. Chapter 13
Her memories with him
Medyo naalimpungatan ako't napamulat na lang ng mata ko.
Ouch. Parang pinupukpok ang ulo ko.
The last thing I remember was that I was singing along with my superfriend, Hendrix, then I p**e.
Teka, anong oras na ba?
Dahan-dahan akong naupo sa kinahihigaan kong banig. Ngayon ko lang napansin, sa sala pala ako nakatulog.
Halos masapo ko naman ang noo ko nang mapagtanto na nakabra ako habang natutulog.
Naku talaga Duday! Pag ikaw nagka-cancer paano na lang si Lolo mo.
Walang alinlangan kong tinanggal ang bra ko kahit may suot pa akong damit, at saka itinabi ito sa unan ko.
Ayan, ang gaan na ulit ng pakiramdam ko. Pero medyo masakit pa rin ang ulo ko.
Napahawak ulit ako sa ulo ko habang pinalibot ang mata ko sa bahay namin. Napahawak ako sa dibdib ko nang makita ko si Hendrix na nakanganga habang natutulog sa upuan naming yari sa kawayan. Halos hindi siya magkasya sa upuang hinihigaan niya dahil lumagpas ang paa niya.
Bakit dito siya natulog?
Sina Pearl at Jerome kaya, nasaan? At saka si Homer, umuwi ba siya? Si Henrik hindi ba siya nagpunta rito sa amin ulit?
Tinigil ko na lang ang pag-iisip ko at tinungo ang kusina namin dahil nauhaw ako bigla ng tubig.
"Santisima!"sigaw ko sa gulat nang madatnan ko si Homer na nagkakape.
Sinong hindi magugulat kung wala siyang damit pang-itaas na umiinom ng kape?
"Gising ka na pala," sabi niya sabay lingon sa gawi ko.
Bigla siyang natigilan nang matitigan niya ako. Napalunok siya tapos nakita kong napakuyom siya ng kamao niya sa lamesa saka siya pumikit.
Problema niya?
"Bakit andito ka pa? Nasaan sina Jerome at Pearl? Bakit hindi pa kayo umuuwi ni Hendrix? Ikaw ba ang naglinis ng mga kalat dito?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Oo ako nga. Pearl and Jerome was fetched by their parents, pinagalitan sila,"sagot niya nang nakapikit pa rin.
Nakonsensya ako. Napagalitan pa tuloy yong mga kaibigan ko. Tiyak talaga ako na isusumbong nila ako kay Lolo. Malilintikan talaga ako.
"Pero ba't hindi ka pa nga umuuwi? Sana iniwan mo na lang dito si Hendrix," sabi ko.
Nawewerdohan na ako sa kanya kasi nakapikit lang siya. Minsan pa ay kumukunot ang noo.
Nagpapractice ba siyang makipag-usap sa akin nang tulog?
Teka, nag sleep talk ba siya ngayon?
"Binabantayan kita, I mean kayong dalawa. I can't just leave you with Hendrix, pinsan ko siya, I know what he usually do when he's drunk lalo na kapag may kasamang babae," sabi niya.
Ano bang pinagsasabi niya? Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba nakapikit pa rin siya?
"Inaantok ka na ba? Matulog ka kaya muna?"
Napakunot ang noo ko, para kasing bumigat ang paghinga niya kaya nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang balikat niya.
"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.
Dumilat siya, nagkatitigan kami then bumaba ang tingin niya.
"Lord Jesus," sabi niya tapos biglang namula ang pisngi niya tapos pumikit muli at tinulak ako nang bahagya.
Bakit ba?
"S-stay back before I lost my sanity."
Anong ibig niyang sabihin?
"Bakit ba hindi ka makatingin sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Duday, bumakat kasi. Aish! Turn around," utos niya kaya sinunod ko na lang.
Naramdaman ko na parang tumayo siya, naglakad tapos nilagpasan ako.
Ano naman ang bumakat?
Nanlaki ang mata ko tapos napamura nang may mapagtanto ako, napakapa ako sa dibdib ko pagkatapos.
Kaya pala hindi siya makatingin.
Duday naman! Baka akalain niya tinutukso mo siya! Pero bakit naman tayong-tayo ang n*****s ko? Naman oh! Nakakahiya!
Gaya ng inaasahan ko sermon ang inabot ko kay Lolo nang makauwi siya. Napalo pa ako ni lolo ng walis. Buti na lang talaga at nabali ang hawakan ng walis tingting kaya hindi na ako napalo.
Hindi naman umuwi sina Homer at Hendrix at tinulungan nila akong magpaliwanag tungkol sa nagawa namin kagabi. Galit na galit si lolo dahil naglasing daw ako at dimamay ko pa sina Jerome at Pearl.
Pero dahil si Hendrix at Homer ang matanda sa amin hindi rin sila nakatakas sa sermon ni Lolo. Inako naman ni Hendrix na kasalanan niya kung bakit kami nalasing dahil pinilit niya kaming makipag-inuman.
Si Homer naman ay nangako kay lolo na hindi na mauulit ang nangyari. Pati si Henrik ay pinatawag sa amin. Pinangaralan kami ni Lolo.
"Ikaw hijo, hindi porket walang alam itong apo ko sa mga relasyon-relasyon na iyan eh lolokohin mo na siya. Hindi nakakagwapo sa lalaki ang pagiging manloloko. Kung hindi mo gusto 'yong tao dapat hindi mo inuuto. Matakot ka sa karma, hijo."
Puro' upo lo' at " sorry po" lang ang nasabi ni Henrik. Humingi rin siya ng tawad sa akin, at kahit na nasaktan niya ako ay pinatawad ko siya dahil ang sabi ni lolo sa akin, pinagpapala raw ng Panginoon ang mga taong mapagpatawad.
Ipinaubaya ko na lang sa langit ang ginawa ni Henrik sa akin. Hindi ko naman nais na makarma talaga siya pero sana dumating iyong panahon na marerealize niya na hindi tama iyong manloko siya ng tao.
Matapos ng insidenting iyon ay hindi na kami masyadong naging close ni Henrik dahil lumalayo na siya sa akin para raw makamove-on ako sa kanya. At sa mga panahong broken ako, ang superfriend ko ang naging sandalan ko.
"Open your mouth," sabi ni Hendrix sa akin sabay subo ng grapes.
Nanlaki ang mata ko at saka nangiti sa kanya.
"Ang sarap!" sabi ko.
Natawa na lang si Ate Jessa sa naging reaksyon ko pagkatapos ay nginuya niya rin ang inisubo ni Homer sa kanya. Siya nga pala, hiwalay na si Melody at Homer. Hindi ko alam ang dahilan dahil hindi naman nagkukwento si Homer sa amin. Basta nagulat na lang kami ni Hendrix na dinala niya rito sa burol si Ate Jessa at nakisali sa picnic namin ni Hendrix.
Ang sweet nila, napakaclingy ni Ate Jessa kay Homer, I mean kuya Homer. Gusto kasi ni Ate Jessa na tawagin ko siyang Kuya kasi mas matanda ito sa akin. Tapos si Hendrix umayaw siya sa ideya, superfriend lang daw endearment namin.
"Alam mo Duday kung hindi ko lang alam na close kayo ni Hendrix mapagkakamalan ko na kayong mag jowa, hindi ba love?" si Ate Jessa sabay tingin sa nobyo.
Umiling si Homer tapos ilang saglit ay binato ako ng grapes. Pinandilatan ko siya tapos nangiti lang siya.
" Hindi siya type ni Hendrix kaya hindi rin sila mapagkakamalan, "sabi niya pa.
" Hayaan mo na sila. H'wag mong pansinin,"bulong sa akin ni Hendrix kaya nagtawanan kaming dalawa.
Ngayon siya naman ang sinubuan ko," more please, "utos niya pa.
"Superfriend, juice please," sabi pa niya kaya nag salin ako ng juice sa baso at ako pa mismo ang nagpainum sa kanya.
"I'm tired, can I put my head on your lap? Gusto kong mahiga," sabi ni Hendrix sa akin.
Napailing na lang si Homer at halos mapairap pa siya.
"Love, I also want to do the same," sabi naman ni Ate Jessa sabay unan sa lap ni Homer.
Sinuklay-suklay ko naman ang may kahabaang buhok ni Hendrix. Nakapikit lang siya siya habang nakangiti.
"Ang sweet ng superfriend ko. I'm really lucky to have you. I want some grapes."
Napangiti na lang ako at the same time napailing. Nagpapalambing kasi siya, kanina pa ito eh. Ako na halos nagpakain sa kanya, akala mo naman bata.
"Bakit parang mas sumasarap ang grapes kapag ikaw ang nagpapakain sa akin?"
Tinampal ko ang noo niya. Paano ba naman kasi, kung ano-ano na lang ang sinasabi.
Tumingala ako sa langit, tapos nagdesisyon akong mahiga habang nakaunan sa akin si Hendrix. Nang maramdaman niya sigurong nakahiga na ako ay inusog niya ang ulo niya at pinuwesto ito sa bandang tiyan ko.
Inabot ko naman ang buhok niya tapos sinuklay itong muli habang nakatingin ako sa langit.
Napakaaliwalas ng panahon ngayon. Hindi masyadong mainit dahil ang daming ulap sa langit.
May paru-parong tumungtong sa ilong ko at nang hahawakan ko na sana ito ay biglang lumipad kaya sinundan ko ito ng tingin. Napatingin ako sa kanan ko. Tumungtong siya sa isang balikat, balikat ni Homer.
Nangiti ako, tapos nilipat ko ang mga mata ko sa mukha niya't unti-unti na lang naglaho ang ngiti ko.
Kanina pa ba siya nakatingin sa akin?
When he smiled at me, I think my heart almost skips a beat.
Nagdaan pa ang mga araw at mas napukos na ako sa pag-aaral ko lalo na't graduating na ako sa high-school. Busy rin naman ang magpinsan sa kanilang pag-aaral lalo na si Hendrix dahil gusto niyang makakuha ng mataas na marka para payagan siyang magshift ng course. Gusto niya kasing mag piloto talaga at balak niyang sa ibang bansa mag-aral.
Minsan namang bumisita si Henrik dito sa amin, ayos naman na kaming dalawa. Tanggap ko na wala na talaga kami. At saka may bago na siya, kaklase niya.
"Duday, apo bakit ang tagal mong matapos maligo diyan? Bilisan mo nang mapatay mo na ang manok at may maiulam naman tayo!" rinig kong sigaw ni Lolo sa loob ng bahay.
Hindi ako makapagdesisyon nang maayos kung sinong manok ang lulutuin ko ngayon. Ayaw ko namang patayin itong si Hendrix kasi ito lang kausap ko habang wala si Hendrix eh. Tapos hindi naman pwede si Homer kasi ang gusto ni lolo eh yong si Hendrix ang lutuin namin.
Hinubad ko na ang mga basang damit ko nang matapos akong maligo sa banyo, nasa likod ng bahay pala namin ang banyo kaya kinakailangan ko pang maglakad ng mga ilang hakbang papasok sa tahanan.
Nang matapos ako sa paghuhubad ay nagtapis na ako ng tuwalya at dumaan sa pintuan namin sa likod kung saan nakakonekta ang kusina namin. Sa kasamaang palad ay may naapakan akong madulas dahilan para madulas ako buti na lang at may sumalo sa akin.
Napatingin ako sa mukha niya, namumula ang pisngi niya. Naguguluhan ang mga mata niya kung bibitawan niya ba ako o mananatili siyang nakahawak sa katawan ko.
Napatingin ako sa kamay niya, tapos sa mukha naman niya, tapos sa kamay naman niya.
Napasigaw ako.
"Lolo! Si Homer pinagsamantalahan ako!"
Tapos inayos niya ang tayo ko at lumayo siya ng bahagya.
"Lo, hindi po!" depensa niya.
Naiyak ako.
Sinungaling!
Yong isang kamay niya nasa baywang ko bilang suporta pero iyong isang kamay niya sinapo ang dibdib ko.
"T-teka, hindi ko sinasadya," sabi niya.
Umiyak ako at niyakap ang sarili kong nakabalot sa tuwalya.
"Lo, aksidente po. Sinalo ko lang siya kasi nadulas siya," paliwanag niya.
Umiling ako. Tapos tumakbo papuntang kwarto ko para magbihis.
"Duday, sorry. Hindi ko intensyon iyon. Let me compensate you, anong gusto mong kainin?"
At gusto pa talaga akong suhulan ha?
Humanda ka sakin. Nakapagdesisyon na ako.
Lumabas ako sa kwarto tapos tinulak ko siya. Lumabas ako ng bahay, sunod naman siya nang sunod sa akin--humigingi ng tawad.
Pumunta ako sa kulungan ng mga manok tapos marahas kong kinuha si Homer, bago humarap sa manyak na Homer.
Nakanganga siya.
"I.. I think hinahanap na ako sa amin. S-sige ha, bukas na lang ulit ako mag so-sorry," utal niya pang sagot sabay talikod sa akin pero hinawakan ko ang damit niya.
"Walang uuwi!"
Gaya ng sabi ko ay hindi ko siya pinayagang umuwi. Panay pa rin ang sorry niya sa akin habang hila-hila ko siya papuntang kusina.
"Upo!" utos ko.
"Apo, bakit mo ginaganyan si Homer. Magkaibigan kayo, patawarin mo na. Hindi naman sinasadya ng tao iyong nangyari."
Sumang-ayon pa siya sa sinabi ni lolo pero hindi nila mababago ang isip ko.
"Mapapatawad ko naman siya, Lo. Pero kailangan niyang turuan ng leksyon," sabi ko naman.
Umiling na lang si Lolo at sinabi kay Homer na pagpasensyahan na lang ako dahil sinusumpong daw ako at may kasalanan naman si Homer kaya dapat magpasensya siya sa akin.
Ginilitan ko ng leeg ang manok sa harap ni Homer, hindi naman siya nagreklamo.
"Tandaan mo ito, kapag inulit mo pa ang ginawa mo sa akin ito ang kalalabasan mo!" banta ko sa kanya matapos kong pugutan sa harap niya ang manok at chop-chopin.
Ang walang hiya ay hindi man lang natinag, tila ba natutuwa siya. Dahil imbes na matakot ay panay ang pigil ng ngiti niya sa ginagawa ko.
Nakisabay pa siya sa hapunan namin Lolo, ang kapal talaga ng mukha. Nakadami pa nga siya sa luto kong adobo.
"Magbati na kayo," saad ni Lolo.
"Hindi ko pa kaya Lo. Nayurakan yong p********e ko," madamdamin ko namang sabi.
Iniwan kami ni Lolo ni Homer sa bakuran namin para makapag-usap kami ng masinsinan na dalawa.
"Hey," tawag sa akin ni Homer.
Nakasakay ako sa duyan ngayon kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"I'm sorry, okay? Hindi ko naman sinasadya iyon. And trust me, I didn't feel anything," sabi niya.
Tumalim ang tingin ko sa kanya.
"So sinasabi mong wala akong dibdib?"
He pressed his lips into thin line, just to control himself from bursting into laughter. Pero sa huli natawa siya.
Tinaas niya ang dalawa niyang kamay sa ere bilang pagsuko, "Hindi ko sinabi iyan," sabi niya pa.
Hindi ko siya pinansin at saka umirap na lang ako.
Tsk. Bahala siya diyan.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Pagkatapos ay Dahan-dahan niyang ibinaba ang katawan niya para lang magpantay ang paningin naming dalawa. Hinawakan niya ang kamay ko.
"I'm truly sorry. I really didn't mean it, Duday," he sincerely said while caressing my hand.
Binawi ko ang kamay ko at saka pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib ko. Tumango ako.
Pasalamat ka pinsan ka ng superfriend ko, kung hindi naku talaga. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sayo!
" Sige na nga, bati na tayo. Pero h'wag muna iyong uulitin," sabi ko na lang.
"As if naman na ginusto ko iyon," he murmurs.
"May sinasabi ka?" mataray kong tanong.
"Wala," sagot niya naman bago siya tumayo at namulsa na lang sa harap ko.
"Nga pala, kailan mo balak mag boyfriend ulit?" out of the blue niyang tanong.
At bakit siya curious?
"Nanliligaw sayo yong anak ni Aleng Basing hindi ba? Iyong si Benji. Don't tell me sinagot mo na?"
Pinanliitan pa niya ako ng mata.
Nanliligaw nga sa akin si Benji pero wala akong balak na sagutin siya, at saka hindi ko naman siya pinayagang ligawan ako eh. Hindi ko siya bet, at lalong hindi pabor ang lolo ko sa kanya dahil sa agwat namin, 25 years old na kasi siya samantalang ako mag 16 pa lang this coming March 27.
"Hindi ah! Hindi ko naman siya type at saka may usapan kami ni Lolo, hanggat hindi pa ako 18 bawal muna," sabi ko sabay kibit balikat.
"Oh, so after 3 years pa pala. I see. Ano ba tipo mo sa lalake?"
Napaisip naman ako. Hindi naman kasi pwedeng pogi lang.
"Syempre una dapat mahal niya ako at mahal ko siya para magtagal kami. Kung sa ugali, gusto ko mabait, iyong gentleman ba. Tapos gusto ko marunong siyang magluto, ang hot kasi ng mga lalaking marunong magluto 'di ba?"
"Aba ba' t ako tinatanong mo? Hindi naman ako babae," sabi niya.
Nagpaalam na siya pagkatapos naming mag-usap at kahit malapit lang naman ang labasan ng bahay namin ay hinatid ko na lang palabas, respeto ko na lang kasi bisita siya.
"Nga pala, you look scary earlier, but you're cute."
Tsk. Humihirit pa talaga. Eh alam ko na iyon matagal na.
Sa sumunod na linggo ay dinala ako ni Homer sa paaralan nila, sa MSU-IIT. Sinamahan niya kasi akong mag-inquire para sa SASE o entrance exam ng naturang unibersidad. Gusto ko kasing mag college pagkagraduate ko at ang sabi ni Homer sa akin subukan ko raw sa IIT kasi free tuition dito, pero iyon nga hindi madali ang pagpasok kasi kailangan mo munang pumasa sa entrance exam, syempre.
Lumipas pa ang mga araw ay mas naging abala ako sa pag-aaral ko. At tunay nga ang kasabihan na kapag may itinanim may aanihin. Dahil sa tiyaga ko at pagsusumikap sa pag-aaral ay nakapagtapos na ako sa sekondarya.
Naiyak pa si lolo dahil hindi niya lubos akalain na kaya niya akong itawid sa pag-aaral. Hindi niya inakala na kahit kaming dalawa lang ay napalaki niya ako nang maayos. Hindi rin siya makapaniwala na dalaga na ang apo niyang si Penny Rayana Lopez, ang napakaganda niyang apo.
Hindi ako grumaduate as valedictorian o salutarian, 2nd honorable mention lang ako pero ayos na iyon sa akin. Proud naman sa akin si Lolo at ang tatlong magpipinsang dela Conde na hindi ko lubos akalaing magiging kaibigan ko na ngayon ay nakangiti habang hinihintay akong makalapit sa kanila.
Nilingon ko si lolo saglit at nang tumango siya sa akin ay tumakbo ako nang mabilis with open arms. Tapos niyakap ko si Hendrix, niyakap naman niya ako pabalik. Natawa pa nga siya.
"Ano ka ba, Homer. Loyal sa akin 'to," sabi niya pa kaya napatingin ako kay Homer.
He opened his arms for me pala pero napamulsa na lang siya nang si Hendrix ang niyakap ko.
Napangiti na lang ako bago kumalas kay Hendrix at lumipat sa kay Homer.
"Thank you," sabi ko sa kanya.
He hugged me back, then kumalas na kami.
Homer helped me a lot sa mga requirements ko sa school kaya nagpapasalamat ako sa kanya. He's so kind naman pala kasi, taliwas sa Homer na unang na encounter ko. I'll admit, we really became close.
"Oh, ba't ayaw mong kumain?" nagtataka kong tanong kay Hendrix.
Hindi niya pa kasi ginagalaw ang pagkain niya.
"Hindi ko kayang kainin ang sarili ko," sabi niya na ikinatawa naming lahat na nasa hapag.
Si Hendrix kasi ang niluto naming panghanda, wala kaming choice eh. Walang ulam kung hindi namin gagawin ito.
May dala namang dalawang lechon manok si Hendrix, at cake naman ang kay Homer pero hindi ko naman inexpect iyon kaya k*****y na lang namin si Hendrix kaninang umaga. Nga pala, walang dala itong si Henrik, sarili niya lang. Sa madaling salita ay nakikikain lang siya. Pero ayos lang, bisita siya eh.
A week later I was so happy dahil pumasa ako sa exam sa IIT.
"Homer!" natutuwang sigaw ko habang tumatakbo patungo kay Homer na nakasakay sa isang itim na kabayo.
Nang namataan niya ako ay pinahinto niya ang kabayo at bumaba mula rito. Samantalang ako naman ay nagpatuloy sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang kinaruruunan niya at yakapin siya. Sa sobrang tulin ng takbo ko ay medyo napaatras ang katawan niya nang kaunti nang yakapin ko siya.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi habang malapad akong nakangisi sa kanya.
Hinihingal man ako'y nagawa ko pa ring magsalita. "Pumasa ako sa SASE! 94 ang score ko!" masayang balita ko sa kanya habang hawak ang mukha niya.
Ngumiti naman siya sa akin. Tapos nagulat ako nang hinawakan niya ang baywang ko't inangat akong bigla, kaya napahawak ako sa kanya. Umikot siya habang buhat-buhat ako sabay sigaw nang," mga kapitbahay, pumasa si Duday sa SASE!"
Tuwang-tuwa naman ako habang karga-karga niya ako. Nang ibaba niya ako ay ginawaran niya pa ako nang isang mainit na yakap.
"Congrats," bulong niya pa kaya napangiti na lang ako.
Matutupad na rin sa talaga wakas ang pangarap kong makapagcollege. Pero iyon nga lang lahat ng kasiyahan ay may katumbas na kalungkutan.
Umalis na kasi sina Hendrix at Henrik, sa Switzerland na sila mag-aaral pareho. Magpipiloto na rin siya. Masaya naman ako, kaso mamimiss ko talaga ng sobra ang superfriend. Sa kanilang tatlo kasi, siya ang unang naging kaibigan ko.
Kumunot ang noo ko isang araw when Homer tapped his shoulder. Nandito kasi kami ngayon sa burol kung saan madalas kaming mag picnic dati.
I heard him tsked bago marahang hinila ang ulo ko papunta sa balikat niya.
"You can cry on my shoulder," iyan ang sabi niya. At dahil sobrang nangulila ako kay Hendrix ay hindi ko na pinigilan ang sarili ko na umiyak.
Akala ko wala ng mas sasakit sa ginawa sa akin ni Henrik dati, meron pa pala. Bakit kasi ang bait ni Hendrix sa akin iyan tuloy namimiss ko siya ng sobra.
"Magpaalam ka na kay Lolo mo, ha? Bukas na tayo aalis," pagpapaalala ni Homer sa akin sa lakad namin bukas.
Napag-usapan kasi naming mag woworking student ako para may pangtustos ako sa pag-aaral ko. Ipapatigil ko na rin kasi si Lolo sa pagtrabaho sa bukid dahil naaawa na ako sa kanya, ang tanda niya na kasi. Magpapadala na lang ako sa kanya kada buwan.
Plano kong mamasukan sa Jollibee o di kaya ay sa Mcdo bilang crew pero mapilit si Homer at Hendrix na hindi ko raw kailangan mamasukan bilang crew dahil baka hindi ko raw kaya ang shifting. Gusto ng dalawa na sa bahay nila Homer ako mamasukan bilang isa sa mga kasambahay nila.
Ayon, wala akong nagawa kundi ang pumayag sa alok nila dahil malaki ang sahod at kinausap din ako ng nanay ni Homer, nangagailangan din sila ng kasambahay.
Kinabukasan, gaya ng napag-usapan namin ay tumungo na kami sa Iligan. Although Limunsudan, Rogongon is still part of Iligan medyo malayo ito sa talagang City, mga 20-30 minutes siguro ang byahe.
"Ito ang magiging kwarto mo," sabi sa akin ni Homer.
Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto, this is not a maids quarter I know. Dahil may sarili itong kama, cabinet, at saka medyo maluwag din ito.
Tumingin ako kay Homer. "Ayos lang naman sa akin kahit sa maid's quarter na lang ako. Nakakahiya naman sa mommy mo," sabi ko sa kanya.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Ano ka ba, idea ito ni mommy. Hindi ka lang naman kasambahay rito, superfriend mo ang pinsan ko tapos ako.. Uhm, I can be the substitute of Hendrix, you know bestfriend thingy," sabi niya pa.
Bumuntong hininga na lang ako. Wala rin naman akong nagawa sa huli dahil ito rin ang gusto ng mommy niya. Tumawag pa si Hendrix sa akin, I should listen to Homer daw. Siya daw substitute niya. Ewan ko ba sa kalokohan ng magpinsan.
"Hi, I'm Samantha. What's your name?" a girl with reboded hair approached me.
"Penny Rayana," I answered.
1st day of class ko ngayon and si Samantha pa lang ang una kong naging kaibigan. But I didn't know na kaya pala niya ako kinaibigan ay dahil kay Homer. Nagtanong na kasi siya sa akin tungkol kay Homer matapos kong magpakilala. She's pretty naman, kaya lang ang daldal niya.
Hindi lang siya ang nagtatanong sa akin tungkol kay Homer, marami pang iba. At sa loob ng isang buwan, ang dami ko ng naging kaibigan dahil kay Homer. I didn't know that he's quite famous in our College. Maski sa department namin sa HRM ay sikat siya. So ang lahat ay naintriga dahil halos sabay kaming pumasok sa University at umuwi nitong si Homer. Sabay rin kami ng lunch. Well, halos pareho kasi ang time schedule namin kaya madalas kaming magkasama na dalawa.
"Penny, how's your grandfather? You've visited him yesterday, right?" it's Tito Armando, Homer's father.
Yes, Tito, iyan kasi ang gusto nilang itawag ko sa kanya, Tita naman sa mommy ni Homer. They accepted me like I was part of their family. Sabay rin pala akong kumakain sa kanila.
Kung trabaho naman ang pag-uusapan, syempre hindi naman ako Prinsesa rito kaya kumikilos din ako. Ako ang tagaluto tuwing umaga, at taga dilig ng halaman sa Garden.
"Ayos naman po siya. Masigla pa rin po si Lolo. Iyon nga lang po namimiss niya talaga ako," I said honestly.
"Malapit na ang PALAKASAN niyo di ba? Why don't you go home and stay for a week? What do you think?" it's Homer's mom who's talking.
It's a good idea so I agreed to it.
"Can I go with ate Penny, mom? We're in the same school naman, IDS will also be part of the PALAKASAN. I wanna visit Lolo Kardeng and grandpa also," it's Margaux, Homer's sister.
Their parents agreed. Homer wanted to come with us but his parents didn't allow him dahil gusto nila mag focus si Homer sa Thesis Proposal nito. He's already 3rd year, nag t-thesis na sila. Pag 4th year niya kasi, OJT na siya kaya dapat matapos niya ang Proposal niya so he could proceed to his final paper then have his OJT para hindi madelay ang graduation niya.
After a year, I never thought that I could survived in IIT. It was really a tough battle, but thanks to my substitute superfriend A.k.a boy-bestfriend Homer, my first year in college was so smooth.
We study often kasi, he would also tutor me in some of my subjects, especially math. Although Homer became so busy lately, he always finds time to be with me, to have our tutorials. He would also helped me in my research even if he's busy with his own thesis. Basta, whenever I needed him, he was always there. That way we became so close to each other.
"Are you going to sleep?" he asked me as he enter my room.
Katatapos ko lang sa paggawa ng project ko sa History nang pumasok siya.
Tumango ako then started keeping my things.
Tumingin ako sa relo ko, it's almost 12 midnight na pala.
"Ahh... So relaxing," sabi niya nang tumihaya siya sa bigla sa kama ko.
I crossed my arms then stared at him.
"What?" tanong niya pa.
"Anong what-what ka diyan. Bumalik ka na sa kwarto mo at matutulog na ako," sabi ko sa kanya.
Umupo naman siya sa kama ko then he pulled me so I could sit beside him.
Anong drama na naman ba ng dela Condeng ito?
"I had a nightmare."
Pinakatitigan ko siya.
"So?"
"I can't sleep," he said.
I chuckled. "Well Mr. Homer Vaughan dela Conde, I can sleep so umalis ka na rito, pwede ba," sabi ko sabay tulak sa kanya paalis sa kama ko pero siyang humiga. Pumwesto pa siyang talaga sa kama ko sabay kumot sa sarili niya.
Hinila ko naman ang kumot.
Bakit ba binubwesit na naman niya ako?
Pakialam ko ba kung binabangungot siya?
"I'm scared, Rayana. I need someone to sleep beside me so I could sleep comfortably," he said.
I made a face. Anong palusot iyan?
Oh, I forgot. He's not calling me Duday anymore, ang bantot daw kasi so he's calling me Rayana and he's the only person who's calling me that way.
"Then go to Margaux' room. Let her accompany you," I suggested but he just shook his head then closed his eyes.
I heaved a sigh.
"Homer," tawag ko.
"Ayaw ko kay Margaux. May katelebabad na naman iyon, lalong hindi ako makakatulog," paliwanag niya sa akin.
Gusto ko siyang sakalin sa kaartehan niya.
"Then let Penny accompany you," I suggested again.
Penny is his dog. He named the dog after me. His revenge daw.
Ngumiti naman siya sa akin pagkatapos ay naupo ulit siya sa kama. Tumayo siyang bigla at umalis sa kama ko. Akala ko'y aalis na talaga siya ng tuluyan pero pinatay niya lang ang ilaw tapos bumalik muli sa kama. Tinulak pa niya ako papunta sa gilid ng kama ko tapos naramdaman ko na siyang humiga.
Kinurot ko siya. Napadaing naman siya.
"Homer, pwede ba. Hindi ka nakakatuwa," sabi ko.
"You told me to be with Penny," he said.
Kahit madilim ang kwarto ay nakita ko siyang ngumisi sa akin.
"I'm referring to your dog, you dimwit!"
Humalakhak siya tapos hinila ako pahiga sa kama. Even in dark I can see the amusement in his eyes. "Well, you're the Penny that I want to be with tonight. You can't do anything about it, it's a request from the son of your employer," sabi niya pa.
Wow ha.
"Pag ito nalaman ng mommy at daddy mo humanda ka talaga," sabi ko.
"They won't know, unless you tell them. Let's sleep, I'm so sleepy. Good night, Rayana," he said before kissing my forehead, just like he always do after niya akong ihatid sa classroom ko o kung aalis siya. Nasanay na ako. He's really a sweek kind of bestfriend. Wala namang malisya iyon, we're friends.
Napailing na lang ako sa kanya at tinalikuran siya. This is not the first time na tumabi siya sa akin sa pagtulog because when he's busy doing his school papers in my room ay dito siya natulog.
Nang nag-umaga na ay nagising ako na wala na si Homer sa tabi ko. It's 5:30 in the morning, I think lumipat na siya sa kwarto niya.
Matapos kong maghilamos at magmumog ay bumaba na ako sa kusina para makapagluto ng breakfast para sa lahat.
Kung tutuusin ay napakaswerte ko na dahil kahit na working student ako ay parang pamilya ang turing nila sa akin.
"Hmm.. Good morning."
Halos mapatalon ako sa gulat habang nagpiprito ng hotdog nang may brasong biglang pumulupot sa baywang ko. It's just Homer. Siniko ko siya at hinarap.
"Oh, sorry. I thought it was mom who's cooking," sabi niya pa bago kumuha ng tasa.
Pinandilatan ko siya ng mata kaya natawa siya. As if naman na bibilhin ko ang sinabi niya.
"Madalas ko naman iyang ginagawa, para ka namang just now. Miss, yong hotdog sunog na."
Napairap na lang ako sa ere. He's always like this. Kapag ka maaga siyang nagigising tapos maabutan niya akong nagluluto ay yayakap siya patalikod tapos babati ng good morning at ang palaging palusot niya ay" I thought it was mom who's cooking." tsk.
Wala kasi siyang girlfriend ngayon kaya ako ang nakita niyang bwesitin araw-araw. Actually matagal na siyang walang karelasyon. He's focus on his study and sabi niya may hinihintay raw siya. Ewan ko kung sino. Pero kung sino man siya, she's lucky dahil mabait at sweet si Homer.
July 30, it's Homer's 20th birthday. Most of his friends were invited, and of course the dela Conde twins are also here to celebrate his birthday. His parents just throw him a small party dahil ayaw niya ng bongga.
Kwentohan naman kami ni Hendrix habang nasa party. Ganon pa rin siya, masayahin. Pero grabe tumangkad siya, hanggang balikat niya lang ako at well mas pumugi siya sa blonde hair niya. Mas madali ng malaman kung sino sa kanila si Henrik o Hendrix dahil sa kulay ng buhok.
Almost 11 na na nang magsiuwian ang lahat, maliban sa kambal dahil dito sila matutulog sa bahay nila Homer. After two days babalik din sila ng Switzerland, umabsent lang kasi ang dalawang iyan.
"Everyone has already given their gifts to me. Nasan ang gift ko?" Homer asked me habang nakaupo kami sa Bermuda grass sa garden nila.
I have a special gift for him, dalawa siya actually. But I'm not sure if magugustuhan niya ang isa. Kinakabahan ako.
"Promise me na hindi mo pagtatawanan ang gift ko?"
He smiled at me, c*****g his head to the left.
"I will accept anything, as long as sayo galing. Sige na akin na."
Hindi naman halatang excited siya noh? Atat na atat.
So gave him the small box.
I hope he will like it.
Binuksan niya then ngumiti pa siya.
He likes it!
My gift is a braided leather bracelet, which I braided it myself.
He was so happy that he asked me na isuot ko na ito sa kanya. Nagkatitigan kami then he said thank you and asked me about the other gift, because I already told him yesterday that I have 2 gifts for him.
I know I am not in the position to call myself expert. I was never expert when it comes to this, handling my emotions. I may not be aware of how really love goes on to people, but I am so certain of one thing, that I, Penny Rayana Lopez, already fell inlove to the man in front of me, Homer.
He looked at me, smiling, as if he's waiting for me to give him the 2nd gift.
I pressed my lips into thin line when my heart started pumping so loud. I do not know when did it start but whenever he's near, my heart would always cheer for him.
"Rayana?" he calls for my name when I didn't say a word.
I took a deep breath then awkwardly smiled at him. I closed my eyes and throw myself towards him and gives him my second gift, my first kiss.
"Happy Birthday, Homer," I said shyly. Surely my face is already red now!
Homer didn't move or even blink.
Did I just cross the line?
Oh, isn't it obvious?
I was so embarrassed on what I did kaya tumayo na ako but to my horror Homer also stands then grabbed me by the arm.
We meet each others gaze, then I saw him smiling at me as he run his thumb to my mouth, touching my lips before he started claiming it.
Hindi ako nakapalag. Napakurap ako habang marahan niya akong hinahalikan.
His arms are slowly claiming my body as if it's already part of his. And because his kisses were like alcohololic drink, I got drunk, and started responding to his gentle kiss like I am an expert of this art.
"I love you," he said, breaking our kiss.
Parang tumalon yata ang puso ko sa sinabi niya.
Niyakap niya ako nang mahigpit.
"Don't worry, we'll keep your promise to your Lolo Kardeng. I'll wait for you to turn 18," he whispers then kissed my head after.
Napangiti ako.
We only have 1 year left before we finally become official.
To be continued....