Chapter 6 - Meeting with Mr. Milosa and the council

2587 Words
MAAGA pa lang ay nagtungo na siya sa opisina ng RnJ kung saan siya nagkape kahapon. It was a kind of hidden office at Café Del Cielo in Makati and he was there to face La Diva, the council and the owner of RnJ Services. Ito na rin ang chance niyang makuha ang kaniyang pakay. Ngayon, kaharap na niya ang mga taong tutulong sa kaniya. “This is Ricardo Milosa. The owner of RnJ Services and the council. This is Xean, JC and Nathan,” pagpapakilala ni La Diva rito. Nakipagkamay naman siya sa mga ito pati na rin kay Ricardo saka siya nagpakilala. “I’m Major General Alexander Kier Vincent Rios of Randolph base Texas.” “You’re an Air Force Officer?” takang tanong ni Xean sa kaniya. “Yeah, supposedly.” “Anong ginagawa ng isang US General sa RnJ?” tanong naman ni JC. “In English, JC. Baka hindi makaintindi itong si Khoya,” sita ni Xean kay JC. “I understand,” tugon niya. “That’s great! Magkakaintindihan tayo rito,” nakangiting tugon ni JC.  “So, what kind of game is this, General?” Ricardo asked him.  “I will tell it to you directly, Mr. Milosa. I am here to discuss about being an employee of RnJ. I want to be part of your company in return that I will protect it with the help of US government,” he replied.  “Why? Why is it that a high rank official wanted to be part of my company?” seryosong tanong ni Ricardo. “Uhm, parang noong isang araw lang ay may isang high rank official client tayo. Here we are again,” sambit ni Xean. Doon na niya sinabi ang kaniyang misyon sa mga ito. Kailangan niya ang RnJ upang siya ang gawing hired husband ni Lt. Alexis Aritana. Ito na lang ang tanging paraan upang makakuha siya ng ebidensiya laban sa ama nito na siyang prime suspect sa ngayon sa pagkamatay ng kaniyang ina.   “Two years ago, my mother is involved in a car ambush together with the other delegates. She’s a former US CIA and US Embassy consultant who has the mission together with her CIA friend Olivia Smith in Baguio to secured the main evidence about the military official who’s the main suspect of American soldier killings here in your country. Ayon sa intelligence report na ibinigay ng US CIA, pauwi ang mga ito patungong NAIA Airport at natiktikan ng mga armadong kalalakihan na may suot ng Air Force uniform at na-ambush ng mga ito ang kanilang sinasakyan dahilan ng kanilang pagkamatay. Limang casualties ang nasawi kasama ang driver nito ngunit taliwas sa NBI report ang naging resulta sa imbestigasyon. My father is a commanding general in Air Force main and he sent me here to personal investigate. Hindi kami naniniwala na isang aksidente lang ang nangyari sa kanila. This military official has purpose to hide his real identity because of his illegal transactions.” “Who’s this military official you’re referring to?” Nathan asked him. “It’s General Alexander Aritana. The CIA found her name plate in the crime scene and this evidence will lead us to investigate him.” “Now I understand. Kaya gusto mong makapasok bilang empleyado ng RnJ para maging hire husband ng anak ng heneral na si Alexis Aritana. At gagamitin mo ang impluwensiya mo para makapasok dito,” sabat ni La Diva. Subalit alam naman nito ang pakay niya at ang kasunduan nilang dalawa. “Yes.” “This is a hard decision, General. But I don’t want to put my employees in jeopardy in case you will ruin my businesses. Why don’t you ask help to other military official instead? Not all of them are involved in that case, right?” “I wanted to. But I need to do it without the help of the military and or even the NBI. And the chance that I could get the main evidence is to get closer to them, the real culprit,” he said. “Ano ang assurance namin na hindi madadamay ang kompanya kung sakaling papayagan ka namin?” tanong ni La Diva. “La Diva is right. You will investigate the person has also in a high rank position. That would be a hard decision since we had affiliated in military government,” Nathan said. Sumulyap siya kay Ricardo. “Let’s make a deal. You will never involve in my mission. I’ll never tell anyone about your business and you can get my protection.” “And if you fail to do your mission?” Xean asked. Muli na naman siyang sumulyap kay Ricardo. “For seeking the truth and justice for my mother’s death, I will do and pay everything.”  “Ricardo, darling. Can you give him a favor? I think he could his mission in safe.” “Bakit parang gusto mo siyang tulungan? Sounds like that, La Diva. Isipin mo rin ang mga tauhan natin kung sakaling mabulilyaso ang misyon niya,” si JC. “As I said, I will do everything to secure your name and the welfare of your employees. I am a well-trained official and this could help to show my capabalities. Just one big evidence and I am done.” Kailangan niyang makuha ang tiwala ng lahat upang matupad ang misyon niya. “Well, the final decision will be yours.” Tukoy ni La Diva kay Ricardo. “All right. I will allow you to be part of my company but my council will prepare the legal documents just in case you will fail to your mission. And of course, your investment. I will trust you in this matter but if you will flop to your mission, you have to pay all the damages,” Ricardo finally decided. “I agree,” he said. Ilang sandali pa ay natapos na rin ang kanilang meeting at inihanda na ang ilang mga papeles na kailangan niyang pirmahan. Nakuha man niya ang kagustuhan niyang makapasok subalit malaki naman ang kapalit nito alang-alang na rin sa mga taong tumulong sa kaniya sa misyon. Since he was a high rank official, they put him in a red flag status. Mahirap man lusutan ang gusot na papasukin niya, kailangan niya ito alang-alang na rin sa namayapang ina.   Alas-otso na siya nakauwi ng kaniyang bahay at saktong nakapagluto na ng hapunan ang kaniyang katiwalang si Aling Reming. Kinausap niya itong mag-full time muna sa habang naroon siya upang may makakasama man lang siya sa bahay. Ang katiwala na rin na ito ang nag-alaga sa kaniya noong bata pa siya at pati rin ito ay nalungkot sa pagkamatay ng kaniyang ina. Nangako itong aalagaan siya roon habang hindi pa natatapos ang kaniyang misyon. Wala itong alam sa kaniyang ginagawa at may isang silid siyang ayaw nitong makita. Ang kaniyang study room. “Kumain ka na, Kier.” anito. “Sabayan mo na ako, Aling Reming.” “Tapos na ako. Ay, siyangapala. Si Third ay nagtungo rito kanina ngunit sabi ko ay⸻” Napatigil ito. “Wazz up, Dude!” “Ay, speking!” matigas na pagkakabigkas ni Aling Reming. “Wow! Sinigang! Ito pala ang naamoy ko mula sa labas. Hindi pa naman ako kumain ng dinner.” Hinila nito ang upuan at naupo na. “Ay, sige. Ikukuha kita ng plato at kutsara.” “Bro, pwedeng makikikain?” ngingiti-ngiti na naman ito. “Umupo ka na nga e, nagpapaalam ka pa.” Nagsimula na siyang sumubo. “How’s your day? How’s your investigation.” Dumating agad si Aling Reming kaya hindi muna niya tinugon ang pinsan. “Heto na ang plato at mga kubyertos. Kumain lang kayo riyan at may aaasikasuhin lang ako sa kusina.” “Thanks, Aling Reming. Napakabuti niyo talaga.” “Nambola ka pa.” Napapangiti lang si Third dito saka tumalikod na si Aling Reming. “Will you shut your mouth? Lalo na kapag nariyan si Aling Reming. She doesn’t know about my mission,” sita niya sa pinsan. “Sorry, bro. Na-excite lang ako kapag nakikita kita. By the way, may isang night club sa BGC. Isang social night club. Do you want to go with me?” “Tonight?” “Yeah. Para naman ma-explore mo ang Manila.” “I’m busy. I don’t have time to hang out.” Patuloy lamang siya sa pagsubo dahil matagal na rin siyang hindi nakakatikim ng sinigang. “Dude, it’s time to relax and enjoy. Malay mo at pagbalik mo ng Texas ay makakahanap ka na ng girlfriend. You’re not getting any younger, you know.” “Huwag mo akong itulad sa’yo. Womanizer!” Napalatak ito ng tawa. “At least, wala akong pinaiyak na babae. Nasarapan, oo!” “Gago!” Hindi niya maiwasang sabihin iyon sa pinsan. “Bro, dapat alam mo iyan. You live in liberated country or I mean⸻not all. Iyong tipong wala naman silang pakialam kahit maghubad sa harapan mo. For sure, may naging babae ka rin sa America.” “Well, sort of. Short-term relationship, I guess.” “See? At least, hindi ka zero!” “Itulad mo na naman ako sa’yo na hindi na mabilang sa kamay at paa ang mga babae. Women are not toys. Makakahanap ka rin ng katapat mo.” “Not in my era!” Napapailing na lang siya. Ilang beses na rin niyang pinagsabihan ang pinsan ngunit hindi naman ito nakikinig. “Anyway, pwede mo ba akong bilhan ng contact lens, artificial beard and artificial hair. I need to start my disguises. And of course, I want to have a motorcycle. Bilhan mo na ako bukas din.” “Wow! Utusan na pala ako,” reklamo nito. “Okay. I’ll withdraw my investment to your metal works company.” “Okay. No problem!” binawi rin nito ang sinabi. Muli na naman siyang napailing dito. Tanging ito lang napinsan niya ang maluko at naiiba sa lahat ngunit gusto rin naman niya ang mga sense of humor nito kaya hinayaan na lamang niya.     MALALIM na ang gabi at kaharap pa rin niya ang monitor kung saan makikita roon ang activities na pinaggagawa ng dalaga. Ayaw naman sana niyang gawin iyon ngunit wala rin naman siyang choice. Na-access niya lahat pati messages, social accounts nito na bihira lang naman gamitin ng dalaga, at iba pang mahahalaga. Habang nag-iisip siya, biglang nakita niya sa screen na may nag-message sa dalaga. “Tulog ka na?” Mula ito sa sender na si Capt. Louis. Iyon ang nakalagay sa screen name. “Still there?” Ngunit walang reply na ginawa ang dalaga. “I hope we have more time to talk about ourselves. You know⸻dating! Are you free tomorrow?” Napangiti siya saka napailing. Hindi siya sanay na may ganitong ginagawa ngunit kailangan niyang tanggapin na kasama na iyon sa misyon niya. Sa kabilang bahagi ng puso niya, parang hindi niya gusto ang lalaking ito para sa dalaga. Alam niyang ito ang ipinagkasundo ng ama ng dalaga para dito. “I miss you, Alexis! Kailan mo ba ako sasagutin?” Sunod-sunod na ang mga text nito ngunit wala pa rin reply ang dalaga. Tulog na kaya siya? What if I replied like this. Nagtype siya saka niya senend. “Itulog mo na lang iyan!!” “I can’t sleep without you!” Talaga nga naman! You are desperate! Don’t do this to my soon-to-be wife! Natatawa siya sa isiping magiging pansamantala siya nitong asawa. Muli na naman siyang nagtype. “Me? I can’t sleep if you are texting me! Magpatulog ka!! Pelo amor de Deus! (For god sake!)” “Alexis! Are you mad?” Hindi na siya nag-reply. Natatawa na lang siya sa isiping magugulat ang dalaga sa reply niya. Tumayo na siya upang magpahinga na sana ngunit tumawag ang kaniyang ama. Kinausap naman niya ito nang masinsinan. “Hi, Kier! How are you my son?” “Hi, Dad! I’m fine.” “How’s your mission?” “I am trying to get in their premises. Don’t worry; I handle this.” “Good. Just let me know if you need anything. By the way, Lieutenant Kennevie was here yesterday. She asked about you. I told her that you are on vacation. Did she call you?” “Nope. Mas mabuting hindi na siya mag-text o tumawag.” Natawa ang daddy niya sa kabilang linya. “Why? Lieutenant Kennevie is a nice woman.” May kaunting alam naman ito sa pananagalog dahil tinuturuan ito ng kaniyang ina. “Dad, stop being like cupid. She’s not my type.” Naiinis na naman siyang maalala ang dalagang nasa kaniyang hanay. nagpapakita ito ng pagkagusto sa kaniya ngunit hindi niya ito binibigyan ng pansin. “Alright. I will not be cupid anymore. Just send my regards to Aling Reming and your cousin Third.” “I will, Dad.” “Okay. I drop this call.” Napapailing na lang si Kier sa mga hirit ng kaniyang ama. Matagal na rin kasi nitong gustong magka-apo sa kaniya kaya lang ay mailap ang tadhanang ibigay sa kaniya ang tamang babae. Aminado naman siyang mapili siya sa babae. May hinahanap siyang hindi niya nakikita kay Kennevie o kahit sinong nakakasalamuha niya maliban kay… She is different. I don’t know why.   SAMANTALA, kahit malalim na ang gabi ay hindi pa rin nakakatulog si General Aritana. Nasa veranda ito habang malalim ang iniisip. Ilang beses na rin itong napapabuntong-hininga na siyang huling naabutan ni Nana Caring habang naglalakad ito palapit dito. "Ipagpaumanhin mo, General. Tumawag si Alexis na hindi muna siya makakauwi. Sa condo unit muna ito matutulog," malumanay na wika ni Nana Caring. Doon muna natulog si Alexis nang dahil sa huli na naman nilang hindi pagkakaintindihan ng kaniyang ama. "Ang batang iyon," pagtitimpi nito. "H-Hayaan mo na mamuhay si Alexis bilang normal. H-Hindi na siya bata. Nasa tamang edad na rin siya," paliwanag ni Nana Caring Humarap ito kay Caring. "Kilala mo na si Alexis mula noong maliit pa siya. Ikaw na rin ang nag-alaga sa kaniya nang mamatay ang ina niya. Sa tingin mo ba Caring ay hahayaan ko na lang siya sa mga gusto niyang gawin sa buhay? I am an overprotective father that's why I need to guard her." "Sinasakal mo naman ang anak mo. Kung ayaw mong magrebelde si Alexis ay hayaan mo siya sa kaniyang gusto. Babae pa naman ang anak mo." Nais lang ni Caring na maging maayos ang samahan ng mag-ama. Muli na namang napabuntong-hininga ito. "That's why I need to make a hard decision for her own good." "Anong ibig mong sabihin?" napamaang si Caring. "Malalaman mo sa susunod na linggo. Maghanda ka na rin sa araw na iyon at darating ang mga bisita ko. I want to make a big announcement." "Announcement?" takang tanong ntio saka naguguluhan. "Sa takdang panahon, Caring." Naglakad na ito at nilagpasan si Caring. Naiwang nahihiwagaan ang may edad na babae sa sinabi ni General Alexander. Wala itong ideya sa tinutukoy nito ngunit batid naman ang isang hindi kanais-nais na bagay para kay Alexis. Napapailing na lamang itong muling pumasok sa loob ng bahay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD