Chapter 10
Homer
The moment I landed on his lap, his arms abruptly snakes around me and without any precautions, I felt his lips again.
So gentle, like he was very careful not to break my lips. It was so tender like he's making sure I would be lost, and yes he succeeds on that because the next thing I know is that I was already laying in bed, while Homer is on top of me, still kissing me giving my heart enough warmth to beat erratically.
I can't stop myself, so I embrace him, pulling his body towards me to deepen the kiss.
Then out of a sudden, our kiss broke.
"You said we're friends before, but friends don't kiss like this," saad ko.
"I'm sorry. We shouldn't do this. I'm sorry, I was just tempted, " he said, still catching his breath.
Then he pulls himself up but before he could succeed, gamit ang mga braso kong nakapulupot sa leeg niya, I slowly pull him closer.
Napalunok siya, ganon din ako.
He took a deep breath," if you keep doing this, I will really not stop myself. I'm f*****g horny, Rayana," he growled.
"Then don't stop yourself. f**k me."
As if my words were like bombs, his eyes shot, nagulat siya rito.
Kinalas niya ang mga braso ko sa leeg niya at naupo siya sa kama, samantalang ako nakahiga pa rin.
When he lowered his gaze nasapo niya ang noo niya as if he realized something, then slowly, binaba niya ang damit na suot ko na na bahagya niyang naitaas dahil sa pagsapo at pagmasahe niya sa dibdib ko kanina.
Grabe na ang libido sa sistema ko and I don't get why it is like this. I mean, what's stopping him from having s*x with me? Kung si Rhaine iyon he would really grab the opportunity.
"I'm sorry," ulit niya.
Umupo ako sa kama at tinitigan siya.
"This is the second time you refuse me. We're almost there, what's stopping you, Homer? Bakla ka ba?" without thinking, I asked him those questions.
Napakurap-kurap siya at namula ang pisngi niya.
"Of course, not! I just can't," sabi niya, hindi makatingin sa akin dahil sa sobrang ilang.
"Then, why can't you?"
It's not that gusto kong may mangyari sa amin but he's making me feel so unfuckable and not beautiful. My pride.
"I respect you, okay? You're a Virgin, ayaw kong biglain ka," sabi niya, ngayon ay nakatingin na sa mga mata ko.
Ganon ba kalaki ang sa kanya para mabigla ako?
"Your first time should be memorable. Magpahinga ka na, sa labas na ako matutulog," sabi niya sa akin at saka lumabas sa kwarto, but before he left the room he planted a kiss on my forehead.
Napangiti ako, binabawi ko na iyong sinabi kong wala siyang pinagkaiba sa mga pinsan niya because among them, siya na yata ang pinakagentleman.
He's an ideal man. Manyak na may respeto. Anghel na may sungay.
Now, I think I'm fond of you.
Gaya ng napag-usapan namin ay inihatid niya talaga ako pauwi pero agad din naman siyang umalis pagkatapos dahil kailangan siya sa restaurant niya. Nang makapasok ako sa unit namin ay nakita ko si Pearl na nag-iimpake.
Napakunot ang noo ko at tinanong siya kung saan siya paroroon. Akala ko nagtampo na siya kasi isang linggo akong wala sa unit, pero nagpaalam naman ako sa kanya.
"Work, Penny. Inutusan ako ni Papa mo na makinegotiate sa new partners ng company niyo, uh di pa naman partners parang makikipagpartner pa lang tayo. I'll be gone for three long weeks," sabi niya.
Naupo ako sa kama niya, "which company?" tanong ko sa kanya.
Tumigil siya sa paglalagay ng damit sa bagahe niya at lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina, nakasunod naman ako sa kanya.
Uminom siya ng tubig at saka humarap sa akin at nagkibit balikat, "Hindi ko pa alam, they will send the details later," sagot niya.
"Ngayon na ba ang alis mo?" tanong ko dahil bihis na bihis na siya.
May tinitingnan siya ngayon sa phone niya, tapos tumango siya sa akin.
"I have been calling you pero nakapatay ang phone mo kaya hindi na ako nakapagpaalam sayo ng maayos, buti na lang at umuwi ka na. By the way, kamusta ang nilakad mo?" tanong niya sa akin habang nakatoon pa rin ang atensyon niya sa selpon niya.
Yeah, I turned off my phone pala.
"Ayos naman at saka-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita siyang muli, "Oh, I'm sorry, Penny. Sa susunod na lang tayo magkwentuhan. Nandito na kasi si Leandro, he's picking me up," sabi niya at saka ngumiti pa bago naglakad papasok sa kwarto niya para kunin ang bagahe niya.
Oh, so she has confidence now to face Leandro. Good for her.
"Send my regards to him. Take care, Pearl,"sabi ko sa kanya.
When she left, tahimik na ulit ang unit namin at wala ako halos magawa. Ang boring kapag wala si Pearl.
I washed my clothes and decided to clean the unit na lang para mawala ang pagkabagot ko but I still found my day boring.
The next day ganon pa rin ang routine ko. I can talk to Pearl kasi since she's busy, tapos si Homer, well, about him, nahihiya akong tawagan siya maski e-text man lang.
Ngayon lang kasi nag sink-in sa akin ang lahat ng sinabi ko sa kanya nong nasa apartment niya ako.
I just asked him na h'wag magpigil, na he should f**k me instead.
Tumatayo ata ang balahibo ko sa katawan ngayon. Nakakakilabot kasi yong mga sinabi ko. Baka iniisip na niya maharot ako at kating-kati kaya hindi na siya nagpaparamdam ngayon.
Nang wala na talaga akong ibang magawa ay naisip ko bigla si Homer.
Should I pester Homer na lang? Hindi naman siguro siya busy, hindi ba?
I dialed his number pero hindi niya sinagot ang tawag ko kaya tumawag ulit ako, luckily he picked it up.
"San ka?" tanong ko.
"Papunta ako sa restaurant ngayon."
Napakunot ang noo ko.
San naman siya galing?
"Puntahan kita sa resto mo," sabi ko pagkatapos ay nangiti na lang bigla.
Kinikilig ka ba, Penny? Gosh.
I heard his chuckles.
"You miss me already?" mapanuya niyang tanong.
"Not you, na miss ko ang luto mo," sabi ko at napanguso pa.
"Sa apartment ka na lang pumunta. Sleepover, what do you think?"
Kinagat ko ang labi ko.
I think it's a good idea to get to know him better so I said yes to his offer.
Nasa kaligatnaan ako ng pag-iimpake ng mga gamit ko when I realized something. Pinagmasdan ko ang bag na pinagsidlan ko ng mga gamit ko, halos pumutok na ito sa dami ng damit na pinasok ko.
Ghad, Penny, he only said sleepover, hindi ka niya niyayang manirahan kasama siya! Gather your shits together, Penny!
Ilang linggo pa ba kayong magkasama? Almost two weeks pa lang! Tapos ganito ka na karupok? Hinalikan ka lang, nawala ka na sa katinuan mo!
Para akong timang na kinakausap ang sarili.
Sinabunutan ko na lang ang sarili ko at nahiga sa kama.
What is happening to me?
"Hi," bati sa akin ni Homer nang makarating ako sa apartment nila.
Nakasandal siya sa hamba ng pintuan nito, walang damit na pang-itaas at mapanuksong ngumiti sa akin.
Look at this man, siya itong tinutukso ako tapos kapag dumating kami sa puntong nagbabaga na kaming pareho, biglang titigil. Tsk.
"Come in. Feel at home," sabi niya nang nasa tapat na niya ako.
Napaigtad naman ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko, he's escorting me inside.
Binaba ko ang bag na dala ko at napakunot naman ang noo niya dahil maliit lang ang dala ko.
"What?" tanong ko sa kanya.
"Isang damit lang dala mo?" tanong niya sabay turo sa dala kong bag, still nakabalandra pa rin sa harapan ko ang matipuno niyang katawan.
Umiling naman ako na siyang nagpagulo pa sa iniisip niya ata dahilan para tumabi siya sa akin sa sofa at agawin ang bag ko at buksan ito.
Nanlaki ang mata ko dahil sa biglaan niyang ginawa at agad na binawi ang bag ko pero huli na dahil nakita na niya ang nakabaloob dito na siyang nagpaawang sa mga labi niya.
"You brought three pairs of underwear, stay here for three days then. You can also wear my shirts, it suits you well," sabi niya naman at saka tumayo papuntang kusina.
Sinundan ko naman siya ng tingin.
Parang kakapusin yata ako ng hininga sa sinabi niya.
"I thought it's just overnight? Bakit hanggang tatlong araw ako rito?" tanong ko pa.
Bitbit ang isang basong tubig ay bumalik siya sa sala, nakatoon sa akin ang buong atensyon.
"Ayaw mo ba?" tanong niya habang nakatitig pa rin sa akin, like he's observing my behavior.
Nakita niya siguro ang pag-aalangan sa mga mata ko kaya napasilay ang isang nakakatuksong ngisi sa kanyang mga labi bago niya marahang ininom ang tubig sa baso niya.
Kasabay ng paglunok niya ay napalunok din ako. Why do I find him so sexy kahit na umiinom lang naman siya ng tubig?
"You're doing this so I could retrieve my memories back, right?" tanong ko.
Bigla namang nabago ang mukha niya, para bang nawala rito ang ekspresyon at iba ang emosyong pinapakita ng mga mata niya. Like he's sorry for something and I don't understand why.
"Let's work for your memories later, I want to get to know you better," he said sincerely.
At para naman akong tutang maamo, tumango ako sa sinabi niya.
I also want to know him better. Gusto kong makilala ang Homer ngayon. Dahil wala akong ibang maalala sa kanya, why not build new memories with him?
He seems so kind, and besides, even if he was such a bully, from what I remembered, he was so warm to me. So warm that he could even touch my soul.
×××
Linggo, araw na ng pag-ani ng mga pananim na mais ng mga dela Conde kaya dali-dali ang lahat na tumulong sa pag-ani dahil magbibigay ng libreng mais ang mabait na Don sa mga tutulong at syempre may sahod din. Gaya ng iba ay nagtungo rin ako sa taniman nila, at mamaya sigurong hapon ay sa lupain ng Qing naman ako tutungo dahil balita ko, harvest din ngayon ng lansones nila.
"Penny!" tawag sa akin ni Pearl habang kumakaripas sa pagtagbo palapit sa akin.
Nakangiti siya sa akin ng pagkalapad-lapad ngayon.
Hindi ko alam kung bakit sobrang saya niya pero natitiyak kong may kinalaman na naman ito sa crush niyang si Oliver Qing. Base kasi sa pamumula ng pisngi niya ngayon ay sigurado akong tama ako.
"Ano? Sabihin mo na," sabi ko nang halos nakapikit ang mata dahil sa sinag ng araw.
"Ano kasi, yong si Oliver."
Sabi ko na nga ba.
"Nakita ko siya kanina, inutusan siyang magsibak ng kahoy ng Lolo niya," sabi niya.
Napangiwi naman ako at hinila siya sa ilalim ng puno ng acacia, kung saan tanaw mula rito ang malawak na taniman ng mga dela Conde - - para makasilong.
"Oh tapos? Ano naman kung nagsibak siya?"
She giggles. Nilaro-laro pa ang mga daliri niya sa kamay.
"Ang galing niyang magsibak, nakakafall," sabi niya.
Halos matawa naman ako sa sinabi niya. Patay na patay na yata siya kay Oliver kasi ni ultimo pagsibak nito pinatos na niya.
Nang matapos siya sa paulit-ulit niyang kwento ay nagsimula na kaming kumilos para tumulong sa pag-ani.
Para siyang tanga. Pagsibak lang, nakakafall na?
But when I saw Henrik gently harvesting their corns ay parang natulad na yata ako kay Pearl. Namula ang pisngi ko at napangiti na lamang akong bigla habang pinagmamasdan siya.
I didn't imagine na kahit simpleng kilos niya lang ay nakakabihag damdamin niya.
He's not even doing something pero nakakaattract siya.
Dahan-dahan naman akong naglakad at huminto sa tabi niya. Kinagat ko ang labi ko at pasimple akong nagharvest ng mais sa tabi niya.
Grabe ang kabog ng puso ko. Pakiramdam ko sasabog yata ang puso ko dahil sa sobrang kaba.
Naririnig kaya niya ang pagkabog ng dibdib ko? Alam niya kaya na siya ang dahilan nito?
"Duday, kamay ko na 'yong hawak mo. "
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang marinig siyang magsalita. Napatingin ako sa kamay kong nakahawak sa kanya. Napatawa ako nang hilaw, saka siya binitawan.
"S-so-sorry, hindi ko napansin,"utal kong sabi.
Ngumiti naman siya sa akin kaya nag-init ang pisngi ko.
Tinoon ko ulit ang pansin ko sa tanim na kaharap ko at napapikit na lang ako nang mariin.
Shems! Nakakahiya!
Pero ang sarap sa tainga ng boses niya. 'Yong mabantot kong palayaw na Duday, parang naging sosyal. Siguro ay dahil sa bibig niya mismo galing?
Gusto niya kaya ako?
Iniisip ko pa lang parang maiihi na ako sa kilig.
"Ah, H-Henrik," mahinang tawag ko.
"Hmm?"
Oh, jusko. Patnubayan niyo po ako. Bakit ang lambing ng boses niya?
Feeling ko talaga gusto niya rin ako.
"S-salamat pala sa pagtatanggol mo sa akin nong nakaraan at kahapon. Pasensya ka na, nasaktan ka tuloy nong salbahing si Homer," sabi ko, ngayon ay nakasulyap na sa kanya.
Sumulyap naman siya sa akin saglit bago lumipat sa katapat na linya ng mga mais, kaya sumunod din ako.
"Wala iyon. Pagpasensyahan mo na si Homer. Mabait naman iyon, naghahanap lang talaga siya ng gulo," sabi niya naman sa akin.
Palihim akong napangiti.
Gusto kong sumigaw sa sobrang kilig. Paano ba naman kasi, nag-uusap kami ngayon tapos pakiramdam ko crush niya rin ako kasi pinapansin niya ako ngayon.
"Sister-in-law?"
Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Hendrix na pawis na pawis ay papalapit na sa kinaroroonan ko ngayon. Nilingon ko si Henrik at napasimangot na lang ako nang makitang naglakad na siya paalis bitbit ang kalahating sakong mais na nakuha niya.
"Akala ko namamalikmata lang ako kanina, pero tama nga ako ikaw pala talaga iyan, Duday!"
Gusto kong sapuin ang noo ko dahil kay Hendrix. Bumalik na naman sa pagkabantot ang palayaw ko. At saka bumalik ulit sa alaala ko iyong ginagawa ni Hendrix sa likod ng bahay nila Jerome!
"Halika, pahinga muna tayo don," sabi niya sabay hila sa akin patungo sa malaking puno ng acacia.
"Teka," pag-aalangan ko dahil maliban sa kunti pa lang ang laman ng sakong dala ko ay kumikirot ang paa ko.
"Bakit? Teka, bakit pa ika-ika ka diyan?" tanong niya sa akin.
Kinalas ko naman ang kamay ko sa pagkakahawak niya at saka marahang naglakad patungo sa puno.
"Hoy, napano nga iyang paa mo?" pangungulit ni Hendrix sa akin kaya naupo ako sa ugat ng puno at saka hinubad ang tsinelas ko at pinakita sa kanya ang sugat ko sa kaliwang paa ko.
"Nag-away kasi kami ng pinsan mo kagabi nong pauwi na ako, tapos nasira 'yong sandal ko kaya nagpaa na lang ako pauwi. Tapos ayon, nakaapak ako ng matulis habang pauwi, pero ayos lang gasgas lang naman iyon," sabi ko at sinuot ng muli sa salawal ko sa paa.
Ngumiti ako sa kanya tapos siya naman ay napasimangot nang makita niya si Pearl na nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya.
Pinagtuturo pa siya gamit ang mais na hawak nito.
"Ikaw! Lumayo ka sa kaibigan ko ha! Hindi pa ba sapat na binully ng pinsan mo iyang kaibigan ko? Nadamay pa iyong pagkain," wika ni Pearl habang nakatingin pa rin ng masama kay Hendrix kaya napaatras naman iyong tao.
"Ano ka ba Pearl, hayaan mo na. Sayang lang talaga iyong pagkain kasi paborito pa naman iyon ni Lolo at saka pang-ulam sana namin iyon kaninang agahan."
Napatingin naman si Hendrix sa akin, tila ba naaawa siya sa akin.
"Ano na lang inulam niyo kanina?" tanong niya.
Ngumuso ako, "Ano, adobong kangkong, masarap naman," sabi ko at ngumisi pa.
"Sorry sa ginawa ng pinsan ko ha? Mabait naman iyang si Homer kaso naghahanap lang talaga siya ng gulo para kunin siya ng mommy niya rito at isama papuntang France," paliwanag ni Hendrix sa akin.
Umismid ako, samantalang napairap naman si Pearl, "kung gusto niya pa lang sumama sa kanila edi dapat sinabi niya sa mga magulang niya, hindi iyong guguluhin niya ako. Hindi ko naman siya inaano," sabi ko pa.
"Tama!" pagsang-ayon ni Pearl.
At sa ilang sandali pa ay nanlaki na lang ang mga mata namin pareho ni Pearl at natutop namin ang mga bibig nang biglang dumaan si Homer sa harap namin. Galing siya sa likod nitong puno ng acacia.
Kanina pa ba siya? Narinig niya bang lahat?
Pero sa tingin ko ay hindi, dahil nagpatuloy lamang siya sa paglalakad niya at hindi man lang kami pinansin.
Naging abala na kaming lahat matapos iyon. Ang tatlong magpipinsan naman ay sumama sa truck na maghahatid ng mga mais sa syudad.
Dahil hapon na natapos ang pag-ani namin ay hindi na ako nagpunta sa lupain ng mga Qing, at sa kadahilanang pagod na rin ako.
Libre lunch kami habang nag-aani, may free snacks din kaya sulit pa rin kahit paano ang pagod namin. Mga 500 din ang makukuha kong sahod ngayon, at ayos na iyon sa akin.
Nag-aagaw na ang dilim at liwanag nang dumating ang truck na naghatid ng mga ani kanina, at lulan din nito ang magpipinsang Homer at Henrik. Hindi ko alam kung nasaan si Hendrix.
Nagsimula na rin ang pagbibigay ng sahod since kompleto na lahat ng tumulong sa ani.
Malapad pa ang ngiti ko nang matanggap ko ang sahod ko.
May pambili na ako ng gamot ni Lolo, masama kasi ang pakiramdam niya kaya rin hindi siya tumulong ngayon.
Papanhik na sana ako pauwi nang humarang si Henrik sa dinadaanan ko.
"B-bakit?" tanong ko sa kanya.
I saw him licked his lips pagkatapos ay ngumuso siya.
Napatabon naman ako sa mga labi ko.
Kiss ba ang gusto niya?
Bahagya naman siyang napatawa at napailing.
"That's not what I mean,"sabi niya sabay hila sa kamay ko at pinaupo ako sa isang mahabang upuan na yari sa kawayan.
"Diyan ka lang," sabi niya sa akin at may kinuha sa truck.
Pagkatapos ay nakita ko siyang may bitbit na isang maliit na galong tubig at saka may dala din siyang isang supot.
Lumuhod siya bigla sa harapan ko at kinuha ang paa ko. Sa gulat ko ay napatayo ako, natawa naman siya.
"Sige na, h'wag ka ng mahiya. Lilinisin ko lang ang sugat mo," sabi niya sa akin pagkatapos ay hinawakan ang magkabilang balikat ko at pinaupo akong muli.
Hindi ko alam pero halos bilang lang yata ang hininga ko ngayon dahil sa ginagawa niya. Kaninong puso rin naman kasi ang hindi magwawala kung pagsisilbihan ka ng taong gusto mo?
Nang matapos na niyang linisin ng tubig ang sugat ko ay nilagyan niya ito ng gamot.
Tiningala niya naman ako, tinagilid niya ang ulo niya sabay ngiti sa akin.
"Ang cute mo pala, lalo na kapag tinitigan," sabi niya sa akin na siyang dahilan ng aking labis na pagkahiya at pagkapula ng pisngi ko.
Tumawa siya ng bahagya.
Tumayo na siya pagkatapos ay ginulo ang buhok ko.
"Tapos na. Here take it, ipanggamot mo sa sugat mo," sabi niya sa akin kaya nahihiya ko namang inabot 'yong gamot.
"Salamat, Henrik," sabi ko sa kanya.
Tumango lang sa sa akin saka pinulot iyong supot na dala niya kanina na nilapag niya sa lupa.
Inabot niya ito sa akin kaya tinanggap ko at tiningnan. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita.
Isang kulay pink na doll shoes!
Ganito rin iyong suot ni Maier kahapon, kulay violet lang iyong sa kanya.
"Para sa akin ba ito?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya at saka tumango.
"Talaga?! Nakakahiya naman, salamat ha," sabi ko sa kanya.
Matapos ay sinabihan na niya akong umuwi dahil maggagabi na at kailangan niya na ring umuwi dahil maghahapunan pa sila.
Habang naglalakad naman ako pauwi ay hindi mapawi ang ngiti ko dahil sa ginawa ni Henrik para sa akin.
Ang sweet niya.
Kay Hendrix niya siguro nalaman yong tungkol sa sugat ko.
I giggled. Gusto kong magtatalon sa kilig. Feeling ko talaga gusto niya rin ako kasi binigyan niya ako ng doll shoes.
Hindi ko pa nasusukat pero sa tingin ko kasya naman ito sa akin.
Nang makarating ako sa bahay namin ay nagtaka ako kasi parang may kausap si Lolo sa loob.
Pumasok ako sa loob at nagulat ako nang makita ko si Hendrix, kumakain siya kasama ng Lolo ko.
Napangiti ako sa kanya nang makita kong masaya siyang sinasaluhan ang lolo ko. Ang bait talaga ng magkambal.
"Apo, andiyan ka na pala, halika saluhan muna kami nitong si Hendrix, may dala siyang isang bilaong pansit," sabi ni lolo.
Nagmano naman ako sa kanya.
"Kaawaan ka ng Diyos," sabi niya.
Binigay ko naman ang sinahod ko ngayong araw sa kanya at nagpasalamat naman siya sa akin. Pagkatapos ay kumuha ako ng sarili kong plato at sinaluhan na silang dalawa, kaya lang patapos na si Lolo kumain kaya nong nakalahati ko ang kanin ko'y tapos na siya at ang natira sa lamesa ay ako na lamang at si Hendrix dahil kumuha na naman siya ng kanin.
"Salamat pala, ha? Ang bait niyo," sabi ko.
Tumango naman siya sa akin at kahit puno ang bibig ay pinilit na magsalita, "mwala myon."
Natawa ako kasi puno pa ng kanin at pansit iyong bibig niya.
"Teka, sabi ni Henrik maghahapunan kayo sa inyo, ba't ka nga pala dito sa amin kumakain?"
Nangiti na lang siya, tapos uminom ng coke sa baso niya.
"Si Henrik na bahala mag paalam sa akin, at saka kakain na lang ulit ako sa bahay," sabi niya tapos kumain na naman siya.
Napailing na lang ako.
Ang lakas niya kasing kumain.
"Ang bait-bait niyo talaga. Nga pala sabihin mo kay Henrik salamat," sabi ko sabay kuha ng baso ko at lagay ng coke rito.
Pilit niya namang nilunok lahat ng laman ng bibig niya, muntik pa siyang mabulunan kaya inalok ko na lang sa kanya yong coke ko.
"Bakit ka naman magpapasalamat sa kapatid ko?"
"Dito sa pa-pansit niyo at don sa doll shoes na binigay niya sa akin," sagot ko sa kanya.
Kumunot naman ang noo siya sa akin, tila ba naguguluhan siya.
"Ha? Anong pinagsasabi mo diyan? Eh si Homer naman bumili ng pansit at doll shoes mo," sabi niya na sa siyang ikinagulat ko.
Si Homer? Seryoso ba siya?
"Oh, siya nga pala muntik ko ng makalimutan, pinabibigay rin ito ni Homer," dagdag niya pa saka may kinuha sa bulsa niya.
Tinanggap ko naman ito.
Isang cloud-9 chocolate na may nakadikit na papel.
"Sorry, Duday, " basa ko sa nakasulat.
"See, I told you. Mabait ang pinsan ko, may sumpong lang talaga," Hendrix said then he burps later on.
To be continued...
Guys, I would love to read some comments from you aside from "next" :) yes po, may kasunod ulit itong chapter na ito, but please do not hesitate to drop your thoughts regarding the story. :) I would really appreciate it if you would do so.
God bless.