Alessia Habang naglalakad kami palabas ay masaya kaming nagkwekwentuhan ni Jane tungkol sa mga kalokohan ng kanyang asawa. Nabanggit din niya na kaya sila nandito ay para sa isang family vacation lalo na at mukhang abala sila nitong mga nakaraang araw. Gusto rin nilang magpahinga lalo na at nagbubuntis nanaman siya sa ikalawang anak nila ni Clyde. “Ikaw? Wala ka pa bang balak magpakasal kay… Sino na nga ulit iyong nobyo mo?” tanong niya sa akin. “Vincent,” sagot ko. “Oo siya nga. Wala pa ba kayong balak magpakasal lalo na at hindi naman na kayo bumabata noh. Tignan mo nga ako at agad nanaman akong diniligan ng asawa ko.” Natawa na lang kami pareho sa sinabi niya. “Pero seryoso, wala pa ba talaga kayong balak?” “Sa ngayon kasi ay wala pa pero napagu-uusapan naman namin

