Chapter 7 - First Meet

2640 Words
MULING bumalik si Alexis sa La Diva Art Gallery upang makipag-meeting sa boss ng RnJ. Kaharap niya ngayon sa isang conference sina Ricardo, Veronica at ang sekretarya nitong si La Diva. Noon lang niya nakilala ang dalawa. Bahagya pa siyang kinakabahan ngunit tulad ng isang training sa PMA, kailangan niyang maging matatag. “Nabanggit sa amin ni Veronica ang tungkol sa request mo, Lieutenant. May recommendation na rin mula kay General Dela Vega. At base sa rules and regulations ng company namin, ilalagay ka namin sa red flag zone since nasa serbisyo ka ng gobyerno. Is that okay with you?” wika ni La Diva. Tumango lang siya bilang pagtugon. “And since, you’re in red flag; you have to sign the special contract with a specific amount. Also, another contract for our safety in case your father disputed. We need to secure the welfare of our company,” Ricardo said to her. “I understand.” “Here’s your contract, Lieutenant. Basahin mo na rin ang mga do’s and don’ts na nakapaloob diyan at mahalaga iyan. Once na hindi mo natupad ang alin man diyan, may mga karampatang parusa kaming ipinapataw,” sambit naman ni Veronica sa kaniya. “Thanks.” Kinuha niya ang papel na iniaabot nito. “Naka-indicate na rin diyan ang price, Lieutenant. You will also undergo ob-gyne check-up with our respective council.” Napasulyap siya kay Veronica. “Ob-gyne test?” kunot-noong tanong niya. Ngumiti ito. “It’s a part of the contract, Lieutenant.” “Ahh.. I see.” Bahala na kahit anong test iyan, basta kailangan ko ng asawa! Pansamantala lang naman at hindi naman kami mag… Hindi na niya natuloy ang sasabihin sa isipang nang makita ang amount sa papel. Goodbye, milyones!    Matapos niyang pirmahan ang lahat ng mga dokumento, dinala siya ni Veronica sa isa pang council na mag-conduct ng test sa kaniya. Halos inabot din siya ng kalahating araw sa loob at ngunit hindi agad siya nakakuha dahil walang bakante nang araw na iyon. She needs to wait for a couple of days or week. Hindi na rin siya pumili sa top three choices at ipinaubaya na niya ang pagpili para sa kaniya ng kompanya. Ang sinabi lang niya ay isang matinong lalaking matapang na kaya siyang panindigan sa harapan ng kaniyang ama. Sana naman hindi mukhang lampa. I spent million and, of course, dapat pang-hollywood ang bibigay nila. Bahala na kahit sino basta kaya akong ipaglaban at hindi tatakbo kapag nakakita ng baril.   Isang linggo ang nakalipas, tinawagan siyang muli ni Veronica dahil mayroon na silang nakuhang hire husband para sa kaniya. Nakuha na rin niya ang detalye nito kaya magkikita sila nang araw din na iyon. Hindi na masyadong nag-ayos si Alexis sa sarili dahil hindi naman siya palaayos. Madalas suot niya ay simpleng t-shirt, ripped jeans at sneakers lang naman na kung ano ang nakasanayan na niya. Hindi na naman siya nagpaalam sa kaniyang ama kung saan siya pupunta at muli na naman itong tinakasan. Sakay ng kaniyang kotse ay nag-drive siya patungong Hight Street sa BGC kung saan ang meeting place nila ng binatang si Kervin Feirera. Iyon ang pangalan ng binatang hired husband na sinabi sa kaniya ni Veronica. Nag-text na rin ito sa kaniya kung saang restaurant sila magkikita. Habang binabaybay niya ang McKinley Road, nakaramdam na siya ng kaba ngunit hindi na lamang niya iyon inalintana. Kailangan niyang harapin ito nang buong tapang at paninindigan na niya. Ayaw niyang matali sa taong kasunduan lamang ang nag-udyok upang maisakatuparan ang mga hangarin ng mga ito.   PASADO alas-diyes ng umaaga nang makarating siya sa Blue Marlin Restaurant. Nauna pa siya ng tatlumpong minuto bago ang oras na kanilang napagkasunduan. Nag-park muna siya roon saka siya bumaba ng kotse at naglakad papasok ng restaurant. Bumati sa kaniya ang guard at pinagbuksan siya ng pinto. "Good morning, Ma'am!" "Good morning!" ganting-bati niya rito. Sumalubong naman sa kaniya ang babaeng staff pagpasok sa loob. "Hi, Ma'am! Good morning! Do you have a reservation?" "Yes. Alexis Aritana," tugon niya rito. "This way, Ma'am." Inilahad ng staff ang kamay nito patungo sa kanang bahagi. Sinundan niya ang staff sa itinuro nitong naka-reserve para sa kaniya. Walang masyadong customer nang umagang iyon kaya makikilala niya agad ang binata kung sakaling naroon na ito. Inilibot rin niya ang mga mata sa paligid at nagmamasid. Pagkaupo niya sa pangdalawahang mesa ay sinabi na muna niya sa staff na mamaya na siya oorder at may hinihintay pa siyang kasama. Habang wala pa ito ay sumilip muna siya sa kaniyang social media accounts. Pampalipas oras muna habang naghihintay. Ilang minuto ang nakalipas ay binasag ng isang lalaking may baritonong boses ang katahimikan niya. "Miss Alexis Aritana?" Mabilis siyang nag-angat nang tingin dito. Napatitig siya sa binatang tila perpektong hinubog ng diyos ang mukha. "Yes?" napakunot-noo rin siya. "I'm Kervin Feirera. Ako ang ipinadala ng RnJ." Sabay inilahad nito ang kamay sa kaniya. Tumayo siya. "H-Hi. I'm Alexis Aritana." Tinanggap niya ang nakalahad nitong kamay. Nang magkadaop ang kanilang mga palad, may kung anong sparks siyang naramdaman. Agad din naman niyang binitawan ang kamay nito. "N-Nice to meet you. Have a sit." Bahagya lang itong ngumiti sa kaniya. Inilapag naman nito ang dalang helmet sa tabi. Muli rin siyang naupo. Habang abala ito sa pag-aayos ng helmet sa tabi nito, malaya niya itong pinagmasdan. He's wearing a black leather jacket with a white t-shirt on it. He has mousey brown blonde and brushed up hair. His face is covered by a beard but it doesn’t lessen his charm. He has a white complexion, tall, has the perfect masculine shape of the body, a pointed nose, and most of all, his massive look steel-grey eyes. She didn't expect that the agency would send a man that looks like a god from Olympus. In short, the man is a purely American national. Ano ka ngayon, Alexis? Nasayang pa ba ang isang milyon mo? Nagsisisi siya sa nasambit niya kahapon tungkol sa ipapadala ng ahensiya. "So? You're my client," he smiled. "Y-Yes. Are you hungry?" "No. I mean—busog pa ako," tanggi nito. "O-Okay. Mamaya na lang siguro. Mabuti at marunong ka magsalita ng tagalog. At least, hindi na ako mahihirapan. Uhm, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Pero iyong mga importanteng detalye ay sa ibang lugar na lang natin pag-uusapan. Medyo risky ang paligid." "Okay." "May isang taon ang kontrata nating dalawa. Nabasa mo naman siguro ang pinirmahan ko sa kompanya niyo. Kailangan ko rin ng mga dokumentong magpapatunay na kasal ako sa'yo. Ang iniisip ko lang ay kung paano tayo ikakasal na pagkatapos ay hindi tayo makakaproblema sakaling kailangan na natin ng legal separation. My father is a Commanding General and he will do everything just in case he wants to make a clarification." Nagsimula na siyang magpaliwanag dito. Pasimple rin siyang napapahinto sa tuwing may dadaan sa kanila na mga staff. Ayaw niyang may makarinig sa usapan nila. Mataman lang itong nakatitig sa kaniya. "Okay." Sinalubong niya ang mga titig nito. Okay lang? Ang dami-dami kong sinasabi at iyon lang ang isasagot mo? Naiintindihan ba talaga ako ng 'kanong ito? Hindi niya naiwasang magkomento sa isipan niya. "Kung gusto mo ay sa ibang bansa tayo magpakasal. Walang divorce dito sa Pilipinas. Ayoko rin naman magkaproblema sa susunod na taon." Hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kaniya. "Okay. Hahanap na lang ako ng paraan. May kilala naman akong judge at abogado para humingi ng legal advice." Nagbawi siya ng tingin dito. Hindi rin pala niya kayang makipagtagisan ng tingin sa lalaking kaharap. Mabuti at humaba rin ang sinasabi niya. "Ikaw ang bahala." "Ako nga ang bahala. Sabi ko nga," tugon niya. "Paano ang set-up natin sa pagpapanggap na ito? Ikaw pa lang ang una kong naging kliyente, Miss Aritana." "Alexis na lang. Iniisip ko pa hanggang ngayon. Siguro ay tumira ka muna