Chapter 8 - First Move

2220 Words
Maagang nagising si Alexis kinaumagahan. Napuna na niyang wala na sa higaan ang binata na katabi niya lang itong matulog sa kama at ayaw naman niyang matulog ito sa kung saan. Hindi na lamang niya ito hinanap at iniisip niyang baka nasa kusina lang ito o sa sala. Nagtungo na lang siya sa banyo upang makaligo at papasok siya sa araw na iyon. Ayaw niyang maghinala na ang kaniyang ama sa mga binabalak niya Isang oras ang lumipas at handa na siya upang umalis. Naka-uniporme na rin siya at hindi pa rin niya nahagip ang binata sa loob ng kwarto kaya lumabas na siya nang tuluyan. Natagpuan niya ito sa kitchen at inaayos ang kanilang almusal. Nagluto siya? Napakunot-noo siya. Napuna agad siya ng binata. "Kumain ka muna bago pumasok," wika nito. "Ha? Ah...hindi na. Maaga kasi ang—" "Let's take our breakfast, Lieutenant. Siguro naman hindi mo tatanggihan ang niluto ko?" tanong nito. Napatingin siya sa niluto nitong sinangag, itlog, bacon, hotdog at may sandwich pa. Sa amoy pa lang ay nakakatakam na. Muli siyang nag-angat ng tingin dito. "S-sige. Kakain na ako," bahagya siyang ngumiti. Sanay na ito sa pagsisilbi ng mga kliyente nila. "Good." Wala siyang nagawa kung 'di ang i-urong ang upuan at umupo. Pakiwari niya ay may kung ano sa binata na kaya siyang utusan na hindi siya makahindi. Pinagtimpla pa siya nito ng kape na swak lang din sa kaniyang panlasa ang timpla nito. Umupo rin naman ang binata sa kabisera at nagsimula na silang kumain. "Siyangapala, huwag ka ng maghanap ng abogado para sa gusto mong mangyaring kasal natin. May kaibigan akong empleyado ng RnJ na may kilalang abogado dito sa Maynila. Sabi niya ay magaling daw ito at baka makuha natin sa mababang halaga lang," panimula nito sa usapan. "Hmm? Really? Sige. Walang problema sa akin. Kailan natin siya pwedeng kausapin? Kung pwede mamaya na sana para maayos natin agad ito," tugon naman niya habang sumusubo ng bacon. "Magkikita kami ngayon pagkatapos kitang ihatid sa Air Base." "Ihahatid?" nag-angat muli siya ng tingin dito. Sakto namang nagkasalubong ang kanilang tingin sa isa't isa. She feels akward. Hindi niya alam kung bakit pero sa tuwing nakatitig siya sa kulay bughaw nitong mga mata, hindi niya mapigilan ang paghanga rito. Paghangang hindi rin niya alam kung para saan. "Nakalimutan mo na ata ang kasunduan natin, Alexis. Magkatabi lang tayong matulog, nakalimot ka na agad." Nagpakawala ito ng isang matamis na ngiti. "Huh? Ah—oo nga pala." Nagbawi siya ng tingin at muling hinarap ang pagkain. Nag-init din ang pisngi niya sa sinabi nito tungkol sa sitwasyon nilang dalawa. Hindi rin siya masyadong nakatulog dahil doon. Lamunin na sana ako ng lupa! Maling-mali na talaga itong pinasok ko. Tahimik na silang dalawa habang ipinagpatuloy ang pagkain. Iniisip na lamang niya ang mga plano oras na haharap sila sa kanilang ama. Napansin din niyang bihasa na ang binata sa mga ganoong sitwasyon dahil marami na itong naging suhestiyon na sinasang-ayunan naman niya.   INIHATID na siya ni Kervin sa Air Base gamit ang kotse niya. Madali na niyang pinagkakatiwalaan ito sa mga iilang bagay kaya kahit ang sariling sasakyan ay pinapagamit na niya rito. May mga ilang bagay din siyang nalaman tungkol sa binata habang nagkukuwentuhan sila sa loob. Pakiwari niya ay matagal na niya itong kilala. "Itabi mo na lang dito. Hindi ka muna dapat makita ng mga kasama ko as long as hindi pa maayos ang lahat," wika niya rito. Itinabi naman ng binata ang sasakyan at huminto sa gilid ng kalsada. Tinanggal niya ang seatbelt saka kinuha ang tactical backpack niya likod. Mabilis ang kilos niya upang bumaba ngunit bago pa man niya buksan ang pinto ng kotse ay nagsalita ang binata. "Lieutenant." Nilingon niya ito. "Yes?" Napakunot-noo rin siya. Mataman itong nakatitig sa kaniya. "May nakalimutan ka." "Nakalimutan?" Kinapa niya ang bulsa. Naroon naman ang kaniyang cellphone at wallet. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin." Humarap ito at ngumiti sa kaniya. "Wala ba akong goodbye kiss?" Natawa siya. "Mister, nagpapanggap lang tayo. Huwag mo naman akong e-pressure sa ganitong bagay. Ni hindi ko pa nga naranasan ang halikan ng isang lalaki at—" Hindi na natapos ang sasabihin niya nang sakupin ng mga palad nito ang mukha niya saka siya siniil ng halik. Nanlaki naman ang mga mata ni Alexis sa ginawang iyon ng binata. She's unprepared and shocked. Naramdaman niya ang mainit na hatid ng mga labi nito sa labi niya. Isang pakiramdam na noon lang niya naranasan. Her heart beats fast and a kind of sensation that shivers her inside. When their lips are parted, she can't even speak or move. "There you are. Ngayon may karanasan ka na. Hindi na tayo mabibisto ng daddy mo kung sakali." Pilyo ang mga ngiti nito sa kaniya. Noon lang siya natauhan. "A-Ano...ahm..baba na ako at late na ako! S-sige! M-magkita na lang tayo mamaya," nauutal niyang sabi. Gustuhin man niya itong pahalitan ngunit kailangan na niyang pumasok. Nagmamadali siyang bumaba ng kotse at naglakad papasok sa Air Base. Ni hindi na rin niya tinapunan ng tingin ang binata at hintayin ang tugon nito. Ano ka ba, Alexis? First kiss mo iyon! Dapat mong isaalang-alang ang lahat. At isa pa, kailangan niyong gawin iyon parte ng inyong pagpapanggap. Isipin mo na lang ang bagay na iyon. Mabuti nga at tinutulungan ka niya sa mga dapat niyong gawin. Pero hindi dapat ganito. Sa tuwing nasa harapan kami ng daddy ko o sa ibang tao ay gagawin namin iyon? Nagtatalo ang kaniyang isipan. Habang naglalakad siya ay hindi niya naiwasang hawakan ang mga labing siniil ng halik ng binata. Hanggang sa mga sandaling iyon ay ramdam pa rin niya ang init at malalambot nitong mga labi. Cursed you! Kung bakit sa lahat pa ng lalaki ay siya ang mauunang humalik sa akin. Mamaya ka lang at babanatan kita! Pagngingitngit niya. "Hoy!" untag ni Grace sa kaniya sabay tapik sa kanang balikat niya. "Huh?!" gulat siyang nilingon ito saka napatigil siya sa paglalakad. "Bakit nakatulala ka habang naglalakad?" "I-ikaw pala." Umayos siya upang hindi mahalata nitong may malalim siyang iniisip. "A-anong tulala?" "Oo. Tulala ka tapos may pahawak-hawak ka pa sa labi mo." Sabay nguso nito sa labi niya. "Ah, wala. Kinagat ng langgam. Malaking langgam." Naalala na naman niya ang nangyari kanina.  "Ah, ganoon ba. Akala ko ay may nagtangkang humalik sa'yo sa labas. Halika na at hinahanap ka na ng tatay mong diktador. Ang aga-agang pinahanap ka sa sekretarya niya at sa hanay. Parang hindi kayo magkasama sa iisang bahay." "Wala namang bago. Tara na nga." Sabay na silang tuluyang pumasok sa isang building. Alam na rin ng kaibigan niyang si Grace ang tungkol sa kanila ng ama niya noon pa man at minsan ito rin ang takbuhan niya sa tuwing may problema siya sa ama. Isinantabi na muna niya ang mga nangyari sa pagitan nila ng binata at itinuon ang sarili sa muling pagkikita nila ng ama niya.   NAGTUNGO siya sa opisina ng kaniyang ama at doon naabutan niya ang mag-amang Mondejar. Naririnig pa niya ang malulutong nitong tawanan at nang makita siyang papasok ay natigil din ang mga ito. Sumaludo pa siya sa ama at seryosong humarap dito. Hindi rin siya nag-atubiling tapunan ng tingin ang mag-ama at kumukulo pa ang dugo niya sa mga ito. Sigurado siyang alam ni Louis ang mga plano ng mga ito. "Carry on, Lieutenant. Maupo ka," anang ama niya. Umupo siya katapat ng mag-amang Mondejar. Natuon lamang ang atensiyon niya sa ama at wala ng iba pa. "Alexis, ipapaalam ko sa'yo na may magaganap na family dinner sa linggo kasama ang pamilya ni General Mondejar," pormal na wika ng ama niya. "Matagal na rin hindi tayo nakakapag-dinner. Na-mimiss ka na ni Tita Ely mo," singit ni General Mondejar. Tinutukoy din nito ang ina ni Louis. Noon lang niya tinapunan ng tingin ang dalawa. "Walang problema." Nahagip din ng tingin niya ang mga ngiti ni Louis sa kaniya. As if naman na magtatagumpay ang mga plano niyo. Uunahan ko na kayo. "Anyway, sa bahay ka na umuwi mamaya. Gusto kong ikaw ang pumili ng mga menu para sa family dinner natin. Is that okay, Alexis?" Muli niyang sinulyapan ang ama. "Alam na ni Nana Caring ang lulutuin niya at gagawin. Kung wala po kayong mahalagang sasabihin ay lalabas na ako." Mabilis siyang tumayo at sumaludo. "Mauna na ako." Ibinaba rin niya ang kamay at hindi na hinintay ang tugon ng ama niya. Tahimik lamang ang mga ito nang tuluyan siyang lumabas ng opisina ng ama niya. Hindi na niya napansin ang sekretarya ng ama niya at diri-diritso lang siyang naglakad. Nasa hallway na siya nang maabutan siya ni Louis habang tumatakbo ito. "Alexis!" tawag nito. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad. "Alexis!" Inis siyang huminto at hinarap ito ngunit hindi na pinahalata ang naunang emosyon. "Yes, Sir?" "Is that the way you treat your Senior Officer, Lieutenant? A cold treatment?" tila hindi nito nagustuhan ang ikinikilos niya. "Sir, I'm in hurry. May mga task pa kaming gagawin sa hanay. May ipag-uutos po ba kayo?" seryoso lang niyang tugon. Hindi niya sinagot ang tanong nito ukol sa treatment niya sa binata. Ayaw man niyang haluan iyon ng ano pa man, hindi niya maiwasan. Alam niyang gusto rin nito ang pinaplano ng mga magulang nila. Tumingin sa kaniya ito nang diritso. "Alexis, hindi iyan ang ibig kong sabihin. Simula noong binasted mo ako ay ang laki na ng pader ang iniharang mo sa pagitan nating dalawa. I am worried about that. Alam ko naman na hindi pa ito ang tamang panahon na pilitin kita sa isang bagay na hindi ka pa handa. I just want you to be at ease with me like before." May halong pakiusap ang tono ng boses nito. "Walang problema iyon, Sir. We are still friends." Napatingin siya sa pambisig niyang relo. "I need to go. Excuse me." Tumalikod na siya at hindi na hinintay ang tugon nito. Kailangang maglagay na ako ng pader sa pagitan natin, Captain. Hindi na ako natutuwa sa ginagawa ng ama mo. Napabuntong-hininga siya.   ALAS-SAIS ng gabi nang mag-text sa kaniya ang binata na naroon na ito sa labas ng Villamor Air Base Entrance. Nagmamadali naman siyang magligpit ng gamit niya upang hindi siya maabutan ng ama. Alam niyang tatanungin na naman siya nito kung bakit siya hindi na naman uuwi ng kanilang bahay. Pagkatapos magligpit ay inilagay na niya sa likod ang tactical backpack niya. Lumabas siya ng opisina nila na pasimple lang at palinga-linga sa paligid. Maayos naman ang paglalakad niya tulad ng iba pang mga naroroon nang mahagip ng tingin niya ang ama kasama ng ibang Air Force Officer. Si Daddy?! Walang pag-aalinlangang kumaripas siya ng takbo. Itinodo na niya ang pagtakbo habang ang iilan ay pinagtitinginan na siya ngunit wala siyang pakialam at ang importante ay makalabas siya ng Air Base na hindi napapansin ng ama niya. Pagdating naman niya sa entrance ay nakita niya agad ang kotse niya. Mabilis niyang binuksan ang pinto saka siya nagmamadaling pumasok sa loob. "Let's go! Nariyan na si Daddy at baka makita na naman ako!" utos niya sa binata. Agad niyang inilagay ang bag sa likurang upuan at kinapa ang bulsa upang hanapin ang panyo niya. Pawis na pawis siya ngunit naramdaman niyang hindi pa sila umaalis kaya tinapunan niya ng tingin ang binata. "Miss, maling kotse ka." Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lalaki. Hindi ito si Kervin. Noon lang niya napansin ang looban ng kotse nang magpalinga-linga siya. "God! S-sorry! Sorry! H-hindi ko napansin." Mabilis niyang kinuha ang backpack niya saka siya lumabas ng kotse. Ang akala niya ay sasakyan niya iyon dahil pareho ang kulay at model. Alexis, talaga! Hindi mo man lang tiningnang maigi ang nasa loob? Pambihira! Napansin na niya ang kotse sa likuran at tiningnang maigi ang plate number. Sigurado na siyang kotse na niya iyon. Sa inis ng dalaga ay natatawa na lamang siya sa sarili habang pumasok sa loob. Tiningnan na niya ang nasa driver's seat at ang binata na iyon na si Kervin. Napapangiti ito habang inaayos niya ang sarili sa loob. Inihagis na niya ang bag sa likuran at nagsuot ng seatbelt. "Nakangiti ka?" tanong niya ngunit alam na niya ang dahilan. Siguro ay nakita niya akong pumasok sa ibang sasakyan. Ang saya-saya mo na niyan? "Next time, tumingin ka sa mga kotseng nandito. Paano kung kindnapper na pala ang nasa loob? Hindi ka talaga nag-iingat." Pinaandar na nito ang kotse palayo. "Hindi nga kidnapper. Ang gwapo ng lalaking driver sa loob." Idinaan na lamang niya sa biro ang pagkaka-wow mali niya. "Mas gwapo pa sa akin?" Sinulyapan niya ito. "Lamang ka lang ng isang paligo." "Still, gwapo pa rin ako." Nagbawi siya ng tingin at itinuon sa kalsada. "Na, let's meet your friend. Medyo lumalakas na ang hangin." "Here. Gamitin mo muna." Iniabot nito sa kaniya ang panyo. Napatingin siya sa kamay nitong may hawak na panyo. "Seryoso ka? Ipapagamit mo sa akin ang panyo mo?" sumulyap siya rito. "Iaabot ko ba kung hindi. Gamitin mo na." "Bahala ka." Kinuha niya ito. "Ipapahid ko ito sa kili-kili kong pawisan!" biro niya. "Bahala ka. Lalabhan mo naman iyan." Natawa lang ito. Napangiti na rin siya. Ang cool lang ni Kervin sa kaniya. Parang matagal na silang magkasama at sanay na talaga itong makisama sa mga tulad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD