TRITON'S P.O.V
"Ganda ng gising natin, boss ah!" Bungad ni Klen pagkapasok ko ng gate. Dito palagi nakaabang ang grupo ko habang naghihintay sakin.
"Oo naman at dahil diyan, ililibre ko kayo mamayang dismissal!" Saad ko na ikinahiyaw nila. Mga patay gutom talaga 'tong grupo ko.
Sabay kaming pumasok ng building. They dropped me off dahil nasa third floor pa ang room nila. Mine is on the second floor.
Pumasok ako ng room at agad na hinahanap ng patingin ang pinakamagandang babae. I smiled when I saw her casually reading a book. Natamaan na naman ang puso ko.
Standing here, she looks a like a princess with her long black and shiny hair. Natatamaan ng araw ang balat niya habang nagbabasa. She looks like an angel, my one and only.
I tapped myself, getting my s**t back together and walked through my desk. Lumingon ako and noticed that Aqua's desk is empty. I should ask her friends later. She's been ignoring my calls since last night!
Between classes, I got the chance to talk to her friends.
"Bakit wala si Aqua?" I asked. They all looked at me and looked at each other.
"We don't know, why would you ask?" Tanong din ang sagot ni Xia.
"Her phone's unattended since last night. Nakausap niyo ba siya?" I asked once again.
"Hindi nga din siya namin ma-contact. Kayo ang magkasama kagabi, hindi ba?" Krisha asked.
"Yeah, I was worried kasi nagpaulan siya kagabi." Saad ko. May sugat pa naman ang tangang yun.
"Omg ka ha! Baka iba na yan ha." Tukso ni Xia. Ang pangit talaga ng bibig ng babaeng 'to.
"Baka kasi ako sisihin? Tch!" Asik ko at bumalik sa desk ko. Mga walang kwenta kausapan katulad ng isang kaibigan nila.
Buti na lang may magandang anghel sa gilid ko. I sighed while admiring my princess whose reading peacefully. I'm wondering how could she read like that amidst of this chaos.
"Manahimik nga kayo!" Sigaw ko sa mga kaklase kong kulang sa aruga. Mga inutil, ang aga-aga ang iingay ng bunganga. Nagbabasa ang princess ko eh.
I lost my smile nang nahuli kong nakatingin sakin si Gio ng seryoso. Problema ng gagong 'to?!
***
Napalingon ako nang may sumigaw ng pangalan ko habang naglalakad sa hallway.
"Triton!" Sigaw ni Krisha. Magkasama silang tatlo, mga kaibigan ni Aqua. Complete package yung grupo nila. May chismosa, laitera, tanga, at tomboy.
I stopped walking at nilagay ang kamay sa bulsa. I waited until makarating sila sa kintatayuan ko.
"Tumawag na ang bebe loves mo." She said that made me excited and feel at ease at the same time.
"Ano? Is she alright?!" I asked.
"Kalmahan mo lang, buhay pa naman ang bebe loves mo. Nagpapagaling kasi may lagnat." Saad niya.
"Where is she? Nasa bahay ba nila?I should pay her a visit later. " Tanong ko ulit. f**k, yung sugat niya.
"Naku! Wag na, hindi ka naman makakapasok dun." Sagot niya. What does she mean?
"Anong hindi makakapasok? They're our family's friends."
"Wala naman siya sa bahay nila, tanga! You know naman diba." Saad niya. Damn, oo nga pala. Plus, kapag nakita pa nila ang hiwa sa balikat niya.
"So where the hell is she?"
"Secret, hindi ka nga makakapasok dun sabi." Epal ni Xia.
"Saan nga, just tell me. Hindi naman ako mamimilit kung hindi ako makakapasok." Pamimilit ko. I just want if she's in a good place.
"Kale's taking care of her sa bahay nila. Oh diba, you can't relate." Pagtataray ni Xia. Ano namang pake ko? Tsk...
AQUA'S P.O.V
"Aqua..." I heard Kale's voice, waking me up.
I moaned, "Ano ba yan! Istorbo, inaantok pa ko eh." Asik ko at napangiwi dahil nagalaw ko ang braso ko. Sakit, namamaga pa din.
"Don't move too much. Nandito na mga kaibigan mo." He said. I immediately opened my eyes at hinanap sila.
"Omg ka! Grabe pamamaga ng braso mo oh." Saad ni Xia. Naiiyak ang mga gaga.
"W-what happened? Bakit ang lala ng braso mo?" Tanong ni Maureen na tumutulo ang luha.
"Stop it, okay lang ako. Malayo sa bituka 'to." I said.
"Eh ano naman kung malayo?! Gusto mo bang ilipat ko ang bituka mo sa dibdib para mas malapit?! Mag-ingat ka kasi!" Pagdadabog ni Krish. Para silang mga iyaking bata sa gilid ko. Pumunta lang ba sila dito para mag-ingay?
Nagkatinginan kami ni Kale at natawa.
"Anong nakakatawa?! Pagbuholin ko kayong dalawa eh." Asik ni Xia.
"Tama na nga yan, mas lalo akong di gagaling kung di kayo tatahan." Saad ko na ikinatigil nila kakahagulgol. Kung makaiyak parang nasa lamay ah.
"Dito ba kayo magdi-dinner?" Tanong ni kale.
"Hindi na siguro, hindi kami nakapaalam eh." Sagot ni Maureen.
"Binisita lang talaga namin si Aqua." Sagot naman ni Xia.
"Okay, iwan ko muna kayo." He said and left the room.
"May dala kaming foods, let's eat!" Maureen said. Wow, grabeng mood switch 'yan. Basta pagkain talaga 'tong tatlong 'to. Nagsipag-unahan sila sa pagbukas ng dala at pinalibutan ako.
"Say ah!"
"You should try this! Sabi ni mommy, good for people daw 'to na may sakit."
"Favorite mo oh."
"Wait, isa-isa lang. Gusto niyo ba ko mabulonan?!" Asik ko nang isubsob na nila ang mga dalang pagkain sakin. Hindi pa naman ako makagalaw nang maigi.
"Miss ka na ng bebe loves mo. Gusto ka pang puntahan eh." Saad ni Krisha na walang tigil kakakain habang sinusuboan din ako ng kahit ano.
"Anong bebe loves, ang panghit." Reklamo ko. Tangina, anong bebe loves? Sino na naman nagpauso niyan?
"Magpagaling ka ng mabuti ha, tryout na sa friday." Xia said. Oo nga pala, I decided to join para hindi na ko mag-take ng exam sa physical education.
"Of course, wala ba kayong tiwala sakin? Pwede na nga akong pumasok bukas."
"Eh kung pilayin na lang kaya kita?" Pagtataray ni Xia.
"Teka lang naman, shuta. Isa-isa lang sa pagsubo, maawa naman kayo." Asik ko. Tumawa lang ang mga peste, parang sinasadya ah.
7:30 pm na nang matapos silang magdaldalan sa tabi ko at pumasok si Kale ng room.
"Wow, alagang-alaga ah."
"Hands-on husband ang peg ni bakla oh."
"Stop, nakakakilig!"
Tili ng tatlo nang makitang pumasok si kale na nakasuot pa ng apron at may tinutulak na tray. Kung makakalagaw lang ako ng maayos, baka nabuhol ko na 'tong tatlo.
He chuckled, "Hindi pa pala kayo tapos kaka-chismis? Aqua needs to take her meds already."
"Tapos na mister, bebe time na kayo ng misis mo." Xia said habang yung dalawa parang baliw na nangingisay sa kilig. Napapikit ako dahil sa stress.
"'Kay, fine! Alis na kami, baka nakakaistorbo na kami dito."
"Alagaan mo nang mabuti 'yang misis mo, Kale ha!"
"Bye, bye! Get well soon, Aqua!"
The three said before leaving. Mga loka-loka talaga.