THOMAS Present… Hinintay kong maka-recover ang katawan ko bago ko pinasya na puntahan muna ang magulang ni Chazzy. Gusto kong humingi ng tawad sa kanila dahil wala ako sa tabi ng anak nila. Inaasahan ko na rin na magagalit sila sa akin, kaya hindi na ako nagulat ng makatanggap ako ng sampal mula kay Tita Cassandra. “Okay na ang anak ko, Thomas. Huwag mo nang guluhin ang buhay niya!” umiiyak na sabi ni Tita Cassandra habang yakap ni Tito Juancho. “Hindi ka na kailangan ni Chazzy. Hindi mo na rin kami mapapasunod. Nasaktan ang anak namin, kaya hindi na ako papayag na masaktan siyang muli. Kaya pakiusap lang, huwag mo na siyang guluhin dahil tahimik na ang buhay niya,” emosyonal na sabi ni Tito Juancho. Masakit marinig na ayaw na nila sa akin para sa anak nila, pero hindi ko sila mas

