Kakatapos lang ako pakainin ni Kale. Pikon na pikon ako sa kaniya kanina. Pinaglaruan ako ng gago, sarap sipain. Inuto ba namang akong susuboan tas hindi naman itutuloy. Pasalamat talaga siya di ko magalaw braso ko.
"Sama ng tingin mo ah, iwan kaya kita dito." Pagtutukso niya habang nakangisi. May kinakalikot siya med kit na kung ano. Ewan ko sa abnoy na 'to.
"Ulol." Sagot ko.
"Kingina mo 'pag talaga idiin mo yan. Magtago ka na kapag gumaling ako." Pagbabanta ko nang sinimulan niya nang linisin ang sugat ko.
"Sus, manhid mo nga eh." Sagot niya.
I held my breath while he's opening the bandage. Gago seryoso, sobrang sakit talaga. Makita ko lang ulit ang gunggong na magnanakaw na yun. Putangina, puputolin ko talaga braso niya.
"Pikit ka lang, mabilis lang 'to." Saad niya.
I opened my eyes and watch him do his thing. Kumalma naman ako nang makitang ingat na ingat niya namang nililinis. Natakot ba siyang huntingin ko. Hahaha!
Woah! Ang gaan ng kamay niya ha. Sa bagay, family of doctors sila eh.
"Sabi sayo eh, mabilis lang—." Nag-angat siya ng tingin at natigilan nang makita ako nang malapit. Umatras ang gago, kita ko pa namula yung tenga niya. Anong kaabnoyan na naman ginagawa nito?
"Ehem!" Tikhim niya at tumayo sa swivel chair.
"Ginagawa mo?" Natatawang tanong ko. Parang tanga naman 'to, hindi na kumikisap.
"Hoy! Okay ka lang?" Tawag ko pa ulit.
"Ha? Oo, okay lang. Rest well and have a good night. Tawagin mo na lang ako if may kailangan ka." Sabi niya habang dali-daling nililigpit ang mga gamit.
"Okay." Sagot ko habang pinapanood siyang nagmamadali.
Walang lingon-lingong naglakad siya palabas ng room. Gago, ano kaya nangyari 'bat biglang nagkaganun yun?
I counted sheeps para makatulog nang mas mabilis. May kababalaghan pa naman daw sa room na 'to. Hindi naman sa takot ako, ayoko lang makaranas ng horror. Mas mabuti pang makipagsuntokan.
A strange noise woke me up from my peaceful sleep. Nag-inat ako at bumaba ng higaan para tignan kung saan nanggaling ang ingay.
Habang papalapit ng pinto, mas nagiging klaro ang ingay. Parang batang umiiyak.
I opened the door at nanghina sa nakita. My five year old self crying on the floor while watching my sister getting beaten by big men.
"Ate! Please don't hurt my sister, mister! Isusumbong ko kayo kay Dad!" Pagmamakaawa ng batang ako sa apat na taong bumubogbog sa ate ko.
Gustohin ko mang patayin ang apat na hayop na nasa harap ko pero hindi ko man lang magalaw ang kamay ko. I tried my best to walk a step pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.
"You f*****g bastards! Ako ang harapan niyo, mga wala kayong awang mga hayop kayo!" Sigaw ko habang sinusubokang gumalaw. f**k, yung ate ko!
"Tama na po, please!" Sigaw ng batang Aqua habang sinusubokang pigilan ang lalaki sa pagsipa kay ate. The bastard didn't stop, instead he turned over and kicked the child. Tumilapon ang kawawang bata at nabagok ang ulo sa pader.
Shock and terror suddenly appeared in my mind. I've been in this situation.
"No! Please don't hurt my sister. Patayin niyo na lang ako basta huwag niyo galawin si Aqua." Hirap na pagmamakaawa ng ate ko. Puno ng sugat, dugo, at pasa ang katawan.
Napahagulgol ako dahil sa narinig at nakikita. Nawalan ako ng lakas sa kakapiglas at ang tanging nagawa ko lang ay panoorin si ate na naghihirap sa kamay ng mga hayop.
"Mga hayop kayo! Tigilan niyo na ang ate ko, please!" Pagmamakaawa ko.
"Ako na lang ang harapin niyo, mga demonyo kayo!" Sigaw ko ulit, umaasang marinig nila ako.
"Ate aura?" Natigilan ako nang makitang tumigil ang mga lalaki sa pagbugbog kay ate.
She's... She's not moving. No!
"Ate aura! Please hang in there! Padating na sina Dad, ate!" I yelled between sobbing.
"Ate!" The five year old me shouted while crawling it's way to Ate.
Wala akong silbi! Nasa harap ko na si ate pero wala man lang akong nagawa. I'm sorry... I'm sorry, ate Aura.
"I'm sorry, ate Aura." Saad ko habang nakatayo at walang magawa.
I heard a familiar voice calling my name inside my mind.
"Aqua!" A man shouted.
"Ate Aura, please wake up!" I shouted once again. Hoping to see her open her eyes. Kahit alam ko na ang susunod na mangyayari.
"Aqua!"
Everytime I'm coming back on this scene. I'm hoping to see my ate woke up and smile at me like how she always do.
"Aqua! Please wake up! You're only having a nightmare!" The voice inside my mind yelled.
A nightmare?
"Ate aura!" I yelled as I open my eyes and saw Kale beside me. Hindi ko namalayang napaupo pala ako. Hindi ko man lang na-feel ang sugat ko.
"Kale, si Ate..." I said bago humagulgol ulit sa iyak.
"It's just a nightmare. It's okay, nandito lang ako sa tabi mo. Everything's fine, okay?" He said, hugging me while caressing my hair to comfort me.
I don't have the strength to answer. Nabasa na ang damit ni Kale dahil sa kakaiyak ko.
Ate ko yun eh... She's the person I adore the most. She's an angel shaped as my sister. The kindest and purest person I've ever met in my entire life. Siguro kapag kasama ko pa din siya ngayon, hindi ako magiging ganito.
"Shush... Tahan na. Ate aura hates to see you cry, remember? Your sister's already happy wherever she is right now watching you." Kale said. My heart ached, remembering Ate's words. I hugged Kale tighter as Ate's smiling face flashes through my mind.
"I miss her so much." I said between sobbing.
"I know, tahan na. I'm sure, ate Aura's not happy right now while watching you." He said at humiwalay ng yakap. He wiped my tears using his thumbs and smiled.
"You should get back to rest, I'll be by your side and watch you sleep." Saad niya at tinulungan akong humiga. He held my face and kissed my forehead.
"Close your eyes, Aqua. Nandito ako sa tabi mo." He said while holding my hand.