CHAZZY Bumuntong-hininga ako at kinuha ang tseke. Tinitigan ko ito ng mabuti. Malaki na ang twenty million; pwede nang magbukas ng sariling boutique sa labas ng mall para hindi na nagbabayad ng renta. Mas malaki pa nga ito kaysa sa savings ko. Muli kong binalik ang atensyon sa kanya. “Kulang po ito,” sabi ko. Awtomatikong tumaas ang kilay nito, at bakas sa mukha ang pagkadismaya. Siguro ang tumatakbo sa isip niya ngayon, kaya naman pala akong bayaran, na madadala naman pala ako sa pera para lang layuan ko ang anak niya. Nilabas niya ang booklet ng tseke. “How much are you asking for? Thirty? Fifty? Tell me your price, hija.” She insulted me as if my dignity were something she could just buy. Kapag may sinasabi talaga sa buhay, walang pakialam kahit magkano pa ang ilabas na pera.

