Chapter 11
Relasyon
"Oh, heto sayo na iyan. Sa 'kin lang dapat iyan pero dahil kaibigan kita, Duday, e-share ko na lang," sabi ni Hendrix sa akin sabay bigay ng dalawang yakult.
Halatang napipilitan lang siya na mag-share kasi nong ibibigay na niya dapat, parang nag-aalangan siya. Pero sa huli, binigay naman niya.
" Nga pala, anong real name mo? Ang pangit kasi ng Duday," sabi niya pa.
Nakaupo kaming dalawa ngayon sa malaking net na duyan sa labas ng bahay namin. Ewan ko ba sa kanya at tumabi talaga siya sa akin.
"Penny's my name," I said.
He was silent for a bit then, later on, he burst into laughter. Hawak-hawak pa niya ang tiyan niya habang tumatawa kaya nagtaka naman ako dito.
"Ang bastos naman ng pangalan mo! Bakit naman p***s ang pinangalan ng nanay mo sa 'yo? Mukha ka bang t**i nong pinanganak ka? Aray ano ba!" sabi niya sabay himas sa tagiliran niyang kinurot ko.
Pinandilatan ko siya, pinagsasabi niya?! Gago talaga itong lalaking ito!
"P-Penny ang sabi ko, hindi p***s!" gigil kong sabi sa kanya pero tawa lang siya ng tawa kaya pinaghahampas ko siya dahil sa inis.
"Tama na! Suko na ako. Ano ba, pag hindi ka tumigil hahalikan talaga kita!"
Napatigil naman ako. Naaalala ko naman iyong ginawa niya sa likod nila Jerome!
Hinawakan niya bigla ang magkabilang pisngi ko tapos pinisil ito.
Gaganti sana ako kaso ngumuso siya kaya tinulak ko na lang siya para mapalayo siya sa akin.
" Tigilan mo nga ako, Hendrix. Ang manyak mo!" I hissed.
Ngumuso naman siya sa akin.
"Nga pala, Duday, ilang taon ka na ba? At saka nasaan nanay at tatay mo, bakit si Lolo Kardeng lang nag-aalaga sa iyo?"
Natahimik naman ako bigla sa tanong niya at napatingala na lang sa kalangitang napupuno na ng mga bituin.
Tinuro ko ang langit, "nasa itaas na nanay ko. Si tatay naman hindi ko alam, hindi ko pa siya nakikita. Hindi raw niya pinanagutan ang nanay ko, sabi ni Lolo baka nalunod na raw sa sabaw ang tatay ko," sabi ko tapos ngumiti ng pilit at timingin kay Hendrix.
Hindi siya nakangiti sa akin, bigla niya akong niyakap at hindi naman ako nakapalag dahil sa gulat.
" Kawawa ka naman pala, Duday. Simula ngayon ituturing na kitang super friend ko,"sabi niya.
Napanguso naman ako sa sinabi niya.
Among them, Hendrix is the soft one. He's the kind one, inside out.
"Bakit super friend? Ayaw mo ng bestfriend?"
Kumalas naman siya sa sinabi ko at parang nag-isip, "common na iyong bestfriend at saka pag bestfriends kasi nafafall iyong isa, ayaw ko non baka kasi ma fall ka sa akin kasi gwapo ako. Kaya super friends na lang tayo," sabi niya.
At talagang pinag-isipan niya talaga iyang definition niya, ha? At napakaconfident niya naman. Dela Conde nga siya, ang hangin eh.
"Ilang taon ka na ba?" tanong niya bigla.
Itong lalaking ito talaga hindi nauubusan ng sasabihin.
"15 na ako," sagot ko.
Tumango siya.
"Mas matanda pala kami sa iyo, 18 na kaming tatlo. Pero mas matanda si Homer sa amin ng 4 months," sabi niya naman.
"Nga pala, ngayon ko lang kayo talaga nakita rito. Bakit nga pala kayo nandito? I mean hindi ba kayo nag-aaral, June kasi ngayon 'Di ba?"
"Nagbabakasyon lang kami, hanggang 2 months lang naman kami rito. At saka tuwing August kasi yong pasukan sa IIT. Tapos iyang si Homer gustong sumama sa parents niya kaso ayaw nila kasi may kasalanan kasi si Homer, ang bastos niya kasi nahuli siya ni Tita may dinala sa kwarto niya naghahalikan sila kaya pinadala siya rito. As for us naman nila Maier, request ni Lolo kaya kami nandito," kwento niya sa akin.
Tsk. Parang siya walang dinala sa likod ng bahay nila Jerome tapos hinalikan at hinawakan ang dibdib.
Gusto ko iyong sabihin sa kanya kaso hindi ko na napigilan ang bunganga niya at panay na ang kwento niya sa akin.
Nalaman kong puro sila Business Ad majors pero si Hendrix balak daw lumipat ng school sa susunod na taon kasi gusto niyang magpiloto. Sabi niya rin sa akin balak ni Henrik na mag pulis pagkagraduate, mag undergo lang daw ito ng training matapos mag take ng NAPOLCOM. Pero matagal pa iyon, 2nd-year college pa lang kasi sila.
Balik sa buhay studyante ako matapos ang mga nangyari. At gaya ng dati, tuwing sabado at linggo ay pupunta ako sa taniman ng mga dela Conde.
Mas naging close kami ni Hendrix sa isa't-isa dahil sa madalas niyang pagbisita sa akin. May isang araw pa na dinala niya sa bahay si Henrik at hindi ko inaasahan iyon. Hindi pa ako nakakasuklay ng maayos dahil busy ako sa assignment ko.
At sa hindi ko inaasahang pagkakataon, tinulungan ako ni Henrik sa pagsagot sa assignment ko sa math. Halos hindi ako makahinga nang maayos. Bilang din ang mga kilos ko and I can't focus.
Who on earth could focus if si Henrik dela Conde ang katabi mo sa lamesa?
Hindi ko alam that time kung ano ang pagtutuunan ko ng pansin, iyong assignment ko ba o iyong nagtuturo sa akin?
He seems so perfect. Gwapo, mabait, at saka matalino pa. Tingin ko niloloko lang talaga ako ni Hendrix nang sinabi niyang may jowa si Henrik kasi hindi naman niya ito binabanggit.
"Good morning. Don't skip breakfast," basa ko sa text ni Henrik pagkatapos ay nangiti na lang akong parang timang.
I gave my number to him kasi last time. Gusto niya raw akong ka text. Feeling ko na tuloy para kaming mag-shota.
OK.
Eat po me. Tnx po.
Good morning din.
Napangisi pa ako habang tinitipa ang mensahe ko sa kanya.
"Duday, apo?"
I stilled when my grandpa suddenly showed up in front of me.
"Lo?" tanong ko tapos ngumiti sa kanya.
"Iba yata ang ngiti mo? Dahil ba iyan sa apo ng Don?" tanong niya sa akin.
I can't lie to him, so I nodded then grinned. Bumuntong hininga naman siya sa harapan ko kaya niyakap ko na lang siya.
"Apo ayos lang naman magkagusto ka sa batang iyon kasi mabait siya, kaso apo h'wag mong pasobrahan ang nararamdaman mo, magtira ka para sa sarili mo. At saka langit siya apo, tayo nasa ibaba lang," makabulujang sabi niya sabay haplos sa buhok ko.
Napanguso naman ako sa sinabi ng lolo ko. Pero hindi ko pa naman boyfriend si Henrik, at saka mabait naman yata ang pamilya niya.
" Sister-in-law!" sigaw ni Hendrix sa di kalayuan habang kumakaway.
Pauwi na kasi ako ngayon galing sa eskwela.
Napatingin naman ang ibang kaklase ko at ibang studyante dahil sa ginawa ni Hendrix. May iba pa na nagbubulong-bulungan. Ang iba naman ay masama ang tingin sa akin. Ang iba naman ay kinikilig sa presensya niya. Pero hindi ako sigurado kung sino sa tingin nila itong kumakaway sa akin dahil may kakambal itong si Hendrix, pero ako alam kong siya iyan dahil siya lang naman ang tumatawag sa akin ng sister-in-law.
Napaisip ako, ano kaya ang tawag ni Henrik sa akin pag naging kami na? Asawa ko? Wife ko? O baby ko?
Aish! Ano ba itong pinag-iisip ko!
Kinawayan ko na lang si Hendrix pabalik.
Nakasakay siya ngayon sa isang kayumangging kabayo, tapos pinalakad niya ito palapit sa akin.
Nang makalapit siya ay sinabihan niya akong sumampa sa kabayo, siya raw kasi ang sundo ko.
"Sila ba ni, Penny?"
"Pinatulan pala ng isang dela Conde si Duday?"
"Hindi sila bagay."
"Grabe ang gwapo niya, sayang napunta siya kay Duday."
Nakagat ko na lang ang labi ko dahil sa mga narinig ko samantalang napakunot naman ang noo ni Hendrix dito. Bumaba siya sa kabayo niya at nilapitan ang mga babaeng naglibak sa akin.
"H'wag na h'wag niyong lalaitin ang sister-in-law ko kung gusto niyo pa akong matikman. Maliwanag?"
Napabuga na lang ako ng hangin.
Hindi ko alam, kampi ba talaga itong si Hendrix sa akin o ginagamit niya lang ang pagkakataon para manlandi?
"Tara na, mag picnic tayo. Bumili ng maraming pagkain si Henrik kanina sa syudad. Hinihintay na nila tayo," sabi niya sa akin bago ako tinulungang makasampa sa kabayo.
At dahil nakapalda ako ay patagilid ang upo ko, tapos sumampa na siya. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya dahil nasa likuran ko lang siya.
"Magpaalam muna tayo sa lolo ko," sabi ko sa kanya.
"Tapos na, nagpaalam na ako,"sabi niya tapos pinalakad na ang kabayo niya.
Ngumisi siyang bigla. Ngisi na para bang may masama siyang balak.
" Yakap ka sa akin,"sabi niya.
Hindi ko siya na gets kaya binalingan ko lang siya ng tingin. Nang pinatakbo niya nang mabilis ang kabayo ay parang gusto kong maiyak. Nagsisigaw ako habang nakakapit sa baywang niya nang mahigpit.
Pinagmumura ko na siya sa isipan ko.
Animal ka Hendrix!
Tapos panay lang ang tawa niya. Samantalang ako ay todo dasal na sana hindi ako mahulog sa kabayo dahil tiyak kong mababalian ako kung mahuhulog ako, sa tulin ba naman ng takbo niya sinong hindi kakabahan.
"Tama na! Ihinto mo muna! Hendrix ano ba! Lolo tulong!" panay lang ang sigaw ko pero hindi nakinig si Hendrix sa akin kaya naiyak na lang talaga ako nang tuluyan hanggang sa biglang bumagal na at sa tumigil na ang pagtakbo ng kabayo.
"Sister-in-law? Ayos ka lang?" tanong niya.
Humagulhol na lang ako, first-time kong makasakay sa kabayo tapos ganon pa ang takbo niya. What would he expect from me? Magtatalon sa saya?
"Ga-gago k-ka! A-akala ko mamamatay na ako!" nauutal kong saad sa pagitan ng pag-iyak ko.
"Sorry na, hindi naman kita balak na patayin. Akala ko kasi matutuwa ka."
Gago sinong matutuwa sa ginawa niya? Para akong aatakehin!
Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagkalas sa braso kong nakapulupot sa kanya tapos bumaba siya sa kabayo.
Hindi ko pa rin ibinubuka ang mga mata ko at patuloy lang ako sa pag-iyak. Ilang sandali pa ay naramdaman kong may kamay na humawak sa akin, inaalalayan ako sa pagbaba.
"Hendrix ano na naman ba ang kalokohang ginawa mo?"
Napamulat ako ng mga ko sa narinig. I was thinking that it was Hendrix who's helping me sa pagbaba but it was his twin, Henrik.
Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa kapatid niya pagkatapos ay nilipat niya sa akin ang paningin niya.
" Ayos ka na ba?"
May nahihimigan akong pag-aalala sa tono ng pananalita niya. Hindi ko alam pero bigla yatang tumibok ng mabilis ang puso ko, para bang kinabahan akong bigla.
Dati nagtatanong lamang ako sa sarili ko, paano kaya pag na inlove ako? Ano kaya ang pakiramdam pag na inlove? Pero sa tingin ko ngayon alam ko na ang pakiramdam. Iyong tipong kakabog ang dibdib mo pag nandiyan siya, na para bang hihinto ang ikot ng mundo mo. Para bang wala ka ng makikitang ibang tao sa paligid mo maliban sa kanya. At iyan, iyan mismo ang nangyayari sa akin ngayon.
Nailagay ko ang kamay ko sa may dibdib ko.
My heart is beating so loud like it was about to explode. Hindi naman ako galing sa pagtakbo pero sobrang bilis talaga ng t***k nito na para bang kagagaling ko lang sa isang karera.
"Superfriend, sorry na. Hindi na ako uulit promise."
I diverted my attention to Hendrix then I rolled my eyes on him.
"Bahala ka diyan, hindi tayo bati," sabi ko bago pinihit ang katawan ko at tinalikuran silang dalawa ng kakambal niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita si Homer, mga tatlong metro lang ang layo niya.
Papalubog na ang araw, at hindi ko alam kung paano o bakit, pero parang nakiayon ang araw sa seryosong itsura ni Homer na nakaupo sa isang banig habang nakatingin sa aming direksyon.
I can see the concern in his eyes. At gaya ng sabi ko, parang nakiayon ang araw sa kanya because both of them suddenly gives me warm.
The setting sun is so beautiful that it could even touch my soul.
"You're forgiven, bati na tayo," biglang bulalas ko but my eyes were still in Homer.
"Talaga?! Yey! Promise hindi na ako uulit," masayang tugon ni Hendrix sa akin na siyang sumulpot sa harapan ko kaya napangiti na lang ako.
Para talagang bata.
"Halika na," sabi ni Henrik sa akin.
Napatingin naman ako sa kamay niyang nakaakbay sa balikat ko at lihim na napangiti.
Masaya kaming nagkukuwentuhan tungkol sa palabas na Pangako Sa 'yo habang kumakain sa pagkaing binili ni Henrik, gaya ng stick-o, mikmik, poto sico, at saka zest-o.
Kaming tatlo lang ang nag-uusap at hindi nakikisali si Homer. Kumakain lang siya at nagsasalita lang siya kapag may tanong si Hendrix sa kanya. Panakaw tingin naman ako sa kanya kasi napakaseryoso niya kasi.
Gusto niya pa rin bang umuwi sa kanila at sumama sa mga magulang niya?
Nang maubos namin ang pagkain ay hinila ako ni Henrik pababa sa maliit na burol na ito, may itatanong daw siya sa akin. Medyo madilim na ngayon pero natatanaw ko pa naman sina Hendrix sa itaas, nakasakay na ito sa kabayo niya habang kinakausap ang pinsan niya.
"Ano pala ang itatanong mo sa akin?" tanong ko kay Henrik nang marating namin ang isang puno ng mangga.
Pinatago niya ako sa likod ng puno para raw hindi kami makita nila Hendrix.
Nagtaka naman ako. Ano ba ang itatanong niya at kailangang hindi dapat kami makita?
"May gusto ka ba sa akin?"
Halos masamid ako sa sarili kong laway sa narinig ko mula sa kanya.
Gusto kong umiling pero nang hawakan niya bigla ang baba ko para magtagpo ang mga mata namin ay para na akong na hipnotismo. Tila nawalan na ako ng kontrol sa sarili ko kaya hindi ko itinanggi na tinatangi ko siya.
Napangiti naman siya sa akin, he suddenly cornered me on the tree.
Kinabahan akong bigla.
"T-teka, H-henrik."
"Tayo na," sabi niya.
Tumango naman ako.
"Sige tayo na, kanina pa tayo hinihintay ni-"
"No, I mean payag ka bang maging tayo," pagputol niya sa sinasabi ko.
Totoo ba ito?
Hindi ako nakasagot.
Ngumiti siya sa akin.
"Ano? Ayaw mo ba? Sige na, payag ka ng maging tayo. Promise aalagaan kita," sabi niya.
Kinagat ko naman ang ibabang labi ko para pigilan ang pagsilay ng mga ngiti ko sa labi.
"Talaga?"
"Oo, promise. So ano, boyfriend mo na ako?"
Teka, bakit ang bilis?
"Ano na Duday, ayaw mo ba? Busted ba ako?"
Umiling ako.
"Gusto kita," sabi ko.
"So tayo na nga?"
Tumango ako habang nakangiti.
"Yes!" mahina niyang sabi, tama lang para sa aming dalawa.
Ngumiti siya sa akin tapos inilapit niya ang mukha niya sa akin.
"So tayo na nga," ulit niya.
Natawa naman ako.
"Oo, nga. Tayo na. Girlfriend mo na ako," sabi ko.
"Pa-kiss naman sa girlfriend ko oh?"
Nanlaki ang mata ko.
Sobrang bilis na yata?
Ilang sigundo pa bang naging kami.
Grabe ang kabog ng puso ko. Hindi ako makatingin sa kanya nang maayos. Wala pa akong jowa, siya pa lang. Tama ba na mag kiss na kami? 10 seconds pa lang yatang naging kami. Hindi ba pwedeng sa monthsary?
Sumimangot siya sa akin tapos lumayo nang kaunti, tinanggal niya pa ang mga braso niya sa magkabilang gilid ko.
"Hindi mo ba ako gusto talaga?"
"Ha? Gusto kita, pero kasi-"
"Kung tunay ang nararamdaman mo pagbigyan muna ako. Kiss lang naman, h'wag mo ng ipagdamot. Sige na, please, baby ko."
Baby ko.
Para namang natunaw bigla ang puso ko. Nanaginip ba ako?
Baby ko. Ang sarap sa pandinig.
"Sige na nga, pero isa lang," sabi ko tapos hinalikan ko ang pisngi niya.
"Tsk."
Sumimangot siya ulit sa akin.
Bakit na naman?
"Duday, gusto ko sa lips. Sige na, please. Isa lang naman," pakiusap niya.
Nilaro-laro ko ang daliri ko.
Paano na ito? Hindi alam ni lolo na may relasyon kami. Tapos paano pag nalaman niya? Tapos 'yong halik. Paano kung makarating kay lolo.
"Baby ko, please," sabi niya sabay hawak sa kamay.
"Ngayon lang naging tayo, pwede bang hindi muna sa lips? Ano kasi, bawal pa," sabi ko sa kanya.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang hindi na niya ako pinilit pa. Sabay kaming bumalik sa taas habang magkahawak kamay.
"Ano bang pinag-usapan niyo, bakit ang tagal niyo?" osyosong tanong ni Hendrix.
Hindi ako makatingin sa kanya, nahihiya akong umamin sa relasyon ko sa kapatid niya.
Bumitaw muna ako sa pagkakahawak ni Henrik sa akin at lumapit kay Homer para kunin sa kanya ang bag ko.
"Sa akin na sasabay ang baby ko," sabi ni Henrik bigla na siyang nagpagulat sa lahat.
Nagtagpo ang kilay ni Homer sa akin, samantalang si Hendrix naman ay biglang nagtanong.
"Baby ko?!" gulat niyang tanong.
"Oo, kami na kasi," sabi ni Henrik.
"Ano?! Super friend, totoo ba?!"
Napataas naman ang kilay ni Homer sa akin.
"B-bag ko," sabi ko sa kanya.
Inabot niya naman ito sa akin pagkatapos ay naglakad na. Pero bago siya tuluyang lagpasan ako ay huminto siya.
Tinitigan niya ako saglit then he tsked, "so ungrateful. Walang utang na loob," sabi niya.
Gumatla ang noo ko sa sinabi niya.
Hindi naman yata konektado ang mga sinabi niya sa balita ni Henrik.
Tapos may naaalala ako bigla. Halos masapo ko ang noo ko dahil dito.
Tiningnan ko ang nakatalikod na si Homer.
Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sa kanya sa binigay niyang doll shoes at pansit.
Now, I feel so guilty.
To be continued....