Chapter 26

2037 Words

Alessia   Mula sa malayo ay kita kong unti-unting tinutupok ng apoy ang buong kabahayan ni Sean. Halos mapaluhod akong nanunuod sa nasusunog na bahay habang humahagulgol at sinisigaw ang pangalan ng aking nobyo. Inilabas ko ang aking cellphone at dali-dali akong nagpatawag ng ambulansya at kahit na nanginginig ang aking mga kamay na nagd-dial ay nagawa ko pa rin silang tawagan.   Halos hindi ko na magawa pang tumayo at humahagulgol na lamang ako at sumisigaw. Para bang ang buong paligid ko ay sobrang tahimik at tangin iyong nasusunog lamang na gusali ang nasa aking harapan. Sumalampak ako sa sahig habang nananakit ang aking dibdib na para ba itong sinasaksak ng paulit-ulit.   Namatay ang aking kapatid dahil kay Sean at sana naman ay huwag ding mamatay ang aking irog sa kamay ng tao

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD