naririnig namin dahil bukas ang mga bintana ng kotse ni Liam. Pagkarating namin sa Cafe kaagad naman niya binuksan ang pinto ng sasakyan .
"Thank you" sambit ko.
Pumasok na kami sa Cafe.
"Sap Matcha frappe right?" nakangiting tanong niya.
"Alam na alam mo talaga kung anu ang gusto ko" biro ko pa sa kaniya.
"Aba syempre we're best friends since birth hahaha" tawa niya.
"American coffee ang sayo" natatawang sabi ko.
Napuno ng tawanan dahil parang bumalik kami sa kabataan na puto tawanan lang.