CHAZZY Ilang minuto pa kami nagtagal sa labas bago ako nagpasya na magpahatid sa kanya sa bahay. Pareho pa kasi kami may pasok kaya kailangan din namin ng sapat na tulog. Hindi nga ako sigurado kung makaktulog pa ako pag-uwi ko. “Sumama ka na sa ‘kin, mine. Sa bahay ka na matulog,” sabi niya ng nasa tapat na kami ng bahay. “Hindi pwede. May mga kailangan pa tayong dapat na ayusin. Hindi ba dapat ay kausapin mo muna ang parents ko? Akala mo ba ay mapapaamo mo sila sa mga binigay mo?” Kung ako ay may bouquet at tsokolate, mayroon din ang mga magulang ko. Kung ako ay tinatapon ko, sila ay hindi. Nagagalit pa nga sila kapag ginagawa ko iyon. Kahit daw nasaktan ako ni Thomas, matuto raw ako ma-appreciate ang lahat ng mga efforts nito. Napalitan ng lungkot ang mukha niya, kaya hinawakan

