Linggo ng umaga, nagising ako na wala na sa aking tabi ang aking iniirog na asawa.
Nasaan kaya ang aking sinisintang si Dareious?
Marahil nasa kusina lang iyon at naghahanda ng almusal.
Pupuntahan ko na lamang siya sa roon at ng aking matulungan.
Dinaanan ko muna ang kwarto ng aking minamahal at nag-iisang anak na dalaga.
Kumatok muna ako sa kanyang kwarto ngunit tahimikan lamang ang sumagot sa akin.
"Berenice? Berenice, anak? Pagbuksan mo ng pinto ang mommy Athanasia mo," malambing na utos ko sa anak ko habang patuloy na kumakatok.
Ngunit walang tinig na sumagot.
Baka mahimbing pang natutulog ang aking anak kaya hindi siya sumasagot.
Di bale tutungo na lamang ako sa kusina upang matulungan ang aking asawa sa pagluluto.
Sabik na sabik akong naglakad papuntang kusina.
Nakaguhit ang malawak na ngiti sa aking mga labi.
Ngunit nabura ito ng nakita kong walang tao sa kusina at walang bakas ni Dareious.
Wala ring sinaing na kanin at nilutong ulam.
Nakakapagtataka bakit wala siya sa kusina at hindi siya nakapaghanda ng almusal.
Nakapagtataka sapagkat araw-araw na siya nagsasaing ng kanin at nagluluto ng pritong ulam tuwing umaga ngunit ngayong araw ay hindi siya maagilap.
Baka nasa sa hardin lamang siya at nagkakape.
Pinuntahan ko siya sa hardin ngunit kahit anino niya ay wala.
Katabi ng hardin ay ang garahe kaya napansin ko agad na wala doon ang aming puting kotse.
Saan kaya nagtungo ng kay aga ang aking sinisintang asawa?
Dismayado akong pumasok muli sa loob ng bahay.
Halos mabingi ang aking mga tenga sa katahimikan ng aming tahanan.
Ako na lamang nagsaing at nagluto.
Nang matapos ko ng mahanda ang aming almusal ay tinawag ko ang aking anak.
"Berenice! Berenice! Berenice! Mag-almusal ka na dito!" tawag ko sa anak ko habang naglalagay ng mga kubyertos sa lamesa.
Ngunit walang Berenice na tumugon.
Bakit hindi sumagot ang anak ko?
Natutulog pa rin ba siya?
Napagdesisyonan kong katukin na lang muli ang pintuan ng kwarto niya.
Ilang beses akong kumatok ngunit wala pa ring sumasagot.
Kumuha ako ng duplicate na susi ng kwarto niya upang ako na mismo ang magbukas ng kwarto niya at upang magising na siya.
Nang nakuha ko na ang susi at mabuksan ito, biglang nanlamig ang aking katawan at lumakas ang kabog ng aking dibdib sapagkat walang Berenice na natutulog sa loob ng kwarto.
Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili.
Baka umalis lamang siya kasama ng kanyang ama.
Ngunit bakit ang aga-aga nilang nawala sa bahay?
Atsaka bakit hindi man lang nila ginising upang magpaalam.
Nakapagbuntong hininga na lamang ako.
Pasado alas nuebe na at walang bakas nilang dalawa.
Isang oras na akong nakaupo sa harap ng hapag-kainan habang nakatitig sa mga pagkaing lumamig na sa kakahintay sa pagdating ng aking mag-ama.
Niligpit at tinabi ko na lamang ang mga ito dahil nawalan na akong ng habang kumain.
Nasaan kaya sila at bakit sila natagalan.
Naramdaman ko ang kirot sa aking puso.
Bakit sila umalis ng walang paalam at kay tumagal pang bumalik.
Dinesmaya nila ako sa mismong araw ng aking kaarawan.
Hindi naman sila ganito noon.
Alas-singko pa nga ng umaga ay ginigising na ako nila ng halik at kinakantahan pa nila ng 'Happy Birthday' kahit pareho naman silang suntenado.
Nakapagbuntong hininga na lamang ako at bumalik na lamang ako sa kwarto upang itulog ang aking kalungkutan.
Nang nakapasok na ako sa loob ng aking kwarto, napansin ko ang aking cellphone na halos malalag na sa mesa sa kavibibrate nito.
Kinuha ko ito at napangiti naman ako ng nakita ko ang 'Daddy' sa screen.
Tumatawag ang aking asawa at agad itong sinagot.
Ngunit nawala muli ang aking mga ngiti nang ibang boses na narinig ko sa linya.
"Hello po, kayo po ba ang asawa ng may-ari ng cellphone na ito?" tanong ng hindi pamilyar na boses.
"Opo, bakit po?" magalang sagot ko naman.
"Napupulot ko kasi cellphone niya, mabuti na lamang po walang password kaya natawagan ko po kayo," sabi niya.
"Buti na lang po kayo ang nakapulot ng cellphone niya at hindi masama ng tao. Nasaan po ba kayo? Pupuntahan ko kayo upang makuha ang cellphone ng asawa ko," tugon ko.
"Nasa Saint Timothy Hospital po ako at nandito rin po ang mag-ama niyo po," malungkot na balita niya.
Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko sa pisngi ko at halos mabingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko.
Lumamig ang boung katawan ko at nanginginig ang tuhod ko.
Pinilit ko pa ring maging kalmado kahit sobra ko ng kabado.
"Ba-ba-kit si-si-la na-na-sa o-o-ospital?" nauutal kong tanong.
"Pinagbabaril po sila ng mga di nakilalang mga kalalakihan nang lumabas sila sa August's Birthday Treat Shop," ulat niya.
Hindi ko na mapigilan ang aking mga luha sa pagragasa dahil sa matinding emosyon.
"Si-sige pupunta na ako," tanging sagot ko at pinutol ang tawag.
Nakapajama lamang akong sumakay ng tricycle upang sumugod sa ospital.
Sumalubong sa akin ang isang lalaking may hawak ng cellphone ng asawa ko.
Puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata.
"Na-na-na-sa-sa-saan a-a-ang ma-ma-mag-a-a-ama ko-o-o?" putol-putol na tanong ko habang pinipigilan ang paghagulhol sa harapan niya.
"Nasa morgue na sila, wala na po sila," malungkot na sagot niya.
"Hi-hi-hindi," tanging sagot ko at bumuhos ang mga luha ko.
"Pasensya na po, nakikiramay po ako," sabi niya.
Hindi na ako sumagot at nagmadali akong pumunta sa morgue at doon nasilayan ko ang malamig na bangkay ng mag-ama ko.
Niyakap ko ang asawa at anak ko at humagulhol sa pag-iyak.
Bakit sa mismong kaarawan ko pa?
Bakit hindi man lang kayo nagpaalam sa akin?
Paano na ko maididiwang ng aking kaarawan kung ito rin ang raw ng inyong kamatayan?
Lumabas lamang ako ng morgue nang dumating ang mga pulis upang mag-imbestiga.
"Ma'am nalulungkot kami sa sinapit ng mag-ama niyo. Kami po ay nakikiramay. Ayon sa mga testigo, kakalabas lamang ni Mr. Dareious West at Ms. Berenice West sa August's Birthday Treats Shop nang pagbabarilin sila ng isang grupo ng mga kalalakihan na nakasakay sa isang itim na van. Walang nakakakilala sa mga suspek sapagkat nakasuot lahat sila ng mga itim na bonet. Walang awang pinagbabaril ang mag-ama. Nakakaawa ang asawa niyong nakahandusay na pero hawak-hawak pa rin ang biniling birthday cake para sayo inyo habang hindi binatawan ng anak niyong dalaga ang balloons. Mukhang planado ang pagpatay sa mga biktima. May nakaalitan po ba kayo na maaring gumawa nito sa mismong kaarawan niyo?" sabi ng binatang pulis.
"Wa-wa-wa-la-la-la po-o-o," tanging sagot at tuluyan na akong nilamon ng emosyon.
"Ma'am ulit kaming nakikiramay sa inyo, wag kayong mag-alala gagawin naman ang lahat ng makakaya namin upang managot ang may sala," sabi niya.
"Athanasia!" tawag sa akin ni Kuya Priam habang tumatakbo papunta sa akin.
"Kuyaaaaaa!!!" para akong batang umiiyak na sumugod at yumakap sa aking nakakatandang kapatid.
Binuhos ko lahat ng luha ko habang yakap-yakap ang aking kapatid.
"Iwanan niyo muna kami Officer del Mundo," sabi ni Kuya Priam sa mga pulis.
Tumango naman si Officer del Mundo, ang binatang pulis na kumuusap sa akin kanina.
Umalis ang mga pulis at naiwan kami ni Kuya Priam sa labas ng morgue.
"Tama na ang pag-iyak Athanasia, wala na ang mga pulis, ngumiti ka na dahil napaghigante na rin tayo sa malandi mong asawa at makati mong anak-anakan. Happy 40th birthday Athanasia," nakangiting sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko mula sa pekeng pagdadalamhati ko.
"Thank you kuya Priam for the most beautiful birthday gift," masayang sabi ko.
"Masyadong abusado na ang asawa at ang ampon mo kaya kailangan na nilang mawala sa mismong kaarawan mo," masayang sabi ni Kuya Priam.
Mahigit sampung taon na ang nakakalipas nang nadawit kami isang aksidente ni Dareious. Nakabangga kami ng isang itim na kotse. Sakay ng itim na kotse si Berenice at ang mga magulang niya. Naulila si Berenice dahil sa aksidenteng iyon.
Naawa at nakonsensya kami kaya inampon namin si Berenice upang hindi na magsampa ng kaso ang mga kamag-anak niya. Trinato kong anak ang batang iyon ngunit nang nagdalaga na siya ay unti-unti niyang inaakit ang asawa ko. Maganda at maalindog si Berenice kaya pumatol rin ang asawa ko. Ilang beses ko silang naabutan na gumagawa ng milagro sa mismong kwarto naming mag-asawa. Nagtatago na lamang ako at hindi umiimik tuwing nahuhuli ko sila. Ilang taon rin akong nagkibit-balikat at umasang makonsensya silang dalawa ngunit pawang halang kanilang mga bituka.
Narinig ko noong isang araw ang usapin nila para ako ay isusuprisa nila. Masyado akong natuwa sa peace offering nila kaya yun pinapatay ko sila.
Nawala ang aking anak at asawa ko sa mismong kaarawan ko dahil masyado na silang abusado.