Alessia Nang gabi rin lang na iyon ay itinuloy namin ni Vincent ang orihinal namin na plano na pagsunod kay Sophia. Pero noong nandoon na kami sa mismong tapat ng bar ay nagtaka kami dahil alas-sais na ay wala pa ring Sophia na dumarating. Sinubukan namin na maghintay pa ng isang oras dahil naisip naming baka na-late lamang ito. Ang kaso ay lumipas na ang isang oras ay wala pa rin kaming Sophia na nahintay kaya naman lumabas na si Vincent sa kotse at pumasok sa nasabing bar. Lumipas ang ilang minutong paghihintay ay lumabas na rin si Vincent at tumatakbong bumalik sa loob ng aming kotse. Pagsakay niya ay agad ko siyang tinanong kung ano ang nangyari kay Sophia. “Sophia is on leave for a week according to her manager.” “What?” tanong ko. “Yes. Ang kaso ay may nalaman pa ako dahil m