sa condo unit ko. Malapit lang din iyon dito. Kailangan natin masanay sa isa’t isa. Wala akong idea kahit—" "Kahit magkaroon ng boyfriend? Member ka ba ng LGBT?" direktang sabi nito. Napamaang siya sabay napakunot-noo. Hindi niya akalain na sasabihin iyon ng binatang kaharap. Ano raw? Ako? Member ng LGBT? Gusto mo bang magkaroon ng butas sa noo? Mukha lang akong lalaki pero hindi ako member doon. I respect them pero babae ako. Babae ako! Gusto niyang ipagdiinan dito ang huling sinabi niya sa isipan. "Sorry. Mali yata ang pagkasabi ko," sabay bawi nito. "Hindi ako member ng LGBT. Ganito lang ako kumilos at alam mo naman kapag nasa serbisyo. Pero marami akong kaibigan na member doon. I respect and love them." Bahagya itong natawa. "Nakita ko nga. Kaya ba kailangan mo ng asawa?" "Hindi iyon. Nasa kontrata naman ang dahilan kung bakit ako napadpad sa kompanya niyo. Anyway, matapang ka ba?" "Sort of. Hindi naman ako takot sa multo o kung ano. Required ba na kailangang matapang ang magiging asawa mo?" "Oo. Baka kasi kapag kinasahan ka ng forty-five-caliber ng daddy ko ay tumakbo ka palabas ng bahay at mawala tayo sa pagpapanggap nating dalawa." Napasuklay siya sa nakayungyong niyang buhok. "Nakahawak na ako ng baril. Kung gusto mo akong turuan, walang problema. Isa kang Air Force Pilot, tama?" Tumango siya. "Oo. One of these days, magtungo tayo sa Firing Range sa Cinema Square sa Makati. Teka—nagugutom na ako." Sumenyas siya sa staff na nasa malapit lang. Ibinigay naman agad nito ang menu book sa kanila. Pagkatapos pumili ng mga order ay muli silang nagkwentuhan. Noong una, tipid lamang ang sagot ng binata sa mga katanungan niya ngunit kalaunan din ay nagsisimula na rin itong makipag-communicate. Maayos naman itong makipag-usap at halatang well-trained na. He’s professional in every moves. Nagbibigay din ito ng mga suhestiyon kung paano ang gagawin nila oras na humarap sila sa kaniyang ama. Tatlong oras ang itinagal nila sa loob at nagpasya rin siya na dalhin ito sa kaniyang condo unit. Hindi naman tumanggi ang binata at parte naman iyon sa task na ibinigay ng ahensiya, ang sumunod ayon sa napagkasunduan basta hindi lalabag sa do's and don'ts na pinirmahan nilang dalawa. Ilang minuto lang din at nakarating na sila sa kaniyang unit. Madalas kapag may pinagtatalunan sila ng ama niya ay doon siya tumutuloy. Bilang paghahanda na rin sa panibagong buhay nilang dalawa ay kailangan malaman din iyon ng binata, ang mga personal na bagay tungkol sa buhay niya at kung anong mayroon siya. "Kumpleto ang mga gamit ko rito. Hindi pa nga lang ako nakapag-grocery dahil bihira lang ako tumira dito," wika niya. Nasa loob na sila ng kaniyang unit. "I see." Nagmasid pa ito sa paligid. Habang kausap niya ito kanina ay mas gusto pa niyang magsalita ito ng English. Paminsan-minsan ay napupuna niyang may accent ito. Magaan na rin ang loob niya rito sa hindi niya malamang kadahilanan o dahil kinakailangan lang niyang makisama. "Samahan mo akong mag-grocery," biglang wika nito. "Hmm?" "Sanayin na rin natin iyon bilang parte ng pagiging mag-asawa. Tama ba ako?" "O-Oo. T-Tama." Ibinaling niya ang mga mata sa ibang direksiyon. Nyemas! Ilayo mo nga iyang mga mata mo. Paano ko susundin ang nakalagay sa kontrata kong ganitong herodes naman ang ipinadala nila? Masyadong seducive ang isang ito. Pasimple rin siyang napabuntong-hininga. "Tara na," yaya nito. "Ngayon na agad?" Tumango ito. "Okay." Muli na naman silang bumaba patungong basement. Sa pagkakataong iyon ay kotse na niya ang dala nila ngunit ang binata na ang nagpresentang magmaneho. Ayon naman dito ay hindi lang motorsiklo ang kaya nitong e-drive. Nagtungo sila sila sa isang Shopping Center at doon na namili ng mga kakailanganin. "Saan mo gustong mauna? Sa meat section, ready to eat food, dairy or—" "Ikaw ang magiging asawa ko. Dapat siguro ay ikaw ang magdesisyon kung saan ang uunahin," sambit nito sabay ngumiti ito sa kaniya. "Huh?" bahagyang nagulat siya sa sinabi nito. May kung anong hatid na kilig ang sinabi nito ngunit alam niyang wala iyong kahulugan. "Siguro ay umpisahan na rin natin ang bagay na ito." Marahan nitong ginagap ang kamay niya. "A-Anong ginagawa mo?" tanong niya saka bahagyang nagulat din siya sa ikinikilos nito. "Dapat masanay na rin tayo sa ganito kung gusto mong mapaniwala ang ama mo." Abot-abot naman ang kaba sa dibdib niya nang tuluyang magkasalikop na ang kanilang mga kamay. Ramdam din niya ang init ng palad nitong nakakapaso. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may ka-holding hands siya dahil never pa naman siya nagkaroon ng boyfriend. "Alexis!" untag ng binata sa kaniya. "Huh?!" "Are you okay?" "Ah—o-oo. I-I'm okay." "Nanlalamig ka." Umiwas siya sa mga nakakatunaw nitong tingin. "M-Malamig k-kasi. D-Doon na muna tayo," nauutal niyang wika sabay turo sa kaliwang bahagi. Lihim siyang napapalunok upang pigilan ang tensiyong nararamdaman sa sarili. Kaya ko ito! Iisipin ko lang na kasama ito sa training. Maling-mali pala itong pinasok kong gulo! Gustuhin man niyang magsisi ngunit naisip niya ang ibinayad niyang isang milyon dito. Pinilit niyang hindi intindihin ang sitwasyon nilang dalawa at umastang normal. Kahit papaano ay sumasabay naman sa agos ng panahon ang binata at umakto naman ito ayon na rin sa napagkasunduan nila. Alam niyang nararamdam ni Kervin na hindi siya sanay at maingat naman ito. Pagkatapos naman nilang mag-grocery ay muli silang bumalik ng condo at inaayos muna ang kanilang pinamili. "Kervin." Sabay inabot niya ang malulutong na papel na pera sa binata. Napakunot-noo naman ito nang lumingon sa kaniya. "Para saan iyan?" "Panggastos. Hindi ba ganito naman ang dapat? I hired you as my hushand, kailangan mo rin ito para sa personal mo na pangangailangan. Kapag hindi mo ito tinaggap ay magtatampo ako." "Iba talaga kapag mayayaman. Ilapag mo na lang diyan sa mesa. Basa ang kamay ko." Nasulyapan niya ang kamay nito na basa nga. Kakapasok lang ng karne nito sa freezer. "Okay. I'll put it here. Kung may kailangan ka pa ay magsabi ka lang." Inilapag na lamang niya iyon sa mesa. "Hanggang kailan ako titira dito?" "Ayusin ko muna ang tungkol sa kasal natin. May kakausapin lang ako tungkol doon." Dinampot niya ang baso sa tray at kumuha ng tubig sa water dispenser. "Hindi ka ba matutulog dito?" Inubos muna niya ang laman ng baso bago siya tumugon. "Hindi. Kailangan ba?" "Paano tayo masasanay na makasama ang isa't isa kung hindi ka rin pala rito tutuloy. Kung iniisip mo ang safety mo ay nasa kontrata iyon." "Okay. Bukas na bukas ay dito na muna ako tutuloy pagkatapos ng trabaho ko. Is it okay?" "No. I want you to stay here starting tonight. Hanggang sa maayos na natin ang mga dokumento na kailangan at humarap sa daddy mo. Is it okay?" Napamaang siya rito hindi sa sinasabi nito kung 'di sa accent tuwing magsasalita ito ng English words. Pakiwari niya ay isang professional ito sa larangang iyon at sinabayan pa ng ma-awtoridad nitong boses. Hindi lamang iyon, ang mapang-akit nitong mga tingin sa kaniya na mas lalong nagpapahina ng kaniyang depensa. Hindi na siguro ako dapat magtaka, may ibang lahi ang husbando ko! "Kung ayaw mo—" "Hindi! I mean—no choice naman ako. Sige at dito na ako matutulog. May isa pa naman akong uniform na naiwan dito." Wala rin siyang nagawa at may punto naman ang binata. Bahala na talaga si Thor! Gasgas na ang Superman. "Good." Kibit-balikat na lamang siya saka tumawag sa bahay nila upang ipaalam na hindi muna siya makakauwi. Alam niyang isang mahirap na pagsubok iyon sa buhay niya kaya ngayon pa lang ay inihanda na niya ang kaniyang sarili kaysa matuloy ang pinaplano ng ama niya at ni Heneral Lucio. Noon pa man ay ayaw na niya sa anak nito. May pakiramdam siyang hindi magiging maayos ang buhay niya rito na bukod sa may bisyong tao ito, medyo mainitin din ang ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD