CHAZZY Tumayo ako at kinawayan si Stella para agawin ang atensyon nito. Abala pa rin siya lumangoy sa dagat. May mga kasama na siya na kakilala niya kaya pwede ko muna siyang iwan. “Stella!” tawag ko rito. Ilang beses ko siyang tinawag bago niya ako napansin. “Maglalakad-lakad lang ako!” paalam ko rito. Tumango lang siya bilang tugon. Iniwan ko na ang tsinelas ko dahil buhangin pa rin ang lalakaran ko. Habang naglalakad ay binuksan ko ang phone ko at nagsimulang mag-video ng view. Video lang ang ginawa ko at hindi na ako nagsalita. Lalapatan ko lang kasi ito ng music kapag in-edit ko na. Useless din kapag nagsalita pa ako kung music din naman ang maririnig. Kapag handa na ulit ako magbukas ng social media account ko, ipo-post ko lahat ng ginawa kong video na kinuha ko dito sa prob

