CHAPTER 8: SANDAL

2496 Words
Chapter 8 Sandal "Rayana, I'm sorry." "Stop following me, will you?!" inis kong sigaw at magmartsa paloob ng kubo. I was about to close the door when Homer suddenly catched me up and stopped me from closing the door. He's still catching his breath, kunot ang noo niya ngayon. Bumaba ang tingin ko, I looked at his eyes. His eyes were very wary like he's really sincere on asking forgiveness sa biglaang paghalik sa akin kanina. Then I lowered my eyes down to lips bago ko binalik sa mga mata niya ang paningin ko. Inirapan ko na lang siya at inayos ang tuwalyang nakapulupot sa akin. "I won't do it again-" Pinutol ko ang sasabihin niya, "talagang hindi na, dahil uuwi na tayo ngayon!" then I marched inside the small room, looking for my bag to change my clothes. Hindi kami nag-usap matapos ng sinabi ko. Nagawa na rin niyang makapagbihis nang matapos ako. Nakasuot siya ng mint green ng v-neck shirt at puting pantalon, habang suot ko naman ay kulay mint green din na v-neck shirt at puting skinny jeans. Kabibili ko lang nito sa penshoppe eh, malay ko bang may ganito rin siya, para tuloy kaming naka couple attire. Hindi ko naman magawang makapagbihis dahil wala na akong ibang damit, so bahala na. "Rayana, about the kiss-" "Do not talk to me," sabi ko at pinikit ang mga mata sabay hilig ng ulo ko sa bintana ng sasakyan niya. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. Hininto niya ang sasakyan before he uttered a word again. "Ginawa ko lang naman iyon baka sakaling may maalala ka," pangangatwiran niya. Binuka ko ang mga mata ko at tinitigan niya. "You are too impulsive, alam mo yon? Hindi mo naman kailangang gawin iyon-" "Pero may naalala ka after that, 'di ba?" Shoot! I can't lie to him because indeed, may naalala ako. "You really remembered something. What is it?" Nagkatitigan kaming dalawa, then I looked away and said, "wala!" "Do not try to lie to me, I know may naalala ka dahil kung wala you wouldn't react like that? We already kissed before, we even did more than that-" Pinutol ko ang sasabihin niya, I looked straight into his eyes, "I hate you," sabi ko. He looked away then started the engine again, "I know. Kahit noon pa man, you really hated me," sabi niya pa. Kinain muli kami ng katahimikan, at habang tumatagal palala nang palala ang pagkakonsensya ko sa inasta ko sa kanya. He's just trying to help me tapos ako nagmamaldita pa, walang utang na loob. Although his action was a result of his impulsiveness, may naidulot naman ito sa akin. I did remember something. Sinulyapan ko siyang saglit habang seryoso siyang nagmamaneho bago ko tinoong muli sa kalsada ang paningin ko. He's being nice to me tapos ito iyong isusukli ko sa kanya. "Kaya ka ba mabait ngayon sa akin dahil bully ka noon?" Sumulyap siya saglit sakin, tapos muling nakapukos sa kalsada. "You think so?" "Kaya nga tinatanong kita hindi ba?" I tsked after that. I want to say something more so I tried to open my mouth but decided to keep it again. H'wag na lang, nakakahiyang itanong. "Do not hesitate, itanong mo na kung anong gusto mong itanong." Napalingon ako sa kanya, nagtataka, how did he know that I'm supposed to ask him a question pero nag-aalangan lang ako? "You always do that kapag nag-aalangan kang gawin ang isang bagay," sabi niya at sumulyap saglit sa kamay ko, "rubbing your middle finger and your thumb together," dagdag niya pa. Wow. Did he manage to remember that mannerism of mine? Huminga muna ako nang malalim bago nagtanong. "Si Henrik, what was my relationship with him?" Humigpit ang hawak niya sa manibela and without looking at me, he gives me an answer. "You were his girlfriend." What? "How about... How about us? What are we?" I stopped myself from breathing for a second just to asked that question. And when I saw how his jaw tightened, I gulped. "We're friends," he said, still not looking at me. "Just friends?" tanong ko pa. "Yeah, just friends." Tumango ako at hinilig na lang ang sarili sa upuan. Friends. Parang gusto kong matawa. We're not really friends, we're enemies! But maybe he's right because an enemy won't do those things to his enemy. Based from the memory I just retrieved today, halos magkulong ako sa bahay pagkatapos ng away namin Homer. Pagkatapos ng klase ay deretso kaagad ako sa bahay at hindi na pumupunta sa sakahan. Kalat na kalat kasi sa lugar namin na may gusto ako sa isa sa mga apo ni Don dela Conde. Mainit din ako ang pangalan ko lalo sa mga babaeng nagkakagusto kay Henrik dahil sa pagsalo niya ng suntok ni Homer para sa akin. Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sa ginawa niya sa akin. Kamusta na kaya siya? "Duday, apo?" tawag sa akin ni Lolo kaya nagmadali akong lumabas sa kwarto ko. "Bakit ho, lo?" tanong ko rito. "Andito na si, Jerome. Nangako ka raw na dadalo ka sa salu-salo sa kanila ngayon." Napabaling naman ang paningin ko kay Jerome na nakatayo sa pintuan namin. Sabado pala ngayon, birthday ng nanay niya. Nakalimutan ko tuloy dahil sa mga nangyari sa akin. "Teka lang, Jerome. Hintayin mo na lang ako, magbibihis lang ako saglit," sabi ko rito bago pumasok sa kwarto ko. Hinalungkat ko ang kabinet ko at kinuha ang isang kulay asul na polka-dot na off-shoulder dress na hanggang tuhod ko lamang. Tapos sinuot ko 'yong luma kong sandal. Na sa sobrang luma niya ay natatanggal na iyong mga leather at tingin ko' y ano mang oras ay mapuputol na ito. "Dadahan-dahanin ko na lang siguro ang paglalakad ko para hindi ito masira," sabi ko sa sarili ko at tinali ang buhok ko gamit ang puting panyo bago lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay nakita kong umiinom pala ng tubig si Jerome at kamuntikan na siyang mabilaukan sa biglaan kong paglabas. "Ang ganda mo," sabi niya na siyang nginitian ko lang. Nagpaalam na kami sa Lolo ko at lumabas na ng bahay at pumunta sa bahay nila. Pagdating namin doon ay halos mapuno ang bahay nila ng tao, ang dami pala nilang bisita, maski sa bakuran nila ay may mga bisita rin. " Ui, Duday, andito ka na pala," sabi ng nanay ni Jerome sa akin kaya lumapit ako at nagmano rito. "Tsk. What a cheap name," rinig kong sabi ng isang babae at ng hagilapin ko kung sino ang nagsabi non ay nagulat ako nang makita ko 'yong babaeng kasama ni Henrik dati, yong Maier ata ang pangalan. "Maier, be good," it's Henrik or Hendrix?, na mas ikinagulat ko pa. Ano ang ginagawa nila rito? "Inimbitahan sila ni Tatay. As in ' yong apat na magpipinsang dela Conde," bulong sa akin ni Jerome bago niya ako inayang kumain na kami. Kumuha ako ng plato at kutsara at nagsimula ng Kumuha ng kanin nang biglang may sumigaw sa loob na siyang ikinagulat, hindi lang ako kundi maging ng lahat. " HAPPY BIRTHDAY!" Sa malapad niyang ngiti ngayon, alam kong si Hendrix siya. "Kuya, will you please stop being so noisy?" maarteng sabi nong Maier. Sabi ni Jerome kanina apat na magpipinsang dela Conde ang inimbita, so that means, Maier is also a dela Conde? "Maier, alam mo? Ang kj mo," sagot ni Hendrix sa kanya tapos bigla siyang kumaway sa akin, "hello there, sister-in-law!" Nag-iwas na lang ako ng tingin at tinuloy ang pagkuha ng pagkain. Wala ako sa mood para pumatol sa kalokohan niya. Gamit ang tinidor ay Kumuha ako ng pandit at nilagay ito sa plato ko. Kukuha na rin sana ako ng lumpia para sana itabi ko para sa Lolo nang may kamay na Kumuha sa natitirang limang lumpia. "Homer, ang takaw mo naman," reklamo ni Hendrix na siyang nasa tabi ko na, kumukuha rin ng pagkain. "Gutom ako, pake mo ba?" Tiningnan ko si Homer at nakita kong nakangisi siya ngayon sa akin, tila ba nang-aasar siya. Tsk. Isip bata. "Sa kwarto na lang tayo kumain, wala na tayong mauupuan dito," sabi ni Jerome sa akin. Nilibot ko naman ang paningin ko sa bahay nila baka kasi may mauupuan pa kami hanggang sa makatagpo ko ang mga mata ni Henrik, Ngumiti siya sa akin na siyang ikinapula ng pisngi ko. Nag-iwas ako ng tingin at sumunod na lamang kay Jerome papasok sa kwarto niya. "Ba't Ang tagal niyo?" Nagulat ako nang makita ko si Pearl sa loob ng kwarto ni Jerome, nakaupo siya sa sahig habang bitbit niya ang plato niyang punong-puno ng pagkain. "Nauna ka na pala rito, akala ko wala ka," sabi ko at tumabi na sa kanya sa sahig. Ganon din ang ginawa ni Jerome at nagsimula na kaming kumain habang nagsisimula na sa pagkwento si Pearl tungkol sa pagkainis niya sa babaeng dela Conde na si Maier. Napaka-OA raw nito at napakamaarte. Panay pa raw ang English nito at tila ba nagpapasikat. "Hindi ako nakapagpigil kanina, syempre hindi ako nagpatalo noh. Nag-English din ako, sabi ko sa kanya, what do you think of me? Thinking of you? Ayon hindi siya nakasagot sa akin," tumatawa pa si Pearl matapos non at nakitawa na rin kami pero naudlot ang pagtatawanan namin nang may pumasok bigla sa kwarto ni Jerome. Napalingon kami sa dalawang dela Conde na pumasok, bitbit ang plato nila. "I thought there's space here? Wala naman pala," Inis na sabi ni Homer at umalis na. Pero si Hendrix ay nanatili sa silid. "Hoy Dora, tabi ka nga tatabi ako sa sister-in-law ko," sabi ni Hendrix. Nanliit ang mata ni Pearl sa kay Hendrix at tinuro siya nito gamit ang tinidor. "Sinong Dora, ha?! Ikaw umayos ka kung ayaw mong tusukin ko yang mga mata mo!" banta ni Pearl kaya inawat ko baka kasi mapagalitan kami, nakikikain lang naman kami rito. Pinanlakhan ako ng mata ni Pearl, "kailan ka pa naging sister-in-law ng m******s na iyan?" tanong niya pa sa akin. "m******s? Sa gwapo kong ito mamanyakan ka? Ayos ka lang?" pamimilosopo ni Hendrix sa kanya. "Umalis ka na lang, please. Baka magkagulo pa kayo," pakiusap ko kay Hendrix na siyang sinunod niya naman, pero nakasimangot siya paalis. "Ano bang kasalanan niya sayo?" tanong ko sa kanya. "Sinilipan niya ako habang umiihi kanina sa likod ng bahay nila, Jerome. Nag-sorry naman siya pero tingin ko tapos na siyang manilip non!" nanggigil niyang sabi. "Sigurado ka bang siya ang nanilip sa 'yo?" tanong ni Jerome rito. "Oo, noh! Kitang-kita ng mga mata ko yong pagmumukha niya!" "Pero kararating niya lang, kasunod namin siyang dumating. At saka May kambal siya," sabi naman ni Jerome. Nagbaba ako ng tingin sa pagkain ko at napanguso, "siguro nga si Hendrix iyon. Imposible namang si Henrik iyon, mabait kasi siya," pagtatanggol ko. Naramdaman ko naman na sabay na napalingon silang dalawa sa akin, walang kumibo maski isa at pagkatapos non ay nagpatuloy na kami sa pagkain namin. Nasabihan ko na rin si Jerome na balak kong mag-uwi sana ng pansit at Maja Blanca para sa lolo ko,at sabi niya naman na siya na raw ang bahala magpaalam sa nanay niya. May bayle raw sa susunod na Linggo, ayon kay Pearl. Paggunita raw ito sa Pista sa aming lugar. Inaaya niya kami pareho ni Jerome, pero ang sabi ko lang sa kanya ay magpapaalam muna ako sa Lolo ko. Mag-aalas-otso na ng gabi ngayon at halos nagsiuwian na rin ang mga bisita nila Jerome, maski si Pearl ay umuwi na kasabay ng tatay niya. Ang magpipinsang dela Conde naman ay nasa loob pa, hinihintay raw ang sundo nila. Samantalang ako ay nagpasyang pumunta muna sa likod ng bahay nila Jerome para sana magduyan habang hinihintay siyang maisilid sa supot ang mga pagkaing iuuwi ko para kay Lolo. Paglabas ko sa pintuan nila ay sumalubong sa akin ang isang alitaptap. Napangiti ako, napakaganda niya. Naglakad ako, nakasunod sa lumilipad at kumikislap na alitaptap pero agad din akong napahinto nang may marinig akong kaluskos sa likod ng malaking puno ng sambag nila Jerome. Kumunot ang noo ko, parang may tao may naagik-ikan kasi. Humakbang pa ako ng isa upang matingnan kung may tao nga. "Hendrix, nakikiliti ako, ano ba," rinig kong mahinang sabi ng babae kaya nailagay ko sa bibig ko ang palad ko. Hindi na ako sumilip at huminto na lamang upang makiusyoso sa usapan nila. Bakit siya nakikiliti? Ano bang ginagawa nila ni Hendrix? "Sige na, pakiss na. Isa lang naman." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "Sige na nga, isa lang ha?" At bigla silang tumahimik. Kumalabog bigla ang puso ko lalo na ng may narinig akong napadaing. Ano 'yon? Namula ang pisngi ko habang iniisip kung ano ang ginagawa nila. "H-Hendrix, sabi mo kiss lang pero bakit hinihimas mo na ang dibdib ko?" Putangina! Gusto ko ng tumakbo pero tila ba nag-ugat na ang mga paa ko at hindi ko kayang umalis. "Ayaw mo ba?" tanong ni Hendrix. "Hindi naman, baka kasi makita tayo ng Tita ko," sabi nong babae. "Hindi iyan, magtiwala ka lang sa akin. Ano, pa-kiss ulit ha? At saka pwede ko bang hawakan ulit ang dibdib mo?" Lord! Tulong! "Sige na nga, pero saglit lang ha? Bilisan natin, baka mahuli tayo." "Oo, promise." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko at napasigaw na lang ako sabay takbo papasok ng bahay. Hawak-hawak ang dibdib ko ay hinihingal kong hinawakan sa balikat si Jerome at sinabing uuwi na ako. "Napano ka? Bakit parang nakakita ka ng multo?" nag-aalalang tanong niya kaya napatingin sa akin ng ibang dela Conde na nasa loob pa rin. Umiling ako. Hindi multo yong nakita ko, isang milagro. Milagrong ginagawa ng damuhong si Hendrix. Hindi ko na sinabi kay Jerome ang kung ano man ang nasaksihan ko kanina at nagpasalamat na ako't nagpaalam sa kanya na uuwi na ako at hindi na niya kailangang ihatid ako. Maglalakad na lang din ako pauwi para mawala sa isip ko yong nangyari kanina, at isa pa, wala rin naman akong pamasahe para sumakay ng habal-habal. Ilang sandali pa'y may pumasok sa bahay nila Jerome, drayber yata ng mga Dela Conde dahil tumayo kasi si Maier nang makita ito sabay sabi pa ng "let's go, iwan na natin si kuya rito," at nagmartsa na palabas. Lumabas na rin ako kasunod ni Henrik. Napapikit ako nang maamoy ko ang pabango niya. Inamoy ko siya hanggang sa hindi ko na namalayan na nakasunod pala sa akin sa paglalakad itong si Homer sabay tulak sa akin dahilan para madapa ako at matapon ang pagkain na para sa Lolo ko. "Ang bagal mo kasing kumilos, para kang uod!" sabi niya pa at nilagpasan ako. Gusto ko siyang sapakin hindi dahil sa panunulak niya sa akin kung hindi dahil sa pagkaing natapon na para sana sa Lolo ko, kaya walang ano-ano'y bumangon ako at tinulak siya nang malakas dahilan para mauntog ang ulo niya sa van nila. "Para iyan sa pagkain na para sana sa lolo ko na nasayang dahil sa bastos na katulad mo!" Inis naman siyang napabaling sa akin pero agad siyang inawat ni Henrik at pilit na pinapasok sa loob ng sasakyan nila. "Ayos ka lang?" tanong ni Henrik sa akin. Kahit paano ay kumalma na ako at tumango na lang sa kanya na ayos lang kahit na hindi ako ayos dahil nasasayangan ako sa pagkaing natapon. Nahihiya na rin akong manghingi pa kina Jerome kaya nagpasya na lang ako na umalis. Pero hindi pa ako nakakalayo ay napatigil ako sa paglalakad at napabuntong hininga. Tiningnan ko ang mga paa ko, yumuko matapos at kinuha ang sandal sa kaliwang paa ko. Napabuntong hininga ako ulit. Wala na, sira na talagang tuluyan ang sandal ko. Wala na akong magawa kung hindi maglakad na lamang pauwi na isang sandal lamang ang suot. May araw ka rin sa aking lalaki ka. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD