Alessia “Well, well, well. What do we have here?” Ngiti niya sabay binigyan ako ng isang malakas na sampal sa aking pisngi. Agad kong nalasahan ang dugo sa aking bibig pero agad ko lang itong pinahid at saka dinilaan pa ito na parang wala lang. Rinig na rinig ko sa aking earpiece ang galit na boses ni Vincent kaya alam kong nagngingitngit na siya sa galit sa kanyang nakita. Kahit naman ako ay nangangati na ang aking kamay na pagsusuntukin ang gag*ng ito pero pinipigilan ko ang aking sarili dahil baka malaman nila na may kasama pa ako. Ngumisi si Sean sabay nangingit na tumingin sa akin pero kita ko naman ang inis at galit sa kanyang mga mata. “Who the hell are you?” sigaw na niya. “Who is this, Sophia?” tanong niya sa aking likuran at doon ko lang nalaman na si Sophia pala

