THOMAS Marahan akong kumilos, ngunit napangiwi ako ng naramdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko. Kaunting kilos ko lang ay may kumikirot na. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Hindi ko rin magalaw ang leeg ko. Nang hawakan ko ito ay may neck brace na nakalagay dito. Narinig kong may bumukas na pintuan. Makalipas ang ilang segundo, napangiti ako nang makita ang mukha ng mommy ko. “M-Mom…” “Thank goodness! You're awake, son.” Umiiyak na hinawakan niya ang kamay ko. “Is this real? Is this not a dream?” tanong ko. I wanted to confirm, because I thought I might be dreaming—that maybe all of this was just a hallucination, born from my desperate desire to escape that hellish place. "This is all real, my child. Oh my God, finally, you're with us again." "It's all real, anak.

