CHAZZY Marahan akong kumilos, ngunit napangiwi ako ng pumintig ang ugat sa aking sintido. Natulala ako ng ilang segundo bago gumala ang paningin sa loob ng silid. I saw my Mom peacefully asleep on the sofa. Gumawi ang mata ko sa pintuan nang bumukas ito. Napuno ako ng pagtataka nang makita kong pumasok si Daddy. Nagising naman kaagad si Mommy. “Bumalik ka, Dad? Nasaan po sina Kuya at Thea?” Sinara niya ang pinto at naglakad palapit sa akin. Nagtaka ako nang niyakap niya ako. “Bumalik talaga ako para sa iyo, anak.” Tinugon ko ang yakap niya. “Gusto n'yo po ulit makita si Tatum? Puntahan natin s'ya. Gusto ko rin siya makita,” puno ng excitement na sabi ko. Humigpit ang yakap sa akin ni Daddy. Hindi ko maintindihan dahil parang may gustong iparating ang yakap niya sa akin Narinig ko

