“Girl, iba ang aura mo ngayon. Very blooming ka ha?” bungad sa akin `yan ni Eljay pagkadating ko ng flowershop.
“Sakto lang siguro ang tulog ko kaya maganda ako.”
Mukhang hindi benta sa kanya ang pagrarason ko. Hindi nga naman sakto ang tulog ko dahil naglambingan lang kami magdamag ni Alejandro. Mag-aalas-sais na yata ako naihatid ni Jordy kanina.
“Sakto ang tulog ha? Pero lalim bg eyebags. Umamin ka nga, may ka-late-night talk ka ba kagabi? Mga ganyang aura e, gamay na gamay ko na `yan, Teh.”
“Gawain mo siguro no?” pagbabalik-asar ko sa kanya para tigilan niya na ako.
Aba! Tumango naman agad! Akala ko naman titigil na e.
“I know the cycle, Teh. Magkakakilala, kwentuhan, late night talks, tapos pag na-fall na iiwan na sa ere. Poof!” Pinagpumpyang pa niya ang mga palad niya. “Deds na. Ghoster pala ang loko.”
“Naku! Kung ano-ano na lang ang nai-imagine mo. Wala akong ka-late-night talk kaya walang mang-go-ghost.”
“Buti naman. Napakarami kasi diyan makuha lang ang gusto tulad ng s*x, tas iiwan ka na. s**t! Angsakit n`on. Sigurado.”
Saktong may dumating na mga customers kaya na-busy na ulit kami. Grabe siguro ang mga na-experience niya sa lovelife kaya ganyan siya mag-isip. Ako kasi, positive thinking lang kahit minsan selos na selos na. Saka tiwala ako kay Alejandro.
Parang naparami yata ang customers ngayon? Panay mga single rose ang binibili at mga kabataan ang karamihan sa kanila. Mukhang maaga kaming makakapagsara nito. Mauubos na ang mga bulaklak.
“Pwede na kaya `to, Fren? Hindi na gaanong namukadkad e.” Medyo disappointed iyong isang binabae na hawak-hawak ang irang pulang rosas.
Iyong kaibigan naman niya ay panay lang ang tango sa kanya. “Okay na `yan Fren. Saka `yan lang kaya ng budget natin. Haha! Palagyan mo ng names natin ah. Para kabog, Fren.”
“Anong meron mga sis?” nakiusisa na nga si Eljay sa kanila. “May pa-event ba sa school?”
“Naku! Hindi kayo updated `no? Sis, may mall tour si Alejandro diyan sa Super Mall. Chance na `to na makita si Papa Ale!” Kilig na kilig pang sagot ng kanina ay worried sa bulaklak. “Jusko! Malapit ko lang siya talaga. Iha-hug ko siyang nang mahigpit. Hahaha!”
Hindi nabanggit ni Alejandro na mayroon siyang mall tour dito. Nakakatampo. De sana masuportahan ko rin siya.
“Unannounced `yon ah.” Sambit ni Eljay pagkaalis noong dalawa. “Tingnan ko nga sa page niya.”
Nilabas niya ang kanyang selpon at mabilis na nagtipa. Nakiusyoso na rin ako. Bagal naman ng internet niya. Gusto ko nang makita e! Nakakatampo kaya `yon.
“Naku! Kaya naman pala e!” Tinuktok niya ang screen ng selpon niya. “Si Lucy `yong may mall show. Sabi dito sa post.”
Nababasa ko `yong post! May Mall Show `yong Lucy para sa kanyang ini-endorse na pabango. Tapos in-invite niya si Alejandro na pumunta. Grabe! Kapal ng mukha ha. Kababaeng tao siya ang nag-iinvite?
“Malamang publicity lang `to. Labteam kaya sila. Siyempre hilaan pataas! Haha! Naku! Showbiz!” Nag-exit siya sa TweetTalk saka muling binulsa ang selpon. “Pero gusto ko rin sanang pumunta. Haha! Sayang naman!”
Dumating na si Ma`am Sica. Nakita daw niya sa TweetTalk na nagti-trending ang mallshow nina Alejandro at naka-tag ang shop sa ilang post.
“Sold out, Madam.” Proud na proud si Eljay na itinaas pa ang dalawang kamay. “Beke nemen, Madam pwedeng manood ng mallshow. Beke lang naman. Lods na lods ni Madonna pa naman si Alejandro.”
“Hoy! Pinagsasabi mo! Ikaw kaya `yong panay ang search sa kanya.”
Saka love ko `yon hindi ko `yong idol `no. Gagamitin pa akong sangkalan ng babaeng `to. Pero nakikidasal din akong sana payagan kami. Haha! Miss na miss ko na agad ang aking Alejandro e. Kahit sa malayo ko lang sana siya makita. Okay na ako.
Parang nabuhayan ako ng pag-asa ng tumingin sa relo niya si Ma’am Sica. Sana pumayag!
“Tutal wala na rin naman tayong mabebenta. You can enjoy the rest of the day.”
Lihim na napapalakpak ang puso ko!
Si Eljay ang nakapalakpak pa at makailang beses na nagpasalamat kay Ma`am. “Maglilinis na po ako, Madam. Immaculately clean para sulit ang pahinga day! Haha!”
“Hindi na. Ako na ang bahala dito. May hihintayin rin akong delivery. Sige na. Baka ma-late kayo sa mallshow.”
Grabe! Angbait talaga ni Ma`am!
“Talaga po?!” Itinabi agad ni Eljay ang walis. “Uy, Madonna. Galaw-galaw na baka magbago isip ni Madam. Kasalanan mo. Dali na!”
Nagpolbo na muna ako, nagpahid rin ako ng lipstick sa akin labi para mas maganda akong tingnan. Nag-spray din ako ng pabango. Nagsuklay na rin muna ako. Makapag-ponytail nga. Inayos ko ang suot kong blouse para hindi makita ang naiwang marka ni Alejandro kagabi. Ang loko e nanggigil daw. Maliit lamang pero naasiwa ako kahit hindi naman madaling makita sa suot ko.
Bumabalik na naman sa alaala ko ang mga mainit na tagpong pinagsaluhan namin kagabi. Parang ramdam ko pa rin sa balat ko ang mga haplos at halik niya.
“Madonna…”
“Ma`am! Bakit po?” Nagitla ako kay Ma`am Sica. Napahawak ako sa tapat ng puso ko e. “Kakagulat kayo, Ma`am.”
“Here.” Mayroon siyang iniaabot sa akin na parang make-up. “Concealer `yan. Sa bathroom ka mag-apply.” Tumingin siya sa parteng leeg ko. “You have something like a rashes.” Tinuro pa niya ito.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Mahabaging Diyos! Kiss mark yata `to! Maliit pero parang kissmark nga! Nagmadali akong pumunta sa CR. Naku Alejandro! Pinahiran ko na rin iyong nasa bandang dibdib ko. Tiningnan kong maigi ang reflection ko. Maging sa kabilang leeg ay chineck ko na rin.
Nahihiya kong binalik kay Ma`am Sica ang concealer. “Thank you po. Aalis na po kami, Ma`am. Iiwan ko po muna `yong scooter ko sa labas. Balikan ko na lang mamaya, Ma`am.”
“Sige. Ingat kayo. Enjoy! And Madonna…”
“Po?”
“Buy ointment for your rashes.”
Hooh! Buti na lang rashes ang naisip ni Ma`am Sica e. “Yes po. Bibili na ako mamaya, Ma`am.”
Akting na rin ako na kakamot-kamot ng leeg para kunwari ay totoong allergy. Hay, naku! Bibili na rin ako ng concealer baka bukas e mas kapansin-pansin pa ito.
“Angbait ni Ma`am `no? Biruin mong pinayagan niya tayong manood. Dbest talaga si Ma`am Sica!” nailing-iling pa niyang sabi habang abala sa pagta-type sa selpon niya. “Magsasabi ako kay Bebe na manonood ako ng mallshow. Baka awayin ako kapag nagpost ako. haha!”
“Oh, akala ko ba walang lovelife?”
“Aba! Ten minutes ago `yon. Ngayon meron na!” Pinakita pa niya sa akin ang profile nung lalaki sa famebook. “Pogi `no? Kilig-kilig lang pero wala ako balak siputin to sa eyeball no. Haha! Gusto mo ng ka-ganito, Gurl? Tamang kausap lang. kilig-kilig. Flirt-flirt.”
“Hay, Naku! Eljay ha? Hindi maganda `yan ganyan. Ang pag-ibig at pakikipagrelasyon ay hindi ginagawang biro. Itigil mo na `yan. Hanap ka ng seryosong tao.”
“Sus! Nagsalita si Manang Madona. Words of wisdom ng walang lovelife. Haha! Atleast ako namamasa sa gabi kapag nagsesend ng nudes ang ka-chat! Haha!”
“Baliw!” hinampas ko nga siya sa braso. “`Yang bibig mo!”
Tsk! Parang multo iyong mga tagpo sa pagitan namin ni Alejandro. Heto at naalala ko na naman! Nakakainis kasi itong si Eljay!