Chapter 12 Stupid love

3760 Words
Chapter 12 Stupid love I was thinking na kalokohan lang ni Hendrix iyong pagiging super friends namin. I mean we're friends naman pero hindi ko inexpect na sincere pala talaga siya sa pinagsasabi niyang poprotektahan niya ako at aalagaan kasi nga super friends kami. He's so sincere pala at napakagenuine ng turing niya sa akin. Kaya ganon na lang ang naging reaksyon niya the moment Henrik announces our relationship. Umalis kasi siya non, iniwan niya kami bigla. Ang talim pa ng paningin niya sa akin bago siya umalis. At dalawang araw na rin simula nang mangyari iyon, at magpahanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako kinikibo. Ayaw niya ba talaga na maging kami ng kambal niya? I thought we're super friends? Dapat suportado niya ako hindi ba? "Ano sa tingin mo, Homer? Hindi ba dapat suportado niya ako?" sabi ko. Napabuntong hininga na lang ako. "Aray! Bastos ka talaga kahit kailan!" reklamo ko nang tukain ako ng manok na si Homer. Nandito kasi ako sa likod ng bahay namin, nagpapakain sa tatlo kong alagang manok. Dahil namimis ko si Hendrix ipinangalan ko sa kanya ang isang manok ko, syempre dahil nobyo ko si Henrik pinangalanan ko rin ang isang manok ko as Henrik. Tapos ito namang manok na pula, panabong na manok ito, dahil sa sama ng ugali nito't tinutuka ako tuwing pinapakain siya ay tinawag ko na lang na Homer, magkaugali kasi sila. "Hendrix, talaga bang hindi mo ako kikibuin?" tanong ko sa manok na umiinom na ng tubig. Hindi ko alam kung paano ako tityempo kay Hendrix kasi maski text ko ayaw niya mag reply hanggang sa naexpire na ang load ko. Kanina nong palabas na ako sa paaralan namin nakita ko siyang may hinihintay, may dala pa siyang bulaklak. Akala ko ako ang pinunta niya pero hindi pala, ibang babae. "Hays! Henrik tulungan mo naman ako oh!" "So ginawa mo pa talaga kaming manok?" Natigilan naman ako, kapagkuwan ay lumingon ako at ganon na lamang ang galak sa aking puso nang makita ko si Hendrix. Nakasando lamang siya tapos naka basketball shorts na kulay asul. Napangisi ako. Hindi niya rin ako natiis. Tumayo ako at saka lumapit sa kanya. "H'wag mo kong yayakapin, hindi tayo bati," sabi niya sa akin. Kaya umatras ako at napanguso. "Sorry na please, bati na tayo, super friend." He just raised his brows at me then crossed his arms. "Bakit ba kasi sinagot mo si Henrik? Biro ko lang naman iyong pagtawag sa iyo ng sister-in-law, pero parang totohanin mo naman," pagmamaktol niya. Naupo na lang ako sa malapit na pahabang upuan na yari sa kahoy habang nakatingin kay Hendrix. "Hindi ba super friends tayo? Support ka na lang oh," pakiusap ko. Umiling naman siya. Bakit ba Hendrix?! "Support naman ako sa feelings mo sa kanya kaso bakit mo sinagot? Sinabi ko naman sayo may girlfriend siyang dalawa, pangatlo ka!" "Hindi naman siguro niya ako liligawan kung hindi pa sila hiwalay," pangangatwiran ko. Pinandilatan niya naman ako na para bang sinasabi niya na tumigil na ako sa pinag-iisip ko. Nagbaba lang ako ng tingin. "Kailan ka ba niya niligawan nong araw na sinagot mo siya? Tapos ano nagkiss kayo?" Napaangat ang tingin ko sa kanya habang nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. Paano niya nahulaan? Naningkit ang mga mata niya sa akin. Lumapit siya at saka pinitik ang noo ko. " Gaga ka, nagpahalik ka naman?!" Tumayo ako kaagad para takpan ang bibig niya sabay lingon sa paligid. "Ano ka ba, baka marinig tayo ni Lolo," sabi ko. Tinanggal niya ang kamay ko tapos pinanlakhan niya muli ako ng mata. Napanguso ako, "sa cheek lang naman ako humalik sa kanya. Hindi pa naman kami nag kiss sa lips," Saad ko sa kanya. Halata sa mukha niya na nanggigil na siya sa akin. "Sa cheek pa. Sa susunod niyan sa lips na. Tapos sa susunod niyan 2nd base na tapos 3rd base!" Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya ma-gets. Ano bang base ang pinagsasabi niya? Hindi naman naglalaro ni Henrik. "Alam mo iyang si Henrik m******s iyan, kakantutin ka lang non. Gusto mo iyon? Aray! Grabe ba't ka nanakit?!" Napalakas na ang pagkakasabi niya dahil hinampas ko siya ng sanga ng kahoy. Bibig niya kasi. Siya yata ang m******s dito at hindi ang kakambal niya! " Makapagsalita ka diyan. Sarili mo naman ang dinidescribe mo eh. Ikaw yong m******s kasi nong nakaraan lang may hinalikan ka sa likod nila Jerome tapos hinawakan mo pa ang dibdib niya! Tapos ngayon sasabihin mo na gawin ni Henrik iyon? Eh gawain mo iyon!" ratrat kong singhal sa kanya kaya siya naman ngayon ang nagulat at tinakpan ang bibig ko. Tingin niya hindi ko alam iyon?! Heh! Siya yong bastos dito! " Paano ka nakakasigurong ako iyon at hindi si Henrik?" tanong niya pa. Aba, tingin niya ba gagawa ako ng kwento? Tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ko at tinulak siya. "Iyang buhok mo! Clean cut si Henrik ikaw naman hindi! Sigurado akong ikaw iyon!" singhal ko. "Fine! I'll admit it! Pero hiwalayan muna si Henrik." Sinamaan ko siya ng tingin. "Duday, kakambal niya ako, alam ko kung kailan nagseseryoso at nagloloko iyang kapatid ko! Just trust me, hindi naman kita ipapahamak, super friend," sabi niya pa. "Super friends tayo, di ba? Then trust me also, hindi ko naman siguro sasagutin si Henrik kung alam kong hindi siya seryoso di ba? At saka panay ang text niya sa akin ng good morning pati good night. May care siya sa akin, at saka ayaw niyang nagpapalipas ako ng gutom. Tapos sinusundo niya ako, "paliwanag ko sa kanya. Bumuntong hininga siya. " Dalawang araw pa lang kayo hindi ba? Pustahan tayo hanggang isang linggo lang kayo. " Napasimangot ako sa sinabi niya. " Grabe ka naman, "sabi ko sa kanya. Nagbati na kaming dalawa ni Hendrix at laking tuwa ko nang hindi nangyari ang sinasabi ni Hendrix. Isang linggo at isang araw na kasi kaming mag on ni Henrik and our relationship is going strong. Sinusundo niya ako sa school, tapos minsan nagdedate kami. Holding hands minsan, tapos minsan sinusubuan niya ako kapag kumakain kami sa date. Kaso hindi alam ni lolo lahat ito. Natatakot ako. Hindi naman kami nagpapahalata ni Henrik. Saka na siguro kami magsasabi ka lolo kapag napag-usapan na namin ni Henrik iyon. "Baby ko," tawag ni Henrik sa akin habang naglalakad kami pauwi sa bahay namin. "Yes, baby ko?" "Ano kasi, alam mo na matagal na tayong dalawa. Hindi pa rin ba ako pwedeng humalik sa labi mo?" Tumigil kami sa paglalakad. "Baby ko, saka na pag alam na ni Lolo ang relasyon natin. Kailan ba tayo aamin?" "Halika ka na nga, umuwi na tayo," sabi niya na lang sa akin. Hindi niya man lang sinagot ang tanong ko sa kanya. Hinayaan ko na lang iyon at hindi na siya kinulit pa. Panay naman ang text text naming dalawa, nauubos na nga lang ang baon ko para lang makaload. Minsan naman ay parang nakakahalata na si lolo pero hindi niya lang ako tinatanong. Siguro hinihintay niya na kami mismo ni Henrik ang aamin sa kanya. Two weeks. Two weeks din ang tinagal ng relasyon namin ni Henrik. At habang tumatagal parang mas lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya, however, I felt something weird. It seems that he's being cold or something. Or maybe this is just me, imagining things that haven't happened yet. Linggo ngayon at walang pasok, pero imbes na sa taniman ako ng mga dela Conde magtungo ay sa ilog ako pumunta para makapaglaba. Dahan-dahan akong bumaba sa bato para makalapit na sa tubig nang may bigla akong nakitang katawan na umahon mula tubig na siyang dahilan nang pagkakadulas ko dahil sa gulat. I wasn't surprised by his sudden appearance, nagulat ako kasi ang hubad na katawan ni Homer ang sumalubong sa mga mata ko. Pinilit ko na lang na tumayo at hagilapin ang ilang damit na nagkalat sa may bato. I was so busy picking the clothes that I didn't notice someone helped me picked it up and put in the basin. Nag-angat ako ng tingin sa tumulong sa akin, then I looked away. It's just Homer. And he's only wearing a blue underwear for Heaven's sake! Mapapaenglish ka na lang talaga nang wala sa oras kapag nakita mo ang itsura niya. May tubig pa na tumutulo sa buhok niya na siyang lumalakbay sa katawan niya. "Nagulat ba kita?" Isn't it obvious? Umiling na lang ako at hindi sumagot. I can't look at him, not in this state. "So you're washing clothes?" tanong niya nang nilapag niya ang plangganang dala ko. Tumango lang ako at hindi pa rin nakatingin sa kanya. Hindi na siya nagsalita pang muli at balak pa yatang maligong muli. Hindi ba pwedeng umuwi na lang siya? Magsisimula na sana ako sa pagbasa ng mga labahin ko nang mahagip siya ng paningin ko na tumungtong sa malaking bato. Tatalon yata siya. Ave Maria. Malaman pala ang pwet ni Homer. Wala siyang abs pero maganda ang katawan niya, sakto lang. I shook my head. Hindi yata ito oras para pagtoonan ko siya ng pansin. Then I started washing the clothes samantalang siya ay pabalik-balik sa paglangoy. Hindi ba siya napapagod? Nagkatinginan kami isang saglit kaso kumunot ang noo niya tapos inirapan ako. Anong problema niya? Is he waiting for me to praise him? To tell him na ang galing niyang lumangoy? To tell him that his body is just fine? "Duday." "Oh? Ay, yawa!" mura ko na lang nang nasa harapan ko na siya. No hindi siya, yong lower part niya, buti na lang talaga at nakatowel na siya. Ano bang pumapasok sa isip ng lalaking ito? Nakakagulat siya! Hindi naman siya sobrang lapit sa akin, mga isang metro lang pero grabe namang pambungad niya sa nakaupong tulad ko. "Bibig mo," tugon niya. "Ginulat mo kasi ako! Bakit ba?" galit ko pang tugon. "Hindi ka talaga marunong magpasalamat noh? You're so ungrateful." Oh. So he was waiting for me to thank him pala. Bakit ba palagi kong nakakalimutan? Kasi siguro hindi ako makapaniwala na sa kanya galing iyon. Akala ko talaga sa baby ko galing iyon lahat. "S-salamat pala ha,"sabi ko nang hindi makatingin sa mga mata niya o maski sa mukha niya. He tsked," you're not sincere, "komento niya. " Anyway, pinapatawad na kita sa pagsapak mo sa akin. " Napaismid naman ako. Hindi ba dapat ako ang hingan niya ng tawag dahil sa mga ginawa niya? " I already said my sorry to you, I won't say it twice. You accepted my tokens so I guess you have already forgiven me, "he said as if he reads my mind. He's really a dela Conde. He's very confident eh. "Nga pala, bakit parang ang saya mo ngayon at talagang sinusulit mo ang oras mo sa paglangoy?" tanong ko sa kanya, this time naka tingin na ako sa kanya. Samantalang siya naman ay nakaupo na sa isang bato sa kaliwa ko habang ang mga paa ay nakalublob sa tubig. He rested his hands on the rock, he looked at me then he stilled his head. "Because I'm finally leaving this place. I'm going abroad," sabi niya tapos ngumiti pa siya sa akin. Dapat pasalamatan niya ako dahil kung hindi niya ako nabully hindi siya makakaalis. Pero ganon niya ba talaga ka gustong umalis dito para matuwa siya ng ganyan? I mean paano yong mga pinsan niya? Hindi niya ba mamimiss ang mga ito? "Homer!" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na ito. I felt Homer's sudden action, tumayo siyang bigla. Sinalubong niya ang isang matangkad at maputing babae na inilalayan pa ni Henrik sa pagbaba. I felt my heart clenched. As soon as he reached the woman kaagad niya itong hinalikan. I looked away. Hindi kasi ako sanay na makakita nang may naghahalikan. "Duday," boses iyon ni Henrik. Tumabi siya sa akin tapos ngumiti. "I want to kiss you." I make a face to him. "Baby ko, napag-usapan na natin ito. Bawal pa 'di ba?" He almost rolled his eyes on me. "Fine!" napabuga siya ng marahas. Tumayo siya tapos naghubad bago lumusong sa tubig. I'm almost done washing the clothes, maybe I could join him in the water. Mukha kasing nagtatampo na naman siya sa akin. "It was your mom's idea, babe. I wanted to surprise you," sabi ng babae. Sa pagtawag niya ng babe kay Homer at sa paglalampungan nila ngayon habang nasa tubig ay alam kong tama ako na isiping girlfriend siya ni Homer. I felt Henrik's arms circled around my waist. Nakiligo na rin kasi ako, pero hindi tulad ng girlfriend ni Homer na naka bra at panty lamang, ako'y nakadamit pa rin. Nakakahiya kasing mag bra at panty lang. Tweety bird pa naman ang panty ko. Ewan ko ba kasi kay lolo at bakit yong mga cartoons ang design ng mga binibili niya sa akin. "I'm so surprised, Melody,"sabi ni Homer kapagkuwan ay hinalikan ang nobya niya sa leeg nito at napahalinghing lang naman ito. Nag-iwas ako ng tingin dahil nakita ko na ang kamay ni Homer na nakahawak sa dibdib ng nobya niya. Ganyan ba talaga dapat pagmagshota? "Don't envy them, we can also do that," bulong sa akin ni Henrik at kapagkuwan ay iniharap niya ako sa kanya at dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko pero sinara ko lang ang bibig ko pagkatapos ay tinulak nang bahagya si Henrik. "Don't force her, Henrik," Melody said. She has a very soft voice. Henrik just heaves a sigh then smiled at Melody. Tumingin naman ako kay Melody, ang ganda niya talaga. Hindi nakakapagtaka kung bakit nasa kanya lang nakatingin si Homer. "How old are you?" tanong niya sa akin. "15 po," I honestly said. She eyed Henrik, glaring at him and shook her head in disbelief. "Child abuse ka, Lawrence! Ikaw ha, nagbreak lang kayo ng pinsan ko bata na ang pinupuntirya mo," Melody said. Napawi ang ngiti ko rito. Pakiramdam ko kasi iniinsulto niya ako sa mga ngiti niya. "My cousin is still in love with you. Would you mind to have lunch with her tomorrow?" Napakuyom ang kamao ko sa ilalim ng tubig. Napatingin ako kay Henrik, nakangiti lang siya sa sinabi ni Melody. Wala siyang sinabi. "Babe, enough. Nandito ang girlfriend ni Henrik. I think it's not a good idea to talk about that," sabi naman ni Homer. But it was too late. Para ng tinusok-tusok ang puso ko at wala man lang ginawa si Henrik para maibsan ang kirot nito. Gaya ng sabi ni Homer ay umalis nga siya, kasama niya si Melody. Si Henrik naman ay sumama sa kanila, ihahatid niya raw ang dalawa. Napag-alaman ko rin mula kay Hendrix, isang taon na palang magkarelasyon si Melody at Homer, kaya pala ang sweet nila. Sana ganon din kami ni Henrik. Nilagay ko na lang ang palad ko sa bibig ko tapos tumawa nang mayumi, tapos inangat ko ang isang kamay ko at kunwari'y may tinatampal ako nang mahina sabay sabing, "stop kidding me!" panggagaya ko pa sa mahinhing boses ni Melody. Bumagsak ang balikat ko habang nakatingin sa salamin. Ginagaya ko kasi ngayon ang kilos ni Melody, feeling ko kasi ganon ang tipo ni Henrik. Kasi nong nandito si Melody panay tawanan nila. Na-out of place pa ako. Napahawak ako sa dibdib ko, "kailan ka ba lalaki ng katulad kay Melody?" Lumipas ang isa pang linggo, 3rd week na naming magkarelasyon ni Henrik. Mag-iisang buwan na kami, malapit na. Nakokonsensya na rin ako sa lolo ko kasi may kumakalat na balita na nobyo ko raw si Henrik pero itinanggi ko ito sa lolo ko kasi alam ko magagalit siya. Hindi naman na siya nangulit pagkatapos non. Kaya lang si Henrik, ilang araw na rin siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Panay I love you ko sa kanya, kaso wala akong reply na natatanggap. Nakapagtanong naman ako kay Hendrix tungkol kay Henrik kasi madalas siyang wala sa lugar. Ang sabi niya naman sa akin, madalas na bumababa si Henrik dahil sa utos ng Lolo nila. Maski si Hendrix ay busy rin, gusto kasi ng lolo nila na tumulong sila sa negosyo kaya ganon. Pero iba na talaga ang pakiramdam ko sa nobyo ko. Nanlalamig yata siya sa akin. Ibigay ko na kaya ang kiss na gusto niya? Total matagal na rin naman na kami. Siguro kapag nandito ulit siya, magpapahalik na ako sa lips. Miss na miss ko na rin kasi siya. "Duday, my friend!" masiglang tawag sa akin ni Pearl habang tumatakbo at daladala ang malunggay na pinitas niya sa bakuran nila Berting. May usapan kasi kami nila Jerome, food trip kami, syempre kasama ang super friend kong si Hendrix. Siya pa nga ang magdadala ng softdrinks para sa amin, si Pearl naman sa gulay at sangkap, si Jerome ang sa kanin, at ako naman sa manok. Tinola kasi ang lulutuin namin at gagawin namin ang picnic namin sa burol kung saan kami nag picnic dati ng magpipinsang dela Conde. "Ay teka, nakalimutan ko yong kaldero, babalikan ko lang sa bahay ha. Mauna ka na don. Papunta na rin naman daw sina Jerome doon," sabi ni Pearl sa akin bago kumaripas ng takbo pauwi. Tumungo naman ako mag-isa doon sa burol at naupo habang hinihintay. Napatingin ako don sa puno kung saan naging kami ni Henrik. Lihim akong napangiti. Tumayo ako tapos bumaba patungo sa puno. Subalit ang mga tuhod ko ay nanlambot bigla at nanginig ang mga kamay kong nakahawak sa manok. "B-baby k-ko?" nanginginig kong tanong. Please si Hendrix ka sana. Pero nang lumingon siya sa akin ay parang gumuho ang mundo ko. Ang nobyo ko may kalaguyong iba, naghahalikan sila sa puno kung saan naging kami. Mga baboy! Gusto kong isigaw iyan sa kanila ng kalaguyo niya pero tila naubusan ako ng tinig at hindi nakapagsalita. "Let me explain." Hindi ko na siya pinakinggan at dali-dali akong tumakbo dala ang manok. Nadapa pa ako pero bumangon ulit ako. Nanlalabo na ang mga paningin ko dahil sa pag-iyak ko pero tuloy pa rin ang takbo ko hanggang sa may nabunggo ako. "Ba't ka umiiyak?" Boses ni Homer iyon pero hindi ko siya pinansin at panay lang ang takbo ko. Narinig kong may tumawag sa pangalan ko pero hindi ko ito pinansin. Tapos may naramdaman akong humahabol sa akin. Hindi isa, hindi rin dalawa. Ewan kung ilan sila pero may sumigaw. "Super Friend, paano yong food trip natin?!" Hindi ko na kailangang lumingon pa para alamin kung sino siya dahil alam kong si Hendrix iyon. Hanggang sa nakaabot ako sa bahay. Dali-dali akong pumunta sa likod namin at nilagay sa kulungan ang manok na dala ko. Kinuha ko si Henrik. Sinakal ko. " H-hayop ka!" sigaw ko sa kawawang manok. "Baby ko, let me explain." Lumingon ako. Sinamaan ko siya ng tingin. "Niloko mo ako!" sigaw ko sa kanya habang hawak sa leeg ang manok at unti-unting tinanggalan ng balahibo. Henrik, yong tao, tried to get closer to me pero umatras ako. "Duday, yong manok," sabi niya pa. "Anong gusto mo? Ikaw ang sakalin ko't kalbohin?!" "I'm sorry," sabi niya. Binitawan ko ang manok at pinagtulakan siya palayo. "Hear me out okay?" "No! Break na tayo!" sigaw ko. "Edi break! Akala mo naman ang perfect mo! Ang boring mo kaya, kiss lang ipagdadamot mo!" Hindi ako nakapagpigil at nasampal ko siya. "Hindi mo ba ako love?" "Aish! Ang arte mo, diyan ka na nga! Pasalamat ka pinatulan pa kita." Tinalikuran niya ako pero sa pagtalikod niya ay bigla siyang hinigit ng kakambal niya paalis. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Hendrix pero nakita ko na galit siya. Napaupo na lang ako tapos umiyak. Nagsidatingan na matapos ang mga kaibigan ko at kinomfort ako. Tapos si Homer, hindi ko alam kung bakit nandito siya at kailan pa siya nakabalik, pero nakiramay rin siya sa puso kong sawi. Niluto ni Pearl si Henrik, gaya ng napag-usapan namin, Tinola ang luto. Saktong naluto na ay dumating si Hendrix. Niyakap niya ako bigla. "Hindi ka kasi nagtiwala sa akin, iyan tuloy iyak ka ngayon," sabi niya pa. Wala si lolo ngayon dahil kasama siya ng mang nestor na bumaba sa syudad, bukas pa raw sila makakauwi at tiyak ko bukas na bukas din sesermonan niya ako kapag nakapagsumbong na ang mga kapitbahay namin sa nangyari ngayong araw. "Ito ang magsisilbing katawan ni Henrik, simula ngayon pinuputol ko na ang ugnayan naming dalawa. Kumain na tayo," sabi ko sa lahat nang nasa hapag na kami. Napalunok naman si Homer at napabulong kay Hendrix, at dahil katabi ko si Homer ngayon ay narinig ko ang binulong niya. "You said she named her chickens after us, right?" bulong niya. "Oo. Kaya h'wag mo siyang gagalitin. Naawa ako sa manok na si Henrik," sagot naman ni Hendrix. "Dapat yong kapatid ko yong binalian ng leeg at hindi ang manok," dagdag niya pa. Kumain kaming lahat nang tahimik. Hindi rin nakiusisa sina Jerome at Pearl tungkol sa amin ni Henrik dahil naikwento ko na sa kanila iyong relasyon naming dalawa. Matapos naming kumain ay naisipan naming mag videoki sa bahay. Bumili rin si Hendrix ng Tanduay at saka grapes na juice at hinalo ito. Iinum daw kami para makalimot ako. Hindi ako sanay uminom pero tinatanggap ko lahat ng binibigay ni Hendrix sa akin. Nalasing na nga pati si Pearl at si Jerome. Si Homer naman ay parang hindi pa tinatamaan. "Ano ba iyan! Ang tahimik na, kanta pa tayo!" Naghanap ako ng kanta at nang makapili na ako ay tumayo ako. "Nang ma inlab ako sayo akala ko'y pag-ibig mo ay tunay! Pero di nagtagal lumabas din ang tunay na kulay! Gago, manloloko, manggagamit ka Henrik!" pag-iba ko sa huling linya. "Break it down yow!" si Hendrix. "Love! Ibinigay mo sa akin! Stupid! Love! Masakit sa damdamin! Stupid!" "Duday, enough. You're drunk already. Ang ingay mo na," it's Homer, nagrereklamo. Umiling ako. "Stupid! Love!" "Hendrix, isa ka pa!" Homer again. But neither of us stopped singing nahinto lang kami nang tinanggal ni Homer ang wire at namatay amg TV pati Ang dvd. "KJ!" sigaw ko sa kanya. "Duday, enough. Lagot ka talaga sa lolo mo." Hindi ko na nasundan pa ang susunod niyang sinabi dahil parang umiikot na ang mundo ko at yong tiyan ko parang nagwawala. Gusto kong sumuka. Napahawak ako sa balikat niya. Gwark! "f**k! Duday naman oh." That was the last thing I remember before I passed out. Fuck that stupid love. To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD