Alessia Nang sumunod na araw ay handa na ang lahat ng aming mga gamit at ang aming plano sa pagpatay kay Sean. Nasabi na rin namin kay Dominus na nakita na namin si Sean at sinabi niya na i-execute na raw namin agad ang pag-assassinate kay Sean. Maghahanda kami mamayang gabi upang masiguro namin na wala nang ligtas ang lalaking iyon. Gusto kong tawagan sila Mama na nahanap na namin si Sean pero hindi ko na muna ginawa dahil ayaw kong mag-alala sila. Saka ko na lang siguro muna sasabihin ang lahat oras na mapatumba na namin si Sean. “Cupcake?” tawag sa akin ni Vincent habang linilinisan ko ang aking baril. “Yes?” Lumuhod siya sa aking tabi at parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya magawa. “Naalala mo ba iyong time na pinag-uusapan natin ang tungkol sa pagpa

