THOMAS I was engrossed in work at my office when the door opened. Kaagad akong napatayo nan g makita ang mommy ko. “Hey, what are you doing here, Mom?” Sinalubong ko siya ng yakap. Umupo kami sa couch. “What brought you here today?” “Aren't you happy to see me?” May bahid ng tampo ang boses nito. Seryoso ko siyang tinitigan. “Alam mong hindi totoo ‘yan, Mom.” She let out a deep sigh. “Kumain ka na ba?” “Yes, it's 1 in the afternoon, kaya hindi pwedeng wala pang laman ang sikmura ko.” “Good. Mabuti naman at kumakain ka na sa tamang oras.” May pagkakataon na nakakalimutan ko kumain kapag busy ako. Kaya si mommy ang laging nagre-remind sa akin. Pero ngayon, hindi na niya ako kailangan paalalahanan. “Kailangan kong pangalagaan ang sarili ko, Mom. May rason na ako para mabuhay,

