Chapter 7
Away
.
As if his kiss is some sort of spell or magic, bringing me to my forgotten past. A past which I couldn't imagine that truly happens.
.
××××
Dali-dali akong pumasok sa tahanan namin at nagmartsa papuntang kusina. Hawak ko pa ang dibdib ko habang tinutungo ang jar ng tubig. Kumuha ako ng isang baso at pununo ito ng tubig bago ininum.
Bigla ko na naman naalala ang mukha ng nakasabay ko sa trycicle kanina.
Napapikit ako.
"Aish! Bakit sa lahat ng tao siya pa!"
Umupo na lang ako sa upuang rattan upang makabawi sa hingal ko. My heart is beating so fast and this is because of my sudden sprint from the tricycle and maybe because I was so scared having that dela Conde in one tricycle.
Sino ba naman ang hindi kakabahan kung tinitigan ka niya ng masama? Para niya akong kikilawing buhay kanina. 'Di ko alam na dinibdib niya' yong pag sigaw ko nong sumupalpal siya dahil sa kayabangan niya. Totoo naman iyon eh.
Yes, he's handsome but he's very intimidating. His silence earlier scares me in point that I am imagining na baka itulak niya ako palabas sa tricycle dahil sa mga nasabi ko.
Nang maka-recover na ako sa nangyari ay nagbihis na ako't nagsaing dahil maya-maya lamang ay uuwi na si Lolo galing sa sakahan ng mga dela Conde.
Bumuga ako ng hangin.
"Kalimutan na natin iyon, bukas makalawa hindi ka na maaalala non," kumbinse ko sa sarili ko.
My school days went well. Gaya ng dati, bilang lang sa daliri ko ang mga panahong nakikinig ako sa reporting ng klase. Nakakabagot din kasi minsan, dahil imbes na reporting parang reading class pa ang nagaganap dahil binabasa lang naman ng reporter at hindi na pinapaliwanag ang talagang kabuluhan nito.
"Paano ka ba pumasa? 'Di ka naman nakikinig sa klase 'di ba?" tanong ng atribida kong kaklase.
Paano ako nakapasa? Malamang dahil nag-review ako bago nag-take ng exam. Hindi naman kasi ako tulad niya na nag-tatake ng exam nang hindi handa.
Ganito lagi kapag ka tapos ma-check ang mga papel sa exam, kumparahan kung sino ang mas malaki at kung sino ang mas nakakuha ng mas mababang puntos.
Nang mag-uwian na ay sabay kami ni Jerome na naglakad palabas ng paaralan. Wala kaming pamasaheng pareho kaya napag-usapan naming maglakad na lang.
"Hindi ka ba mangangahoy ngayon?" tanong sa akin ni Jerome.
Nilingon ko siya saglit bago ako umiling sa kanya bilang sagot.
"Harvest ng mga pinya ngayon, tutulong ako sandali alam mo na pangdagdag baon lang," sabi ko sabay ngiti.
Tumango naman siya sa akin bilang sagot at sinamahan na akong maglakad patungo sa pinyahan ng mga dela Conde. Absent si Pearl ngayon kaya kaming dalawa lang ni Jerome ang magkasama. Madalas na may sundo ito pero ngayon ay himala at wala yata.
"Ah-Penny, may sasabihin sana ako," biglaang sabi ni Jerome habang naglalakad kaming dalawa.
"Ano yon?" tanong ko sa kanya habang nakatanaw sa mga nakatanim na mga pinya sa di kalayuan.
Kaunting kembot na lang, makakarating na kami.
"Ano kasi, ah-"
May pag-aalangan sa boses niya kaya nilingon ko siya. Napakamot naman siya sa batok niya at nahihiyang ngumiti sa akin.
Pinakatitigan ko lamang siya at hinintay na madugtungan niya ang sasabihin niya, pero nagtaka ako nang mamulang bigla ang pisngi niya.
"Ano kasi, sa sabado kaarawan ni Nanay gusto sana kitang imbitahin, kung ayos lang," sabi niya.
Tumango ako sa sinabi niya at inakbayan siyang bigla.
"Sure! Iyon lang pala eh, tatanggi pa ba ako eh grasya na iyan?"
Nagpatuloy kami sa paglalakad pagkatapos pero agad din kaming napahinto nang may tumawag bigla sa pangalan ko. Sabay kami ni Jerome na nilingon ang pinanggalingan ng boses, si Kuya Tommy lang pala, anak ng kompare ni Lolo ko na si Mang Kanor.
"Buti nakita kita, papunta sana ako sainyo ngayon eh. Pauwi ka na ba? Samahan na kita," masayang alok niya sa akin na payak ko na lang na ningitian bago binuka ang mga labi upang magsalita.
"Papunta ako ngayon sa pinyahan ng mga dela Conde. Ano nga po pala ang sadya niyo sa amin?" tanong ko sa kanya at tila may naalala siyang bigla dahil sa tanong ko.
Nilahad niya sa harapan ko ang isang supot ng hilaw na mangga kaya napako ang tingin ko rito.
"Nanguha kami ng mangga kanina sa lupa ng mga dela Conde. Alam kong paborito mo iyan kaya dinalhan na kita," ani nito at saka ako ningitian nang matamis.
Natakam ako sa manggang tinititigan hanggang sa napalunok naman ako at tila ba nanunuyo na ang lalamunan ko at nangangasim.
Tinanggap ko ang supot at nagpasalamat sa kanya.
Nagpatuloy kaming tatlo sa paglalakad hanggang sa taniman pero bago pa man kami makarating ay lumiko na si Jerome sa kalye Kamagong kung saan nakatirik ang matayog nilang tahanan. Kaya naiwan ako kasama ni kuya Tommy at siya na mismo ang naghatid sa akin patungong taniman.
Nag paalam siya matapos akong ihatid at ako naman ay kaagad na tinungo ang mga tanim na pinya pagkatapos malapag ang bag ko at ang mangga sa ilalim ng puno ng Acacia.
"Penny, apo!" masayang tawag sa akin ni tata Selo nang namataan niya akong papalapit sa direksyon niya.
"Magandang hapon, tata Selo!" masayang pagbati ko sa may katabaang si tata Selo at saka nagmano. Matagal na siya rito at isa siya sa mga pinagkakatiwalaang trabahante ng mga dela Conde.
"Kaawaan ka ng diyos, apo. Nga pala, nasa truck ang Lolo mo, naatasang magkarga ng mga pinya papuntang Iligan kasama ang isa sa apo ni Don Immanuel," sabi niya sa akin bago kumuha ng hinog na hinog na pinya at nilahad sa akin.
"Isilid mo sa bag mo, matamis 'yan," sabi niya na tinanggihan ko pero mapilit si tata Selo. Marami naman ang na-harvest ngayon at hindi na raw lugi ang mga dela Conde sa isang pirasong pinya na isisilid ko at isa pa, tuwing harvest ay may libreng pinya naman lahat ng nagtrabaho nakadepende ang bilang sa dami ng aanihin. Kung hindi ganoon ka rami, malimit lamang at minsa'y pili lang ang may libreng pinya.
Matapos masilid ang pinya ay nagsimula na akong mamitas ng bunga na nasa tamang gulang na. Sa dami ng pinyang nakatanim dito minsan ay inaabot ng dalawang araw ang pag-harvest.
"Pasensya ka na, kailangan kitang pitasin. Pambaon lang," parang tanga kong sabi sa pinya na unti-unting pinipitas pero kahit anong gawin ko'y hindi ko matanggal sa katawan.
Pag ako nainis talaga sisipain ko na 'tong pinyang ito! Napaka-kj!
"Bumalik na kayo sa trabaho papunta rito ang mga dela Conde!"
Narinig kong sigaw ng isang trabahador kaya ang ibang namamahinga kanina ay kaagad na bumalik sa trabaho at sa isang sandali pa'y narinig ko na ang sunod-sunod na ingay mula sa paa ng mga tumatakbong kabayo.
Tumayo ako at nag-unat at para na rin makita kung sinong dela Conde ito. Baka 'yong crush ko, edi ang swerte ko. May pera na ako mamaya may bunos pang kasama.
Napangisi ako nang malapad nang makita ko kung sino ang lalaking nakasakay sa itim na kabayo. Pero unti-unti rin itong napawi nang tinawag siyang ' Hendrix' ng babaeng kararating lang, tangan din ng isang itim na kabayo. At para naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang makita ko kung sino ang nakasakay sa papalapit na puting kabayo.
Napasimangot ako, 'yong crush ko, but he's with a woman. Maputi ang babae at may mahabang buhok. Napakaamo ng mukha niya, bagay na bagay sa kanya ang bangs niya. At sa tantsa ko ay mas bata ang babae ng mga ilang taon sa kanya.
Bumaba si Henrik sa kabayo at inilalayan niya matapos ang babae.
"Tsk. Lamang lang naman siya ng ilang paligo sa akin," bulong ko sabay Inis na sinipa ang tanim na pinya.
"Oh, I see, may gusto ka sa pinsan ko."
"Ay kabayo!" sigaw ko sa gulat nang sumulpot sa gilid ko ang isang asungot.
Nakangisi siya sa akin, tila ba nanunukso.
Ni-head to foot pa ako, "Pero tama ka, lamang nga lang ng ilang paligo si Maier sa 'yo. Mga isang daang ligo," sabi niya at natawa pa.
Pinagbuhatan ko siya ng kamay at sasampalin ko sana siya dahil sa inis ko nang hulihin niya ang kamay ko. Pinanlakhan ko siya ng mata pati na ilong.
"Bitiwan mo nga ako!" sigaw ko kaya napatingin ang ibang trabahador sa gawi namin pati na ang crush ko, na pinsan niya.
"Homer, nambubully ka na naman? Ay hala, teka, kilala kita."
Napalunok ako nang lumapit yong kakambal ni Henrik sa amin. Nakatitig siya sa akin na para bang inaalala niya kung sino ako.
"Aha! Ikaw 'yong babae nong nakaraan 'di ba? Yong sumigaw nong sumupalpal itong pinsan ko. Ouch, ba't ka namamatok? Totoo naman sumupalpal ka nong araw na iyon!"
Nainis pa ito nang mabatukan siya nitong si Homer dahil lang sa sinabi niya.
"Mga hijo, ano ba nangyayari dito?" pagsingit ni Tata Selo sa usapan.
Lumapit ako kay Tata Selo at nagtago sa likod niya.
"Inaaway niya po ako, Ta," pagsusumbong ko.
Nanlaki ang mga mata ni Homer at parang umuusok na ang ilong sa pagkainis.
"Hindi ah!" giit niya pa.
Pinakita ko kay Tata Selo palapulsuhan kong namumula dahil sa pagkakahawak ni Homer kanina, "tingnan niyo po oh, sinaktan niya ako."
"You!" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang tumikhim si Tata Selo at tinapik siya sa balikat.
"Alam mo hijo, masama ang manakit ng babae. Humingi ka ng tawad."
Tumaas ang kilay niya at tinuro pa ako.
"No! Sasampalin niya dapat ako kanina, pinagtanggol ko lang sarili ko!" pangangatwiran niya.
Napabuntong hininga si Tata Selo dahil sa pagsagot ni Homer sa kanya kaya pumagitna ako at sinapak siyang bigla dahilan para matumba siya.
"Sosmaryosep! Awatin niyo!" sigaw ni Tata Selo.
Pinagkaguluhan na kami ng mga taong nakiosyoso sa nangyayari sa pagitan namin pero isinawalang bahala ko itong lahat.
Sinakyan ko naman ang tiyan ni Homer at balak siyang sapaking muli nang hilahin ako bigla ni Hendrix palayo sa pinsan niya.
"Wala kang modo! Sino ka para sumagot-sagot sa matanda ha?!" galit kong sigaw at pagpupumiglas sa mula sa pagkakahawak ni Hendrix sa akin.
Nakita kong bumangon na si Homer at balak yatang gumanti sa akin.
"Easy, babae iyan," awat ni crush ko sabay hawak sa balikat ni Homer.
Bigla namang kumalma ang diwa ko. Ang gwapo niya kasi, para siyang si Arch Angel Michael na pinipigilan si Satanas na makalapit sa akin.
"Ano naman kung babae iyan?! Eh sinapak niya ako kaya sasapakin ko rin siya!" nagpumiglas pa siya hanggang sa makawala siya mula sa pagkakahawak ng pinsan niya at nagtaas ng kamao para suntukin ako kaya kapwa kami napaatras ni Hendrix.
Napapikit ako pero may biglang yumakap sa akin at sa isang iglap pa ay narinig ko ang sigaw ni Homer.
"Henrik!"
Dinilat ko ang mga mata ko at hindi ako halos makapaniwala sa nakita ko.
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Henrik kaya marahan akong napatango.
Inawat na ng ibang tao si Homer at pilit na nilalayo sa amin.
Sinalo niya 'yong suntok ni Homer para sa akin?
Tinitigan ko ang mga mata ni Henrik. Is he mad?
Kinalas niya ang yakap niya sa at hinarap ang pinsan niya.
"Ano titigil ka na ba?" tanong niya rito.
Kahit nasa harapan ko si Henrik at nasa likuran ko si Hendrix ay tumagos pa rin ang matulis na tingin ni Homer sa akin.
"Ano, masaya ka na at pinagtanggol ka ng crush mo?!"
Nanlamig akong bigla at hindi nakapagsalita. Parang umakyat yata lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sinabi niya.
Namumula ako sa hiya!
Bigla akong hinarap ni Hendrix sa kanya. May nakakaloko siyang ngiti ngayon habang si Tata Selo naman ay napailing-iling at sinabi sa ibang trabahador na magpatuloy na sa mga gawain nila, at siya na ang bahalang umayos sa away namin ni Homer.
"Talaga? May gusto ka sa kapatid ko?" tanong ni Hendrix.
Umiling ako sa kanya.
Gusto kong tumakbo at maiyak na lamang.
Inakbayan niya akong bigla at hinarap namin si Homer.
Wala na si Henrik sumakay na siya sa kabayo kasama yong babae.
"Ano naman sayo Homer kung may gusto siya sa kapatid ko? Ba't ka galit? Nagseselos ka ba?"
May narinig kaming tumawa sa sinabi ni Hendrix pero ako hindi ko magawang tumawa lalo na't ang sama ng tingin ni Homer sa akin.
"Ba't naman ako magkakagusto sa babaeng iyan? Hindi naman iyan maganda! Diyan ka na nga! May araw ka rin sa aking babae ka!"
Umalis na rin siya at sumakay sa kabayo niya matapos niyang magbanta sa akin.
Hindi ko alam pero para yatang naubos lahat ng energy ko sa katawan at bigla na lang akong naupo sa lupa pero hinila kaagad ako ni Hendrix para makatayo.
"Totoo ba na crush mo ang kapatid ko?" tanong niya.
Wala na akong energy para tumanggi kaya tumango ako.
Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ngayon at Kahit na wala naman ako masyadong ginawa ay hapong-hapo ako sa away namin ni Homer.
"Wag mo ng e-crush si Henrik, ako na lang magkamukha naman kami eh. At saka may girlfriend na si Henrik," sabi niya sa akin na mas nagpabigat pa sa damdamin ko.
"Talaga?" mahinang tanong ko.
"Oo, dalawa. Kaya h'wag mo na siyang gustuhin."
Napanganga ako.
Ilan daw? Dalawa?
To be continued....