CHAPTER 4

1432 Words
ARABELLA POV Umaga ulit. Iyon na naman ang oras ng paghinga ko yung ilang minuto bago ako bumangon, bago ko harapin ang bagong araw na hindi ko sigurado kung gusto ko bang simulan. May gumugulo sa dibdib ko. Yung message ni Alexander… nandun pa rin. Wala pa rin akong sagot. Hindi dahil wala akong gustong sabihin, pero dahil hindi ko alam kung ano pa ba ang nararapat. Kasi habang lumilipas ang mga araw, parang mas lumalayo kami, kahit walang malinaw na “tapos na.” Pagbaba ko ng kama, tinungo ko ang terrace. Doon na naman ako naupo, bitbit ang kape, nakatanaw sa langit. Minsan, iniisip ko paano kaya kung hindi bumalik si Liam? Kung hindi siya dumating sa buhay ko muli, masasabi ko kaya ang lahat ng nararamdaman ko ngayon? Kasi si Liam… parang salamin. Sa kanya ko nakita ‘yung sarili kong hindi ko na matandaan. Ang Arabella na hindi kailangang ipaglaban ang bawat pansin, ang bawat salita. Ang Arabella na pinipili, hindi sinasadyang kalimutan. Napatingin ako sa phone ko. May bago ulit na message. > Alexander: Can we talk? Ilang segundo lang ang pagitan mula nang matanggap ko iyon, pero parang bumigat ang paligid ko. Naramdaman kong may darating na hindi ko alam kung handa na ba ako. Pero may parte sa akin na nagsabing… kailangan kong harapin ito. >Sige. Yun lang ang tanging reply ko sa kaniya. Nagtunong ulit ang cellphone ko, nag reply pala ulit si Alexander susunduin daw niya ako ngayon. Kagaad naman akong nag ready. Bumaba na muna ako para uminom ng tubig nasa baba pa pala sila Mama at Papa. "Are you okay darling?" bungaf na tanong ni mama sakin ngumiti lang ako sa kaniya at tumango. "If you're not okay sa fix marriage mo with Alex just tell me pwede ko pang icancel yun" singit ni Papa. "Okay lang po ako Ma, Pa wag na po kayo mag alala" "Anu ka ba Robert alam mo naman na gustong gusto ni Ara si Alex tapos gusto mo pa icancel yung kasal nila" "Sige na po Ma Pa alis na po kayo anung oras na po ohh baka malate kayo traffic panaman" "Alright anak take care always ha" yinakap at kiniss ako ni Mama at Papa at saka umalis na rin. Uminom na muna ako ng tubig at saka na ulit ako umakyat para nag ready sa lakad. Pinili ko lang ang pink dress at white heels at white na shoulder bag. Naglagay lang din ako ng kaunting make up at lipstick. krriiiinnngggggggg Si Alexander pala tumatawag. "Andito na ako" sabi niya sa kabilang linya agad naman akong tumingin sa terrace sa kwarto ko at andun na nga siya kumaway pa. Binaba ko na kaagad ang tawag at nagmadaling bumaba. "Manang alis na po ako" "Sige po senyorita" Pagkalabas ko agad naman niya akonv pinag buksan ang pinto ng sasakyan. "Hi" "Hello" bati ko. "Lets go art gallery I heard from your mom na paborito mo daw yun na tambayan" tumango lang ako sa kaniya at ngumiti. --- Nasa loob na kami ng art gallery na paborito kong tambayan noon paman. Tahimik, may musika sa likod, at puno ng kuwadro na nagkukuwento ng iba’t ibang emosyon. Naroon siya. Nakatalikod. Nakatitig sa isang canvas na puro dark strokes parang punit-punit na damdamin na sining na lang ang naging paraan ng paglabas. Lumapit ako. “Hi,” mahina kong bati. “Hi,” sagot niya, hindi pa rin lumilingon. Tumabi ako sa kanya. Ilang sandali bago siya nagsalita. “Kamusta ka,” bulong niya. Napapikit ako. Hindi ko alam kung sasagot ba ako agad. “okay lang ikaw kamusta ka?,” sagot ko sa wakas. Huminga siya nang malalim. “Okay lang din naman ako” Tumingin siya sa akin. Sa wakas. Nandoon pa rin ang mga matang dati kong tinitingala. Pero ngayong tinitigan ko ulit, may halong takot at pagod parang ako. “Alam mo, Arabella,” panimula niya, “hindi ako naging madali. Hindi ako naging bukas. At ang dami kong tinik na hindi ko kayang tanggalin noon pa. Pero kapag naisip ko kung sino ang nanatili sa kabila ng lahat, pangalan mo lang ang naiisip ko.” Tahimik ako. Pinili kong hayaan siyang magsalita, dahil noon pa man, palagi akong naghihintay ng ganitong pagkakataon. “Hindi ako sanay sa mga salitang kailangan sabihin. Madalas, akala ko sapat na ang pagkilos. Pero alam kong mali ako. Hindi ko dapat hinayaang ikaw lang ang laging naglalaban sa relasyon nato na ipinipilit ng mga magulang natin” Tumingin ako sa kanya. “At anong gusto mong gawin ngayon, Alexander?” “Gusto kong mag umpisa muli,” sabi niya, direkta. “Pero hindi ko alam kung kaya ba natin tong tanggapin ang mga gusto ng mga magulang natin ang nga naging desisyon nila.” Hindi ako agad sumagot. Kaya ang tanging nasabi ko lang ay, “Hindi ako sigurado Kung kaya mo tong panindigan pero kung Hindi mo kaya pwede ka naman tumanggi, ako naman, oo aaminin kong gusto kita, gusto ko na maging tayo pero pag gantong sitwasyon nalang din naman amna ako lang ang may gusto baka mapagod lang ako” Tumango siya. “Handa na akong tanggapin to o harapin man, gusto ko na rin kalimutan ang nakaraan ko" Tumango nalamang ako ayoko na magsalita. --- Pagkatapos ng pag-uusap namin, umuwi ako ng magaan pero magulo ang isip. Hindi ko alam kung anong eksaktong nararamdaman ko. Parang andaming sabay-sabay kirot, tuwa, takot, pag-asa. At sa gitna ng gabi, habang tahimik sa kwarto ko, nagpadala ulit siya ng message. > Alexander: Goodnight, Arabella. This time, I’ll stay. Even if it’s outside your door. At doon ako napangiti. Dahil sa wakas, narinig ko ang boses niya hindi lang sa salita kundi sa intensyon. --- ALEXANDER’S POV Gabi na. Nakatayo ako sa labas ng bahay nina Arabella. Hindi ko alam kung bakit nandito ako, pero ang alam ko lang gusto kong maramdaman niyang totoo ako sa sinabi ko. Sa loob ng maraming linggo, ako ang naging dahilan kung bakit siya nagdududa. Sa sarili, sa amin. Hindi ako nagsalita noong dapat ay nagsalita ako. Pinili kong manahimik, dahil sa takot. Takot na kapag binuksan ko ang sarili ko, baka tuluyan na akong masaktan. Pero hindi ko naisip na sa katahimikan ko, siya pala ang tuluyang nawawala. At nung nalaman kong may Liam… doon ko na-realize na hindi lang ako ang maaaring magpuno sa kanya. Na may ibang handang gawin ang mga bagay na hindi ko nagawa. Pero ngayon, hindi na ako palalampasin pa ang pagkakataon. Kahit hindi agad ako ang pipiliin, basta makita lang niya akong naroon pa rin handa, buo, nagsusumikap siguro sapat na muna ‘yon. Tumunog ang phone ko. > Arabella: Tulog na sila. Gusto mo ng kape? Napangiti ako. Hindi dahil sa kape. Kundi dahil pinayagan niya akong pumasok muli. Kahit paunti-unti. --- Sa loob ng bahay nila, tahimik kami habang nasa terrace. Siya, may hawak na mug. Ako, nakatingin lang sa langit. “May tanong ako,” sabi niya. “Hmm?” “Kung sakali… kung hindi ako bumalik. Kung hindi ako sumagot sa kahit anong message mo… anong gagawin mo?” Tumingin ako sa kanya. Diretso. “Maghihintay ako. Hanggang sa wala ka nang gustong balikan.” Hindi siya nagsalita. Pero kita ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata niya. “Ang totoo, Alexander…” bulong niya. “Gusto ko pa rin maniwala. Pero gusto ko ring maramdaman na hindi ako laging nangangapa.” Tumango ako. “Hindi na kita paliligawin pa. Basta gusto ko lang ipaalala araw-araw, kahit sa simpleng paraan, na pinipili pa rin kita.” At sa sandaling ‘yon, wala nang salitang kailangan. Tumahimik kami, pero hindi na katulad ng dati. Hindi na malamig. Hindi na puno ng tanong. Kundi tahimik na may kasamang pag-asa. --- ARABELLA’S POV Kinabukasan, isang bagong araw. At sa wakas, ibang klase na ang bigat na nararamdaman ko hindi na tulad ng dati na tila ako lang ang kumakapit. May binago ba si Alexander overnight? Hindi. Pero sa simpleng pakikinig niya, sa pagbibigay niya ng oras at katapatan… doon ako muling naniwala. Hindi ko pa rin alam ang magiging sagot ko. Kay Alexander? Kay Liam? Pero sa ngayon, sapat nang alam kong may dalawang taong may pakialam sa’kin. Hindi para kontrolin ako, kundi para sabihing may halaga ako kahit ako lang, kahit hindi ko alam ang direksyon ko. At minsan, iyon ang pinakamalaking pagmamahal ang hayaang magdesisyon ang taong mahal mo, kahit masaktan ka. At ako? Magpapahinga muna. Dahil bago ako muling magmahal, kailangan ko munang muling mahalin ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD