Chapter 56

2089 Words

CHAZZY Bakas sa mata niya ang pananabik na makita ako. Pero unti-unti namang bumalik ang sakit ng ginawa niyang pag-iwan sa akin nang makita ko siya. Wala akong ibang nararamdaman sa mga oras na ito kundi galit. “Baby…” Kinuyom ko ang kamao ko nang marinig ang tinawag niya sa akin. Ang tagal kong pinanabikan na marinig ang boses niya, pero iba na ang dating nito sa akin ngayon. Dapat matuwa ako dahil ang tagal kong naghintay na magkita kaming muli, pero hindi ko nakakalimutan na siya ang dahilan kung bakit nasasaktan na naman ako ng ganito. “Chazzy…” Nangatal ang labi ko. Biglang nanakit ang lalamunan ko at nangilid ang luha sa mata ko. Humakbang ako paatras nang akma niya akong lalapitan. “P-please, ‘wag kang lalapit,” pakiusap ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili na sakta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD